Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Salitang Inuulit – Salitang Tambalan

1.Inuulit – salitang ang unang dalawang pantig o buong salitang – ugat ay dalawang beses sinasabi.
Halimbawa:
minu – munuto
pali – paligid
araw – araw
bahay – bahayan
2.Tambalan - ang dalawang salitang pinagsama pinagdurugtong ng gitling ( - ) ay itinuturing na isang
salita lamang.
Halimbawa :
bahay + kubo = bahay – kubo
Hanap + buhay= hanap –buhay
A.Kahunan ang salitang inuulit sa bawat pangungusap.
1. Maagang – maaga pa, gising na si Delia.
2. Ang mga bukas na ilaw ay isa – isa niyang pinata.
3.Dahan – dahan siyang kumilos para hindi magising ang mag –anak.
4. Ang kaldero at bigas ay ingat na ingat niyang hinuhugasan.
5. Maya-maya, nakasalang na ang sinaing.
B. Salungguhitan ang salitang tambalang ginamit sa sumusunod na mga pangungusap.
1. Masarap at malaman ang isdang dalagambukid.
2. Laging malinis ang silid – aralan ng mga magaaral ni Gng. Mercado.
3. Kailangan ng ating katawan ang mga bungangkahoy.
4. Mabait sa mga guro at mag – aaral ang punong – guro sa paaralang ito.
5. Natanaw ng mga bata ang bahaghari matapos umulan.
C. Itala sa wastong hanay ang mga salitang nasa kahon.
bihi – bihira anak – pawis
taos – puso masayang – masaya
bagung – bago ingat – yaman
labas – pasok unti – unti
kagalang – galang agaw – buhay

D.Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A at Hanay B para makabuo ng salitang tambalan.
Hanay A Hanay B
______1. bahay a. kainan
______2. madaling b. mata
______3. Silid c. salakay
______4. kisap d. ampunan
______5. bantay e. araw

II. Tukuyin ang katangian/ ugali ng tauhan bahay sa kanyang Sinabi o ikinilos.Bilugan ang titik ng iyong
sagot.
1.”Ang bigat! Hindi ko kaya ito.”
a.matapang b.mahiyain c. mahina d.mabagal
2.Pinagkaisahan ng ibang kapatid si Hinlalaki.Inihiwalay siya at hindi isinasali sa laro.
a.mapang – api b.mapagbigay c. maramot d. matampuhin
3.”Yehey! Palagi na tayong magkakasama.”
a.masipag b.matulungin c.magalang d.masayahin
4.Hindi nakatias si Hinlalaki na tingnan lamang ang hirap na hirap na kapatid.
a.magalang b.maawain c.masunurin d.maingat
5.Agad sumaklolo ang mga kapatid kay Hinlalato.
a.mapagmahal b.matiyaga c.masunurin d.mapagbigay
Uri ng Pangngalan
May dalawang uri ng pangngalan
1. Pambalana – karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari; nagsisimula sa maliliit na
titik
Halimbawa: kapatid, aso, aklat, ospital, pagdiriwang
2. Pantangi - tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay , pook at pangyayari; nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Ate Menchie, Brownie, Likha, Makati Medical Center, Bagong Taon
A.Kahunan ang pangngalan.Isulat sa patlang ang PB kung pambalana at PT kung pantangi.
______1. Si Dante ay maagang gumising.
______2. Binati niya ng magandang umaga ang kanyang mga magulang.
______3.Siya’y naligo at nagbihis ng kanyang uniporme.
______4.Kumain siyang kasabay ang kanyang Ate Danica.
______5.Inubos niya ang pagkaing kanyang kinuha.
B. Salungguhitan ang pangngalang pambalana at bilugan ang pangngalang pantanging ginagamit sa
pangungusap.
1.Hinimas ni Tomas ang kanyang alagang kabayo.
2.Darating ang pinsan niya sa Bagong Taon.
3.Maganda ang aklat na kanyang natanggap noong Pasko.
4.Namasyal sa Rizal Park ang mag- ina.
5.Matamis ang lansones na galling sa Paete.

