Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

STO.

NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

ANG PATULOY NA PAGLAGANAP NG KAHIRAPAN

SA BANSANG PILIPINAS

Isang Pamanahong Pananaliksik na isinumite sa Sto. Niño Catholic School

bilang isang pangangailangan sa asignaturang

Araling Panlipunan 10

Inihanda nina:

Basubas, Bryl Isaac B.

Mendoza, Reia Sealtiel D.

Baitang 10- St. Francis of Assisi

Bb. April M. Señoron

Guro

Marso 2020
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC
I

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagating Pahina…………………………………………………….. I

Talaan ng Nilalaman……………………………………………………II

Kabanata 1 (Ang Suliranin at Kaligiran Nito)

Introduksyon…………………………………………………………….1

Layunin ng Pagaaral…………………………………………………....2

Kahalagahan ng Pagaaral……………………………………………....2

Saklaw at Limitasyon…………………………………………………...3

Depinasyon at Terminolohiya………………………………………….3

Kabanata 2 (Kaugnay sa Pagaaral at Literatura)

Lokal na Pagaaral at Literatura……………………………………....4-8

Dayuhan na Pagaaral at Literatura…………………………………..9-10

Konklusyon…………………………………………………………….11

Talaan ng Sangunian………………………………………………….12
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

II

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang
halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.  Ang absolutong kahirapan ang kalagayan
o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o
makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad
ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan,
kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng
mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga
tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa
buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring
malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon,
ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng
mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalusugan.
Ang kahirapan ay isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating
sinisisi ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero ang tanong "Sila nga
ba ang may kasalanan at ang dahilan kung bakit patuloy ang paglaganap ng kahirapan
sa bansa o tayong mga mamamayang Pilipino na kay tamad magtrabaho?" Sabi nga
nila, "Hindi mo kasalanan ang ipinanganak na mahirap, subalit kasalanan mo kung
hahayaan mong manatiling mahirap", tama sila, at tama rin naman yung mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Laganap din kase sa ating minamahal na
bansa ang korupsiyon, ang hindi matapos-tapos na digmaan laban sa mga bandido,
krisis sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, iba't-ibang prioridad ng may hawak
ng pera ng bansa, ang kawalan ng disiliplina ng mga tao at iba pa. Kung magpatuloy pa
ang ganitong uri o klase ng pamumuhay sa ating bansa maaaring hindi mangyari o
makamit ang pag-unlad na ating inaasam-asam at mananatiling laganap ang kahirapan
sa atin.
Sa paggawa ng pagaaral na ito mahalagang malaman at maunawaan ng bawat isa sa
atin ang tungkol sa isyung paglaganap ng kahirapan sa bansa. Kung nais ba nilang
sumama sa bilang ng mahihirap sa bansa o magpupursige sila para maiangat ang sarili
sa kahirapan. Tatalakayin ng pananaliksik na ito ang mga dahilan kung bakit hindi
matapos-tapos ang isyung ito.
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

LAYUNIN NG PAGAARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ipaalam sa lahat ng mga Pilipino kung bakit pa rin
patuloy na lumalaganap ang kahirapan kahit na may pag-unlad naman ang ating bansa at
naglalayong nitong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
A.Ano-ano ang mga sanhi at epekto ng kahirapan sa ating bansa?
B.Paano mababawasan ang kahirapan sa bansa?
C.Ano ang dapat gawin ng mga mamamayan para sa isyung ito?

KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Ang pagaaral na ito ay magiging gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makakatulong ito sa kanila upang mapalawak ang kanilang


kaalaman sa paglaganap ng kahirapan sa bansa. Magiging instrumento nila ito sa
paggawa ng kanilang mga takdang-aralin o gawain na may kinalaman sa paksa na
kahirapan.

Sa mga Guro. Maaari nila itong gamitin sa kanilang mga presentasyon o aralin sa
paaralan para malaman ng mga mag-aaral kung ano ang dapat gawin para makaahon sa
kahirapan.

Sa Mamamayan. Malalaman ng bawat isa ang mga sanhi at epekto ng kahirapan at kung
paano nila ito matutugunan bilang isang mamamayan.

