Professional Documents
Culture Documents
Diabetes AdditionalInfo
Diabetes AdditionalInfo
Diabetes is the 6th leading cause of death among Filipinos based on the data from the
2013 Philippine Health Statistics, and over 6 million Filipinos are diagnosed to have
diabetes, as declared by the Philippine Center for Diabetes Education Foundation in
2016.
It is a chronic disease characterized by high levels of sugar in the blood (hyperglycemia)
because of inadequate production and/or action of insulin, the hormone that regulates
blood sugar levels. Uncontrolled diabetes leads to serious complications such as stroke,
heart attack, end-stage kidney disease and diabetic retinopathy among others. Diabetic
retinopathy accounted for about 5% of world blindness in 2002.
The Philippines ranks fifth behind China, Indonesia, Japan and Thailand in the number of
diabetes cases, according to the Western Pacific Region of the International Diabetes
Federation, an umbrella organization of over 230 national diabetes associations in 170
countries and territories.With the current population at over 100 million, the Philippines
has more than 5 million diagnosed with diabetes.The foundation noted that some 50,000
diabetic Filipinos died in 2017 due to diabetes-related complications like heart attack,
stroke, and kidney and heart failure.
Ang diabetes mellitus ay isang karamdaman kung saan ang katawan ay hindi makalikha ng sapat
na insulin o kaya ay hindi makaresponde nang maayos dito. Ang insulin ay ang hormone na
naglilipat ng asukal mula sa dugo papunta sa iba’t-ibang cells upang gawing enerhiya ng
katawan. Ang sintomas ng diabetes ay hindi madaling mahalata dahil kadalasan ang mga ito ay
napagkakamalang pangkaraniwang kondisyon.
May tatlong uri ng diabetes:
Type I Diabetes: Ang pancreas o ang organ ng katawan na gumagawa ng insulin ay sira o kulang.
Dahil dito, hindi natatanggap ng katawan ang sapat na dami ng insulin na maaaring magdulot ng
malulubhang komplikasyon gaya ng sakit sa puso at bato. Mas karaniwan ito sa mga nakababata,
edad 20 pababa, ngunit maaari rin itong makuha ng mga nakatatanda.
Type II Diabetes: May kakayahan ang katawan na gumawa ng insulin ngunit ang dami ay hindi
sapat o kaya naman ay hindi ito kayang gamitin ng katawan nang maayos (insulin resistance).
Maaaring magkaroon ng malubhang komplikasyon ang Type II kung hindi ito maagapan.
Karaniwan ang sakit sa mga nakatatanda, edad 40 pataas, ngunit maaari rin itong makuha ng
mga nakababata.
Gestational Diabetes. Ang mga buntis na walang diabetes noon ngunit may mataas na blood
sugar habang nagdadalang-tao ay tinatayang may gestational diabetes. Tumataas ang insulin
resistance habang buntis ang pasyente. Dahil dito, hindi nakukuha ng katawan ang sapat na
sustansya na kailangan para sa panganganak.
Inaalam pa ang mga mismong sanhi ng diabetes ngunit maaaring konektado ang sakit sa family
history at uri ng pamumuhay. Ang pagkakaroon ng type II diabetes ay kadalasang naiuugnay sa
pagiging overweight ngunit hindi lahat ng may karamdamang ito ay labis ang timbang. Sa
gestational diabetes naman, ang placenta ng nanay ay gumagawa ng hormone na kailangan sa
panganganak. Ang hormone na ito ay bahagyang nagpapawalang bisa sa epekto ng insulin sa
cells.
Mga Sintomas ng Diabetes
Dahil ang kondisyong ito ay naka-sentro sa insulin, ang ginagawang batayan ng mga doktor ay
ang blood sugar level. Tipikal ang pag-akyat ng blood sugar level pagkatapos kumain kaya
mainam na huwag munang kumain 12 na oras bago kuhanan ng blood sample.
Ang nakuhang dugo ay dadaan sa masusing pagsusuri at kung ang sukat ng blood sugar ay
humigit sa 7 mmol/l, maaaring ito ay senyales ng diabetes. Kung ang resulta ay bahagyang mas
mababa dito, wala kang diabetes ngunit kailangan mong magkaroon ng healthier lifestyle.
Mga Gamot at Lunas sa Diabetes
Ang diabetes ay isang chronic disease ngunit puwede ka pa ring mamuhay nang normal sa tulong
ng gamot at healthy lifestyle. Ugaliing sundin ang payo ng doktor sa pag-inom ng gamot.
Insulin – Iba’t ibang uri ng insulin ang maaaring ireseta ng iyong doctor depende sa
iyong kondisyon. May mga insulin na rapid-acting, short-acting, long-acting, intermediate-
acting, at ang pre-mixed.
Melaformin – Melaformin ang karaniwang ibinibigay ng doktor para sa mga bagong kaso
ng diabetes. Ang dami nito ay ayon sa iyong blood sugar level.
Tamang pagkain – Umiwas sa mga pagkaing matataas ang sugar content at ang
matatabang karne. Kumain ng whole wheat bread, sugar-free bread, brown rice at
maraming prutas.
Ehersisyo – Nakabababa ng blood sugar level ang pag-e-ehersisyo.Maglaan ng 30 minutes
hanggang isang oras araw-araw para sa mga aktibidad gaya ng pagtakbo, jogging, pagsayaw at
aerobic exercises.
Paano Maiiwasan ang Diabetes?
Kung kayo ay may diabetes, mahalaga na magpasuri sa inyong doktor upang mabigyan ng
tamang lunas ang inyong sakit.
Sources:
DOH - https://www.doh.gov.ph/node/11786
PhilStar - https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2019/09/14/1950940/1-5-
filipinos-are-diabetic-or-pre-diabeticyou-might-be-too
RiteMed - https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/diabetes
BusinessMirror - https://businessmirror.com.ph/2018/12/06/diabetes-on-the-rise/