Pananaliksik

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KAWALAN NG KUBETA: SANHI NG PAGLALA NG SITWASYON SA PALIGID NG


SMOKEY MOUNTAIN SA TONDO, MANILA

Bilang pagtugon sa proyekto sa asignaturang

Pagbasa at Pagsulat tungo

sa Pananaliksik

Mga Mananaliksik:

Clemente, Daniela Mariz

Delos Santos, Nicole Sydney

Degamo, Mica Ella

Acuña, Emma

STEM 11-19

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KABANATA 1

ABSTRAK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga salik na


nakaaapekto sa patuloy na paglala ng sitwasyon sa kapaligiran sa tambakan ng basura sa
Tondo, Manila kaugnay ng duming nilalabas ng mga tao bunga ng kawalan ng maayos at
sariling kubeta ng mga taong naninirahan rito at mga epekto nito sa kalusugan.

Ang pag-aaral na ito ay sasailalim sa kwalitatibong pamamaraan kung saan ang mga
respondente ay pipiliin sa pamamagitan ng non-random convenient sampling. Saklaw ng
pananaliksik na ito ang mga residenteng nakatira malapit sa tambakan ng basura sa Tondo,
Manila. Limitado ang pag-aaral sa barangay na lubos na naaapektuhan ng kawalan ng
maayos na palikuran.

Napatunayan sa isinagawang pananaliksik na hindi masisisi ang mga residente sa


patuloy na paglala ng sitwasyon at pagbaho sa paligid ng Smokey Mountain sa Tondo, Manila
kaugnay sa pagdumi o pag-ihi ng mga tao rito sapagkat epekto ito ng iba’t ibang salik kaugnay
sa kahirapan.

INTRODUKSYON

Ang kubeta ay isang palikuran na bahagi ng isang bahay o gusali na ginagamit upang
itapon ang dumi ng tao sa pamamagitan ng tubig at ibomba (flush) ito sa tubong-pamapatuyo
sa ibang lokasyon.

Kaugnay nito, dahil sa kahirapan ay hindi lahat nabigyan ng pagkakataong magkaroon


ng sariling kubeta. Ang kahirapan ang isa sa mabibigat na pasanin o problema na patuloy na
kinakaharap ng ating bansa. Ito ay patuloy na sinosolusyunan ng gobyerno ngunit tunay nga
itong malaking hamon maging sa mamamayang Pilipino.

Galing sa datos na inihayag ng Philippine Statistics Authority o PSA noong Abril 2019,
lumalabas na 21 sa 100 Pilipino ang kabilang sa mahihirap na pamilya sa unang semestre ng
taong 2018. Ayon pa rito, sa parehong panahon, 16.1 na pursyento ang naitalang poverty
incidence o ang bilang ng sambahayan na may kita na mababa sa pinakamaliit na kitang
nararapat para sa isang pamilya.

2
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Mula sa datos na naitala, at sa ideya ng kahirapan na sumasalamin sa bansang


Pilipinas maging sa mga taong naninirahan dito, makikita ang iba't-ibang uri o mukha ng
kahirapan na kung saan ang mga taong nakatira sa tambakan ng basura ay kabilang sa
listahang ito. Nang dahil sa kahirapan, nagagawang manirahan at manatili ng pamilyang
pilipino sa lugar na tambakan ng basura. Maliban sa libreng lugar ito na puwedeng pagtayuan
ng kanilang munting tirahan, hanapbuhay din ang habol nila.

Sa kabilang banda, kaakibat ng desisyong pananatili sa dump sites, ang kawalan ng


kubeta ay isa sa malaking suliranin ng mga pamilyang namamalagi rito. Ang kubeta ay isang
bahagi ng pangunahing pangangailangan ng mga tao para sa pang araw-araw. Ito ang
nagsisilbing lugar upang makapaglinis ng katawan at makadumi ng maayos, ngunit para sa
mga taong nakatira sa tambakan ng basura, isa itong hamon para sa pang araw-araw na
kalagayan nila.

KONSEPTWAL NA PAGBABALANGKAS

KAHIRAPAN

TAMBAKAN NG BASURA EPEKTO NG


KAWALAN NG
PERMANENTE
AT MAAYOS NA
KUBETA
KUBETA NG
MGA TAONG
NANINIRAHAN
KAWALAN NG
SA TAMBAKAN
PERMANENTE AT
NG BASURA SA
MAAYOS NA KUBETA
TONDO, MANILA

PAGDUMI NG EPEKTO SA
KAPALIGIRAN KALUSUGAN

3
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Nabuo ang konsepto mula sa ideya ng kahirapan na sumasalamin sa Pilipinas kung


saan kabilang ang pagtira sa tambakan ng basura sa listahan ng mukha ng kahirapan.
Kaugnay nito, ang kubeta ay isa sa pangunahing pangangailangan ng mga taong naninirahan
dito. Ngunit dahil sa suliraning kawalan ng maaayos at sariling kubeta, nagkakaroon ng ito ng
iba’t ibang epekto sa paligid maging sa kalusugan ng mga residente mula sa Smokey
Mountain sa Tondo, Manila.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga salik ng patuloy na paglala ng sitwasyon


ng paligid sa Smokey Mountain dahil sa kawalan ng sarili o maayos na palikuran ng mga
residente dito. Layunin ding sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano ang sistema ng pagdumi o pag-ihi ng mga residenteng nakatira sa Smokey


Mountain?
2. Magkano ang ibinabayad ng mga residente upang makagamit ng pampublikong
palikuran?
3. Paano napapanatili ang kalinisan o kaayusan ng mga palikuran o kubeta rito?
4. Gaano kadalas ang paggamit ng kubeta ng mga taong nakatira sa Smokey Mountain?

