Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (simile)
Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ngmga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y,
kawangisng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
Halimbawa: Ang tao ay kawangis ng Diyos.
Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.

2. Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ngat iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan
ng paglalapat ngpangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Halimbawa:Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
1. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.

3. Pagtatao (Personification)
 Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito naang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao
ay isinasalinsa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa opangngalan.
Halimbawa:Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
4. Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)
Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanansa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
Halimbawa:Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
 Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.
 Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera
 Masunugan ng palayan,bumaha ng pera ,maabo ang araw.

5. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapat ng kabuuan, o ng kabuuan bilangkatapat ng bahagi.
Halimbawa: Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.
 Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)
 Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)
 Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

6. Panghihimig o Onomatopeya
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
 Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
 Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
 Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.
7. Panawagan (Apostrophe)
Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at
kaharap gayongwala naman.
Halimbawa:Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi
8. Pag-uyam (sarcasm)
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitangkapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita
ngunit sa tunay nakahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Halimbawa:Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.
 Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
 Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
 Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

9. Pagpapalit-tawag (Metonymy) Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay namagkakaugnay.


Halimbawa: Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol
1 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
2 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
3 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.
10.Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.

Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong bayan para pasyalan.
(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)
Uri ng Anyong Tulaan
1. Tulang Padamdamin o Liriko (mga tulang may himig)
a. Elehiya – tungkol ito sa isang pangyayari o pagbulay-bulay ng guni-guni ukol sa kamatayan.
b. Oda – ginagamit sa pagpapahayg ng masiglang damdamin na pagpupuri.
c. Kantahin- isinaalang -alang sa tulang ito ang saloobin ng isang tao tungkol sa kanyang lipunan, buhay at
karanasan. Pagpapahayg ng damdamin ukol sa sarili at lipunan.
d. Soneto – tulang lirikong binubuo ng labing-apat na taludtod na pinagdalawang taludturan-isang waluhan at
isang animan.
2. Tulang Pasalaysay
a. Epiko – isang mahabang salaysay ukol sa kagitingan ng isang bayani
b. Awit at korido – ukol sa pakasang may kinalaman sa pakikipagsapalaran, pandarayuhan at pandirigma.
1. Florante at Laura -awit
2. Ibong Adarna – Korido
3. Tulang Pandulaan
a) Saynete – karaniwang pag-uugali ng tao o katangian ng pook ang paksa nito
b) Trahedya-tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng bida
c) Komedya-tunggalia ng nagtatapos sa pagkasundo ng mga tauhan. Nagwawakas ng masaya ang
dulang ito.
Iba pang mga Tulang Pandulaan
Pasyon- tungkol sa buhay ni Kristo
Karagatan ay umiikot sa isang alamat tungkol sa isang dalaga na may singsing at na nahulog sa gitna ng dagat.
Duplo- ang dulang ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng tula.
Tibag -dulang panrelihiyon pero hindi ito nagsalaysay sa buhay ni Hesus.
Senakulo -dulang pantanghalan na tumatalakay sa pagpapasakit ni Kristo sa Krus.

You might also like