Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region X – Northern Mindanao


DIVISION OF ILIGAN CITY
Ikalawang Kapanahunang Pagsusulit
Araling Panlipunan G9
Pangalan______________________Seksiyon____________Petsa__________Iskor_____________
Panuto: Bilugan ang titik na nagtataglay ng tamang sagot.

1. May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay. Kailangan natin ng pagkain, damit, tahanan at
marami pang iba. Ano ang tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang
presyo sa isang takdang panahon?
a. demand b. supply c. ceteris paribus d. goods
2. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o
serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo muna
ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin. Magpasya kung alin ang tamang basihan sa batas na ito.
a. May direktang ugnayan ang presyo at quantity demanded.
b. May inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo at quantity demanded.
c. May ugnayan ang presyo at quantity demanded.
d. Walang ugnayan ang presyo at quantity demanded.
3. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman
ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ano ang kahulugan ng katagang ceteris paribus?
a. Ipagpapalagay na walang nakaaapekto sa quantity demanded.
b. Ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded,
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.
c. Ipinagpapalagay na ang ibang mga salik lamang ang nakaaapekto rito.
d. Walang ibig sabihin ito.
4. Ang mga presyo ng mga salik ng produksyon para sa iyong negosyong panaderya ay tumaas dahil sa pagtaas ng presyo
ng harina, gatas at asukal. Hindi mo rin naman itaas ang presyo ng iyong mga produkto dahil baka hindi na bumili sa iyo
ang iyong mga suki. Ipahiwatig kung alin ang maaari mong dapat gawin?
a. Ipagbibili ang mga produkto sa parehong laki at presyo.
b. Isasara na lang ang panaderya.
c. Dadamihan ang gagamiting harina at asukal.
d. Babawasan ang laki ng produkto.
5. Ikaw ay may sari-sari store at marami kang mga de latang ipinagbibili na nabili mo rin sa mababang halaga. Pagkalipas
ng ilang araw, nagmahal ang presyo nito. Papaano mo masiguro na maibinta mo at kikita ka?
a. Siguraduhing tataasan ang presyo ng panindang de lata.
b. Ibababa ang presyo ng panindang de lata.
c. Dagdagan pa ang mga de lata upang mabinta ng mas mataas na presyo
d. Ipamimigay ang mga panindang de lata.
6. Masasabing magkaugnay ang presyo ng mga produkto sa pagkonsumo kung ito at komplementaryo o pamalit sa isat-
isa. Papaano mo ba ito mapapatunayan?
a. Magagamit ang kahit anumang produkto basta gusto lang ng tao.
b. Kailangang sabay na gamitin ang dalawang produkto kahit anumang presyo mayroon nito.
c. Hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang komplementaryo nito.
d. Anumang pagbabago sa presyo ng isang produkto ay ganun din sa komplementayo nito.
7. Napakaraming mga negosyante sa Tabuan de Iligan tuwing piyesta sa lungsod na nanggaling pa sa iba’t ibang sa parte
ng bansa. Ito ay dahil matao at mataas ang demand sa kahit anumang produkto na maaring mapupusuan ng mga tao.
Base sa bandwagon effect, ano ang mabuo mong konklusyon batay nito?
a. Mataas ang demand dahil piyesta ng lungsod.
b. Kung may maraming bibili ng produkto ang iba ay hindi nag-atubiling bumili.
c. Kung may maraming bibili ng produkto bibili at nakikiuso rin ang mga tao.
d. Mataas ang demand sa mga produktong ngayon lang nila nakita at natikman.