URI NG PAMBALANA
TAHAS • Mga pangkaraniwang pangngalang nakikitaat nahahawakan
• Halimbawa: Asin, Kamatis, Manok
BASAL • Mga pangngalang pangkaraniwang di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip,
nagugunita o napapangarap.
• Halimbawa: kaligayahan, karangalan, pag-ibig
LANSAKAN • Pangkaraniwang pangngalan na nagsasaad ng kaisahan sa kabila ng dami o bilang.
• Halimbawa: grupo, komite. Organisasyon

Isulat sa linya kung kongreto, palansak, o di kongkreto ang mga pangngalang may salungguhit. 

_________________1. Ang grupo ng mga guro ay magpupulong sa opisina ng punong-guro.

_________________2. Pinakain ni Telma  ang mga bibe sa likod ng bahay. 

_________________3. Nagpakita ng katapangan si Luis. Iniligtas niya ang maliit na bata na nasa loob ng
nasusunog na bahay. 

_________________4. Tiningnan ng mga hurado ang proyekto ng bawat kalahok sa Science Fair. 

_________________5. Si Noel ay isang masipag na mag-aaral. Ang kasipagan sa pag-aaral ang siyang


tutulong sa kanya upang maging matagumpay sa buhay. 

_________________6. Bumili ng limang basket ng mansanas si Aling Gloria. 

_________________7. Ang kagandahan ng ating kapaligiran ay dapat pangalagaan. 

_________________8. Ang pamayanan ay binubuo ng mga mag-anak. 

_________________9. Gumawa ng mga saranggola ang mga bata. 

_________________10. Ang pagsunod sa mga batas ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. 


Ano ang Panghalip?
Ang panghalip ay ang salitang pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o
kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit". 

URI NG PANGHALIP
1. Panghalip Panao
Ang panghalip na panao (personal pronoun). Ito ay panghalili o pamalit sa ngalan ng tao. Maaari itong
gamitin bilang simuno at tagaganap. Ito ay maaring isahan or maramihan.
Isahan: ikaw, siya, ako
Maramihan: Sila, sina, kayo, tayo, kami
2. Panghalip na Paari
Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.
Isahan: akin, iyo, kanya
Maramihan: kanila, atin, amin, inyo
3. Panghalip na Pananong 
Ang panghalip pananong ay ang tinatawag na interrogative pronoun sa Ingles or English. Ito ay pamamalit
sa pangngalan sa paraang patanong. 
Mga Halimbawa:
Tao: sino
Bagay: ano
Bilang: ilan
Halaga: Magkano
Bagay na Pipiliin: Alin
Sukat: Gaano
Pag-mamayari: Kanino
4.Panghalip Panaklaw
Ito ay ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay ginagamit na pamalit sa mga salitang
sumasaklaw or nagpapahiwating ng pagsakop.
Halimbawa: Lahat, madla, sinuman, alinman
5. Panghalip Pamatlig
Ito ay ginagamit sa mga bagay na itinuturo.
Halimbawa:
Ito, ayun, dito, doon, ganyan, ganoon, dyan
I. Isulat kung ang panghalip na may salungguhit ay PANAO, PAMATLIG, PANAKLAW o PANANONG.
1. Nag-uusap sila sa ilalim ng puno. _________________
2. Doon mo ilagay ang mga lumang gamit. _________________
3. Ang lahat ay inimbitahan sa pulong. _________________
4. Sinuman sa inyo ay mahalaga. _________________
5. Ano-ano ang dadalhin mo sa outing? _________________
6. Tuparin mo ang iyong pangako. _________________
7. Ilang manok ang kailangan mo? _________________
8. Nariyan ang hinahanap mong sapatos. _________________
9. Alin-alin ang magkakapares dito? _________________
10. Mabait ang kanyang lola. _________________
II. Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip na pananong na bubuo sa pangungusap na patanong.
Pumili sa mga panghalip na pananong sa kahon. Higit sa isang beses gagamitin ang mga panghalip na
ito.
sino sinu-sino ano anu-ano kanino nino
alin
1. _____________ ang sumundo sa iyo sa istasyon ng bus?
2. _____________ ang relihiyon ng karamihang Filipino?
3. _____________ galing ang sulat na natanggap mo?
4. _____________ ang mga imbitado sa handaan sa Sabado?
5. Dyaket _____________ itong hawak ko?
6. _____________ ang ginagamit mong sabon na panlaba, ang Surf o ang Tide?
7. _____________ tayo hihingi ng tulong sa paglipat ng mga kagamitan?
8. _____________ ang nagsulat ng kontratang ito?
9. _____________ ang mga gamit na iuuwi natin sa probinsiya?
10. Kotse _____________ ang nakaparada sa labas ng gate natin?
III. A. Punan ng ako, ikaw, o siya ang patlang.
1. Si Myrna ang kaibigan ko. ______ ay mabuting kaibigan.
2. Binuksan ko ang telebisyon. Manonood ______ ng cartoons.
3. Bebot, tinatawag ka ni Nanay. ______ ang uutusan niya na pumunta sa tindahan.
4. Alicia, nariyan na ang sundo mo. Naghihintay ______ sa labas ng silid-aralan natin.
5. Victor, tulungan mo akong maglinis. Ako ang magwawalis at ______ naman ang magbubura ng pisara.
B. Punan ng kami, kayo, o sila ang patlang.
1. Ako at si Kevin ay gigising nang maaga. Magbibisikleta ______ sa parke.
2. Narito na ang mga kaibigan mo. Sasabay ______ sa iyo papunta sa paaralan.
3. Mga bata, nagbibihis pa si April. Umupo muna ______ sa sopa habang hinihintay ninyo siya.
4. Ako at aking mga magulang ay magsisimba. Pupunta ______ sa Simbahan ng Peñafrancia.
5. Abdul, Amir, sa Huwebes na ang palaro. Handa na ba ______ ?

