Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

1|Page

Ang Pangaraw-araw na Buhay ng mga Pangkaraniwang Mamamayan ng Kabite,


1941-1945

PANIMULA

Ang papel-sulatin ay base sa tesis masterado ng may-akda na iniharap sa kaguruan ng

Pamantasang De La Salle, Maynila bilang kahingian sa kursong Masterado sa Kasaysayan.

Tumalakay ito sa naging takbo ng pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang

mamamayan ng Kabite o yaong mga sibilyan o non-combatants noong kasagsagan ng

pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas mga taong 1941 hanggang 1945.

Apat na katanungan ang nabigyang kasagutan sa pag-aaral, ngunit sa pagkakataong ito

tanging ang unang katanungan lamang ang tatalakayin. Lilimitahan din ang tatalakaying aspekto

ng pangaraw-araw na pamumuhay sa sumusunod:

1. Pagkain

2. Pananamit

3. Tirahan

4. Trabaho/hanapbuhay

5. Kasayahan at libangan

6. Ligawan/pag-aasawa at kasalan

7. Pagdiriwang ng okasyong panrelihiyon tulad ng piyesta, libing at Pasko

Ano ang naging Larawan ng Pangaraw-araw na Pamumuhay ng mga Pangkaraniwang


Mamamayan ng Kabite sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

TULOY ANG IKOT NG MUNDO, sagot ng ilang nakapanayam sa tanong na kung paano

ilalarawan ang kanilang naging pangaraw-araw na pamumuhay sa ilalim ng maiksi ngunit


2|Page

malupit na pamamahala ng mga Hapon. PANGKARANIWAN….TULOY-TULOY LANG ANG

BUHAY….paglalahad naman iba.

Ganito ang pinaka-angkop na deskripsyon ng naging pangaraw-araw na buhay ng

mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa panahon ng digmaan. Maraming hinarap na

problema, ngunit tuloy ang takbo ng pangaraw-araw na buhay para sa mga pangkaraniwang

Kabiteño. Kinailangang maki-angkop at tumugon ang mga mamamayan sa hinihingi ng

sitwasyon sa kabila ng dulot na mga limitasyon dala ng digmaan sa kinaginasnang mga

kaugalian at gawain ng mga ito.

Sa pangkalahatan ay ganito ang naging larawan ng pangaraw-araw na buhay ng

mga pangkaraniwang Kabiteño base sa kanilang mga pangunahing pangangailangan nang

panahon ng digmaan.

Pagkain

Sa lahat ng aspeto ng kanilang pangaraw-araw na pamumuhay ang usaping may

kinalaman sa pagkain ang pinakamalaki ang naging epekto sa kanila. Sa pagsisimula ng digmaan

hindi kaagad naramdaman ng mga mamamayan ng Kabite ang kahirapan sa pagkain palibhasa

ay sagana pa sila sa kanilang inaani sa kanilang mga bukirin at nahuhuling yaman dagat sa

kanilang mga katubigan. Naramdaman lamang ang pagsasalat nang pumasok na ang ikalawang

taon ng giyera.

Apektado din sila ng naunang ipinalabas na kautusan ng pamahalaang mananakop na

sapilitang pagpapagamit sa lahat ng transaksiyong pinansiyal ng kanilang iniisyu na pera-de-

giyera na kanilang dala-dala nang mauna silang dumaong sa Pilipinas.


3|Page

Sa simula ay nanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin at wala pang nagiging

problema sa paggamit ng perang militar bilang instrumento ng palitan sa loob ng bansa.

Ngunit habang tumatagal ang pananakop at dala na rin ng patuloy na kakapusan sa suplay ng

mga pangunahing bilihin, hindi nagtagal ang sitwasyon. Dagdag pa dito ang sobra-sobrang

dami ng inilagay sa sirkulasyon na mga perang militar, at mga unang pambobomba ng mga

eroplanong Amerikano, mga bagay na nagpalala sa nagsisimula nang kritikal na kalagayan ng

pagkain sa lalawigan.

Bigla ang pagbaba ng halaga ng perang Hapon. Naging dahilan para lumobo ang

implasyon at tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa palengke. Kaya’t kinailangan

na magdala ng bayong- bayong na perang Hapon na may mababang halaga para makabili ng

pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, asukal, asin at mga pangulamin ang mga taga-

dito.

Patuloy na pahirap pa para sa kanila ang naging karaniwang pagtatago at pagkontrol

ng mga mapagsamantalang negosyante sa suplay at presyo ng pangaraw-araw na

pangangailangan ng mga Kabiteño. Dagdag pa dito ang pagkumpiska ng mga Hapon sa pagkain

at ibang ari-arian ng mga tao dito tulad ng palay, alagang hayop, kawayan, dayami at iba pa.

Maging ang mga palaisdaan ng mga taga-baybaying Kabite ay hindi nakaligtas sa

pagkumpiskang ito ng mga Hapon.

Sa kabila nito, hindi naman gasinong naghirap sa pagkain ang ilang mamamayan sa

lugar dala na rin ng pangyayari na komo patuloy silang nakakapagsaka, ang mga sobrang ani

para sa kanilang konsumo ay kanilang ipinamamalit ng isda bilang pang-ulam.


4|Page

Sa mga dumanas ng kasalatan, pangkaraniwan ng kakanin ng mga tagarito ang mais

(bualaw/binatog), saging na saba, inihaw na niyog, halamang ugat tulad ng kamote, kamoteng

kahoy (balinghoy), tugue, at iba pa. Kalimitan ay ginagayat at inihahalo nila ito sa kakaunting

bigas (kisa o kinisa) o kung minsan ay mismong pamalit na sa bigas bilang pangunahing

pagkain. Manaka-naka ay nagkakaroon naman ng pang-ulam ang mga tagadito kapag pinalad

na makapamingwit sa mga pilapil at kanal ng irigasyon sa bukid o kaya’y makapamulot ng kuhol

at tulya na nakukuha sa mga ilog. May pagkakataon naman na nakakapamalakaya ang ilang

nakatira sa malapit sa dagat.

Sa kabila ng kakapusan sa pagkain ilang kapanayam lamang ang bumanggit ng

pagkakaroon ng rasyon ng bigas sa kanilang lugar.

