Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Crazy Beautiful You Movie Review

Kuwento:
Ang kwento ay nasasabing napapanahon dahil isinasaad dito ang problema ng paraming
pamilyang Pilipino. Maraming anak ang na naghahanap ng pagmamahal at pag-aaruga ng
isang ina.

Ipinapakita din dito na ang pamilya ang gagabay sa mga anak kahit na ano pa ang
pinagdadaanan nito. Sa kabila ng mga problemang ikinakaharap ng pamilya ay
masusulusyonan ito sa pamamagitan ng pakikinig sa isa’t isa at kapag kayo ay
nagkakaintindihan.

Sa takbo ng kwento ipinakita ni Jackie na inakala niyang hindi siya mahal ng kanyang ina dahil
iniwan siya nito sa kanyang ama..Si Jackie ay nagrebelde at naging car racer kaya siya hinuli
ng mga pulis at kinulong. Pililit siya ng kanyang ina na sumama sa isang medical mission sa
Tarlac upang matuto siya sa kanyang mga pagkakamali at upang masunod ang gusto niya na
mag-aral sa New York.

Sa gitna ng kwento ay nagkakilala si Kiko at si Jackie dahil parehas sila magkasama sa Medical
Mission. Marami siyang mga bagong karanasan sa Medical Mission na nagpakita sa kanya na
maswerte siya dahil maykaya sila sa buhay at mahal siya ng kanyang mga magulang. Sa tulong
ni Kiko siya ay natutong mamuhay ng masaya at maging mapagpatawad.

Tema/paksang diwa:
Ang pinakapuso ng pelikula ay nakatuon kung paano maaayos ang problema ng isang pamilya
na minsan aynagreresulta sa pagrerebelde ng anak. Gayundin, litaw sa pelikula ang paksa
tungkol sa pagbabago tungo sa pagiging mabuti dahil nagmahal ang isang tao. Dagdag pa nito
ay kung paano tanggapin ng bukal sa loob ang mga pagkukulang ng mga magulang sa
kanyang anak. Bukod saq nabanggit na paksa ay pahapyaw ring natalakay ang sumusunod:
1. Pag-aaway away ng magkakapamilya
2. Pagdistaynsiya ng isang miyembro ng pamilya sa iba
3. Irresponsableng paggamit ng kotse
4. Pagkakawala ng respeto sa magulang
5. Matutong magpatawad at magbagong buhay

PAMAGAT AT PELIKULA
Ang pamagat ay hango sa linya ni Kiko na “A beautiful disaster”. Maaaring nasabi niya ito dahil
sa mga bagay na ginawa ni Jackie bago ang Medical Mission at nakita rin niya na kahit
ipinapakita ni Jackie na wala siyang pakialam sa kanyang ina ay ang totoo ay mahal niya
talaga ang kanyang ina.

Pagganap ng mga tauhan


Malinaw ang karakterisasyon sa pelikula at mahusay ang pagkalahad ng bawat tauhan sa
kanilang mga diyalekto. Magaling na iginanap ni Kathryn Bernardo ang pagiging Jaqueline
“Jackie” Serrano dahil habang pinapanood ang pelikula, mararamdaman mo ang kaniyang
emosyon na nasasaktan siya dahil iniwan siya ng kanyang ina at mahusay din niyang ipinakita
ang pagiging mapagpatawad.
Mahusay ring inilitrato ni Daniel Padilla ang kaniyang karakter na si Kiko Alcantara bilang
panganay ng magkakaptid. Bilang panganay, siya ang nagiging lakas ng kanyang dalawang
nakababatang kapatid dahil palaging wala ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay may
pamilya ng iba. Dahil sa mga ekspresiyon na pinakita ni Daniel sa pelikula, hindi nating
maiwasan na madala sa mga emosyong ipinapakita niya lalo na kapag nag-uusap sila ng
kanyang mga kapatid.
Maayos ring inilarawan ni Lorna Tolentino ang kaniyang karakter ina ni Jackie. Siya ay isang
doctor na may medical mission sa Tarlac.Mahusay ang kanyang pagganap bilang isang ina
dahil nararamdaman ang mga emosyong ipinapakita niya sa pelikulang ito. Ginagawa niya ang
lahat upang magkasundo na sila ng kanyang anak. Marami siyang pagsubok na hinarap bago
siya tuluyang mapatawad ng kanyang anak pero tiniis niya ang lahat ng ito upang magkaayos
na sila.

DIYALOGO:
Ang mga linya na binitawan ng mga karakter sa pelikula ay angkop sa mga eksenang
nagaganap sa pelikula. Ang iba sa mga salitang ginamit sa pelikula na may pagkabulgar ay
akma sa pangyayaring namamagitan sa mga karakter ng tauhan.

CINEMATOGRAPHY
Mahusay ang pagkuha ng mga anggulo. Maliwanag at maayos ang mga camera shot at
naangkop ang mga lugar sa nais ipahiwatig ng pelikula. Ang bawat galaw ng mga karakter ay
nasusundan ng kamera at nakapokus ang kamera tuwing may mga napapanabig na eksena
para hindi makaistorbo sa mga manonood.

IBA PANG ASPEKTONG TEKNIKAL


Konti lang ang ginamit na special effects sa pelikula dahil hindi gaanong kinakailangan. Naayon
ang mga tunog at tagpo sa paksang nais ipakita ng mga eksena. Maayos ang pagka-edit kaya
walang mga putol na eksena. Namamagitan pa rin ang boses ng mga karakter kapag may
kaubay na tunog o musika sa diyalogo at naririnig at naiintindihan pa rin ang mga ito.

You might also like