Sa Gobyerno. Makakatulong ito sa kanila upang makaisip ng iba’t ibang programa na


makakalutas sa kahirapan ng bansa at mabigyang pokus ang problemang ito upang di na
mas lumaki pa.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Magsisilbing itong batayan para sa mas masusing


pagaaral tungkol sa paksang ito.
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw at limitasyon ng sanaysay na ito ay nakasentro sa ating bansa kung saan
laganap pa rin ang kahirapan. Bukod pa doon, aming ipapaliwanag ang dahilan at epekto
ng kahirapan sa ating bansa na nakakatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
impormasyon para mabawasan ang mga ganitong suliranin.

DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA

Ang mga sumusunod na salita ay ang mga terminolohiyang ginamit at makikita sa


kabuuan ng papel. Upang magkaroon nang madaling pagkaunawa at maging pamilyar
ang mga mambabasa sa mga katagang ito, minabuti ng mga mananaliksik na ibigay ang
kahulugan ng mga ito ukol sa paraan ng paggamit sa pamanahong papel na ito.
Batayan- basehan para sa isang bagay
Graft- pagkuha ng pera ng bayan
Gobyerno- namamahala sa bansa
Ilegal- ipinagbabawal na gawain o hindi dapat ginagawa
Korupsiyon- kawalan ng integridad at katapatan ng pamahalaan
Payak- partikular o eksakto
Propesyonal- isang taong hasa o magaling
Puhunan- perang naipon o nakamit sa pagtayo ng negosyo
Salapi- kwarta o pera
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

KABANATA 2
KAUGNAY SA PAGAARAL AT LITERATURA
Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay pagsasaad ng mga literatura at pagaaral na
may kinalaman sa kasalukuyang isinasakatuparang saliksik. Kasama dito ang
pahayagan, aklat, web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-aaral tulad ng
thesis at disertasyon at iba pang sanggunian na magagamit na batayan sa pag susuri.

LOKAL NA LITERATURA AT PAGAARAL

Mga Sanhi ng Kahirapan

Batay kay Pascual (2018) isang manunulat ng medium.com, Isa sa sanhi ng


kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Marami ang nag
sasabi na ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating kinabukasan ngunit marami rin
ang hindi nakakapag aral dahil nagkakaroon ng kakulangan sa pera na ipangbabayad sa
paaralan na papasukan pati na rin pangbili ng kagamitan na kakailanganin ng isang mag-
aaral. Ang ibang mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na rin ang
magsisilbing tulong nila sa kanilang mga magulang at matustusan ang kanilang sariling
pag-aaral ngunit ang iba ay mas pinipili ang magtrabaho na lamang dahil ang kanilang
kinikita ay sapat lamang sa kanilang pangangailangan araw-araw at kulang pa para sila
ay makapasok sa paaralan.
Ang kawalan ng malinaw na pagplaplano at malabis na paggastos ay isa rin sa
dahilan ng kahirapan dahil ang ibang tao ay padalos-dalos kung mag desisyon.
Mayroong mga tao na mas inuuna ang kanilang kagustuhan kaysa sa pangangailangan
ng kanilang pamilya. Ang nararapat na pera na nakalaan para sa kanilang kakainin araw-
araw ay kadalasang nauubos dahil ang iba ay hindi marunong humawak ng pera. Ang
iba naman ay nagkaroon muna ng pamilya kaysa trabaho. Kung kaya’t hindi sila
malinawan kung saan kukuha ng pera na kanilang gagamitin sa pang araw-araw.
Mayroong mga nakakahanap ng trabaho ngunit hindi naman pangmatagalan marahil ay
kulang lamang sila sa tiyaga at pag pupursigi ngunit isa rin sa dahilan ay ang
pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon.
Maraming Pilipino ang nalululong sa masamang bisyo. Ito ay maituturing dahilan rin
sa kahirapan. Ang paggamit ng alak at sigarilyo ay nakakasira ng ating kalusugan,
pamilya, kabuhayan at kinabukasan dahil kung ito ay iyong makasanayan ay mahirap na
itigil. Ang iba ay ginagastos ang pera sa pagbili ng mga alak hanggang sa wala na silang
maiuwing pera sa kanilang pamilya dahil naubos na sa pag inom at pagsusugal. Ito rin
ang dahilan ng hindi pagtratrabaho dahil nauubos na ang oras sa bisyo at hindi na
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC
magawang pumasok at mag hanapbuhay. Ang resulta ay ang kawalan ng sweldo o kita
na maaaring magamit sana sa pangtustos ng pangangailangan ng kanilang pamilya.
4