Kulang na nga sa suplay ng pagkain, suliranin pa sa peace and order ang itinuturong

nagpabigat sa problema ng ilang tagarito partikular ang mga taga- Kataasang Kabite. Takot ang

sila na pumunta sa bukid at kagubatan para makahanap ng pagkain sa pag-aalala na sila ay

saktan o gawan ng masama ng mga tulisan (Texas o gerilyang Salapsap kung kanilang tawagin)

na malayang kumukilos sa nasabing mga lugar.

Pananamit

Maituturing na isa ring mahalagang pangangailangan ng mga tao ang pananamit, ngunit

sa panahon ng digmaan pangangailangan sa pagkain at personal at pampamilyang kaligtasan

ang naging pangunahing suliraning pinagkaabalahan ng mga Kabiteño.

Mas maraming oras ang kanilang ginugol sa paghahanap ng pangaraw-araw na kakainin

kaysa sa isipin na kung ano ang maisusuot at maitatakip sa katawan. Nagkasya na lamang ang
5|Page

karamihan sa mga lumang kasuotan at kung anong mayroon sila bago nagkagiyera. Ang iba

naman ay bumalik sa dating paraan ng paggawa ng mga kasuotan, ang paghahabi ng damit na

sinamay (abaka).

May mga relief na bestida at bunton-buntong damit (parang ukay-ukay sa kasalukuyan)

ang mabibili noon sa mga lugar sa Baybaying Kabite. Kaya’t mga ito na lamang ang

pinagtiyagaang gamitin hanggang sa bumalik na muli ang mga Amerikano kung kailan sila

muling nagkaroon ng pagkakataon na makapagsuot ng mga bagong damit. Ang mga dating

kurtina at ibang mamahaling damit ay muling tinahi at ginawang pang-araw-araw na kasuotan

para mas lalong mapakinabangan.

Kung may pambili man ay wala ka talagang mabibili kaya’t kahit makati at magaspang

man sa balat at may katigasan ang tela ay napilitang magsuot ng mga hinabing sinamay na

damit partikular ang mga taga- Kapatagan at Kataasang Kabite. Isang matandang industriya na

napakinabangan ng mga Kabiteño sa panahon ng taghirap. Naging malaking tulong ito para

matugunan ng mga taga-dito ang kanilang pangangailangan sa pananamit. Pagkatapos na ng

giyera muling nakaranas mamili ng bagong kasuotan ang marami sa kanila.

Naging pangunahing produkto din ng “palitan o barter” ang mga lumang damit. Sa

kasagsagan ng digmaan nauso sa maraming lugar ng lalawigan ang pamamalit ng mga lumang

damit sa kahit anong bagay na mapapakinabangan lalo na ng gamot at kamote at iba pang

pagkain na puwedeng ipamalit sa bigas.

Tirahan (Paglikas, pamumundok at alsa-balutan)


6|Page

Kalat na ang balita ng nalalapit na pagpasok ng mga Hapon sa Kabite ngunit dala na rin

ng kawalan ng opisyal na malinaw na tagubilin mula sa nakatayo pang pamahalaan partikular sa

pambansang gobyerno kung ano ang dapat gawin, hindi alam ng mga tao kung ano ang

kanilang dapat na maging pagtangap sa pagdating ng mga Hapon.

Dahil na nga sa kalituhan at kawalan ng ayuda, marami sa mga Kabiteño ay nagpasya na

lamang na maghintay sa kanilang mga tahanan ng mga susunod na mangyayari. Ang iba

namang may tiyakang lugar na lilikasan ay napilitang umalis at magtago sa pansamantalang

kanlungan. May mga nakausap na nagsabi na napahiwalay ang ibang miyembro ng pamilya at

kalimitang dahilan ay ang pagsapi ng mga ito sa kilusan ng mga gerilya sa lugar.

Ang Kataasang Kabite ang naging pangkaraniwan destinasyon ng mga nagsilikas o alsa

balutan hindi lamang mula sa iba pang bahagi ng lalawigan kundi maging sa mga kalapit lugar

ng Maynila, Pasay at Paranaque. Ang mga bayan naman sa kapatagang bahagi ng probinsiya at

iba pang bayan sa labas ng Lunsod ng Kabite ang ginawang pansamantalang kanlungan ng mga

“evacuees” mula sa nasabing lunsod.

Ang mga bayan ng Silang, Indang at Maragondon ang naging destinasyon para sa iba.

Mga liblib na lugar at kabukiran naman ng Noveleta, Rosario at Kawit ang pinagtaguan ng ibang

nakapanayam. Ang iba ay sa Naic humanap ng pansamantalang kanlungan.

Dahil na rin sa pangyayari na madalang lamang namang pumunta at

makarating ang mga Hapon sa mga kanayunan maliban sa panaka-nakang patrolya at

pagsosona at kalimitang naglalagi lamang sa mga bayan at mataong lugar sa Kataasang Kabite,

hindi na lumipat ng tirahan ang marami sa kanila. Napilitan lamang silang lumikas sa

poblacion sa maraming pagkakataon dahil naman sa takot sa ligalig na dala ng ginagawang


7|Page

malimit na pagsalakay ng mga tulisan (na kung tawagin ay Texas ng mga taga-Kataasang

Kabite) na kumikilos at nanliligalig sa mga lugar ng Indang, Alfonso, Mendez, Trece Martirez at

iba pang bayan ng mataas na Kabite). Mas madalas pa nga ang pangyayari na ang mga taga-

poblacion mismo ang nag-aalsa balutan at nagtatago sa kanayunan kapag dumadating na ang

mga Hapon. Marami rin mga taga-Maynila at Lunsod ng Kabite ang lumikas sa lugar nila.

Kalusugan

Sang-ayon sa resulta ng isinagawang mga panayam kakulangan sa pagkain ang isa sa

mga naging pangunahing problema ng mga taga-Kabite nang panahon ng digmaan. Base

rin sa mga kuwentong nadinig mula sa kanila, kagaya ng sitwasyon ng pananamit ng mga

Kabiteño, hindi naging prayoridad ng mga ito ang pagharap sa suliraning pangkalusugan, kundi

ang paghahanap ng makakain sa araw-araw. Pagkain na ayon sa mga nadinig na paglalahad ay

isa sa naging pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sakit ng mga mamamayan ng Kabite.