8. Tumaas ang kita ni Mang Anton dahil sa bago niyang posisyon na nahahawakan, at tumaas ang kanyang demand sa
karneng baka. Ano ang tawag sa produkto na mabibili dahil sa tumaas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita nito?
a. Normal goods b. Inferior goods c. Substitute goods d. Complementary goods
9. Ang paglipat sa kurba ng demand ay nagaganap kapag hindi presyo ang nakakaapekto. Paano mo ito mapapatunayan?
a. Lilipat pakanan ang kurba kung mababa ang presyo ang komplementaryong produkto.
b. Lilipat pakanan ang kurba kung mababa ang kita ng isang tao.
c. Lilipat pakaliwa ang kurba kung inaasahan ng mamimili na may sale.
d. Lilipat pakaliwa ang kurba kung nauuso ang isang produkto.
10. Sa presyong ₱ 15, nakabili ka ng dalawang piraso ng pinagkakatiwalang mong shampoo . Nang bumaba ang presyo
nito sa ₱ 10, bumili ka ng limang piraso. Ano ang uri ng elastisidad ng sabon na ito base sa iyong demand?
a. Inelastic b. Unit elastic c. Elastic d. Perfectly elastic
11. Ang perfectly inelastic na demand ay may coefficient na ang value ay 0. Ano sa iyong palagay ang ipinahiwatig nito?
a. Hindi magbabawas ng malaki sa kanilang demand ang mamimili.
b. Hindi handang tumanggap ng pagtaas ng presyo ang mamimili.
c. Hindi magbabago ang demand ng mamimili kahit mataas ang presyo.
d. Hindi bibili ang mamimili kapag mataas ang presyo ng proodukto.
12. Ang mga inumin tulad ng juice, softdrinks at tubig ay mga produktong maraming pamalit, ibig sabihin ang mga ito ay
elastic. Ilahad kung papaano nagiging elastic ang demand sa isang produkto?
a. Kapag mas malaki ang pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng presyo kaysa pagbabago ng bahagdan ng
quantity demanded.
b. Kapag mas malaki ang pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa presyo.
c. Kapag pareho lamang ang pagtugon ng mga bahagdan ng pagbabago sa quantity demanded at presyo.
d. Kapag walang pagtugon ng mga bahagdan ng mga pagbabago ng quantity demanded at presyo.
13. Ang pagtugon sa dami ng pangangailangan o quantity demanded ng tao para sa isang produkto sa tuwing may
pagbabago sa presyo ay ang basihan sa elastisidad ng demand. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Nalalaman ang pagtugon ng mamimili sa tuwing may pagbabago sa presyo ng produkto.
b. Bibili ang tao kahit magbabago ang presyo depende sa kalidad nito.
c. Walang pagbabago sa demand kahit anuman ang presyo nito dahil gusto ng tao.
D. Ang presyo ay may epekto sa mga produkto na maaring ibinta ng mga negosyante.
14. Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon ang
quantity demanded kahit pa tumaas ang presyo. Anong pahiwatig ang mabuo mo batay nito?
a. May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito makabibili
pa rin tayo ng alternatibo para dito.
b. Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan, maari ng
ipagpaliban muna ang pagbili nito.
c. May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit.
d. May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.
15. Sa ekonomiks, pinag-aralan kung paano matulungan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito
ay tungkulin ng prudyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prudyuser?
a. demand b. ekwilibriyo c. produksiyon d. supply
16. Ayon sa batas ng supply na may direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
Bumuo ng tumpak na pakahulugan nito.
a. Na kapag tumataas ang supply ay tumataas din and presyo sa pamilihan.
b. Kapag bumababa ang presyo ng bilihin ay bumababa rin ang supply.
c. Kapag tumataas ang presyo ng bilihin ay tumataas rin ang dami ng produktong gusting ipagbili.
d. Ang sagot sa b at c
17. Ikaw ay may maliit na tindahan. Marami kang ipinagbili na mga sabon na nabibili mo pa sa nakaraang taon lang sa
mababang presyo. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
a. Tataasan pa ang presyo ng panindang sabon.
b. Ibababa ang presyo ng mga panindang sabon.
c. Bibili pa ng mas maraming sabon.
d. Ipamimigay ang mga panindang sabon dahil kapistahan naman.