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga dahilan ng patuloy na pagdumi at baho ng


kapaligiran sa Smokey Mountain dala ng kawalan ng maayos, malinis, o pribadong palikuran
ng mga nakatira rito. Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang mga residenteng nakatira
malapit sa tambakan ng basura sa Tondo, Manila. Nalimita ang pag-aaral sa barangay na
lubos na naaapektuhan ng kawalan ng maayos na palikuran.

4
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magbigay impormasyon ukol sa:

A. Namamahala sa lugar
-makapagbigay ng solusyon o hakbanging maaring gawin upang maisayos ang
sistema sa palikuran
-malaman ang maaaring gawin upang mapanatiling ligtas at maayos ang kalusugan
ng mga residente kaugnay sa masasamang dulot ng paligid dito

B. Mga Residente

-mga dapat gawin o pakikiisa upang maging maayos ang palikuran

5
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KABANATA 2

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

LOKAL NA PAG-AARAL

Nasabi sa pag-aaral ni Franco, E. (2000) na ang anemia, malnutrisyon, at intestinal


parasitism ay ilan sa karaniwang sakit ng mga bata at maging ng mga matatandang nakatira
sa tambakan ng basura. Nakita rin sa resulta ng ineksaminang inuming tubig ng mga taong
naninirahan sa nasabing lugar ay 90 pursyentong positibo sa bacterial contamination. Ang
mga nakitang resulta at epekto sa kalusugan ng mga residente ay lubhang nakababahala
para sa pangkalahatang kalagayan.

Higit pa rito, base sa pag-aaral ni Zabala (2008), nabanggit na ang tambakan ng


basura ay nakalilikha ng polusyon sa tubig, hangin, at maging sa tubig. Ang iba’t-ibang epekto
na nadudulot ng maruming kapaligiran, lalo na ng lugar na tambakan ng basura, ay walang
magandang epekto na nabibigay para sa maayos na estado ng kalusugan ng mga
mamamayan.

Ayon naman sa pag-aaral ni Lato (2018), ang mga basurang pinababayaang


nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok , ipis, mga daga, at iba pang mga hayop
na nagkakalat ng sakit. Isa rin itong malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid ng mga
sakit na nakakahawa. Ang mga suliraning ito ay nagbibigay bahala lalo sa mga taong
namamalagi sa may maruming kapaligiran, higit lalo sa mga naninirahan sa tambakan ng
basura.

LOKAL NA LITERATURA

Mula sa blog na nai-post ni Sabrina Lovino na pinamagatang Smokey Mountain: A


Walk Through the Slums of Manila, Philippines, naihayag na karamihan ng residente sa
tambakan ng basura sa Tondo, Manila ay walang kubeta. Ang mga residente ay maaaring
gumamit ng pampublikong palikuran ngunit kailangan nilang magbayad ng halagang limang
piso pataas. Sa kalagayang ito, imbes na sila'y magbayad pa para sa kubeta, pinipili na lang
ng mga residente dito na gamitin ang pera para ipang bili ng pagkain kaysa ipambayad.

6
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Higit pa rito, ang suliraning nasabi ay naguudyok sa mga mamamayan ng nasabing lugar na
dumumi na lamang sa paligid kaysa piliin ang maayos at malinis na pamamaraan.

Ayon naman sa isang artikulo mula sa website na Mediko, nasabi na ang normal na
pagdumi ay maaaring mangahulugan ng malusog na pangangatawan ng isang tao. Bukod
sa normal na dulot ng pagdudumi, may kalakip na sakit naman ang hindi normal na
pagdumi. Sinasabi dito na ang ilang araw o ilang linggo ng hindi pagdudumi ay isang
problemang pangkalusugan na nangangailangan ng atensyong medikal. Ang ganitong
kondisyon na kung tawagin ay constipation o pagtitibi, ay maaaring magdulot ng masamang
epekto sa kalusugan kung mapapabayaan. Bukod sa hindi komportableng pakiramdam na
maaaring idulot ng namuo, nanigas, at hindi makalabas na dumi, ito rin ay maaaring
makalason at magdulot ng sakit.