Ang Kahirapan sa Pilipinas

Batay sa sulat ni Reglado (2016), mabigat na problema ng bansa ang kahirapan. Kaya
kailangan ng bawat isa na kumilos upang maiwasan ang kahirapan hindi lang para sa
sarili kundi para sa ating bansa. Marami ang nakakaranas nito dahil sa katamaran kaya
wala dapat sisihin sa pagiging mahirap kundi mga sarili natin dahil tayo ang namili nito.
Pagnagkaroon ka ng oportunidad na makapagtrabaho ay huwag na magdalawang isip na
gawin ito lalo na kung malaki ang maitutulong nito sayo kasi minsan may mga tao
talagang mapili o maarte na kahit madaming paraan para magkapagtrabaho ay
binabalewala lang nila ito o tinatamad sila gawin ito. Minsan may mga taong
nangingibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya kahit na
labag sa kalooban nila ay ginagawa nila ito para maiwasan ang kahirapan at para sa
ikabubuti ng pamilya. Huwag ng hintayin ang aksiyon ng gobyerno dahil ang mga tao na
mismo ang dapat kumilos para hindi napagiiwanan ng iba.

“Katamaran” isang salita pero malaki ang magiging epekto nito sa atin pati sa ating
bansa kung ganyan ang papairalin. Minsan ay gobyerno rin naman ang may kasalanan
dahil sa kasakiman at korupsyon nila naghihirap ang mga tao

Epekto ng Kahirapan sa Kabataan

Ayon kay Kwini (2009), Ang kahirapan na ating nararanasan ay nagdudulot ng


masamang epekto sa atin lalong-lalo na sa mga kabataan. Ang iba sa kanila’y hindi na
nakapag-aaral sapagkat wala na silang pera pangmatrikula. Ang iba naman ay
nagtatrabaho na kahit bata pa lamang sila. Nagiging kawawa ang mga ito dahil imbis na
sa eskwelahan at papel at ballpen ang hawak, sampaguita at sa lansangan sila
pumupunta. Sinasabi nila ang kabataan ang pag-asa ng bayan paano pa tayo aasa sa mga
kabataan kung sila mismo ay hindi nakakapag-aral. Kaya kailangan nating tulungan ang
ating bayan at pigilan ang kahirapan. Kailangan kumilos ng mamamayan ngayon para sa
magandang kinabukasan. 

Ang Gobyerno ay bulag sa Kahirapan


Ayon kay Maharlica(2009) isang manunulat ng ABS-CBN News na hindi na bago
ang isyu ng kahirapan. Kung tutuusin may ilang dekada na ito nararanasan at pinag-
uusapan. Nakalulungkot isipin pero patuloy sa pagdami ang mga taong naghihirap. Ang
taong mahirap ay hindi mahirap hanapin. Sa kanyang palagay, ang taong mahirap saan
ka man lumingon sa paligid ay makikita. 
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

Sila ang mga taong walang sariling bahay, damit at pagkain. Sila ay salat sa
karangyaan ng buhay. Sila ang mga taong madalas natutulog sa kalsada, sa ilalim ng
tulay, sa kariton, sa mga parke, sa tabing ilog, sa mga lugar na malapit sa dumpsite, sa
mga flyover, overpass, waiting shed, harap ng isang fastfood chain kung sarado na, at
kung saan-saan pa.
Sinasabi ng gobyerno na hahanapin nila ang pinakamahihirap na pamilya sa bansa at
doon ibibigay ang P1-B. Hindi pa ba sapat ang mga kapwa nating Pilipino na nakatira sa
lansangan. Hindi pa ba sapat na makakita tayo ng mga gutom na nilalang na
namamalilos sa gitna ng kalsada? Hindi pa bsapat na makita ang isang pamilya na bukod
sa napakaruming anyo at suot na damit ay namumulot na lamang ng kanilang makakain
sa basurahan? Iba’t-ibang sitwasyon ng kahirapan ang makikita natin sa lansangan at
hindi tayo nauubusan nito bagkus ay patuloy pang dumarami.
 