18. Ang mga presyo sa mga salik ng produksiyon para sa iyong negosyong bibingka ay tumaas dahil sa pagtaas ng presyo
ng bigas at asukal. Takot ka namang ipataas ang presyo ng iyong produkto dahil baka hindi na ito bibilhin ng mga suki mo.
Ano ang nararapat mong gawin?
a. Magluluto na lamang ng putong bigas at hindi na bibingka
b. Dadamihan ang gagamiting bigas at kakaunti na lamang ang asukal
c. Babawasan ang nakaugaliang laki ng bibingka
d. Hindi na magluluto kaylan man para makabawi
19. Dati-rati ay maliit na makina lamang ang gamit ni Mang Tonio sa pananahi ng mga damit, nakaipon siya ng malaki at
nakabili ng makinang gamit ay kuryente. Ano ang magiging epekto nito sa kanyang negosyo?
a. Naging masaya si Mang Tonio
b. Dumami ng husto ang kanyang mga suki sa ibayong lugar
c. Dumami ang kanyang natatahing mga damit
d. Naging maginhawa ang pananahi ni Mang Tonio
20. Napapanahon ngayon ang prutas na lansones sa lungsod ng Iligan kaya naman maraming negosyante ang nahikayat
na magbinta nito. Aling salik ang sa palagay mo ang nakaaapekto nito?
a. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na negosyo b. Ekspektasyon ng presyo
c. Pagbabago sa teknolohiya d. Dami ng nagtitinda sa lungsod
21. Papalapit na ang Pasko at nag-uunahan na ang mga tao sa pagbili ng mga pangunahing sangkap para sa Noche Buena.
Bilang negosyante sa mga sangkap na ito ano ang nabubuo mong plano para kumita ng malaki?
a. Magpapataw ng presyo sa produkto na kaya ng konsyumer
b. Magbigay ako ng discount sa produktong nais bilhin ng konsyumer kahit konti lang ang kita ko
c. Hindi ko pababaan ang presyo kahit malugi pa ako
d. Papatawan ko ng mas mataas na presyo ang mga produkto para dumami ang kita
22. Ang matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng mga salik na nakaaapekto sa suplay ay lubhang
napakaimportante dahil kung ano man ang pagbabago sa salik ng suplay tiyak na may epekto ito sa negosyo. Bilang isang
prodyuser anong aksiyon ang napakaangkop mong gagawin?
a. Ang mga salik ng produksiyon ay hindi na kailangang gagamitin sa efficient na pamamaraan
b. Ang pamamalakad ng negosyo ay di na kailangang pagtuonan ng masusing pag-aaral dahil sanay na
c. Ang mga balakid sa negosyo tulad ng kalamidad at krisis ay natural lamang kaya hindi na paghandaan
d. Huwag maging mapagsamantala lalo na sa kagipitan o kakulangan
23.Isang ilegal at malaking kasalanan sa batas ang pagtatago ng mga produkto upang tataas ang presyo nito dahil sa
kakulangan kaagad ng suplay sa palingke. Ano ang tawag sa gawaing ito?
a. trafficking b. hoarding c. stocking d. keeping
24. Si Mang Isko ay nagtitinda ng mga sangkap sa Tambo market. Kakaunti lamang ang ibininta niyang sibuyas dahil
napabalita na tataas ang presyo nito sa susunod na mga linggo. Anong salik ang nakakaapekto sa suplay ang kanyang
isinaalng-alang?
a. pagbabgo ng teknolohiya b. pagbabago sa halaga ng produksiyon
c. pagbabago sa bilang ng nagtitinda d. ekspektasyon sa presyo
25. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga prugyuser sa paghahatid ng produkto at serbisyo para sa mga
mamimili. Kung ikaw ay isang negosyante ano ang iyong gagawin upang maiangat mo ang ekonomiya ng bansa?
