Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KABANATA I

PANIMULA

Sa panahon ngayon, marami na ang mga kontemporaryong isyung nagaganap hindi

lamang sa ating bansa, kundi pati na rin sa buong mundo. Kabilang sa mga ito ay ang:

(1)Pagbabago ng klima (Climate Change), (2) Terorismo (Terrorism), (3)Same-Sex Marriage,

(4)Migrasyon (Migration), (5)Rasismo (Racism), (6)Unemployment, (7)RH Bill/Law,

(8)Dinastiyang Pampulitikal (Political Dynasty), (9)Hazing, (10)Aborsiyon (Abortion),

(11)Suliraning Teritoryal (Territorial Dispute), at marami pang iba. Isa sa mga hinaharap na

suliranin nating mga Pilipino sa ngayon ay ang suliraning teritoryal o alitan sa teritoryo na

tinatawag naman sa Ingles na “Territorial Dispute.” Nagkakaroon ng ganitong suliranin dahil sa

hindi pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang mga bansa, maaari ring dahil ito sa kasaganaan ng

mga likas na yaman sa isang teritoryo, lupain, o katawang tubig. Katulad na lamang ng sa

Scarborough Shoal, ito ay kabilang sa PIlipinas ngunit dahil sagana ito sa mga likas na yaman

tulad na lamang ng langis, ninais itong angkinin ng bansang China at nagtagumpay sila sa

pagkontrol nito. Ang epekto nito sa ating bansa kapag ito’y lumala ay maaaring magkaroon ng

giyera o digmaan, katulad na lamang noong taong 2012, muntikan nang magkaroon ng digmaan

o giyera sa pagitan ng China at Pilipinas. Naging problema ang isyung ito sapagkat hindi

lamang ang dalawa o higit pang mga bansang nag-aalitan ang maaaring magkaroon ng

masamang epekto kundi pati na rin ang mga karatig-bansa o lugar ng mga ito na hindi naman

kasali sa mga nag-aagawan.

Maraming mga halimbawa ng suliraning teritoryal, kasama na dito ang mga: Isyu ng

Kashmir sa pagitan ng India at Pakistan, Isyu ng Folklands sa pagitan ng Great Britain at

Argentina, Pagsakop ng Iraq sa Kuwait noong Gulf War, Ang tensyon sa pagitan ng Sudan at
South Sudan, Tensyon sa pagitan ng Armenia at Azerbaijan, Tensyon sa pagitan ng Thailand at

Cambodia, Ang pag-angkin ng Russia sa Crimea na matatagpuan sa Timog-Silangang rehiyon o

bahagi ng Ukraine, Ang usapin tungkol sa Sabah na binigyang-pansin ni Dating Pangulong

Diosdado Macapagal sapagkat pagmamay-ari daw ang lugar na ito ng Sultan ng Sulu na si Jamal

ul-Kiram III, Pag-aagawan ng China at Japan sa Senkaku Islands, Ang tensyon sa West

Philippine Sea o South China Sea sa pagitan ng Pilipinas at China kasama na ang Scarborough

Shoal, ang Spratly Islands na dati ay Kalayaan Group of Islands.

Sa kasalukuyan, ang pinakahuling isyu ng suliraning ito ay ang nangyaring tensyon sa

West Philippine Sea o South China Sea. Nanalo ang PIlipinas sa agawang ito dati ngunit hindi pa

rin sumusuko ang mga Tsino sa pag-angkin nito.

Sa ating bansa, marami na ring suliraning teritoryal, naagawan na rin an gating bansa ng ilang

mga teritoryo. Ilan sa mga ito ay ang mga isyu o usapin tungkol sa Sabah noong kapanahunan pa

ni Dating Pangulong Diosdado Macapagal at ang tensyon sa Dagat Kanlurang Pilipinas o Dagat

Timog Tsina.

