Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Polusyon

Ang Pilipinas ay may kinakaharap na isyung panlipunan gaya ng polusyon. And


polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran kung kaya’t nagiging sanhi ng pagkamasakitin
ng mga tao. Marami ring mga hayop ang namamatay dahil sa polusyon sa ating paligid. And mga
magagandang tanawin n gating bansa ay unti-unti ng nasisira.

Ang dahilan ng pagkakaroon ng polusyon ay pagtatapon ng mga basura kahit saan


lalong-lalo na sa mga ilog, sapa at bambang. Maaaring nagmula ito sa mga usok ng mga pabrika
at iba’t ibang bagay na sinusunog na sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagkasira ng
ating ozone layer. Ang pagputol ng mga puno, pagkakalat ng mga basura sa mga daan ay
maaaring maging dahilan ng pagkaroon ng baha, landslide at iba pang mga suliraning
kinakaharap n gating bansa na dulot ng polusyon.

Dapat nating mapigilan ang lahat ng ito dahil nakakadulot ito ng kasamaan hindi lang sa
ating bansa kundi sa buong mundo. Kung maaari ay magtanim tayo ng mga puno upang
manumbalik ang sariwang hangin at magagandang tanawin. Ang mga basura ay daapat na itapon
sa mga tamang lalagyan at kung ito ay maaari pang gamitin, atin itong gamiting muli. Iwasan
ang pagsunog ng mga bagay na maaaring ikasira ng tuluyan n gating ozone layer. Panatilihin
natin ang kalinisan n gating paligid upang tayo ay magkaroon ng magandang kalusugan at
magandang kapaligiran.

You might also like