a. Magtatakda ng mababang presyo sa panininda
b. Magbigay ng tamang sukli sa mamimili
c. Gagamit ng angkat na materyales sa paggawa ng produkto
d. Lilikha ng produkto na mas kailangan ng ekonomiya
26. Ang “price elasticity ng supply” ay ang pagsukat kung gaano ang pagtugon ng prudyuser sa pagbabago ng presyo.
Anong uri ng elastisidad kung matagal pa na panahon ang kailanganin bago niya matugunan ang pagbabago sa bayad ng
isang serbisyo? a. elastic b. inelastic c. unitary d. perfectly elastic
27. Ang unitary ay halimbawa ng elastisidadna pareho ang nagging pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng quantity
supplied at presyo. Hanapin sa ibaba ang tamang coefficient ng unitary elastic na suplay.
a. Ɛs˃1 b. Ɛs˂1 c. Ɛs=1 d. . Ɛs=0
28. Sa bawat araw ay nakagawa ng 100 na puto bongbong si Paula at ibeninta niya sa halagang tag ₱5.00 bawat piraso.
Mabenta ang kanyang produkto kaya naisipan niyang dagdagan ito ng 150 kada araw ngunit sa halagang tag ₱10.00.
Batay sa kompyutasyon, ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Na sa bawat pagbabago ng presyo ay madagdagan ng 0.06 % ang suplay ng puto bongbong
b. Sa bawat pagbabago ng presyo ay mababawasan ng 0.61 % ang suplay ng puto bongbong
c. Bawat pagbabago ng presyo ay madagdagan ng 1.67% ang suplay ng puto bongbong
d. Na sa bawat pagbabago ng presyo ay walang anumang madagdag sa suplay
29. Sa panahon ngayon na maraming kalamidad, kaguluhan at sakit ang mga konsyumer ay may ekspektasyon na
maaring apektado ang kabuhayan ng bansa. Dahil dito ang pagtaas ng presyo ay maaring maganap at tataas din and
demand ng produkto. Bilang isang mautak na mamimili ano ang dapat mong gawin?
a. Bumili ng marami habang mura pa at itatago ang mga ito upang ipagbili ng mas mahal na halaga kapag lumala
na ang sitwasyon para magkapera ng doble doble
b. Isasagawa ang panic buying lalo na ang mga tao na may sapat at labis na salapi
c. Pagplanuhan ng maigi at bigyan ng prayoridad ang mga produktong bibilhin lalo ang pangangailangan bago
ang mga kagustuhan
30. Alam ng negosyanteng si Nina na kapag pasko at bagong taon ay marami ang maghanda at bibili ng prutas. Ano ang
kanyang dapat gawin upang makarami pa siya ng binta?
a. Magbibinta siya ng maraming prutas sa mas mataas na halaga
b. Magbibinta siya ng kakaunti lang na prutas sa murang halaga
c. Hindi niya babaguhin ang presyo at dami ng mga prutas niya
d. Magbibinta ng maraming prutas sa mas mura na halaga
31. Napakainit ng panahon kaya kung Sabado’t Linggo ay pupunta ang mga tao sa Timoga para maligo, ngunit
napakasikip na dahil sa napakaraming naliligo na nagmula pa sa iba’t ibang lugar, ang sitwasyong ito ay tumagal ng isang
buwan. Base sa elastisidad ng suplay, ano ang hinuha mo nito?
a. Ito ay price elastic dahil madali lamang ang pagtugon ng pangangailangan at pagpalaki ng nasabing paliguan.
b. Ang sitwasyon ay price inelastic dahil hindi madalian ang pagtugon sa pangangailangang paliguan.
c. Ang sitwasyon ay unit elastic dahil pareho ang nararamdamang sikip ng lahat na naliligo
d. Walang koneksiyon sa elastisidad ang sitwasyon
32. Ang suplay at demand ay parehong may patas na papel para makabuo at maibinta ang mga kalakal at paglilingkod.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon, papaano mo babaguhin ang batas ng suplay at demand ayon sa kalagayan ng
pamumuhay ng mga Pilipino?