Ang dahilan kung bakit pinili ng mga mananaliksik ang paksang ito ay upang maipaalam

hindi lamang sa mga estudyante at guro, kundi pati na rin sa lahat ng mga mamamayan sa ating

bansa. Ninais din nilang iparating sa atin kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng suliraning

teritoryal o territorial dispute, kung ano ang epekto nito sa mga mamamayan ng bansa, kung

bakit naging problema ito sa ngayon at naging kontemporaryong isyu na ito sa ating bansa sa

ngayon.
KABANATA II

PAGKILALA AT PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga epekto ng pag-aagawan sa teritoryo sa

panlabas o diplomatikong relasyon ng mga bansang sangkot sa “territorial dispute” sa West

Philippine Sea o South China Sea. Kaugnay nito, ang pananaliksik na ito ay may mga

sumusunod na tanong na nais bigyan ng kasagutan:

1. Ano ang suliraning teritoryal o alitan sa teritoryo (Territorial Dispute)?

2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong klaseng suliranin?

3. Paano masosolusyunan ang ganitong klaseng suliranin?

4. Paano naman maiiwasan ang suliraning katulad nito?

KABANATA III

PAGBUO NG MGA HINUHA O INFERENCES

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng pag-aagawan at maiwasang maapektuhan ang

panlabas na relasyon ng mga bansang kasali sa pag-aagawan ng West Philippine Sea o South

China Sea, ang mga sumusunod ay ilang mga hinuha upang mabigyan na ito ng kasagutan:

Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang mga bansa ay nagreresulta a pag-

aagawan ng isang teritoryo o lupain, at mga katawang dagat/tubig.

Ang kagustuhan ng isang bansa na magkaroon ng benepisyo sa sarili nito ay maaaring

naging sanhi na rin ng pagkakaroon ng alitan sa teritoryo.


Ang kagustuhan ng isang bansa na patunayan ang pagiging malakas kaysa sa ibang bansa

ay dahilan kung bakit nang-aagaw ito ng lupain o teritoryo ng iba.

Ang pagbubuo ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansang sangkot sa agawan ng

teritoryo ay nag-iiwas sa pagkakaroon ng matinding alitan.

KABANATA IV

PANGANGALAP NG MGA DATOS/ULAT/IMPORMASYON

Ang mga sumusunod na talata ay ang mga nakalap na mga impormasyon/datos ng mga

mananaliksik mula sa mga taong nakasaksi ng pangyayari (PANGUNAHING SANGGUNIAN),

at sa mga taong hindi nakasaksi o nakakita sa pangyayari (SEKUNDARYANG

SANGGUNIAN). Narito ang ilang mga datos ,o impormasyong nakalap ng mga mananaliksik:

PANGUNAHING SANGGUNIAN

Sinabi ni Foreign Sec. Albert del Rosario, 2016, na iresponsable ang China dahil sa

tingin nila, mas makapangyarihan pa sila sa batas. Sinabi rin ni del Rosario na kasabay ng

Pilipinas ay nanawagan na rin ang iba pang mga bansa na hintayin muna ang magiging desisyon

ng Arbitral Tribunal, ngunit wala itong pakialam. Sinabi rin niya na ilang beses na rin nilang

inimbitahan si Chinese Foreign Minister Wang Yi para maresolbahan ang isyu sa South China

Sea/West Philippine Sea ngunit lagi naman itong hindi naisasakatuparan.

Batay rin ni del Rosario, 2016, na maliban sa mga yamang dagat, malamang na

nakatuklas umano ng langis ang mga Tsino sa Scarborough Shoal kaya pilit nilang inaangkin ang

nasabing isla o shoal kahit nasa loob na ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon sa UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Professor Jay

Batongbacal, 2015, ang maaaring gawin lamang ng bansa ay: Una (1), hayaang umusad ang kaso
ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal. Pangalawa (2), dapat paghandaan anuman ang magiging resulta

o kalalabasan nito.

Ukol din kay Batongbacal, 2015, mahalaga munang magkaisa ang mga Pilipino at

magtiwala sa sariling pamahalaan upang pagkatiwalaan din naman ng ibang bansa. Sinabi rin

niya na kung may mga usaping panloob na hindi mapagkaisahan at maresolba, maaapektuhan

nito ang pakikipagsundo at ugnayang panlabas.

Mula sa Department of National Defense (DND) Spokesperson na si Peter Paul Galvez,

2015, na ang option o pagpipilian ng pamahalaan ay daanin sa mapayapang pamamaraan ang

usapin ng territorial dispute o alitan sa West Philippine Sea o South China Sea. At mas malaki

ang maitutulong ng mga mamamayan kung makikipagtulungan at magtitiwala sa pamahalaan.

