Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MESOAMERICA

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga


mangangaso o hunter ang dandayuhan mula sa Asya patungong North America,
libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang
baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat kalat
na pamayanan sa mga kontinente ng North at South America. Noong ika-13 siglo
B.C.E,umusbong ang kauna unahang kabihasnan sa America, ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico.
Heograpiya

 Ang salitang meso ay nangangahulugang “pagitan” sapagkat ang rehiyon ng


Mesoamerica ay matatagpuan sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa
gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador
 Nasa hilaga nito ang ilog ng Panuco at Santiago
 Ang katimugang hangganan nito ay mula sa baybayin ng Honduras sa
Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa Tangway ng
Nicoya sa Costa River
 Sa kasalukuyan, ito ay Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang
bahagi ng Honduras

 Malaki ang pagkakaiba ng elebasyon ng lupa


 Madalas ang pag-ulan
 Pabago bago ang panahon
 Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa sa mga lugar na unang
pinag-usbungan ng agrikultura

Kabihasnan

- Mga Pamayanang Nagsasaka (2000 – 1500 BCE)


 3500 BCE – nagtanim ang mga sinaunang tao ng mais at iba pang
mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at
kasalukuyang Veracruz
 1500 BCE – maraming mga taga-Mesoamerica ang nagsimulang
manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang
kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop
 Pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE – mababanaag na ang pagkakaroon
ng politikal at panlipunang kaayusan sa Mesoamerica
 Nagkaroon na din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang
aspektong pangekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang
pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec.
- Mga Olmec (1500 – 500 BCE)
 Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America
 Ang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna
unahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma
 Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China
 Yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa Katimugang Mexico na nang
lumaon ay lumawig hanggang Guatemala
 Isang pamayanang agrikultural
 Dalawang sentro ay ang San Lorenzo at La Venta
 Ang kanilang mga diyos ay Olmec Dragon, Bird monster, Fish monster,
Banded-eye God, Water God, Maize God, Were-jaguar, at feathered
Serpent
 Humina at bumagsak

- Mga Teotihuacan (250 BCE – 650 CE)


 Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa panahong ito
 Ang Teotihuacan ay nangangahulugang “tirahan ng Diyos”
 Ang pinakamahalagang Diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang
Feathered Serpent God. Pinaniniwalaang sakaniya nagmula ang iba’t
ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan din niya ang
puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang Diyos ng hangin.
(quetzalkwalo)
 Matagumpay na pinamumunuan ng mga dugong bughaw o nobility
 Pyramid of the Moon ay may taas na 43 meters samantala ang
Pyramid of the Sun ay may taas na 65 meters
 600 CE – ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at
sinunog ang Teotihuacan
 650 CE – mabilis na bumagsak ang lungsod
 Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa
karatig-lugar, tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan

- Mga Mayan (2000 BCE - 900 CE) (pinakauna)


 Katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala
 Pinalawig ng mga “halach uinic” o tunay na lalaki ang pamayanang
urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa mga Diyos
 Mahalaga ang agrikultura sakanila
 Sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais
(Hun Hunahpu) gayundin ang tungkol sa ulan (tialoc)
 Bumagsak dahil sa isang uri ng pagkasira ng lupa
- Mga Aztec (1325 – 1521)
 Unang imperyo sa Mesoamerica
 Huitzilopochtli – pinakamahalaga nilang Diyos sapagkat ito ang Diyos
ng araw
 Ang Aztec ay nangangahulugang ‘isang nagmula sa Aztlan”, isang
mitikong lugar sa Hilagang Mexico
 Mga nomadikong tribo
 Nakabatay sa pagtatanim ang kanilang ekonomiya sapagkat ito ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay
 Ang kanilang siyudad ay nagsimula bilang dalawang maliit na isla sa
Lawa ng Texaco
 Pinakamarahas sapagkat sila ay nag-aalay ng tao sa kanilang mga
Diyos
 Ang kanilang mga iniaalay ay kadalasang mga bihag o nagkusang loob
 1519 – napasakamay ng mga Espanyol sa pamumuno ni Hernando
Cortes ang Mexico
 1521 – tuluyan silang bumagsak
 Ang mga Aztec ay naubos dahil:
 Epidemya ng Smallpox
 Pang-aalipin
 Digmaan
 Labis na paggawa

KONTRIBUSYON

OLMEC TEOTIHUACAN MAYAN AZTEC


Pagliliok ng ulo sa bato piramide Hieroglyphics Maliliit na himnasyo
o colossal heads
Pok-a-tok Lansangan Pulot-pukyutan Training center
Jaguar Liwasan Ponchos, bahag, at palda na Pamahalaan – chief of
gawa sa bulak o dahon ng men
maguey
Mineral gaya ng jade, Cacao Piguring gawa sa luwad Templo at pamilihang
obsidian, at serpentine bayan
Goma Balahibo Sili, papaya, patani, at pinya Makukulay na bahay
Konseptong zero Ollamalitztli – isang uri ng Mayan Calendar - 365.2420 Chinampas – paggawa ng
soccer na araw artificial islands na
maaaring tirhan at
pagtaniman
Sistemang irigasyon Paggawa ng goma sa Chapultepec aqueduct –
pamamagitan ng paggawa ng lagusan na
vulcanization nagdadala ng malinis na
tubig
Hieroglyphics Palasyo
Obserbatoryo
Astronomiya

You might also like