PAG-AARAL NA PAMBANYAGA

Ayon sa isang pag-aaral nina (Alam et. al, 2017), kalimitan sa mga pampublikong
palikuran sa mga iskwater area ng Dhaka, Bangladesh ay hindi napapanatiling maayos at
malinis ang palikuran. Ito ay nagreresulta ng kalimitang paggamit ng mga kubeta o tuluyang
hindi paggamit ng mga ito. Problema rin ang pagkakaroon ng pribado o sariling palikuran dahil
sa kahirapan at limitadong espasyo na kanilang tinitirhan. Kaugnay nito, ang maduming
palikuran ay mayroong dalang masasamang banta sa kalusugan

Higit pa rito, ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Oberg (2019), isang problemang
hindi napagtutuunan ng pansin ang pagdumi ng mga tao mula sa Agra, India. Ang usaping
tungkol sa hindi pagbibigay ng higit na atensyon sa suliraning pagdumi ng mga taong nakatira
sa slum areas ay mas nakadaragdag problema para sa komunidad ng Agra.

Mula naman sa pag-aaral nina S Manasi at N Latha (2017), ang 72.63 na pursyento
ng rural na lalawigan sa India ay nagsasanay na dumumi sa kapaligiran. Dahil sa kawalan ng
maayos na sanitation facilities at sa patuloy na pagtaas ng populasyong urban na may
kaakibat na pagtaas ng demand para sa mga pasilidad na may kaugnayan sa tubig at
sanitasyon, nagagawang dumumi ng nakararami sa paligid dahil hindi kayang matugunan ang
kaakibat na gastos sa pagpapagawa nito.

7
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

LITERATURANG PAMBANYAGA

Ayon sa blog post na inilimbag ni Marieke Heijnen, nasabi na sa konsepto ng


perpektong mundo, ang bawat bahay ay mayroong kubeta para sa pribado, praktikal, at pag-
aaring mga karapatan. Sa kubeta ang pinaka ligtas na lugar upang makapaglabas ng dumi sa
katawan. Ngunit, sa isang skwater na lugar, hindi madaling makapag pagawa ng sariling
kubeta. Ang ibang lugar ay may pampublikong palikuran katulad ng Sulabh public toilets sa
India na maaaring magamit kung magbabayad pero para sa may malalaking bilang ng
pamilya, hindi nila ito makakaya. Higit pa rito, dahil nga sa kawalan ng sariling kubeta, ang
mga tao’y maaaring dumulog sa solusyong dumumi na lamang sa paligid o kaya’y gawin ang
‘flying saucer’ na pamamaraan kung saan ang mga dumi nila’y binabalot at tinatapon na
lamang kung saan.

Kaugnay ng pag-aaral na natalakay, nasabi sa artikulo ni Sheillah Simiyu na ayon sa


kanilang pananaliksik, karamihan sa populasyon ng Africa ay naghahatian ng pasilidad na
pang kalinisan. Ang hatian sa pasilidad na nasabi ay magandang pamamaraan upang
magkaroon ng access ang kabahayan na walang pansarili ngunit kung ang mga ito’y hindi
napapanatiling malinis ay mauuwi sa suliraning pangkalusugan. Madalas sa mga skwater na
lugar, ang kalinisan sa kubeta ay hindi napapanatili dahil rin sa hindi pag-ako ng
responsibilidad na maglinis nito kung kaya naman malaking panganib pa ang maaaring
maging resulta.

8
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

BIBLIOGRAPIYA

MGA LITERATURA

Lovino S. (2014, May 11). Smokey Mountain: A Walk through the Slums of Manila,
Philippines. Retrieved from: https://www.justonewayticket.com/2014/05/11/smokey-
mountain-a-walk-through-the-slums-of-manila-philippines/

Heijnen, M. (2015, December 28). The continuing conundrum of shared sanitation in slums.
Retrieved from: https://blog.oup.com/2015/12/shared-sanitation-in-slums/

Simiyu, S. (2018, April 13). Why shared toilets in informal settlements may pose a serious
health risk. Retrieved from: http://theconversation.com/why-shared-toilets-in-informal-
settlements-may-pose-a-serious-health-risk-94339

Kahalagahan ng regular na pagdudumi. (2020, March 9). Retrieved from:


https://mediko.ph/kahalagahan-ng-regular-na-pagdudumi/

MGA PAG-AARAL

Franco, E. (2000). Concerns of residents near municipal dumpsites in selected towns of Ilocos
Norte. Laoag City, Philippines.

Zabala, F. (2008). Environmental health status of the open dump in Barangay Santiago, Iligan
City. Iligan City, Philippines.

Lato, G. (2018). Epekto ng basura sa kapaligiran. Cebu City, Philippines.

Alam, M-U. et. al. (2017). Behaviour change intervention to improve shared toilet maintenance
and cleanliness in urban slums of Dhaka: a cluster-randomised controlled trial. Dhaka,
Bangladesh.

Oberg, A. (2019). Problematizing Urban Shit(ting): Representing Human Waste as a Problem.


Agra, India.

Manahi, S. at Latha, N. (2017). Toilet Access among the Urban Poor – Challenges and
Concerns in Bengaluru City Slums. Bengalaru City, India.

You might also like