Mga Batayang Paniniwala at Kaisipan NG Reliiyong Islam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hadith, nangangahulugang sanaysay o ulat, ang ikalawang

pinakamahalagang banal na kasulatan ng Islam. Nagtatala ito ng mga tala ng


mga pagkilos at mga salita ng Propetang Muhammad at ng kanyang
pinakamalapit na kaibigan. Malakingg bahagi ng Hadith ang mga kabihasnan
at mga kuwento ni Muhammad kung saan masasalamin ang kanyang
pagiging matalino, masayahin, at mahabagin. Bagama’t ang mga bahaging
banal ng Hadith ay mga insight ding nagmula kay Allah, subalit ang anyo
kung paano ito itinala ay nagmula lamang kay Muhammad. Bunga nito,
kumpara sa Qur’an n itinuring na eternal record at perfect copy in Heaven, at
hindi na maaring pagtalunan pa, ang Hadith ay maari pa ring maging paksa g
dikusyon sapagkat ang pagkakatala nito ay ayon lamang sa pamamaraan ni
Muhammad at hindi ni Allah.
Ang Islam ay isang relihiyong monotheistic o naniniwala sa iisang Diyos.
Itinuturo ng Qur’an na “walang ibang diyos kundi si Allah at si Muhammad
ang mensahero ng Diyos.” Itinuturo din nito na ang diyos na si Allah ay
parehong makapangyarihan at mahabagin. Ipinapahhayag din nitona ang mga
tao ang may pananagutan sa kanilang sariling mga pagkilos. Hindi
nangangailangan sa Islam ng mga pari na mamamagitan sa tao at Diyos.
Naniniwala rin ang mga Muslim na ang mga Diyos ay nagpadala ng iba pang
mga propeta, kabilang sina Adam, Abraham, Moses, at Jesus. Subalit si
Muhammad ang panghuli at pinakadakilang propeta.

Itinakda ng Qur’an ang limang batayang pagkilos ng pagsamba at pagtupad


na sentral sa Islam at mga tungkuling dapat isabuhay ng bawat Muslim.
Tinatawag na Limang Haligi ng Islam o Five Pillars of Islam ang nasabing
limang batayang tungkulin ng bawat Muslim. Unang-una sa limamg haligi
ng Islam ang shahada o ang deklarasyon ng pananampalataya na “Walang
ibang Diyos kundi si Allah, at si Muhammad ang mensahero ni Allah.”
Nililinaw ng shahada na si Muhammad ay isang tao at hindi diyos na dapat
sambahin tulad ni Allah. Naniniwala ang mga Muslim na ang sinumang
tumalikod sa Islam ay nakagagawa ng pinakamasamang kasalanan na
tinatawag apostasy. At ayon sa batas Islamiko na tinatawag na Shari’ah, ang
sinumang lalaki na nagkasala ng apostasy ay dapat hatulan ng kamatayan.
Kapag babae ang nagkasla ng apostasy, itinatakda ng shari’ah ang parusa ng
pagkulong o confinement hanggang mapagsisihan niya ang kanyang
kasalanan.

You might also like