PANITIKAN Ass #1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

Ang Panitikan Ayon sa mga Manunulat


Terry Eagleton - isang likhang-isip gamit ang mga malikhaing salita o talinghaga.
Ito ang tinatawag na “fiction”
Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa
daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
bathalang lumikha.
Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga
layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na
nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na
mga pahayag.
- lumilinang ng nasyonalismo
- nag-iingat ng karanasan , tradisyon
- at kagandahan ng kultura
Reyes - ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksiyon o representasyon ng buhay,
karanasan, lipunan, at kasaysayan.
Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel - salamin ng lahi, kabuuan, paniniwala,
pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag gamit ang piling salita sa isang
maganda at masining na paraan nakasulat m o hindi
PANITIKANG PILIPINO
Zeus Salazar - ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng
lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele
sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang
kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya'y magpalaya
ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura.
Sa isang banda, maituturing ang panitikan na isang kakaibang karanasan.Ang
panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng
bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa
sangkatauhan.
Joey Arrogante - ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Jose Villa Panganiban - ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t-ibang
karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot,
ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.
Miguel Bernard - kaisipan at pagpapahayag; di-malilimot na kaisipan sa di-
malilimot na pagpapahayag
Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan
ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa
kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang
kapaligiran.

2. Ang Panitikan ay tungkol sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan at patula tungkol sa mga


paksa noon hanggang ksalukuyan. Samantalang ang Kasaysayan naman ay patungkol
sa pag-aaral, pag-tala ng impormasyon sa mga pangyayari sa nakaraan. Sapagkat sila
ay magkasama dahil kung walang panitikan ay walang kasaysayan, dahil sinusulat ng
mga manunulat ang mga pangyayari at paksa sa nakaraan at mga pangyayari ngayon.

3.Dalawang Anyo ng Panitikan


1. Tuluyan o Prosa - malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga
pangungusap.  Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda
2. Patula - pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may
sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga
taludtod sa bawat saknong. 
A. Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.
B. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga
ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
C. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng
iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng
mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko
at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
D. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at
daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang
mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para
sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-
aral
E. Parabula– ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang
parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa
kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
F. Maikling Kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maigsing
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad,
kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
G. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
H. Sanaysay – isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng may-akda.
I. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay
ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
J. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa
isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
K. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay
ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang alamat at mga mito
l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang
lugar o bansa.

Uri ng Panitikan
1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa
kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento,
nobela at iba pa. 
2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari
katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang
pangkasaysayan. Halimbawa ng Panitikan
Halimbawa ng Panitikan
1. ) Alamat  - nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
2. Bugtong - ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan
na nilulutas bilang isang palaisipan
3. SAWIKAIN - ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
 idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
 moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
 salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
4. Salawiakain - binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang
naghahayag ng mga gintong aral. 
5. Parabula - maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa
Bibliya.
6. Epiko - uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil
may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
7. Talumpati - buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas
sa harap ng mga tagapakinig.
8. Tayutay - isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-
karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang
saloobin.
   
4. Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay nakabubuo sa
paglikha ng sariling paniniwala, opinyon at pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay na
akda ay tumutulong para mapalawak ang karanasan ng isang tao. Salamin din ng
literatura ang pagpapakita ng pagkakaiba at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga
tao sa iba’t ibang lugar. Dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang
kultura, pinahuhusay din nito ang kakayahan natin upang makipag-usap sa iba.Higit
nating mauunawaan ang kasalukuyan kung alam natin ang nakaraan, mabibigyan
natin ng konkretong balangkas ang hinaharap kung mayroon tayong analitikal na
pagtatasa sa kasalukuyan na malaya sa panatisismo at anumang sariling paghuhusga
o pagkiling.

5) Iyung pagtanggal ng Filipino ay isang paglabag sa Konstitusyon, sa Artikulo 14


Seksyon 6, ang wikang pambansa ay nasa Filipino, at [dapat] gagamitin sa ano mang
antas ng edukasyon sa Pilipinas. Kung tatanggalin mo siya... hindi mo sinusunod ang
espirito ng Konstitusyon.
Article XIV SEKSYON 6.  Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.  Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
    Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

You might also like