“Magtulong-tulong tayo na palakasin ang ating ekonomiya, at magtiwala sa ating gobyerno o

pamahalaan,” ang panawagan ng DND Spokesperson na si Galvez.

SEKUNDARYANG SANGGUNIAN

Ayon sa isang ulat mula sa pananaliksik, at sa isang aklat ng “KAYAMANAN: Mga

Kontemporaryong Isyu,”, 2017, sinasabi dito na ang sulilraning teritoryal at hangganan o alitan

sa teritoryo at hangganan ay tumutukoy sa sigalot o hindi pagkakasundo ng mga bansa sa pag-

aari o sa kontrol ng teritoryo at hangganan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga bansa o estado.

Sinasabi rin dito na ito’y nagaganap kapag may dalawa o higit pang mga bansa ang umaangkin

ng isang lupain, o katawang tubig.

Galing din naman sa isang aklat ng Araling-Panlipunan 10, 2017, sinasabi rin dito na

kadalasan, ang territorial dispute o suliraning may kinalaman sa teritoryo at hangganan ay may

kinalaman sa kasaganaan ng likas na yaman o natural resources (sa Ingles kung tawagin) sa
pinag-aagawang teritoryo. Tulad na lamang ng sa Spratly Islands (Kalayaan Group of Islands

kung tawagin sa Pilipinas) sa West Philippine Sea o South China Sea.

Batay sa ulat ni Rosalie Coz mula sa UNTV News, 2017, hindi lamang ang Pilipinas

ang nakabangga ng China kundi maging ang Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan na

umaangkin din sa ibang teritoryo sa West Philippine Sea. Hindi lamang din ang PIlipinas ang

nilabanan nito ng teritoryo o lupain kundi pati na rin ang Japan, pinag-aagawan nila ang Senkaku

Islands. Sinabi rin sa kanyang ulat na ang isang bansang nang-aagaw ng mga lupain o teritoryo

ay naghahangad ng pagiging malakas at progresibong bansa. Mataas na ang ekonomiya ng

bansang ito tulad ng China kaya madali nalamang silang manalo kapag nagkaroon ng mga

labanan dahil may mga sandata at kagamitan silang mga napakahigh-tech na (High-Technology).

Nagnanais din silang maging “The One” sa buong mundo.

Batay sa isang aklat ng Araling-Panlipunan, tungkol sa Kontemporaryong Isyu, 2017,

nakapaloob dito na ang pagtatalo sa teritoryo o lupain o tinatawag na territorial dispute ay

kadalasang bunga ng isang hindi malinaw na kasunduang (treaty) nagtakda ng mga hangganan

ng kani-kanilang teritoryo.

KABANATA V

PAGSUBOK SA MGA HYPOTHESIS

Mula sa mga hinuha o hypothesis na ginawa ng mga mananaliksik at sa mga nakalap

nitong mga impormasyon tungkol sa isyu sa West Philippine Sea/South China Sea, narito ang

mga pagpapabulaan:
Batay sa mga impormasyong nakalap, napatunayang nagreresulta talaga sa pag-aagawan

ng isang teritoryo o lupain, at iba pang mga katawang lupa at tubig ang hindi pagkakaunawaan o

pagkakasundo ng dalawa o higit pang mga bansa.

Batay sa mga datos na nahanap, napatunayang totoo nga na ang kagustuhan ng isang

bansa na magkaroon ng benepisyo sa sarili nito tulad ng pagkakaroon ng kasaganaan sa mga

likas na yaman tulad ng yamang lupa, yamang tubig, yamang tao, at yamang mineral ay talagang

sanhi ng pagkakaroon ng alitan sa teritoryo.

Ayon sa mga datos na nakalap, napatunayang ang isa talaga sa dahilan kung bakit nang-

aagaw ng lupain o teritoryo ang isang bansa ay ang kagustuhan nitong patunayan na mas

malakas sila kaysa sa ibang bansa.

Ayon sa mga impormasyong nahanap, napatunayang nag-iiwas talaga sa pagkakaroon ng

matinding alitan sa teritoryo ang pagbubuo ng mga kasunduan ng lahat ng mga bansa.