Ang bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay. At para mabuhay ay simple lang
naman ang kailangan ng tao - pagkain, damit, at bahay. Tungkulin naman ng gobyerno
na pangalagaan at tulungan ang kanyang mamamayan. Pansinin natin sa mga
kalsada. Hindi ba totoo na marami tayong nakikitang pusa na nasagasaan sa mismong
gitna ng mga kalsada. Ito ay patunay lang na wala na silang makain sa loob ng bahay ng
kanilang mga amo kung kaya lumalayas at naghahanap ng makakain.
 
Mabuti pa na ang P1-B ay ilaan na lang muna sa mga gutom na nilalang. Sa mga
kapwa nating Pilipino na wala na ngang bahay at damit ay wala pang
makain. Napakalaki ng halagang P1-B kung ang pag-uusapang bilihin ay
bigas. Magkano lang naman ang isang sakong bigas? Kung ang isang sako ay P1,000 at
may P1-B budget, kayang makabili nito ng 1,000,000 sako ng bigas na pakikinabangan
ng 1,000,000 pamilyang Pilipino.
 
Kung ang pag-uusapang itayo naman ay Gawad Kalinga na bahay na nagkakahalaga
ng P100,000 bawat isa, ang P1-B ay kayang makapagpatayo ng 100,000 bahay. Sa
ganitong paraan, hindi man lahat ay magkakaroon ng bahay pero hindi na masamang
panimula upang ang lahat ng walang bahay ay makinabang. Sa sinasabing sarbey,
posible pang maglaho na parang bula ang P1-B dahil posible itong pagmulan ng
korapsyon samantalang ang bahay ay pangmatagalan at maintenance lang ang
kailangan. Maubos man ang P1-B ay nakatayo pa rin ang bahay. Samantala, kung ang
takbo ng isip ng dalawang opposition senators ay mapunta lang sa bulsa ng Bureau of
Corrupt Officials ang ni-realign na P20-B ng P1.415 trilyon 2009 National Budget ng
bansa, ano pa kaya ang nasa isip ng sambayanang Pilipino? Napakarami nang pera ang
nawala sa kaban ng bayan. Ang lahat ng ito ay naglaho na parang bula. Walang
sinumang mahirap ang nakinabang.
 
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

6
Napakahusay ng mga opisyal ng ating gobyerno na pag-usapan kung saan higit na
makabubuting ilagak ang trilyong pondo ng bansa. Bagamat legal ang mga sinasabing
paggagamitan pero sa ilegal naman mapupunta. Mahusay ang pagkakabalangkas,
masusing pinag-aralan at legal ang pagkakagawa ng 2009 National Budget, pero saan ito
pupunta? Sino ang higit na makikinabang: Ang maralitang Pilipino ba o ang corrupt
officials? Napakalaking halaga ng P20-B. Para sa mahihirap katumbas ito ng 2 milyong
bahay ng Gawad Kalinga kung nagkakahalaga lamang ito ng P100,000 bawat
isa. Proyektong pakikinabangan ng mga mahihirap na walang bahay. 
 
Hindi na masama para pakinabangan ng mga Pilipinong walang sariling bahay. Ang
masama ay mapunta lang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Sa
pamamagitan nito ay maibabalik ang dignidad ng maraming Pilipino.
 
Kaya sa panahon ngayon, kailangan ng ating bansa ang isang lider na kayang
solusyunan ang problema ng mga maralita. Makakabuti na ang isang namumuno ay
mabusog sa mga aral ni Confucius na ang katangian ng isang lider ay may pagmamahal
sa kapwa/ mamamayan, respeto, disiplina sa sarili at moralidad. Kung may mga
ganitong katangian ang mga opisyal ng ating gobyerno, wala na marahil naghihirap sa
ating bayan.