Dahil pagkain ang problema, malnutrisyon ang isa sa mga pangmatagalang

karamdamang sinasabi ng mga nakausap na sanhi ng pagkamatay ng mga Kabiteño noon.

Bukod pa dito ang beri-beri o pamamanas na ayon sa kanila ay resulta ng pagkain ng sakwa

ng saging (bilang pamalit sa kanin).

Malarya naman ang malimit na nagiging karamdaman ng mga tao sa

kapatagang Kabite noon, samantalang sa kataasang Kabite kalimitang sakit ng mga taga-rito ang

pangkaraniwang trangkaso, disenteriya at pagtatae. Dala na rin ito ng kakulangan sa malinis na

inuming tubig at maruming kapaligiran.


8|Page

Uso rin ang sakit sa balat kagaya ng galis-aso, buni, an-an at kumboy. Mga

pangkaraniwang karamdaman na lumalala dahil na rin sa kakulangan sa gamot at atensiyong

medikal.

Pag-aaral at Edukasyon

Kagaya ng mga Amerikano malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Hapon sa edukasyon

bilang isang epektibong instrumento ng pagpapaamo at paghubog sa kaisipan ng mga mamayan

ng kanilang kolonya. Kaya nga’t sa simula pa lamang ay ibayong paghihigpit ang ipinalasap ng

mga Hapon sa kasasakop na mamamayan sa anyo ng mga kautusan at tagubilin na tumitiyak ng

agarang pagkabura ng mga impluwensiyang kanluranin na nauna ng natatak sa kamalayan ng

mga Pilipino.

Kaagad naramdaman ng mga Kabiteño ang epekto ng mahigpit na pagpapatupad ng

mga batas at tagubiling ipinalabas ng mga Hapon sa pagsisimula pa lamang ng giyera. Bunga ng

mga nabanggit na paghihigpit maraming paaralan sa elementarya at highschool sa Kabite ang

napilitang magsara. Takot ng pumasok sa paaralan ang mga mag-aaral, sa kalaunan ay nawala

na rin ang mga gurong dapat sana ay magtuturo sa mga estudyante.

Bagaman at may mangilan-ngilang paaralang nanatiling bukas kagaya ng Imus Institute

sa Imus at dating Indang Rural High School (ngayon ay Cavite State University na) sa Indang,

halos tumagal din ng dalawang taon bago pa muling nagsipagbukas ang iba sa mga ito. Ang ilan

ay pagkatapos na ng liberasyon muling nagpatuloy ang operasyon. Halos tumagal ng dalawang

taong sarado ang ibang mga paaralan, at ng muli itong magsipagbukas, kakaibang kurikulum sa

pag-aaral ang ipinakilala ng mga Hapon sa mga bata. Sa pagkakataong ito, pagtuturo na naka-
9|Page

sentro na sa kalinangan at kulturang Hapones kasabay ng sapilitang pagtuturo ng kanilang

lengguwahe sa mga estudyante ang inihain sa mga mag-aaral.

Trabaho at Hanapbuhay

Halos pitumpu’t-tatlong porsyento (73%) o 103, 793 ektarya ng kabuuang lupain ng

probinsya ng Kabite na matatagpuan sa timugang bahagi ay lupang angkop sa pagsasaka at

paghahalaman. Pangunahing produkto dito ay mais, lamang-ugat, kape, saging, niyog, palay,

gulay at mga prutas. Sa pagsiklab ng digmaan pagsasaka pa rin ang ang ikinabubuhay ng

maraming mga taga-kapatagan at kataasang bahagi ng lalawigan. Kalimitan, mga produktong

nagsilbing pamalit sa bigas tulad ng kamote, balinghoy at iba pang halaman gaya ng saging at

papaya ang itinatanim at inaani ng mga maghahalaman dito. Pangingisda o pamamalakaya

(pagbabara) naman ang pangunahing trabaho ng mga nakatira sa mga baybaying lugar

bagaman at parehong sa limitadong kapasidad lamang dulot na rin ng ipinatupad na paghihigpit

ng mga mananakop at agam-agam ng mga tao sa lumalalalang sitwasyon ng “peace and order”.

Ang iba namang walang mga sakahan ay nakikiani at tumutulong sa pamumulot at

pagbabayo ng palay para may makahating bigas para sa pamilya.

Sa ibang bahagi din ng lalawigan naging mahalagang industriya ang paghahabi ng damit

na sinamay na naging isa sa mga pangunahing tugon ng mga tagarito sa pagsasalat sa

pananamit nang panahon ng giyera.

Dala na rin ng tawag ng pangangailangan at takbo ng panahon, nauso din ang negosyo

ng “buy and sell” sa maraming lugar sa lalawigan. Ang mga produkto tulad ng isda (sariwa at
10 | P a g e

tinapa) at iba pang huling-dagat tulad ng tahong at talaba ng mga taga-mababang Kabite ay

ibinebenta o ipinamamalit ng bigas at iba pang produkto tulad ng kamote, mais, balinghoy at

iba pang pangangailangan sa bahay partikular sa mga bayan ng Kataasang Kabite tulad ng

Silang. Sa pagbabalik, mga bagay na nabili o napamalit nila sa pinuntahang destinasyon ang

kanila namang ibinebenta sa kanilang lugar.

Pinalad naming makahanap ng pagkakakitaan sa loob ng Cavite Naval Base bilang mga

sibilyang kawani, interpreter, katulong na tagaluto at iba pang trabaho ang ilang mamamayan

ng Baybaying Kabite.

Kasayahan at Libangan

Matinding takot at alalahanin ang pangkaraniwang nararamdaman ng mga tao sa

panahon ng kaguluhang kagaya ng digmaan. Para malimot at mapalipas ang ganitong isipin

nakahanap ang mga Kabiteño ng pansamantalang pagkakaabalahan na sagot dito.

Itinuturing na sugal ang tupada/sabong at jueteng, pero sa panahon ng digma ginawa

na rin itong libangan ng mga taga- Baybayin at Kapatagang Kabite. Maging ang panonood ng

“air raid” ay kinagiliwan na rin nila sa kabila ng panganib na hatid nito.