KABANATA VI

PAGBUO NG MGA KONSEPTO AT PAGLALAHAT O KONGKLUSYON

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik batay sa isyu sa West Philippine Sea/South China Sea

ay napatunayan na ang mga sumusunod:

Ang ilan sa mga dahilan o sanhi kung bakit nagkakaroon ng mga alitan sa teritoryo tulad

na lamang sa isyu sa West Philippine Sea ay: (1) Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa o higit

pang mga bansa, (2) ang kagustuhan ng isang bansa na magkaroon ng benepisyo sa sarili nito, at

(3) ang kagustuhan ng isang bansa na patunayang sila ang pinakamalakas sa lahat ng mga bansa.

Ang isa rin sa mga paraan upang hindi na magkaroon ng ganitong klaseng matinding alitan ay
ang pagbuo ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansang nasangkot sa isang agawan sa

teritoryo tulad na lamang ng sa West Philippine Sea o South China Sea.

KABANATA VII

PAGPAPAHAYAG NG PANININDIGAN

Ang pinaninindigan ng mananaliksik tungkol sa isyung ito, ang isyu sa West Philippine

Sea o South China Sea ay naniniwala siyang ang mga dahilan talaga kung bakit nagkakaroon ng

alitan sa teritoryo, lupain, o mga katawang tubig ay ang mga sumusunod: (1) Ang hindi

pagkakasundo o pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang mga bansa, (2) ang kagustuhan ng

isang bansa na magkaroon ng benepisyo sa sarili nito, (3) ng kagustuhan ng isang bansa na

patunayang ito ang pinakamalakas sa lahat ng mga bansa, at (4) ang pagiging mabagal ang daloy

ng ekonomiya ng isang bansa kaya madali itong masakop at makontrol ng isa pang bansa.

Naniniwala rin siya na ang mga maaaring maging epekto kapag nagkaroon ng suliraning

teritoryal ay ang: (1) Pagresulta nito sa matinding alitan at (2) maaaring magkaroon ng giyera o

digmaan sa dalawang bansang nag-aalitan at (3) maaaring maapektuhan ang mga karatig-bansa

ng mga bansang sangkot sa isang alitan sa teritoryo, (4) maaaring hihina ang ekonomiya ng isa

sa dalawa o higit pang mga bansang nag aalitan. At naniniwala siyang ang mga paraan upang

hindi magkaroon ng matinding alitan sa teritoryo ay dapat: (1) Bumuo ng mga kasunduan ang

lahat ng mga bansa, (2) magtulong-tulong ang lahat ng mga mamamayan sa isang bansa upang

tumaas na ang ekonomiya ng kanilang bansa (kung ito’y mahina pa) at upang maipagpatuloy pa

ang paglago ng ekonomiya ng kanilang bansa, at (3) alamin ang lahat ng mga lugar sa isang

bansa.
TALASANGGUNIAN

Websites:

PRIMARYANG SANGGUNIAN:

http://radyo.inquirer.net/25928/pilipinas-at-china-nagkasagutan-na-sa-isyu-ng-teritoryo

http://radyo.inquirer.net/25928/pilipinas-at-china-nagkasagutan-na-sa-isyu-ng-teritoryo

https://www.untvweb.com/news/posibleng-epekto-ng-territorial-dispute-sa-west-philippine-sea-

dapat-paghandaan-ng-mga-pilipino-ayon-sa-isang-up-professor/

https://www.untvweb.com/news/posibleng-epekto-ng-territorial-dispute-sa-west-philippine-sea-

dapat-paghandaan-ng-mga-pilipino-ayon-sa-isang-up-professor/

https://www.untvweb.com/news/posibleng-epekto-ng-territorial-dispute-sa-west-philippine-sea-

dapat-paghandaan-ng-mga-pilipino-ayon-sa-isang-up-professor/

SEKUNDARYANG SANGGUNIAN:

https://www.untvweb.com/news/president-duterte-offers-china-to-be-3rd-telecom-operator-in-

the-philippines/

Mga Mang-uulat:

Rosalie Coz,

Mga Aklat at May-akda o Awtor (Author):

Aklat 10, KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu (Eleanor D. Antonio, Evangeline M.

Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria Carmelita B. Samson, Celia D. Soriano)

You might also like