Ang Paglaki ng Populasyon

Ayon kay Atondo(2016) manunulat ng tumblr website, na ang paglaki ng populasyon


ay nagdudulot ng kahirapan.  Gaya ng kakulangan sa pagkain, mahirap na paghahanap ng
trabaho, malaking posibilidad ng pagkasira ng kalikasan, pag-gawa ng krimen at di
kanais-nais. Nagiging mas mahirap ang alokasyon upang mapakinabangan ng lahat ang
pinagkukunang yaman. Malaking gastusin na inilalaan sa pagkain, pananamit, pabahay,
kalusugan at edukasyon. Maraming Pilipino ang nagkakaroon ng malaking pamilya at
nagdudulot ng kahirapan, hindi naibibigay ang edukasyon para sa lahat ng anak, at
nagiging dahilan ng hindi nila pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sinasabing may
mabuti din namang naidudulot ang malaking populasyon, ika nga nila masaya kung
madami ngunit para sa ekonomiya nitong ating bansa ay madaming itong naidudulot at
nakaka-apekto sa buong bansa. May mga paraan upang ito ay ma-solusyonan gaya ng
Family Planning, sapat na kaalaman at impormasyon at madami pang iba na makakatulong
sa ika-uunlad nitong ating lupang tinubuan.
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

Unemployment sa Pilipinas

Batay kay Parra(2016), ang unemployment o bilang ng mga manggagawang walang


trabahong nakalaan ay may malaking epekto sa pamayanan at ekonomiya. Sa panahon
ngayon, karamihan sa mga nakapagtapos ay nauubusan ng oportunidad na makapasok sa
trabaho at ang ilan ay mas pinipiling mangibang bansa.

Ang pinakapangunahing epekto nito ay kahirapan. Nang dahil sa hindi


mapakinabangang kaalaman, hindi na masusustentuhan ang mga pangunahing
pangangailangan ng pamayanan. Higit sa lahat sa pangangalaga sa pinaka maliit na yunit
ng lipunan, ang pamilya. Sa isang pamilyang walang sapat na hanap buhay, maghihirap
ang bawat miyembro na mapunan ang kanilang pangangailangan. Halimbawa na
lamang, sa edukasyon ng kabataan, kalusugan at mga kumakalam na mga sikmura. Sa
kadahilanang ito, hindi uunlad ang ekonomiya ng bansa. Bagkus ay lalong maghihirap.
Maraming mga taong mapipilitang gumawa ng masama o mangibang bansa kesa
maghirap dahil sa kawalan ng trabaho. Upang masolusyunan ito, bigyan ng pagkakataon
ang mga taong magkatrabaho kahit ito'y simpleng hanap buhay lamang, bigyan ng
tamang pasweldo at benepisyo.
Solusyon sa Kahirapan
Ayon kay Baroman(2016) isang manunulat sa blogspot ng komunikasyon at
pananaliksik, ang  mga solusyon para maibsan ang kahirapan sa ating bansa ay ang
pagkakaroon pananaw sa buhay, disiplina at tiyaga. Ang mga ito ang naisip kong paraan
upang malutas at matapos na ang kahirapan sa ating bansa. Ang hirap lang kasi yung iba
wala naman yata sa bokabularyo nila ang mga salitang ito. Nakukuntento sila sa anong
meron lamang sila ngayon. Sa aking pananaw ang mga solusyon na aking nabangit ay
mahalaga sa pag-unlad ng pamumuhay ng isang tao. Ang pag asenso ng bawat
indibidwal sa lipunan na kanyang ginagalawan ay nakakatulong din sa kanyang bansa.
Ang pagkakaroon ng pananaw sa buhay ng isang tao ay nagbibigay sa kanya ng
direksyon kung anong landas ang kanyang tatahakin at kung anong buhay ang kanyang
gustong maging. Ito ang magiging behikulo niya sa pag-unlad ng kanyang sarili at
pamumuhay. 
Ang pagkakaroon ng disiplina ng isang tao hingil sa mga patakaran o batas at lalong-lalo
na sa pagpapalakad ng kanyang buhay. Mahalaga ito dahil pinapaunlad nito ang kaisipan
at pagpapahalaga sa sarili.