Ang manaka-nakang okasyong ng burol sa patay ay hinaluan na rin nila ng kaunting

kasayahan sa pagdaraos ng konting sayawan. Sa mga takot namang lumabas ng tahanan

paglalaro ng sungka ang kanilang napagtuunang pagkaabalahan. May ilang lugar din dito na

may palabas na mga drama, sinakulo at stage show lalo na kung mayroon silang malaking

entablado at maluwag na lugar gaya ng sabungan at dating sinehan na maa-aring pagdausan

nito.
11 | P a g e

Maliban naman sa tupada na kinahiligan ng mga kalalakihan, may mga lugar sa Mataas

na Kabite na mayroong mga sinehan na nagpapalabas ng mga double showing na pelikulang

“love story”. Kalimitan ay mga Pilipinong artista ang gumaganap dito.

Naging libangan din ng mga taong nakatira dito ang “kompalsa” na maihahalintulad sa

isang rondalya sa kasalukuyan na malimit ay tumutugtog kung may okasyon ng kaarawan.

Kagaya sa Kapatagang Kabite, mayroon din sila ditong “bodabil” (“stage show” sa kasalukuyan)

at sinakulo na idinadaos tuwing mahal na araw.

Panliligaw, Pag-aasawa at Kasalan

Kagaya ng maraming Pilipino sa pangkalahatan, likas na mapagmahal at romantiko ang

mga Kabiteño, karakter na masasalamin sa paraan ng kanilang kaugalian sa panliligaw, pag-

aasawa at kasalan.

Hindi pinakialaman ng mga Hapon ang bahaging ito ng pangaraw-araw na buhay ng mga

taga-Kabite. Pinabayaan lamang nila ang nasabing kinagisnang kaugalian na magtuloy-tuloy.

Ngunit dahilan na rin sa hirap at panganib na dulot ng digmaan sa mga mamamayan hindi

naging madali sa mga tao ang patuloy na pagsasagawa at pagtupad sa nasabing mga kaugalian.

Takot sa mga sundalong Hapon na magustuhan ang kanilang anak at sapilitan na lamang

kunin, itinago ng mga magulang ang kanilang mga anak na dalaga at magkaminsan ay nilalagyan

ng uling sa mukha at buong katawan upang hindi maging kaakit-akit sa paningin ng mga

sundalo.

Dala na rin ng takot na ito, magkaminsan ay nagiging mabilisan at hindi na gasinong

dumaraan sa proseso ng ligawan ang nagkakagustuhan bagaman at sa ibang lugar ay may mga

suyuan pa rin at haranahang nagaganap. Wala na ring kasalan sa ibang bahagi ng lalawigan,
12 | P a g e

ang katuwiran ay baka maunahan pa sila ng mga Hapon, kaya’t kapag nagkagustuhan ay

nagsasama na kaagad.

Hindi lamang mga sundalong Hapon ang naging problema ng mga Kabiteño. Partikular

sa bahagi ng Kapatagan at Kataasang Kabite mas kinatatakutan ng mga tao lalo na ng mga

kababaihan ang mga gawain ng mga tulisang Texas na sapilitang nandurukot sa mga babaeng

magustuhan para maging asawa. Kaya nga’t ang iba ay napilitang mag-asawa ng kahit hindi

nila gusto para lamang makaiwas sa problema.

Pagdiriwang ng Okasyong Panrelihiyon (kabilang na ang piyesta at paglilibing)

Isa rin ang relihiyon sa aspeto ng pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Kabiteño na

hindi pinakialaman ng mga Hapones. Pinabayaan lamang nila itong magpatuloy at hindi

nilagyan ng restriksyon.

Sa kainitan ng giyera nanatiling nandoon ang kinagisnang pagdaraos ng mga okasyong

pangrelihiyon tulad ng piyesta bagaman at hindi na kasing-“gara” at kasing-“engrande” gaya ng

bago magkadigmaan. Tuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga misa sa kabila ng pangyayari na

kakaunti na ang dumadalo dito dala na rin ng takot sa mga Hapon na kung hindi sa mga

eskuwelahan nakatira ay humimpil at gumawa ng kampo sa mga simbahan.

Apektado din ang kinasanayan nang kaugalian ng mga tao sa paglilibing ng kanilang mga

patay. Sa ibang bahagi ng Kabite ay hindi na halos uso ang “lamay” at “embalsamo” kaya’t

madalian na lamang ang ginagawang paglilibing sa mga kaanak na namatay. May mga

pagkakataon pa na hindi na naidadaan sa simbahan para sa huling sakramento ang namayapa.

Marami ding pahayag na marami ay hindi na naililibing sa sementeryo at kung saan- saan na
13 | P a g e

lamang inihuhukay ang iba sa isang piling lugar o kaya’y ipinaaanod na lamang sa dagat

partikular kung mga taga-Baybaying parte ng lalawigan ang namatay.

KONKLUSYON

Maiksi ngunit malupit..tuloy pa rin kahit hindi kasing rangya...karamihan sa mga

nakapanayam ay ganito ang naging paglalarawan sa halos limang taong pamamalagi ng mga

Hapones sa bansa at sa mga kinagisnang kaugalian na napektuhan ng pananakop nila sa atin.

Ganoon pa man tuloy ang pangaraw-araw na takbo ng buhay ng mga pangkaraniwang

mamamayan ng Kabite sa kabila ng mahigpit na pamamalakad ng mga dayuhan at manaka-

nakang kaguluhan at ligalig mula sa mga kababayang piniling makipagkolaboreyt sa mga

Hapon sa anyo ng pagiging kabahagi ng pamamahalang Japanese bilang Makapili o Sakdalista

sa probinsiya. Hiwalay pa ito sa ligalig na dala naman ng mga grupo ng mga pseudo-gerilya na

nakilala sa tawag na Texas o gerilyang Salapsap na malayang kumilos sa kanilang lugar ng

impluwensiya.

