Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Detailed Lesson Plan

(FILIPINO)

I. LAYUNIN
 Maitutukoy kung ano ang kahulugan ng pangungusap na Langkapan
 Naipapaliwanag kung paano na-iuugnay ang mga sugnay gamit ang mga pantuwang para
makabuo ng pangungusap na langkapan
 Nailalarawan ang hugnayan at tambalan sa pangungusap at ang mga punong sugnay at
pantulong na sugnay.
II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Langkapan: Ika-apat na uri ng pangungusap ayon sa kayarian

Sanggunian: Aklat sa Filipino Aralin Pg.97

Kagamitan: Tsart o biswal eyds, pisara at tsalk

III. MGA GAWAIN SA PAGTUTO


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Energizer
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Balik-aral
Mga Uri ng pangungusap ayon sa kayarian:
Ano ang payak?
Ano ang tambalan?
Ano ang Hugnayan ?
2. Pangganyak
Magbigay ng mga pangungusap na payak, tambalan at hugnayan.
3. Paglalahad
Itanong: May napapansin ba kayo ayon sa kayarian nito?
4. Pagtatalakay
Langkapan - binubuo ng hugnayan at tambalan.
a. Hugnayan - binubuo ng isang punong sugnay at isa o mahigit pang katulong na sugnay.
Mga pangatnig: kapag, kung, kung gayon, kaya, dahil sa, sapagkat, samantala, habang,
palibhasa, samakatwid, bagama't, upang, at nang.
b. Tambalan -binubuo ito ng dalawa o mahigit pang mga payak na pangungusap na
maaring dugtungan ng mga pangatnig na: at, saka, pati, ngunit, pero, datapwat, subalit,
o, ni, na at maging.
Ito ay may punong sugnay o sugnay na makapag-iisa, pantulong na sugnay o sugnay na di-
makapag-iisa at dalawa og higit pang sugnay na pantuwang.
2 Sugnay na makapa-iisa
+ 1 Sugnay na Di-Makapag-iisa

2 Sugnay na makapag-iisa o higit pa


+ 1 Sugnay na Di-Makapag-iisa o higit pa
c. Sugnay na Makapag-iisa (punong sugnay) - mayroong paksa, panaguri at nagtataglay
ng buong diwa o kaisipan
d. Sugnay na Di-Makapag-iisa (pantulong na sugnay) - mayroon ding paksa at panaguri
ngunit hindi nagtataglay ng buong diwa o kaisipan

Halimbawa:
 Nang nagkaroon ng pagpupulong, ang dekana ay hindi nakarating at ang tagapangulo
naman ay nagkasakit.
 Bagama't huwaran sa larangan ng chess, hindi maitatago ni Chessa ang pagkadismaya sa
naging unang pagkatalo pero si Chester, ang kanyang kakambal, ay nagdiwang sa unang
panalo na natamo.

5. Paglalahat
Ano ang pangungusap na langkapan?
IV. PAGTATAYA
I.Panuto: Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa ng isang beses at dalawang beses kapag ito ay
sugnay na di-makapag-iisa sa bawat pangungusap.
1. Si Dona ay mag-aaral ng iba't-ibang hayop at si Harly ay kukuha ng kursong pag-aaralan
ang tao palibhasa'y hilig nila ang mga ito.
2. Nang sumapit ang katapusan ng linggo, Si Bobby ay tumulong sa pagtitinda ng gulay sa
palengke habang si Bebay, ang kanyang nakababatang kapatid, ay na-iwan para sa mga
gawaing-bahay.
3. Kapag yumaman ako, maglalakbay ako sa buong mundo at bibilhin ko lahat ng bagay na
magugustuhan ko.
4. Masakit ang ulo ko kahapon dahil sa ice cream na kinain at sa tatlong oras lang natulog
kaya't nagdesisyon ako na lumiban muna sa klase.

II. Alamin at isulat kung saang hanay nabibilang ang mga pangatnig sa mga pangungusap na nasa
unang bahagi ng exam (sa itaas) kung ito ay hugnayan o tambalan. Lagyan ng numero para matukoy
kung ilan ang makikitang pangatnig o pantuwang sa bawat numero.

Hugnayan Tambalan

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5.
5.

V. TAKDANG- ARALIN

Gumawa ng limang pangungusap na langkapan at salungguhitan ng isang beses ang sugnay na makapag-
iisa at dalawang beses ang sugnay na di-makapag-iisa. Bilugan ang mga pantuwang at alamin kung ito
ay hugnayan o tambalan.

Inihanda ni:

Pangalan: Chaidee R. Colipano Unibersidad: Cebu Technological University-


Carmen Campus
Course/year & Section: BEEd 1- B Lokasyon: Macaas, Catmon, Cebu
Contact Number: 09755670158 Guro: Fatima Norliza Pantonial

You might also like