Ang panghuli naman ay ang tiyaga. Kung may pangarap ang isang tao ay kinakailangan
niyang magtiyaga dahil hindi lahat ng bagay ay madaling makamit. Minsan ay
pagdaraanan mo ang mga dagok at iba't ibang pagsubok sa buhay na maaaring pumigil
sayo upang magpatuloy sa pag-unlad. 

Habang may buhay may pag-asa ang malimit na sinasabi ng isang taong positibo ang
pananaw sa buhay at nagnanais na umunlad.
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

DAYUHANG LITERATURA AT PAGAARAL


Pagkalat ng Kahirapan
Ang pagkalat ng kahirapan ay isa sa pinakaimportanteng problema na kinahaharap
natin dito sa Pilipinas at ang kahirapang ito ay isa ring problema na kung ikukumpara
natin sa ibang bansa sa Asia. Ang Southeast Asia Regional Center ay para sa mga
nakagraduate ay karugtong upang mabawasan ang mahihirap sa Asia. Ayon sa kanilang
pananaliksik na ang mabilis na pag-unlad ng Asia kagaya ng timog at timog-silangang
asia ng bansa ay kabaligtaran ng sa Pilipinas na ang pagbabawas ng mga mahihirap ay
napakabagal di kagaya ng Asia partikular na ang Indonesia, Thailand, Vietnam, at
China. Pareho ang China at Vietnam ay nagsisimula sa pinakamataas na lebel ng
kahirapan di gaya sa Pilipinas noong 2000’s pero ang kanilang absolutong kahirapan ay
nabawasan at naging mas mababa sa ating bansa noong 2010. Parehong Malaysia at
Thailand ay nagbawas din ng mga mahihirap noong nakaraang 20 taon. Ang absolutong
kahirapan sa Pilipinas ay mas mababa kaysa sa ibang bansa.
Ang Philippines Human Development Report (2011) ay nagpapakita na ang sukat ng
pagkakait kagaya ng disparities na access na reliable water supply, electricity, at higit
sa lahat ay kaalaman kung ano ang nararapat na bahagi ng sibilyan (HDN 2011).
Gayunpaman, ang Metro Manila ay may pinakamababang antas ng kahirapan.
Samantala, ang Bicol, Western Mindanao at Visayas ang may pinakamataas. Noong
2009, ang bahagdan ng kahirapan ay mataas ng sampung beses sa Bicol at Western
Mindanao kaysa Metro Manila. Sa pangalawang pagkakataon, ang Autonomous Region
of Muslim Mindanao (ARMM) ang naging pinakamahirap noong taong 2003.
Mas mahalaga ay ang pabago-bagong ebolusyon ng kahirapan sa bawat oras. Sa
dalawang rehiyon, Western Mindanao at ARMM, ang kahirapan sa malalim na saklaw
ay mas mataas noong 2011 kaysa 2005. Ito rin ay pagtanggi na nagpapakita ng mga
hakbang na sumasalamin sa pagkakait ng pag-unlad ng tao partikular sa kalusugan at
edukasyon. Sa pagtatapos sa taong 2000 ang dalawang rehiyon na ito, particular ang
ARMM ay nasa gitna ng marahas na paghaharap sa pagitan ng mga military at sibilyan.
Sa taong 2010 ng Setyembre, tinapos ng UN General Assembly ang Millennium
Summit sa pamamagitan ng pagtakda ng Millennium Development Goals (MDGs).
Bilang karagdagan, sa unang MDG ng pagpuksa sa matinding kahirapan at kagutuman,
ang iba ay sumasaklaw sa pagkamit ng pangunahing edukasyon, pagtataguyod ng
pagkapantay-pantay sa kasarian ng bawat tao, pagbabawas ng dami ng batang
namamatay, paglaban sa HIV/AIDS, malaria, at iba pang karamdaman, at pagbubuo ng
malawakang pagsasanib sa ikauunlad. At ayon sa pag-aaral ng Nigeria sinabi nila na
ang kanilang bansa ay tatukoy na naghihirap dail sa kurapsyon ng kanilang bansa na
hanggang ngayon ay hindi pa nasusulusyunan.
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