Sang-ayon na rin sa mga naging kuwento ng mga nakapanayam, bagaman at wala pang

pagsasalat sa dakong unang bahagi ng digmaan, ang pagkain ang isa sa aspeto ng kanilang

pangaraw-araw na buhay na naapektuhan ng lubusan ng natapos na digmaan. Umabot ito sa

sa kritikal na sitwasyon nang magsimula ng sapilitang kuhanin at agawin ng mga mananakop na

puwersa ang mga pagkain ng mga taga-lalawigan para sa patuloy na suplay para sa kanilang

mga sundalo. Kaya nga’t maging ang mga oras na dapat ay ginugol sa kaunting kasayahan at
14 | P a g e

paglilibang ay nabuhos na din sa paghahanap at isipin ng kung saan kukuha ng sunod na

kakainin para sa mga mamamayan.

Malinaw din sa ginawang pag-aaral na sa kinaharap na suliranin dulot ng giyera,

lumabas ang taal na ugali ng mga Pilipino (Kabiteño), ang pagiging malikhain at maparaan ng

mga ito. Karakter na nadagdagan pa ng pagiging relihiyoso ng mga taga-Kabite (aspeto na hindi

naman pinakialaman ng mga Hapon), nahanapan nila ng pansamantalang solusyon ang mga

balakid sa kritikal na sitwasyon ng kinasanayang pangaraw-araw na takbo ng buhay ng

partikular na panahon. At kung may magandang bagay daw na naidulot ang digmaan sa mga

Kabiteño, ito ay ang pangyayari na nang panahong iyon ay naranasan nila ang maging pantay-

pantay …walang mahirap, walang mayaman. Lahat ay kinailangang maki-angkop at makibagay

sa takbo ng sitwasyon, banggit din ng mga nakakuwentuhan.

Sa mga sitwasyong dala ng digmaan, naging pangkaraniwang kaganapan ng pakiki-

angkop ng mga Kabiteño ang pagkakaroon ng iba’t-ibang papel na ginampanan sa pamayanan

sa kasagsagan ng giyera. Papel na sang-ayon na rin sa mga na-interbyu ay maaring personal na

pinili o puwede namang dulot na rin ng kahingian ng pangangailangan para sa kritikal na

kolaborasyon.

Batay na rin sa mga personal na pakikipag-usap, sa kainitan ng Ikalawang Digmaang

Pandaigdig ang sari-saring papel na ginampanan ng mga Kabiteño ay nagkaroon ng malaking

epekto sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. May mga nakapanayam na kusang

nakipagmabutihan sa mga dayuhan para sa personal na benepisyo at konbinyente, marami

naman ay bilang atubiling pagtugon sa pangangailangan ng kaganapan ng digmaan.


15 | P a g e

Sa pangkalahatan ay malimit na inilalarawan na walang katulad at kasing-lupit ang

naging karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng pagkakandiling Hapon. Kalupitan na sa kabila ng

mga propagandang malawakang ginamit at ipinatupad ng mga ito kabilang na ang tungkol sa

relihiyon at edukasyon ay hindi nito nagawang ipalimot at ipatalikdan ang sinasabing

“magandang karanasan” na ipinalasap ng mga Amerikano sa kanila. Kaya nga’t sa panahon ng

ginawang mga panayam ay halatang dama pa rin ng maraming nagkabahagi sa pag-aaral ang

kanilang naging malungkot na karanasan. Kitang-kita pa rin sa kanila ang poot na naiwan ng

sinasabi ng marami na “hindi makataong trato na naranasan nila sa kamay ng mga dayuhan.”

Sa bahaging ito naman ng pag-aaral tungkol sa pangaraw-araw na naging buhay ng

mga karaniwang mamamayan ng Kabite nang kainitan ng giyera lumitaw ang dalawang mukha

ng digmaan: una, ang kalupitan at di-makataong pagtrato ng mga mananakop na puwersa sa

mga mamamayang sinakop at ikalawa, ang di-iilang kuwento ng magandang pangyayari sa

kanila sa kamay ng kaparehas na dayuhan sa kabila ng kritikal na sitwasyon.

Sa mga lumasap ng pagmamaltrato, nanatili ang matinding galit bilang pangkalahatang

saloobin ng mga nakakuwentuhang kapanayam para sa mga dayuhan at maging sa kapwa

Pilipino na rin na piniling makipagmabutihan at makialyado sa mga Hapon.

Sa mga positibo naman ang naging karanasan, abot-abot na papuri at kumplemento

para sa mga magagandang bagay at tulong na ibinahagi sa kanila sa kainitan ng giyera ng mga

sundalong Hapon lalo na ang opisyal ng mga ito ang nabanggit ng mga respondents habang

idinadaos ang mga panayam. Kaya nga at sinabi rin ng ibang nakapanayam na kung

nagpatuloy pa ang mga sinimulang kabutihang ipinakita ng mga Hapon sa mga Kabiteño ay may
16 | P a g e

posibilidad na baka nahirapang makabalik ang Amerikano, hindi lamang sa pisikal na aspeto

ngunit maging sa pangkalahatang kamalayan ng mga tao.

Mahalaga ring banggitin sa bahaging ito ang pagkakaroon ng magandang samahan at

pagtitinginan ng mga Kabiteño sa pamayanan sa panahon ng digmaan. Isa pa ring karakter ng

mga Pilipino (Kabiteño) na nasubukan na sa marami ng sitwasyong hinarap ng mga ito.

Sa pagtatapos, sa kabila ng nakitang kakapusan at kakulangan partikular sa mga datos

na posibleng hindi nakalap ngunit naghihintay lamang na mabuksan sa isinagawang panimulang

pag-aaral, inaasahan ng sumulat nito na nakamit niya ang isa sa kanyang mga pangunahing

adhikain sa pagsasagawa ng pananaliksik na nabanggit, ang mailahad sa marami ang isang

lokal na kasaysayan ng lalawigan ng Kabite kung saan ang kanyang mga pangkaraniwang

mamamayan naman ang “bida”.

Inaasahan din na nabigyang hustisya sa pamamagitan ng papel na ito (tesis masterado

sa kabuuan) na malinaw na maibahagi sa mga mga babasa ang kahit na maliit na parte

lamang ng boses ng “ masang” Kabiteño na matagal ng naghihintay na madinig at maitanghal

sa entablado ng kasaysayang lokal at nasyunal. Ito ay sa kabila na rin ng kahinaan at personal

na limitasyon ng may-akda. Magsilbi sanang panimulang datos ang nakalap ng sumulat para sa

mas malalim pang pag-aaral na maaring isagawa tungkol sa pangaraw-araw na buhay ng mga

pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa hinaharap.


