Research Title 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

RESEARCH TITLE

Persepsyon sa Ecological Waste Management Act of 2000 ng mga Mag-aaral at Guro

ng Bauan Technical High School

KABANATA 1

I.PANIMULA

Ang problema sa basura ay talamak sa buong mundo. At isa sa may

pinakamalaking ambag ng basura sa ating komunidad ay ang paaralan hanggang sa

kasakuluyan, patuloy na lumalala ang suliranin na ito bunga ng patuloy ng walang

displina ng mga mag-aaral sa bawat paaralan.

Isa sa mga dahilan nito ay ito ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-

aaral at guro sa araw araw at mas maraming panahon ang ginugugol natin dito. Kaya

naman, isa din ito lagging tinitingnan o inoobserbahan tuwing may mga mauusong sakit

sapagkat ditto mas madaling mag salin-salin ang mga sakit dahil na rin sa mga

pakikipag-interseksyon sa iba’t ibang klase ng tao. Alam naman natin na ang mga sakit

ay nakadepende din sa kung paano ang lagay ng kapaligiran. Kaya naman, ang pag

aaral na ito ay maglalayon na sukat ang kaalaman ng mga mag aaral at guro ng Bauan

Technical High School ukol sa batas RA 9003 or Ecological Waste Management Act of

2000 at mag susuri kung paano maiisagawa ang tamang implementasyon nito.

Karamihan sa mga mag aaral ay hindi marunong maghiwalay at magtapon ng mga

basura sa tamang lugar . Hindi rin tumutupad ang iba sa mga batas na ngangalaga sa

kalikasan katulad ng Batas Republiko 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste

Management Act of 2002 . Sa panahon ngayon maraming mga mag aaral ang hindi
sumusunod sa batas o kalakaran sa pagtatapon ng basura sa tamang basurahan .

Kung kaya’t lumalawak ang ating problema sa ecological management sa bawat

paaralan .

Sa araw araw iba’t ibang klase ng balita ang ating hinahanap at inaalam.

Karaniwang hinahanap natin ang balitang nauukol sa ating interes at pangangailangan.

Mahalaga na alam ng bawat isa ang mga napapanahong pangyayari sa ating

kapaligiran lalo na ang mga bata sa bawat paaralan sa kadahilanan na ang paaralan

ang isa sa pinaka malaking ambag ng basura sa bansa.

II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1.1 Ano ang Ecological Waste Management of Act of 2002 ?

1.2 Gaano kalawak ang kaalaman ng mga mag aaral at guro tungkol sa naturang

batas ?

1.3 Ano ang importansya ng batas sa kaligtasan ng mga mag aaral at guro sa

paaralan ?

III. SAKLAW AT LIMITASYON

Nakatuon ang mananaliksik sa pag-aaral tungkol sa paksang pinamagatang “

Persepsyon sa Ecological Waste Management Act of 2002 “ ng mga mag aaral at

guro ng Bauan Technical High School ang mananaliksik ay nakatuon sa

kahalagahan ng Ecological Waste Management sa paaralan . Ang pag aaral na ito

ay nakatuon lamang sa mga kabataang edad 13-17 maging anuman ang kasarian .

Ang pananaliksik na ito ay gagawin mula Nobyembre hanggang Enero 2020.


IV. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG AARAL PARA SA MAG AARAL

Ang Pag aaral na ito ay isang pagtatangka upang mapag hambing at masuri ang

mga programang pang kapaligiran ng Bauan Technical High School. Layunin nito na

maisaayos ng mahusay ang buong kapaligiran sa isang paaralan upang mapanatili

ang kalinisan sa Bauan Technical High School. Ang kahalagahan pananaliksik na ito

ay upang malaman ng bawat mag aaral sa Bauan Technical High School na

mahalaga ang paglilins at pagtatapon sa tamang lalagyan.

Ang pag aaral ay maaaring maging tulay upang maitupad din ang mga programang ito

sa iba pang mga paaralan tungo sa isang mas malinis at maginhawang pamumuhay ng

bawat mag aaral. Ang kahalagahan ng pag aaral ng paksang ito ay upang mailahad ng

mabuti ang nais ipahayag ng mananaliksik sa bawat mag aaral sa Bauan Technical

High School.

Layunin ng pananaliksik na ito na magkaroon ng pagbabago matapos mailahad ang

pag aaral at makapagbigay ng maaaring solusyon, kundi man madali ay maaaring

makatulong upang mabawasan ang problema sa paaralan ng Bauan Technical High

School.

Nais ng mananaliksik na ito, na maipakita ang kahalagahan ng pagiging maalam sa

kapaligiran at pagkakaroon ng kahandaan at kagamitang pangkaligtasan ay dapat na

makaugalian ng isang mag aaral. Hangad ng mananaliksik na ito na magkaroon ng

interes ang mga mag aaral na pag-aralan at bigyang pansin ang mga kaalamang

pangkalinisan at pangkaligtasan.
Nais ng mananaliksik na magbigay linaw sa persepsyon at pagpapahalaga ng mga mag

aaral sa kaalaman at kagamitang pang kaligtasan ng sa gayon ay maging daan ito

upang mabigyang solusyon at malaman ng mga mag aaral mula sa Bauan Technical

High School layunin din nito ay alamin kung gaano kalawak ang kaalamn ng bawat mag

aaral tungkol sa sakuna at mga dapat gawin dito.

You might also like