Professional Documents
Culture Documents
Mga Suliranin at Iba Pang Mga Balakid Sa Paggamit NG Filipino Sa Pagtuturo
Mga Suliranin at Iba Pang Mga Balakid Sa Paggamit NG Filipino Sa Pagtuturo
Dito sa ating bansang Pilipinas, Itinuturing ang Ingles bilang isang opisyal na wika.
sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang
panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.” Kalakip nito ay ang
pag laganap ng paggamit ng Wikang Ingles sa media at lipunan. Ang batas na ito na naguutos na
gamitin ang Wikang Ingles sa pagturo ng karamihan ng asignatura ay itinuturing dahilan kung
bakit may pagtatangi o diskriminasyon sa bansa. (Custodio, 2017) Ngunit, mapapansin din natin
ang tintatawag na double standards sa lipunan kung saan ang isang panuntunan ay nilalapat o
ginagamit sa hindi makatarungan o patas na pamamaraan sa mga iba’t ibang tao. Sa aking
palagay, walang mali sa paggamit Wikang Ingles o ang pagiging hindi matatas sa pananalita ng
karamihan sa mga asignatura ay tinuturo sa wikang ito. Ngunit, hindi natin maipagkakaila na ilan
sa atin ay nahihirapan at nagugulumihanan sa tama at wastong paggamit ng Wikang Ingles. Ito
ay dahil hindi Ingles ang kanilang kinalakhang wika kung kaya’t ang iilan ay pinipiling linangin
ang kanilang mga sarili sa paggamit ng wikang pambansa. Ipinapakita nito na ang tao ay may
kanikaniyang kakayahan at kagustuhan. Ang pagpabuti sa kahit ano pa sa dalwang wikang ito ay
intellectualism. (Sison, 2015) Ito ay ang paghahayag ng poot at suspetsa sa pag-unlad sa isang
larangang intelektwal. Kadalasan nating naririnig ang mga katagang “Nosebleed!”, “Share mo
lang.”, “Edi wow!” sa tuwing ang tao ay nagsasalita ng direstong Ingles. (Monforte, 2018) Sa
kabilang dako naman, ginagamit din bilang sukat ng talino kung saan ang taong matatas sa
Wikang Ingles ay itinututring na mas matalino o magaling nang hindi isinasangalang-alang ang
ibang karunungan.
Isa pang isyu patungkol dito ay ang rehiyunalistikong saloobin o regionalistic attitude.
Dahil dito, higit na minamagaling ang tawaging Ilonggo, Ilocano, Maranao, Bisaya, o kung ano
pang etnikong o katutubong populasyon. (Mangahas, 2018) Ito ay maaring sanhi ng tinwatawag
na Imperial Manila kung saan lahat ng pangyayari sa bansa politika, ekonomiya, pati na rin
kultura ay nadidiktahan ng kung anong nangyayari sa NCR. Ito ay maaring mangahulugan na ang
ibang wika sa bansa ay hindi Filipino. Hindi rin lingid sa kaalaman natin na ang dating
pangulong Manuel Quezon ay ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa dahil sa kanyang
pagtatalaga ng Filipino bilang wikang pambansa. Tinatawag ng marami ang Filipino bilang
Custodio, I. (2017, June 6). When speaking in English…. Inquirer. Retrieved October 6, 2018,
from https://opinion.inquirer.net/104563/when-speaking-in-english
Sison, S. (2015, October 15). What's up with the smart-shaming? Rappler. Retrieved October 6,
Monforte, J. (2018, April 28). Y-Speak: Is English language a proper measurement for
https://www.sunstar.com.ph/article/1697963