17 | P a g e

BIBLIYOGRAPIYA

PANGUNAHING BATIS

Definitive Data on Japanese Atrocities. Bundle #45. Pambansang Sinupan. Maynila.

Historical Data Paper of the Philippines (Cavite) Microfilm Roll # 21. Pambansang
Aklatan. Maynila.

Japanese War Crime Records: Closed Report. Bundle #34, vol. 344. Pambansang
Sinupan. Maynila.

Japanese War Crime Records: Closed Report. Bundle #11, vol. 121. Pambansang
Sinupan. Maynila.

Japanese Military Administration Journal, 1941-42. Microfilm. Pambansang


Aklatan. Maynila.

People’s Court Papers. Photocopy. Archives. U.P. Main Library. Diliman

Recto, Claro M. Three Years of Enemy Occupation: The Issue of Political


Collaboration in the Philippines. Manila: People’s Publishers, 1946.

The Official Journal of Japanese Military Administration, vol. 1-13 Microfilm Roll #
0118 - Honorio Lopez Collection. Pambansang Aklatan. Maynila

The Tribune Magazine. Microfilm..Oct. 1942-Apr. 1943/ Apr.-Aug./June 22—Sept.


18 | P a g e

30/Oct. 1-Dec. 23/ 1944: March 5-Apr. 29/May 2-Oct 22. Pambansang Aklatan.
Maynila.

The Provinces of the Philippines: Geographical Sketches and Historical Accounts.


The Census of 1918. Director of Public School, 1920.

Yearbook of Philippine Statistics, 1940. Manila: Philippines, Bureau of Census and


Statistics. Bureau of Printing, 1941.

SEKONDARYANG BATIS

MGA AKLAT

Abigan, Edmundo R. Jr. The Philippine Index Millennium Edition: Province of


Cavite, volume 1, no. 1.( Bacoor, Cavite: Philippine Guides, Inc. 2001).

Abrera, Bernadette L. at Lapar, Dedina. Ulat ng Unang Pambansang Kumperensiya


sa Historiograpiyang Pilipino. Diliman, Quezon City: U.P. Departamento ng Kasaysayan/
Bahay Saliksikan sa Kasaysayn (BAKAS)/U.P. Lipunang Pangkasaysayan (UP-LIKAS), 1989

Agoncillo, Teodoro A. The Fateful Years, Japan’s Adventure in the Philippines,1941-


1945, vols. 1 and 2. Quezon City: University of the Philippines Press), 2001.

___________. Kasaysayan ng Bayang Pilipino. Ikaapat na edisyon. (Quezon City:


GAROTECH Publishing), 1984.

Bautista Jr., Pedro R. A. Brief History of Cavite City. In a Souvenir Program of the
419th Foundation Year and 50th City Charter Day. City Government of
Cavite, 1990.

Bell, Walter F. The Philippines in World War II, 1941-1945: A Chronology And
Selected Annotated Bibliography of Books and Articles in English. Westport,
Connecticut: Greenwood Press, 1999.

Braudel, Fernand. The Mediterranean and the Mediterranean World in the Age of
Philip II. Vol. 1. Translated from the French by Sian Reynolds. London: Harper and Row
Publisher, 1966.

Braudel, Fernand. Civilization and Capitalism, 15th-18th Century: The structures of


Everyday Life: The Limits of the Possible. 1967; rev. ed. 1979. Trans. Sien Reynolds,
(Berkeley: U of California, 1992).
19 | P a g e

Burke, Peter. Overture. The New History: Its Past and its Future. New Perspective
on Historical Writing. University Park, PA: The Pennsylvania State University Press,
1992.

Calairo, Emmanuel Franco. Cavite El Viejo: Kasaysayan, Lipunan, Kultura.


Dasmariñas, Cavite: Cavite Historical Society, 1998.

__________. Cavite in Focus: Essays on Local Historiography. Dasmariñas, Cavite:


Cavite Historical Society, 2001.

__________. Liping Kabitenyo: Talambuhay ng mga Kilala at Di-Kilalang


Kabitenyo. Dasmariñas, Cavite: Cavite Studies Center, De La Salle University-Dasmariñas,
1999.

__________. Mga Anak ng Tangway sa Rebolusyong Pilipino. Cavite: Pamahalaang


Lungsod ng Kabite, 1996.

__________. Naic, Cavite: Kasaysayang Lokal Mula Panahon ng Kastila Hanggang


Panahon ng Hapon.  Dasmariñas, Cavite: Cavite Historical Society, 2000.

__________. Noveleta: Bayan ng Magdiwang. Cavite: Cavite Historical Society,


2000.

__________. Tanza: Bayang Sinilangan ng Pamahalaang Rebolusyunaryo ng


Pilipinas. Dasmariñas, Cavite: Municipal Government of Tanza, 2004

__________ . Cavite’s Turning Point: Political Will and Development at the Turn of
the Century, 1979-1995.

Churchill, Bernardita Reyes. History and Culture, Language and Literature:


Selected Essays of Teodoro A. Agoncillo. Manila: University of Santo Tomas Publishing
House, 2003.

Cleofe, Earl Jude Paul L. Bandit Zone: A History of the Free Areas of Negros Island
During the Japanese Occupation, 1942-45. Manila: UST Publishing House, 2002.

Constantino, Renato at Constantino, Letizia R. Salin ni Ariel Dim. Borlongan mula


sa The Continuing Past. FILIPINAS: Ang Bagong Lumipas-II, 1940-1965. Quezon City:
University of the Philippines Press Foundation for Nationalist Studies, 1997.

Department of Education Culture and Sports. The History and Cultural Life of
Cavite Province. Cavite: Department of Education, Culture and Sports. Local Government
of Cavite, 1981.
20 | P a g e

De Las Alas, Natalia P. and Baltasar, Silverio S. Indang and Her Revolutionary
Heroes. Indang, Cavite: Green Knight Printing, 1999.

De Viana, Augusto V. Kulaboretor! The Issue of Political Collaboration During


World War II. Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2003.

