Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

V1

Republic of the Philippines


Colegio San Nicholas De Tolentino – Recoletos
Talisay City

LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na
kakayahan
a. Naipapaliwanag ang konsepton ng Asya batay sa pananaw ng mga Asyano at
ng mga Kanluranin.
b. Nailalarawan ang kalagayang heograpikal ng Asya ayon sa kinaroroonan,
sukat, hugis at anyo nito.

II. Nilalaman
Paksa: Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Asya
Sangguunian: Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan
Pahina 3-16
Kagamitan: Laptap,projector, construction paper, pentel pen at pandikit
Pagpapahalaga: Pagkakakilanlan, Pagpapahalaga sa Heograpiya ng Asya

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

GURO MAG-AARAL
1. Pagdarasal Tumayo lahat sa pagdarasal

2. Pagbati
(Magandang Hapon sa inyong lahat) Magandang Hapon din po Ma’am
Mga mag aaral pakitingnan ang ilalim
Ng inyo upuan, pulutin ang mga kalat
At ayusin ang mga upuan

3. Pag- alam sa Lumiban


May lumiban bas a klase?

4. Balik Aral
Magbalik aral tayo tungkol sa huli nating
tinalakay

Sino ang inihalal na pangulo ng Pilipinas Rodrigo Roa Duterte


Noong Hunyo 30, 2016

Saan Kontinente matatagpuan ang bansang Asya


Pilipinas

2
5. Paganyak
Panuto: Mula sa Krossita or Cross Word Puzzle ay subukan mong hanapin
sa anumang direksyon ang mga salitang may kinalaman sa pagtuklas ng
mga Katangiang Pisikal ng Asya. Isulat sa inyo papel.

B. Paglinang ng Aralin
A. Paglalahad ng Paksa
1. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag aaral.
2. Magtalaga ng lider sa bawat pangkat
3. Isa – isang isulat ng bawat grupo ang mga salitang kanilang
naitala mula sa krossita sa ibingay na construction paper.
4. Ang guro ang magtatanong ng mga katanungang makikita sa
inihanda sa screen.
5. Matapos basahin ang katanungan ang bawat grupo ay bibigyan
ng 20 segundos upang balasahin ang kanilang pinal na sagot
mula sa sinulatang parehabang papel.
6. Bibigyan ng 10 segundos ang mga pangkat upang ipaskil ang
kanilang sagot sa pisara.
7. Ang tamang sagot ay lalabas sa screen
8. Ang may pinakamaraming tamang sagot ang siyang tatanghaling
panalo.

GURO MAG-AARAL
Pinakamalaking masa na lupa na mata- Kontinente
tagpuan sa daigdig

Pag aaral sa Katangiang pisikal/paglalarawan Heograpiya


ng daigdig

Tumutukoy sa karaniwang kalagayan ng Klima


panahon o kondisyon ng atmospera sa isang
partikular na rehiyon o lugar sa loob ng
mahabang panahon

Kontinenteng may pinakamalaking populasyon Asya


sa daigdig
3

Salitang SEMITIC na pinagmulan ng salitang Asya Asu

Tawag ng mga Europeo sa mga lugar sa Asya na Orient


malapit sa Europe

Ano ang tawag ng Europeong heograpo sa rehiyon Far East


na nakaharap sa Pacific Ocean

Kontinenteng may pinkamaliit na populasyon sa Australia


daigidig

Binibigyang pansin at ginagamit ang mga konseptong Asian-centric


Asyano upang pahalagahan ang mga bagay na may
kaugnayan sa Asya at sa mga Asyano

Taguri sa pananaw na nakabatay sa kaisipan at Eurocentric


paniniwala ng mga Europeo

C. Analisis

GURO MAG-AARAL
May isang minuto ang bawat pangkat Inaasahang pagkasunod- sunod ang
upang pagsunod-sunurin ang mga apat na pinakamahalagang salita
salitang nasa parehabang papel batay 1. Heograpiya
sa pagkakakilanlan ng Asya. 2. Kontinente
Iuulat ng bawat pangkat kung bakit 3. Asya
ganoon ang kanilang mga sagot 4. Klima

D. Pangwakas na Gawain
Paglalapat
GURO MAG-AARAL
Bawat pangkat bumuo ng konsepto o Pagdating sa Heograpiya, ang Asya
Kaisipan tungkol sa pagkakakilanlan ng pinakamalaking kontinente,
Asya sa pamamagitan ng pagtatagpi saklaw ng Asya ang malaking
ng apat na salitang ipinaskil sa pisara. bahagdan ng kalupaan sa daiidig.
Hinubog naman ng iba’t-ibang uri
ng anyong lupa at anyong tubig ang
hugis at anyo nito. Malaki rin ang
bahaging ginampanan ng sari-saring
klima sa Asya sa kabuhayan,
pananamit, at tirahan ng mg Asyano

4
IV. Pagtataya
Multiple Choice (5pts)
Panuto: Isulat sa ¼ na papel ang titik ng tamang sagot

1. Tumutukoy sa karaniwang kalagayan ng panahon o kondisyon ng atmospera sa


isang
partikular na rehiyon o lugar sa loob ng mahabang pananhon.

a. Monsoon c. Klima
b. Tropical d. Pisikal

2. Ito ang tawag sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.

a. Kabihasnan c. Kontinente
b. Asya d. Heograpiya

3. Ano ang tawag sa pinkamalaking masa ng lupa na matatagpuan sa daigdig?

a. Bansa c. Heograpiya
b. Kontinente d. Asya

4. Anong kontinenteng may pinakamalikng populasyon sa daigdig?

a. Africa c. Asya
b. North America d. Europe

5. Ano ang tawag sa binibigyang pansin at ginagamit ang mga konseptong Asyano
upang pahalagahan ang mga bagay na may kaugnayan sa Asya at sa mga Asyano.

a. Ecocentric c. Asyano
b. Asian-centric d. Asu

V. Kasunduan
Bawat pangkat ay magdownload ng tatlo larawan tungkol sa Asya bilang katangi-
tanging kontinente.Ipaliwanag kung bakit ang nakuhang larawan ay nagpapakita sa
Asya ng katangi-tangi kontinente. Ilagay sa short bond paper.

Inihanda ni

Stephanie Joy Rallos

You might also like