IV. Panuto: Isulat ang tamang panghalip na paari na maaring ipalit sa nakasalungguhit na salita.
___________1. Ang mga bulaklak na ito ay para sa kay Susie, May at ako.
___________2. Ang regalo ay para sa kay Nicolo.
___________3. Ako ay si Lucy. Sa ako ang kuwintas na ito.
___________4. Hindi ko alam na ang hardin na ito ay sa pamilya mo.
___________5. Ikaw si Jason. Sa ikaw iaabot ni ama ang baon ko.
___________6. Sa pamilyang Lopez ang malaking bahay na iyan.
___________7. Ako ang bumili ng damit. Ito ay sa ako.
___________8. Mark, ito ang pagkain ninyo. Itong isa naman ay sa aking grupo.
___________9. Ang mga libro na iyan ay sa kina Ben at Jerry.
___________10. Inay, dito daw sa bahay ko at ni Inay dadalhin ang mga dekorasyon.

V. Isulat ang panghalip na panaklaw sa mga pangungusap.


1. Ang balana ay pumupuri kay Pambansang Kamao. __________________
2. Lahat ay sama-sama sa kaunlaran. __________________
3. Kukunin ko siya anuman ang sabihin nila. __________________
4. Ang tanan ay nagpaparaya sa kanya. __________________
5. Bawat isa ay bumabati sa kanyang pagwawagi sa timpalak-bagsakan. __________________
6. Saan man ako naroroon di kita malilimutan. __________________
7. Pulos paghanga ang naririnig ko para sa iyo. __________________
8. Ang madla ay ibinoto siya bilang Punong Barangay. __________________
9. Ang mga dumating ay pawang mga kilalal sa lipunan. __________________
10. Maging sino man ang makakuha niyan ang swerte. __________________