Fernandez, Doreen G. Food and War in Vestiges of War: The Philippine-American


War and the Aftermath of an Imperial Dream, 1899-1999. Edited by Angel Velasco Shaw
and Luis H. Francia. Washington Square: New York University Press, 2002.

Foronda, Marcelino A. Jr. Kasaysayan: Essays on Local and Oral History. Manila:
DLSU Press, 1991.

Francisco, Michael C. Cavite en siglo 19: Translation of Selected 19th Century


Documents. Dasmariñas, Cavite: De La Salle University. Cavite Studies Center. Cavite
Historical Society, 2002.

Garcia, Mauro. Documents on the Japanese Occupation of the Philippines. Manila:


The Philippine Historical Association, 1965.

Gardner, James B. and Adams, George Rollie. Ordinary People and Everyday Life:
Perspective on the New Social History. Nashville, Tennessee. The American Association
for State and Local History, 1983.

Gimenez, Pedro M. Under the Shadows of the “Kempi”. Manila: Narvaez


Publishing House, 1946.

Gripaldo, Eden M. The Methodology of Oral History on History From the People:
Kasaysayan Mula sa Bayan, volume 12. Edited by Bernardita Reyes
Churchill. Manila: National Historical Institute. 1998

Hartendorp, A.V.H. The Japanese Occupation of the Philippines. Manila: Bookmark,


1967.

Ileto, Reynaldo C, Pasyon and Revolution:Popular Movements in the Philippines,


1840-1910. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1979.
Jose, Ricardo Trota. World War II and the Japanese Occupation: Ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ang Pananakop ng mga Hapon. Quezon City: University of the
Philippines Press, 2006.

Jose, Ricardo Trota. The Philippine Army 1935-42. Manila: ADMU Press, 1992.

Jose, Ricardo Trota and Ikebata Setsuho. The Philippines Under Japan: Occupation Policy
and Reaction. Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
21 | P a g e

1999.

Jose, Ricardo Trota and Lydia Yu-Jose. An Annotated Bibliography on Philippine-


Japan Relations, 1935-1956. Manila: DLSU-Yuchencho Center for East Asia, 1998.

Jose-Yu, Lydia N. Japan Views the Philippines 1900-1944. Manila: ADMU Press,
1992.

Kintanar, Thelma B., Clemen Aquino, Patricia Arinto, Ma. Luisa Camagay.
Kuwentong Bayan: Noong Panahon ng Hapon (Everyday Life in a Time of War). Quezon
City: The University of the Philippines Press, 2006.

LLanes, Jose L. I Saw the Nation in Travail. Manila: AID Magazine, Freedom
Series, 1968.

LLanes, Ferdinand C. Pagbabalik sa Bayan: Mga Lektura sa Kasaysayan ng


Historyograpiya at Pagkabansang Pilipino. Manila: Rex Bookstore, 1993.

Martin, Claro. Methods of Smoking Fish Around Manila Bay in the The Philippine
Journal of Sciences. Manila: Fish and Game Administration, Bureau of Science, 1934.

Medina, Isagani R. Ang Kabite sa Gunita: Essays on Cavite and the Philippine
Revolution. Diliman, Quezon City: University of the Philippines Press,
2001.

Mojares, Resil B. Proceedings of the Fifth National Conference on Local History.


Edited by Lacar, Luis Q., Gabino Puno, Ricardo Jorge Caluen (5 th: 1982:
Iligan City) Iligan City: Coordination Center for Research and Development, 1982.

Molina, Antonio M. The Philippines Through the Centuries, vol. 2, 1st edition.
Manila: UST Cooperative, 1960-61.

National Historical Institute. The Role of Local Historiography: Proceedings and


Position Papers of the Third Regional Seminar on History.Dumaguete City: National
Historical Institute, 1976.

Nigoza, Evangelino. Bahra: The History, Legends, Customs and Traditions of


Ternate, Cavite. Cavite: Cavite Historical Society, 2007.

Philippine National Historical Society. Philippine Encyclopedia of the Social


Sciences: History. Quezon City: Philippine National Historical Society. Philippine Social
Science Council, 1993.

Quirino, Eliseo. A Day to Remember. Manila: 1958


22 | P a g e

Recto, Claro M. Three Years of Enemy Occupation: The Issue of Political


Collaboration in the Philippines. Manila: People’s Publishers, 1946.

Reischauer, Edwin O. Ang mga Hapones. Isinalin sa Filipino ni Lydia N. Yu-Jose.


Manila: ADMU Press, 1992.

Saulo, Alfredo B. History of Cavite: The Mother Ground of the Philippine


Revolution, Independence, Flag, and National Anthem. Trece Martirez City: Provincial
Government of Cavite, 1985.

Santos, Alfonso P. Philippine-Nippon Tales: A Collection of Incidents Showing the


Sunny Side of the Japanese Occupation of the Philippines. Manila: National Bookstore,
1978.

__________. Heroic Virgins and Women Patriots: Female Patriotism During the
Japanese Occupation. Manila: National Bookstore, 1977.

Santos, Angelito L. Under Japanese Rule: Memories and Reflections. Edited and
with Introduction by Renato Constantino. Quezon City: Foundation for Nationalist
Studies, 1993.

Scott, William Henry. Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays on
Philippine History. Quezon City: New Day Publishers, 1985.

Setsuho, Ikehata. The Japanese Military Administration in the Philippines and the
Tragedy of Gen. Artemio Ricarte. Translated by Elpidio R. Sta. Romana. Singapore:
Department of Japanese Studies, National University of Singapore, 1991.

Steinberg, David Joel. Philippine Collaboration in World War II. Ermita, Manila:
Solidaridad Publishing House, 1967.

Syjuco-Tan, Ma. Felisa A. The Kempei Tai in the Philippines: 1941-1945. Quezon
City: New Day Publishers, 1988.

Unabia, Teresita Palma. Silang: Kasaysayan at Pananampalataya. Dasmariñas,


Cavite: Cavite Historical Society, 2000.

__________. Cavite’s Historical Calendar. Dasmariñas, Cavite: Institutional


Communication Office, De La Salle University-Dasmariñas, 1997.

