Professional Documents
Culture Documents
Memorandum-WPS Office
Memorandum-WPS Office
Para kay: Mga Mag-aaral ng Senior High School ng Lake Shore Educational Institution
Maligayang araw. Bilang isang vise prisidente sa orginasasyon kinauukulan hinihiling ng Yes-O
orginasasyon na magkroon ng pagsasagawa ng recyclable na parol at palamuti. Ito ay sa ka dahilanan na
iilan lamang ang mga palamuti sa bawat silid .Makakatulong din ito sa paglilinis ng kapaligiran sa
pamamagitan ng pagrerecycle. Pinapaalahan din ang lahat na wag sisirain o gagalawin ang mga
palamuting nakasabit sa field ng paaralan, maaaring magdulot ito ng kapamahakan lalo na kapag basa
ang mga umiilaw na palamuti.
Inihanda ni
Tigapaglahad
Panukalang papel
Layunin: Bigyang kaalaman ang lahat sa mga dapat gawin sa oras ng kalamidad at maging handa sa
anumang kalamidad na kakaharapin.
Plano na dapat gawin: Pagpapaliwanag ng maaaring gawin sa oras ng kalamidad, kahandaan sa baha,
lindol, sunog at bagyo. Pagkakaroon ng pagpupulong at pgbibigay ng donasyon o ambag sa gagastusin.
Badyet: Ang kinakailangang badyet ay aabot sa 50,000.00 pesos sa pagbili ng gagamitin kagaya ng life
vest, helmet, flashlight, bangka, fire extinguisher at iba pa.
Paano Mapapakinabangan: Lahat ay makikinabang upang maging handa at ligtas ang bawat isa.
Mababawasan ang kapahamakan at may kaalaman ang lahat sa maaaring mangyari.
Replektibong sanaysay
Working Immersion
Sa CREOTEC bilang isang STEM student naranasan kong mag-ayos ng components ng isang isence o
mother board. Nakakapagod at tuloy-tuloy ang paggawa ng isence kung saan naranasan naming
gumawa ng marami nito. Sipag at tiyaga ang kailangan upang makamit ang nais. Ayon sa Department of
Education ang working immersion ay isinama sa k-12 upang mailapit at matutunan ng estudyante ang
pagkakaroon ng trabaho.
Sa pagkakaroon ng work immersion masasabi kong natutunan ko ang halaga ng pagiging matiyaga at ang
importansya ng pakikibagay sa mga taong kasama sa trabaho. Sa pagharap ng isang estudyante sa
trabaho magiging handa at may kaalaman sa gagawin at magiging responsable na magagamit sa hamon
ng buhay.
Posisyong papel
Ang kahalagahan ng pagpili ng naaayon na Strand para sa kursong kukunin sa kolehiyo. Upang
maipamulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging sigurado sa kursong pipiliin. Ang
Pagkakaroon ng k-12 curriculum ay dagdag na dalawang taon sa sekondarya upang masigurado ng mag-
aaral ang nais kuhaning kurso at upang maging handa na ang mag-aaral sa kolehiyo.
Ayon kay Perez (2013) ang k-12 curriculum ay dagdag lamang sa bayarin ng bawat mag-aaral at
mapapatagal lamang sa pag-aaral at masasayang ang panahon. Ito ay walang katotohanan sapagkat sa
ibang bansa na maunlad katulad ng United States ay gumagamit din ng k-12 curriculum.
Mahalagang maging handa sa kursong pipiliin upang maging handa sa nais marating. Nakaayon sa strand
ang maaaring kuning kurso at maaaring umulit ng Grade 11 kapag hindi tugma ang strand sa kurso. Ang
kahalagahan ng pagpili ng naaayon na strand para sa kursong kukunin sa kolehiyo. Pag-isipang mabuti
ang mga mahahalagang hakbang lalo na kung nakasalalay ang iyong kinabukasan.