Seven Sundays

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jade Ellene R.

Buenavista

BSEd English 2 A

Seven Sundays

Anong Uri ng Pelikulang ito?

Ang uri ng pelikulang ito ay Drama, kung saan tinatalakay nito ang suliranin ng isang pamilyang
nagkahiwa-hiwalay dahil na rin sa trabaho at pagkakaroon ng iba sa kanila ng sariling pamilya.

Isa isahin ang mga pangyayari na magpapatunay sa uri ng pelikula.

Mga eksenang nagpapatunay sa uri ng pelikula:

1. Birthday ng kanilang ama na si Kap. Manuel ngunit ni isa sa kanila ay hindi nakadalo dahil sila
ay busy sa kani-kanilang pamilya at trabaho. Si Allan ay pumunta ng hospital dahil nagka spotting si Betty
ang kanyang asawa, si Bry naman ay nasa Singapore dahil may conference, si Cha ay busy sa trabaho at
may malaking kliyenteng kikitain, Si Dex naman ay hindi rin nakadalo sa hindi malamang dahilan.

2. Pagkatuklas sa sakit/kalagayan ni Kap. Manuel na lung cancer at hindi paniniwala ng mga anak
nito sa pag-aakalang biro lang ito.

3. Pag-aaway ng magkakapatid dahil si Cha at Bry ay hindi sang-ayon sa hindi pagpapagamot ni


Kap. Manuel ngunit si Allan at Dex naman ay gusting hayaan na lang ang kanilang tatay at sundin kung
ano ang gusto nito.

4. Pagdedesisyon ng magkakapatid kung sino ang mag-aalaga at magba-bantay sa kanilang Ama,


si Allan ang panganay ay hindi pwede dahil siya ang nagbabantay sa ABC store, si Bry ay puno ang
iskedyul maliban na lang sa Linggo, si Cha naman ay may trabaho. Si Dex ay uuwi at siya ang mag-aalaga
sa kanilang ama.

5. Pagka-alam ni Dex patungkol sa pagka-lugi ng ABC store at gustong-gusto itong bilhin ni Mr.
Kim, ang may ari ng KSP sa harap ng ABC store.

6. Pag-aaway ng magkakapatid dahil sa mga suliraning matagal nang hindi napag-uusapan.

7. Pagkatuklas ni tatay Manuel na hindi lung cancer kundi TB infection ang sakit niya at inilihim
niya ito. Paglilihim ng totoong kalagayan ni tatay Manuel sa kadahilanang natatakot ito na hindi na
naman bumalik sa kanilang bahay ang mga anak katulad ng dati.

8. Pagbalik tanaw sa mga sinulat nilang mga pangyayari noong mga bata sila habang nasa
abroad ang kanilang ama.

9. Pagkatuklas ni tatay Manuel na nalulugi na ang ABC store at gusto itong bilhin ni Mr. Kim

10. Paghahanap kay Dex ng mga lalaking tinataguan niya at pagligtas sa kanya ni Camille.

11. Nakita ni Dex ang asawa ng ate Cha niya na gamit ang kotse nito at may kasamang babae.

12. Paghingi ng tulong ni tatay Manuel kay Bry dahil nalulugi na ang ABC store
13. Pagbabahagi ni Bryan kay Allan ng kanyang sariling suliranin kung saan ay nagkaroon siya ng
anak kay Juliana Smith at ang mga ito ay nasa abroad at hindi pa nagkikita.

14. Pagkikita ng Doctor ni tatay Manuel at Allan at sinabi nito sa kanya na TB ang sakit ng
kanilang ama.

15. Pagkompronta ni Allan kay tatay Manuel at palalahad ni tatay Manuel ng kanyang dahilan
kung bakit ayaw niya itong ipaalam.

16. Pag-uusap ni Dex at Cha na kung saan ay sinabi niya na siya ang dahilan ng pagkakaroon ng
black eye ng asawa nito dahil nakita niya itong may nilalanding kolehiyala gamit pa ang kotse ni Cha.
Malalaman ni Dex na matagal na palang alam ni Cha at ayaw niyang malaman ito ng kanilang Ama dahil
mabuti raw itong ama sa kanyang mga anak.

17. Pagkarinig ni Dex ng usapan ni tatay Manuel at ng kanyang Pinsan kung saan nalaman niyang
walang sakit ang kanilang ama.

18. Pagtawag ng isang kakilala ni Bry at ibinahagi nito ang problemang tinatakasan ni Dex kung
saan ay gusto siyang sampahan ng kaso ng mga niloko daw niya sa isang concert na hindi natuloy dahil
scam ang producer at hindi nila ito mahanap kung kaya’t si Dex ang pinagbibintangan.

19. Pag-uusap ni Dex at Bry tungkol sa kasong gusting isampa sa kanya at dito ay lalabas na rin
ang mga problemang pilit tinatago ng bawat isa sa kanilang pamilya  ang pagtatapos san ani Bry ng
kolehiyo kung tinatpos lang niya ang thesis at hindi nabaliw sa dating kasintahan na si Aira, ang pagiging
busy nilang lahat na nagdulot ng pag-iwan nila kay Bry, ang pambababae ng asawa ni cha, ang totoong
sakit ng kanilang ama, ang isyu patungkol sa pagtulong ni Dex at pagkakatuklas nila na may anak rin ito
at marami pang iba na magdudulot ng malaking gulo na siyang naging rason ng pag-alis ng mga ito sa
kanilang bahay at magkakawatak-watak na naman sila.

20. Paglalabas ni Bryn ang kanyang saloobin sapagkat palagi na lamang siyang nakikita bilang
kaaway at hindi kapamilya.

21. Paglisan ng magkakapatid sa kanilang bahay.

22. Pagpapalayas ni Cha sa kanyang asawa

23. Pag-uusap ni Allan at ng kanyang panganay na anak at dito niya ilalahad lahat ng kanyang
mga pangarap para sa kanilang pamilya.

24. Pagkakaayos ng magkakapatid.

25. Pagkikita ni Bry at ng kanyang dating kasintahan kung saan ay nakilala rin nito ang kanyang
anak.

26. Pagkakaayos nila bilang pamilya at relaunching ng ABC store na kung saan ay palalaguin ito
at ginawa na rin itong ABCD store.

You might also like