VI. A. Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip na pamatlig na ito, nito, dito o rito na maaaring gamitin
panghalili sa pariralang may salungguhit.
____________ 1. Sa ibabaw ng mesa ko iniwan ang diksiyonaryo.
____________ 2. Binisita nila ako sa ospital.
____________ 3. Ginagamit ko ang kompyuter ni Rica.
____________ 4. Saan mo inilagay ang sintas ng sapatos ko?
____________ 5. Bawal po manigarilyo sa loob ng sinehan.
B. Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip na pamatlig na iyan, niyan, diyan o riyan na maaaring
gamitin panghalili sa pariralang may salungguhit.
____________ 1. Magkano ang isang kilo ng bigas?
____________ 2. Nabili ko ang mga gamit ng mga bata sa Divisoria.
____________ 3. Ang aklat mo ang ginamit ko kanina.
____________ 4. Nakasampay sa bakuran ang mga kumot.
____________ 5. Maganda ang tela ng damit na napili mo.
C. Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip na pamatlig na iyon, niyon, doon o roon na maaaring
gamitin panghalili sa pariralang may salungguhit.
____________1. Kailangan palitan na ang ilaw sa silid ni Michael.
____________2. Mag-eensayo daw tayo ng sayaw sa loob ng himnasyo.
____________3. Ang unang kabanata ng Noli Me Tangere ang tatalakayin natin.
____________4. Sa harap ng Simbahan ng Quiapo kami magkikita bukas nang alas diyes.
____________5. Mahilig siya magbasa ng mga aklat na gawa ni Rick Riordan.
PELIKULA
 Ang pelikulang Pilipino ay pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at pinakapopular na uri ng
libangan.

URI NG PELIKULA
1. DRAMA: Mga pelikulang nakapukos sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa
damdamin at ginagawa upang paiyakin ang mga manonood.
2. AKSYON: Mga pelikulang nakapukos sa mga bakbakang pisikal. Maaring hango sa tunay na buhay o
pangyayari o kaya naman kathang isip lamang.
3. KOMEDYA: Pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong
pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig.
4. PAG-IBIG: Umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.
5. SCIENCE FICTION: Pelikula na base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig
ng mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.
6. HISTORIKAL: Mga pelikulang base sa tunay na kaganapan sa kasaysayan.
7. EPIKO: Pelikula na nabibigay diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang
tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan.
8. PANTASYA: Nagdadala sa mga manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng
mundo ng mga prinsepe/prinsesa, kwentong-bayan o mga estoryang hango sa mga natutuklasan
ng siyensya.
9. ANIMASYON: Pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit/drawing upang magmukhang
buhay ang mga bagay na walang buhay.
10. KATATAKUTAN: Pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga
manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito.
11. MUSIKAL: Mga komedyang may temang pangromansa. Puno ito ng musika at kantahan.
12. PERIOD: Pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may
diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.

GAWIN MO:
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pelikula ang mga sumusunod na katanungan.

_______________ 1. Nanghihikayat ng pag-antig ng takot sa manunuod.


_______________ 2. Pelikulang may tema ng kantahan.
_______________ 3. Nagdadala sa isang mundo ng imahinasyon na ginaganapan ng prinsipe at prinsesa.
_______________ 4. Ito ay base sa agham na nagpapakita ng mga katotohanan sa mundo.
_______________ 5. Umiikot ang kwento sa romantiko ng mga tauhan.
_______________ 6. Nais ng pelikulang ito ang maaliw at mapatawa ang mga nanunuod.
_______________ 7. Nagpapakita ng mga personal na suliranin na nagpapaiyak sa manunuod.
_______________ 8. Mga pelikulang hango sa mga larawan o drowing.
_______________ 9. Nakapokus ang pelikulang ito sa mga bakbakang pisikal.
_______________ 10. Kwento ng tunay na buhay ng isang tao.
SUGNAY

Ang dalawang lipon ng salitang nakakahon ay pinagdugtong upang magkaroon ng bagong anyo. Ang
dalawang lipon ng salita ay tatawagin nating sugnay.

Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri.