9
Ang isang pag-aaral ng United Nations nang Estadiskita Division (UNSTAT) ay
kinilala ng isang hanay ng mga problema sa pag-unlad na bansa na mukha sa pagsukat
at monitoring ng panlipunan at pag-unlad ng tao na paraan, kabilang ang mga
mahihirap na data ng kalidad, lipas na sa panahon ng impormasyon, kakulangan ng
kamalayan ng mga kasalukuyang data sa availability sa mga gumagamit, at kakulangan
ng disaggregated ng data, tulad ng sa mga lunsod o bayan poor7. Ang pangunahing
dahilan para sa pagkasalat ng maaasahang data sa pinaka-unlad ng mga bansa sa
rehiyon ay kakulangan ng sapat na tao at mga mapagkukunan ng pananalapi,
kakulangan ng koordinasyon sa mga statistical ahensya ng pangangalap ng
impormasyon at mga mahihirap na pamamahala ng mga umiiral na mga resources.
Gayunman, sa kaso ng mga istatistika ng kahirapan, ang labis-labis diin ilagay sa
headcount hakbang ay din hampered anumang pag-unlad at pagpapabuti ng mga data
na maaaring sa kabilang banda ay maaaring nagbago. Habang ang paghiram sa ideya
mula sa Rowntree ng linya ng kahirapan, mamaya may mga mananaliksik sa halip
pinansin ang katotohanan na ang kinang ng kanyang pag-aaral itaya ang buhay sa
paggamit ng maraming iba't ibang klase ng mga pinagkukunan ng data, ang
pamamaraan ng koleksyon ng data at pagtatasa upang makakuha ng detalyadong mga
ebidensiya sa mga bagay na kaugnay sa kahirapan, pati na rin ang pagtitiklop ng pag-
aaral. Ang mga ito ay lugar na kung saan ay dapat pa rin ng mga pag-aalala sa anumang
seryosong pagtatangka upang mapabuti ang mga istatistika ng kahirapan sa mga bansa
ng rehiyon.
“Since average real incomes of the nonpoor more than double each generation, the
gap ‘haves’ and ‘have-nots’ continually widens.”
Sa ibang bansa tulad ng US, ang kahirapan sa taong 1970’s-1982 ay tumataas ng 3.4
million sa bawat katao. At nabawasan naman ito ng 31.5 million noong 1996. Ngunit
Ito’y tumalon bigla sa 33.6 million noong 2000 dahilan sa napakalaking populasyon.

 
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

10

KONKLUSYON

Batay sa mga datos at mga sinuri ng mananaliksik, nakita na madaming dahilan kung
bakit laganap pa rin ang kahirapan sa bansang Pilipinas ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang pagiging tamad ng mga tao at ayaw magtrabaho


2. Kulang sa edukasyon kaya hindi makanap ng trabaho
3. Maling pamamahala ng gobyerno o pamahalaan sa bansa
4. Ang paglaki ng populasyon sa bansa
5. Ang di pagkakaroon ng disiplina ng mga tao
6. Kawalan ng pagplaplano sa paggastos ng pera
7. Hindi nagagamit ang pondo ng bayan sa tamang pagpupunan
8. Pagtanggi ng mga tao sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanila para makapagtrabaho
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

11

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan

https://medium.com/@maryandreipascual/ang-mga-sanhi-ng-kahirapan-sa-pilipinas-
81bc76790219

https://zayraareglado.wordpress.com/2016/10/17/kahirapan-sa-pilipinas/

https://news.abs-cbn.com/feedback/01/26/09/gobyerno-bulag-sa-kahirapan

http://komunikasyon-gandhi2016.blogspot.com/2016/10/ano-nga-ba-ang-sagot-sa-
kahirapan.html

https://flickeringlightxx.tumblr.com/post/152450169363/paglaki-ng-populasyon-sa-pilipinas

https://brainly.ph/question/377074

https://www.slideshare.net/kheesa/grade-10-aralin-3-ang-isyu-ng-kahirapan

https://www.academia.edu/27152389/Kahirapan_sa_pilipinas_Ang_kahirapan_ang_isa_sa_m
ga_mabibigat_ng_problema_ng_ating_bansa
STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC

12

You might also like