a. Ipabababa ko ang presyo ng mga bilihin para marami ang hindi magugutom
b. Ipapaalis ko ang karagdahgang bayad ng buwis para bababa ang presyo ng mga bilihin
c. Kakalabanin ko ang mga kurakot na mambabatas na walang alam kung hindi panigan ang mga prodyuser kaysa
sa mga konsyumer upang sa gayon ay makakuha sila ng porsiento
d. Kakausapin ko si Pangulong Duterte na maging patas sa pagpataw ng presyo sa bawat bilihin upang magin
maganda ang relasyon ng prudyuser at konsyumer
33. Ang ugnayan ng dami ng demand at suplay at presyo ay maaring ipakita sa iba-ibang paraan. Ang mga ito ay ang
sumusunod maliban sa isa.
a. Demand & supply function b. Demand & supply schedule
c. Demand & supply curves d. Demand & supply lines
34. Nagdeklara ng dengue outbreak ang maraming lugar sa bansa, kaya tumaas ang pangangailangan ng mosquito
repellant subalit ang supply dito ay hindi tumaas. Ano ang konklusyon mo ukol nito?
a. Bababa ang presyo nito dahil sa demand para dito
b. Tataas ang presyo dahil magkakaroon ng kakulangan nito
c. Walang pagbabago sa interaksyon ng suplay at demend
d. Dadami ang magkakasakit ng dengue
35. Sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso ay tumaas ang presyo ng mga bulaklak. Bilang isang magsasaka at
negosyante bumalangkas ng isang pagsusuri kung bakit nagaganap ito.
a. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumipat ang kurba
ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
b. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na
itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
c. Tanggapin ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso
sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
d. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang
lalong tumaas ang presyo nito.
36. Ang pagkakasundo ng mamimili at nagtitinda ay nagpapakita ng magandang interaksyon sa pamilihan upang
maiwasan ang shortage o di kaya’y surplus. Kung ikaw ang huhusga sa anong paraan sila nagkakaugnay?
a. Pareho ang dami ng demand sa iisang presyo
b. Ang dami ng suplay ay pareho sa iisang takdang presyo
c. Ang dami ng demand at suplay ay pareho sa ibang presyo
d. Pareho ang dami ng demand at suplay sa iisang presyo
37- 40. Sa pamilihan maaring magkaroon ng shortage at surplus ng mga produkto kung hindi balanse ang magiging
interaksiyon sa pagitan ng mamimili at nagtitinda. Ipagpalagay na ikaw ay isang prodyuser papaano maiiwasan ang
ganitong pangyayari? (Ipaliwanag )____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
41-43. Sa krisis na naranasan ng mga Pilipino ngayon negosyante ka man o konsyumer kailangang maparaan ka upang
walang kakulangan at kalabisan sa lahat na bagay ito man ay demand o suplay. Anu-ano ang maisusug mong mga
epektibong paraan para maiwasan ito.
* .__________________________________________________________________________________________
* .__________________________________________________________________________________________
* .__________________________________________________________________________________________

44. Ang pamilihan ay bahagi ng buhay ng mga prudyuser at mga konsyumer. Ano ang maaring mangyari kung walang
pamilihan sa isang lugar?_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.

45-47. Ang pamilihan ay may iba’t ibang istruktura, isa na rito ay ang pamilihang may ganap na kompetisyon na kinikilala
na modelo o ideal. Bilang isang mamimili o konsyumer anu-ano ang maibibigay mong payo at paliwanag sa kapwa mo
konsyumer sa pagtangkilik sa ideal na istrukturang ito?
*__________________________________________________________________________________________
*__________________________________________________________________________________________
*__________________________________________________________________________________________

48-50. Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Bakit kailangang pakialaman nito ang mga
gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istruktura ng pamilihan?, at papaano ito gawin? ___________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

GOD BLESS (lla)

You might also like