Velasco, Jose. Towards a History of Imus. Los Baños, Laguna: Imus Retirees Club.
VC Systems, 1994.
23 | P a g e

“ELEKTRONIK” NA AKLAT

Aiko, Utsumi. Japan’s Korean Soldiers in the Pacific War in Asian Labor in the
Wartime Japanese Empire ed. Paul Kratoska. Singapore: Singapore University Press,
2006. Book on-line. Available from http://books.google.com/books?id. Accessed.
December 17, 2009.

Mitchie, Donald A. Doing Oral History: A Practical Guide, 2nd ed. United States:
Oxford University Press, 2003. Book on-line. Available from
http://books.google.com/books?id=6lmV7M5GlQC. Accessed 10 September 2008.

Perks, Robert and Alistair Thomson. The Oral History Reader.U.K. Routledge,
1998. Book on-line. Available from http://books.google.com/books?
id=7y2Km2IFN84C&dq. Accessed 10 September 2008.

Sommer, Barbara W. and Mary Kay Quinlan. The Oral History Manual. Walnut
Creek, CA: Rowman Altamira Press, 2002. Available from
http://books.google.com/books?id=6zeikAeTPHsC. Accessed 10 September 2008.

Provincial Government of Cavite. http://www.dotc.gov.ph/wowphilippines/Cavite


province. Internet. Accessed. 10 September 2008.

Cavite, the free encyclopedia. http://en.wikipedia.org/wiki/Cavite province.


Internet. Accessed. 10 September 2008.

DYORNALS

Beeman, Richard. Small Things Remembered: Writing the History of Everyday


Life in Early America. American Quarterly, vol. 42, no. 1 ( Mar. 1990) pp. 108-115.
http://www.jstor.org/journals/jhup.html. Accessed 24 August 2008.

Glick, Thomas F. The Mediterranean and the Mediterranean World in the Age of
Philip 11. vol. 11 by Ferdinand Braudel: Sian Reynolds. The Hispanic American Historical
Review, vol. 56, no. 2 (May, 1976) Duke University (as appeared in jstor archive).
Accessed 24 August 2008.

Gullestad, Marriane. The Transformation of the Norwegian Notion of Everyday


24 | P a g e

Life. American Ethnologist, vol. 18, no. 3, Representations of Europe: Transforming


State, Society, and Identity. (Aug. 1991), pp. 480-499.
http://www.jstor.org/journals/anthro.html. Accessed 24 August 2008.

Larkin, Jack. The View from New England: Notes on Everyday Life in Rural America
to 1850. American Quarterly , vol. 34, no. 3 (1982), PP. 244-261.
http://www.jstor.org/journals/jhup.html. Accessed 24 August 2008.

Ludtke, Alf. The History of Everyday Life: Reconstructing Historical Experiences and
Ways of Life. Translated by William Templer. Princeton: Princeton University Press,
1995 as reviewed by Brad S. Gregory. History and Theory, vol. 38, No. 1 (Feb. 1999), pp.
100-110. http://www.jstor. org/journals/wesleyan.html. Accessed 24 August 2008.

Mactal, Ronaldo B. Ang Buhay ng Pangkaraniwang Mamamayan sa Kabite sa


Panahon ng Himagsikan. Journal of History 51 (1-4) Jan-Dec: 2005.

Mojares, Resil B. History from the Periphery: Local History in the Philippines.
Quezon City: Journal of History vol. 1. 34-35.

Foronda, Marcelino A. Some Notes on Philippine Historiography. Dialogue, 7:15


(Dec. 1971) 1-36.

TESIS/DISERTASYON

Austria, Alain. The Hardwood Patriarch: A History of the San Agustin Devotion of
Tanza, Cavite. Graduate School, DLSU-M, 2002.

Badilles, Dionicio. Bohol During the Japanese Occupation, 1942-45. Graduate


School, DLSU-M, 2002.

Bolivar, Benjamin M. A Historical Study of the Town of Imus. School of Graduate


Studies, Manuel L. Quezon University, 1965.

Cleofe, Earl Jude Paul. The Bandit Zone: A History of the Free Areas of Negros
Island During the Japanese Occupation, 1942-45. Ph. D. diss. , Graduate School,
University of Santo Tomas, 1999.

Flores, Ophalyn G. Lipa Noong Panahon ng Hapon, 1941-1945. History


Department. College of Liberal Arts, DLSU-M, 2003.

Garcia, Aquino. The Town of Dasmariñas: From its Beginning in 1866-1917.


25 | P a g e

Graduate School , DLSU-D, 1999.

Lacambra, Leah et.al. Philippine Elementary and High School Education During the
Japanese Occupation. International Studies Department, CLA-DLSU, Manila, 1996.

Reyes, Evelyn M. Romblon During the American Regime, 1898-1946. Graduate


School, DLSU-M, 1995.

MGA PANAYAM

Mababang Kabite

Baybayin
Lunsod ng Kabite - Patricio Martinez
Noveleta - Mildred Bernal
Kawit - Cesar Virata

Kapatagan
Tanza - Angelina Bobadilla
Imus - Liberato Santiaguel
Dasmariñas - Pausta Mobido

Kataasang Kabite
Kataasan
Silang - Leandro Madlangsacay
Indang - Anacleta Autor
Naic - Ponciano Pinco

(*Sa kabuuan ay may nakalap na animnapu’t-isa (61) “respondents” na siyang

kumatawan bilang mga “representanteng kalahok” para sa napiling lugar ng Baybayin,

Kapatagan at Kataasang Kabite sa ginawang pananaliksik. Umabot sa mahigit 500 daang pahina

ang kabuuan ng transkrip ng lahat ng mga panayam, dagdag pa sa kulang-kulang na 280 pahina

ng pangunahing teksto, dahilan para magkaroon ng problema sa makapal na kopya ng pinal na

manuskrito ng ginawang pag-aaral.


26 | P a g e

Upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin, napagkasunduan ng may-akda at ng

kanyang tagapayo na lakipan na lamang ng tig-iisang sipi ng transkrip ng panayam ng

“kumakatawang kalahok” ang bawat munisipyo at lunsod na isinali sa pananaliksik. Inilakip na

lamang ang natipong kabuuang bilang ng transkrip ng panayam sa ginawang sipi na inilagay sa

isinumiteng “compact disc”.)

You might also like