Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PROBLEMA

Ang isa sa sanhi ng problema ay ang hindi pagsunod sa tamang pamamaraan ng pagmimina ng
mga iresponsableng kompanya sa pagmimina. Maraming tao ang hindi sumasangayon at
gusting ipatigil ang pagmimina sa bansa dahil sa mga masamang epektong naidudulot nito.
Meron mga iilang nakakabuting epekto ang pagmimina ngunit hindi nito kayang tumbasan o
takpan ang mga masasamang dulot nito. Hindi aangat sa isang porsyento ang ambag ng
pagmimina sa dagdag trabaho at sa ekonomiya ng ating bansa ngunit pinapayagan pa rin ang
pagmimina kahit na maaapektuhan nito ang mga anyong tubig na pinagkukunan ng isda at mga
lupaing pinagtatamnan ng ating mga pagkain.

Mga mabuting epekto ng pagmimina.


Ang isa sa mabuting dulot ng pagmimina ay ang mga nakukuhang yamang mineral nito na
naibebenta upang mapakinabangan at magamit sa teknolohiya. Tulad ng mga kagamitang
makikita sa bahay telebesyon, washing machine, telepono at iba pa na ginagamitan ng nickel na
nakukuha sa pamamagitan ng pagmimina. Marami ring nakukuhang mga materyales na
magagamit sa kontraksyon ng mga gusali. Maraming tumututol sa pagmimina ngunit hindi rin
naman mawawala ang mga taong sumasang-ayon dito tulad ng mga taong umaasa dito.
Nagbibigay ng trabaho at benepisyo ang mga minahan sa mga taong malapit dito. Dahil dito
nangangamba ang iilan na mawalan ng trabaho dahil dito sila kumukuha ng panggastos nila sa
pang araw-araw na buhay nila.

Mga Masamang epekto ng pagmimina.


Maraming masamang epekto ang pagmimina lalo na kung mga iresponsable ang mga
nagmimina na hindi sumusunod sa tamang pamamaraan ng pagmimina. Mga minahan na hindi
naghahanda at hindi inaalam kung saang eksaktong lugar matatagpuan ang maraming mineral
kaya kung saan-saan nalang nagbubungkal at lumalawak tuloy ang pinsalang nadudulot ng
pagmimina. Malaki ang nasisira at nawawalang yamang natural natin dahil sa pagmimina.
Pagkasira ng bundok at mga lupa ang isang masamang epekto ng pagmimina, at pagkaubos ng
mga puno na tirahan ng mga hayop. Ang pagkilos ng mga tao, mga tunog na nagagawa nila
buong araw at iba pa ay nakakasira Sistema ay nakakasira ng pamumuhay ng mga hayop sa
paligid nila. Pagtatapon ng mga kemikal na ginamit sa pagpapasabog kung saan-saan na
nagdudulot ng polusyon. Nagiging madumi rin ang mga tabing anyong tubig dahil sa siltation na
dumadaloy dito nagkukulay kalawang ang dagat pati na rin ang dating malinis na ilog ay iba na
ang kulay ngayon. Pagkasira ng mga bakawan kung saan naninirahan at nangingitlog ang mga
isda at dahil dito lumalayo ang mga isda at ganon na rin ang mga mangingisda dahil dun mas
lumalake ang gastos nila dahil sa gasolinang gagamitin nila sa pangingisda. Sa pagkasira ng
agrikulturang yaman natin naaapektuhan rin ang ating pamumuhay dahil sa pagkasira ng
kagubatan at karagatan nababawasan ang ating pinagkukunan ng ating mga pagkain ganun
narin ang turismo at pati narin ang ating kalusugan.

You might also like