Filipino Thesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MGA NILALAMAN

PAHINA NG TITULO PAHINA

DAHON NG PAGPAPASYA……………………………………………………………i

PAGKILALA………………………………………………………………………………ii

PAGHAHANDOG………………………………………………………………………..iii

ABSTRAK NG THESIS……………………………………………………………….…iv

MGA NILALAMAN………………………………………………………………….……xiii

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN

Panimula………………………………………………………………………………….1

Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………

Kahalagan ng Pag-aaral………………………………………………………………..

Saklaw at Lawak ng Pag-aral…………………………………………………………..

Depinisyon ng mga Termino…………………………………………………………..

KABANATA 2 MGA KAUGNAY NG LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura…………………………………………………………..

Mga Kaugnay sa Pag-aral…………………………………………………………….

Sintesis…………………………………………………………………………………..

KABANATA 3 PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Paraan ng Pananaliksik……………………..………………………………………..

Paraan ng Pagsusuri………………………………………………………………….

KABANATA 4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Pagsusuri at interpretasyon ng mga nobela……………………………………….

1|Page
KABANATA 5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ng Natuklasan………………………………………………………………….

Konklusyon………………………………………………………………………………

Rekomendasyon………………………………………………………………………..

TALASANGGUNIAN

APENDIKS

CURRICULUM VITAE

2|Page
KABANATA I

PANIMULA

Ang babasahing dula ay uri ng panitikan na naglalaman ng mga layuning


itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Mauunawaan ito ng mga tao
sa pamamagitan ng panonood. Ang pagtangkilik sa dula ay siyang nagbibigay ng
kaunlaran ng kultura sa bansa, batay sa kolektibong kaban ng karanasan ng mga tao
sa ating kasaysayan, mahalaga rin sa ating mamamayan na patnubayan at paunlarin
ang ating naturang kultura sa paraang paniniwala at gawi sa pagsuporta sa mga
babasahing dula.

Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon
ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay
binubuo ng tanghalan, iba’t ibang  kasuotan, iskripto, “characterization”, at “internal
conflict”.  Ito an pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon  sa banyagang
kahulugan.  Sa kabilang dako, ayon sa mga librong  kinunsulta ko, ang drama ay drama
kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino.  Ayon pa rink ay
Tiongson. Memises  ang pangunahing  sangkap  ng Dulang Pilipino.  Memises ay ang
pagbibigay buhay ng actor sa mga pang-araw-araw  na pangyayari sa buhay ng mga
Pilipino.  Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banayaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa  tunay na  PIlipinong Dula ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita
ang mga katutubong kultura, paniniwala at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at
pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino.  Dito rin mamamalas ang iba’t
ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.  Samakatuwid, ang tunay a
dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at
nagbibigay ng kasagutan sa  mga pangangailangan ng mga Pilipino.  Higit sa lahat, ito’y
nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

3|Page
Ang kasaysayan ng Dulang Pilipino ay isinlang sa lipunan  ng mga katutubong 
Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang
mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang  pinag-ugatan
ng mga unang anyo ng dula.  Ang mga unang awitin ay nasa anyo ngtula.  Ang mga
katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa
pamamagitan ng pag-awit.Ang mga awit, sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap para
sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan,
pakikipagdigmaan , kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda,
atbp. Bago dumating ang mga katutubong Pilipino.

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula


sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang
napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong
ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng
isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong
tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang
mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay
panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay
kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito


ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa
paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang
layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat,
bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na


tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.

4|Page
5|Page
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Naglalayong suriin ng pag-aaral na ito ang mga salil at element ng kulturang Pilipino na
tatagpuan sa tatlo na babasahing popular (Dula na nagkamit ng parangal sa Palanca Awards). Kaugnay
nito sinagot ng mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang mabubuting katangian ng tatlong salik ng kulturang Pilipino ang masasalamin sa
mga popular na (Dula na nagkamit ng parangal sa Palanca Awards) kaugnay ng mga
sumusunod.

1.1 Pamilya;
1.2 Edukasyon;
1.3 Lipunan?
2. Paano inilalarawan ang mga salik ng kulturang Pilipino sa tulong ng mga sumusunod na batayan:

2.1 Tauhan;
2.2 Pangyayari;
2.3 Mensahe?
3. Paano makatutulong ang mga salik ng kulturang Pilipino na matatagpuan sa tatlo na dula na:

3.1 isang estudyante


3.2 isang mamamayan

6|Page
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ng mga dula na nagkamit ng parangal sa palanca awards ay nakakatulong upang
palalimin ang kulturang Pilipino. Ito din ay nagbibigay ng karadagang impormasyon nagpapahalaga sa
kulturang Pilipino.

Para sa mga magulang, ito ay makakatulong upang palawigin ang kaalaman nagbibigay ng
importansya sa magulang at pamilya. Maipapakita rin nito ang epekto nang pagiging responsible
patungkol sa pagbabatibay ng relasyon ng magulang sa kanilang anak.

Para sa mga estudyante, ito ay nakakapagbigay ng tamang impormasyon na napapalawig ng


kaalaman sa buhay at napapanahong problema ng bayan. Napapakita ang kahalagahan ng pagkatuto sa
dula. Maaring makuha sa pagpapanuod ng isang dula kung paano gumalang at magpahalaga sa sarili.

Para sa mga guro, sa pag-aaral na ito magkakaroon ng mga karagdagang kaalaman at


estratehiya kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante.

Para sa mga mananaliksik, makakatulong ito sa mas malalim na pag-aaral na gagawin sa


darating na panahon.

7|Page
SAKLAW AT LAWAK NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ng tatlong dula ay sumasaklaw lamang sa mga pagsusuri ng mga element ng
kulturang Pilipino na napapaloob sa mga babasahin. Binigyan lamang ng pansin ang mabubuting
kulturang nasasalamin sa mga dula na nasa taong 1990-2015.

8|Page
DEPINISYON NG MGA TERMINO

Upang maging mas madali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa nararapat na bigyang ng
depinisyon ang mga sumusunod na termino batay sa kung ano ang kahulugan nito at kung paano ginamit
ang bawat isa sa pamanagong papel na ito.

Panitikan ito ay pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa
ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na
pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid,
may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating
pampanitikan.

Dula na nagkamit ng parangal sa Palanca Awards ito isang pinakabantog at pinakamatagal na


gawad pampanitikan at binansagang "Gantimpalang Pulitzer" ng Pilipinas. Ang mga dula na nanalo ay
nabibilang sa iba’t ibang pangkat.

Kultura ito ay tumutukoy sa mga nakasanayang gawain ng mga tao sa nasabing bansa, mga
pamahiin at iba pa.

9|Page
KABANATA III

PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa bawat pananaliksik ay mayroong pamamaraan ng pananaliksik. Dahil ito sa magiging batayan


ng mananaliksik para sa maging mas matibay ang ginawang pananaliksik. Nakatala sa kabanatang ito
ang paraan ng pananaliksik.

PARAAN NG PANANALIKSIK

Mapanuring pagtulong ang ginamit ng mananaliksik upang mailarawan ang mga mabubuting
salik ng kulturang Filipino na masasalamin sa mga Dulang nagkamit ng parangal sa Palanca awards.
Paglalarawang pamamaraan ang gamit.Magsaliksik at mangalap ng mga datos ang mananaliksik upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

10 | P a g e
ANG KULTURANG
PILIPINO NA
MASASALAMIN SA MGA
PILING DULA NA
NAGKAMIT NG PALANCA
AWARDS: ISANG
PAGSUSUSRI

11 | P a g e

You might also like