Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARGEL KEITH R.

JUAN IV-BSSE

Pangatlong Kasarian
Argel Keith R. Juan

Bayot, bakla, bading kung ako’y tawagin


Tila ito ang mga palayaw na likas na sa akin
Mahiya man ang buwan at magkanlong sa ulap
Basta’t sa pagkakawari ko’y ang mabuhay ay masarap.

Wika nga ng iba’y bakla, bakla kami’y lubayan na!


Walang puwang sa langit kundi dito lang sa lupa
Bakit daw ako umiibig sa kasariang iisa,
Ng sa gayong lalaki’t babae lang ang dapat magkapareha.

Ito’y isang hubad na katotohana’t mapaglubid na buhangin


Bukambibig ng madla at matalim pa ang mga dila.
Kami din ay mga anghel ng tahanan tulad niyo
Maaaring maging kabagang o kasundo.

I-krus niyo sa noo, kami rin ay tao


Mautak, kabatakan at hindi magpapatalo
Hindi kami mga ibong mababaw ang lipad
Ito ang aking guhit ng palad.

Diba ang tao ay kawangis ng Panginoon?


Diba hindi ako parang kabuteng walang nilalayon?
Umulan man ng apoy, handa paring bumangon
Basta’t pagkakaalam ko’y gawa ako ng Panginoon.

You might also like