 Sugnay na makapag-iisa ang sugnay kung ito ay nagpapahayag ng buong diwa. Tinatawag din itong
payak na pangungusap.
 Sugnay na di-makapag-iisa ang sugnay kung ito ay hindi nagpapahayag ng buong diwa. Hindi ito
matatawag na pangungusap.

I. Paghiwalayin gamit ang ( /) ang mga sugnay na bumubuo sa pangungusap.


1. Siguradong matutuwa ang iyong guro dahil nag-aaral kang mabuti ng iyong aralin.
2. Tiyak na magiging malinis ang ating paligid kung magtutulung-tulong tayo.
3. Si Isa ay nag-aaral na mabuti dahil nais niyang magkaroon ng magandang kinabukasan.
4. Nagtagumpay siya sa pag-aaral bagamat mahirap lang ang kanilang buhay.
5. Nagsisikap ang mga magulang upang maitaguyod ang mga anak.

 KAYARIAN NG PANGUNGUSAP
1.Payak-ito ang pangungusap na may iisang paksang pinag uusapan na kumakatawan sa ibat ibang
anyo.Bagamat payak may inihahatid itong mensahe.
a.PS-PP (payak na simuno at payak na panag uri)
Halimbawa:
 Masipag na mag aaral si Jose.
 Matalinong bata si Ruby.
b.PS-TP (PAYAK NA SIMUNO AT TAMBALANG PANAG URI)
Halimbawa:
Matalino at masipag na mag aaral si Jose.
Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibign ko.
C.TS-PP (tambalang simuno at panag uri)
Halimbawa:
Kapwa matulungin sina Jun at Lito.
Ang katarukan at kalinisn ng loob ay kailangn ninuman.
d.TS-TP (tambalang simuno at tambalang panag uri)
Halimbawa:
Mapagkndili at maalalahanin sina mama at papa.
Sina pangulong Arroyo at Estrada ay mga haligi ng bansa at mga magulang ng bayan.
2.Tambalan
-ito ay pangungusap na may dalawang kaisipan na pinag uugnay o pinagdudugtong sa tulong ng
pangatnig.
Halimbawa:
Si Luis ay mahilig mang asar samantalang si Loreng ay mapagmahal.
 Unang kaisipan-Si Luis ay mahilig mng asar.
 Ikalawang kaisipan-Si Loreng ay mapagmahal.
 Pangatnig-samantalang
3. Hugnayan
-ITO AYPANGUNGUSAP NA BINUBUO NG ISANG SUGNAY NA MAKAPAG IISAAT SUGNAY
NA DI MAKAPG IISA.AN DIWA NG DALAWANG SUGNAY AY MAGKARUGTONG AT PINAG UUGNAY
O PINAGSAMA SAMA NG PANGATNIG.
Halimbawa:
Di malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mga mamamaayan ay magtutulong tulong.
 Sugnay na makapag iisa-Di malayong umunlad ang Pilipinas.
 Sugnay na di makapag iisa-kung ang mamamayan ay magtutulong tulong.
 Pangatnig-kung
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
1.Paturol o pasalaysay ang pangugusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito
sa tuldok.
2.Pautos ang pangungusap kung ito ay nag-uutos. Nagtatapos din ito sa tuldok.
3.Patanong ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong.
4.Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam.

Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod
na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos), at PK
(pakiusap).
_________ 1. Nawalan ng kuryente sa Barangay San Mateo.
_________ 2. Ay, ang dilim!
_________ 3. Pakikuha ang mga kandila at posporo sa kusina.
_________ 4. Alam mo ba kung nasaan ang ashlight?
_________ 5. Aray, inapakan mo ang paa ko!
_________ 6. Sindihan mo na ang mga kandila.
_________ 7. Kailan kaya babalik ang kuryente?
_________ 8. Naku, sana hindi buong gabi ito!
_________ 9. May balita ka bang narinig tungkol sa brownout?
_________ 10. Makinig ka sa radyo ng cellphone mo.

You might also like