Petisyon NG Mga Csu

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PETISYON NG MGA CSU-CAT NON-PASSERS PARA SA PAG-AMYENDA NG

RESTRICTIVE ADMISSION POLICY NG CAGAYAN STATE UNIVERSITY

Kinikilala at ipinagtitibay ng Konstitusyon ng Pilipinas ang kahalagahan ng


edukasyon para sa mamamayang Pilipino bilang makabuluhang instrumento para sa
pambansang kaunlaran. Alinsunod sa Artikulo XIV Edukasyon, Agham at
Teknolohiya, Mga Sining, Kultura, at Sports:

SEKSYON 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng


lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at
dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng
gayong edukasyon.

Dagdag pa, mula naman sa Seksyon 5:

(1) Dapat isaalang-alang ng Estado ang mga pangangailangan at


kalagayang panrehiyon at pansektor at dapat pasiglahin ang lokal na
pagplano sa pagbubuo ng mga patakaran at mga programang pang-
edukasyon.
(2) Dapat tamasahin ang kalagayang akademiko sa lahat ng mga institusyon
ng lalong mataas na karunungan.
(3) Ang bawat mamamayan ay may karapatang pumili ng propesyon o kurso
ng pagaaral, salig sa karampatan, makatwiran at pantay na mga
kinakailangan sa pagpasok at mga pangangailangang akademiko.

Ang edukasyon ay isang karapatan at serbisyong panlipunan na dapat ay


natatamasa ng lahat. Nilalayon dapat nitong linangin ang bawat kabataang Pilipino,
anuman ang kanyang katayuan sa buhay o kung gaano man sya katalino. Tungkulin
ng pamahalaang bigyan ng patas at pantay na oportunidad ang lahat sa de-kalidad
na edukasyon.

Kinikilala ng petisyong ito ang pagbubukas ng CSU ng diploma at certificate courses


at sa apela, ngunit ang mga ito ay hindi sasapat. Magkakaroon lamang ito ng
paghahati sa mga non-passers na magkukumahog para lamang makapag-enroll sa
CSU. Muli, naninindigan kami na ang edukasyon ay isang karapatan na dapat
ipagkaloob ng pamahalaan, sa pamamagitan ng mga state universities and colleges.
Dapat ito ay inclusive at walang kondisyon, kumabaga’y nagbubukas sa
pinakamaraming kabataang gustong makapag-aral.

Batid ng petisyong ito ang kalagayan ng institusyon sa usapin sa pasilidad at


imprastraktura ngunit naniniwala kaming hindi dapat ipasa ang ganitong problema sa
mga mamamayan. Likas na lumalaki ang populasyon sa bansa, kung kaya’t dapat
lamang na paghandaan ng mga SUCs ang paparaming bilang ng kabataang
naghahangad na makapasok dito. Ito ay isang pagkakataong igiit ang pagtataas ng
budget o state subsidy para sa mga SUCs sa pamahalaan at mga ahensya nito.
Mula sa Seksyon 5, Artikulo XIV:

(5) Dapat mag-ukol ang Estado ng pinakamataas na priority sa pagtatabi ng


budget para sa edukasyon at seguruhin na magaganyak at mapamamalagi ng
pagtuturo ang nararapat na kaparte ntio sa pinakamahusay na mga talino sa
pamamagitan ng sapat na gantimpala at iba pang paaralan ng kasihayan at
katuparan sa gawain.

Ang de-kalidad na edukasyon ay nakasalalay sa institusyon, ibig sabihin, ito ay


pangunahing nasusukat sa kaunlaran ng pasilidad at instruksyon. Ang pag-abot sa
de-kalidad na edukasyon ay hindi dapat mangahulugan sa paglilimita sa iilan lamang
na maaaring makatamasa nito. Ang kalidad ay nakabatay sa kung paano tugunan
ang pangangailangan at interes ng estudyante, at sa pagpapaunlad mismo ng
institusyon sa mga mag-aaral nito.

Mga kahilingan at mungkahing resolusyon:

1. Amyendahan ang pagiging “restrictive” ng admission policy, at


bigyang-daan ang pagpasok ng lahat ng mga CSU-CAT examinees ng
walang kondisyon.
2. Manawagan para sa mas mataas na subsidyo para sa pamantasan.
PETISYON NG MGA CSU-CAT NON-PASSERS PARA SA PAG-AMYENDA NG
RESTRICTIVE ADMISSION POLICY NG CAGAYAN STATE UNIVERSITY

NAME ADDRESS/SCHOOL CONTACT NO. SIGNATURE

You might also like