Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Transcript of Speech Act Theory

ay kaugnay sa gampaning lokusyon at ilokusyon, na ang hangarin


ay makilala ang tungkulin o gampanin ng lokusyon. Ito man ay
tumatanggap o gumaganap. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa
paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi na itong may
kaakibat na kilos maging ito man ay paghingi ng paumanhin,
pagbibigay-babala, panghihimok at iba pa.
Ang tagapagsalita ay maaring makagawa ng tatlong akto ng
pagsasalita ( speech acts):
-Gampanin o tungkulin lokyusyonari
-Gampanin o tungkulin ilokyusyonari
-Gampanin o tungkulin perlokyusyonari
Ang
lokyusyonari 
ay ang tungkulin o gawain ng pagsasabi ng isang bagay na
makabuluhan o may literal na nauunawaan sa paggamit ng wika.
Ang kaalamang panglinggwistika na ang puhunan sa
pagsasagawa ng akto o kilos na lokyusyonari. (may kahulugan).
Halimbawa:
Pangako kong tuturuan kitang sumayaw.
Ang 
ilokyusyonari 
ay isang tungkulin sa pagsasagawa ng isang bagay o isang
mensahe ayon sa intensyon ng nagsasalita. ( may pwersa-
performans sa akto ng pagsasabi ng bagay)

Halimbawa:
a)Pangako
Magkita tayo mamaya at tuturuan kita ng sayaw.
b) Pakiusap
Edwin, maaari bang turuan mo akong magsayaw?
c) Pag-utos
Turuan mo akong magsayaw, kung ayaw mong tanggalin kita sa
trabaho.

Ang perloksyunari ay ang gampanin o tungkuling dulot ng


pwersang ilokyusyonari.

-Pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagproprodyus ng mga


tiyak na konsikwensyal na epekto. ( May konsikwens)
Sina Seaville (1967) at Fraser (1978) ay may magkatulad na
kategorisasyon ng intension ng tagapagsalita sa pagsasagawa ng
akto ng pagsasalita (speech acts) gaya ng mga sumusunod:

1) 
Aktong Representatibo
- ang intensyon ng nagsasalita ay ilagay ang sarili sa
pagkakatiwala ng katotohanan ng sinasabi tulad ng 
pagtanggap, pag-uulat, paghinuha at iba pa.
2) 
Aktong direktibo
- ang intensyon ng nagsasalita ay iparinig o ipabasa ang isinasaad
ng kilos na kanyang pahayag.

3) 
Aktong komisibo
- ang intensyon ng nagsasalita ay ilagay ang sarili sa
pagsasakatuparan ng kanyang tinuran sa isang paraan at sa
darating na panahon tulad ng tinuran na pangako, pagparusa at
iba pa.
4) 
Aktong ibalwatibo
- ang intensyon ng nagsasalita ay ituring ang kanyang
ebalwasyon sa mga bagay- bagay na tinutukoy tulad ng
pagpapasalamat, pamumuna, pagtanggi, at pagsang-ayon o kaya
ay parusa.
5) 
Aktong establisado
- ang intensyon ng nagsasalita ay lumikha ng bagong kaayusan
batay sa nilalaman ng kaanyuang pahayag tulad ng pagbabala,
paghirang, pagpapahintulot, pagpapatawag, at pagbibigay-
permiso.

You might also like