Fil 122 Ass 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panitikang Filipino

Takdang Aralin #2

Willy D. Manuevo 02/27/20


BSIT/1ST Year

1. ANO ANG KILUSANG PROPAGANDA

Ang Kilusáng Propagánda ay isang kilusang itinatag sa Espanya noong 1872–1892


ng mga Filipinong ilustrado sa Europa. Nabuo ang kilusan dahil sa paglago ng
diwang nasyonalista sa kamalayan ng mga Filipinong nakapag-aral, na pinaigting ng
mga pangyayaring pangkasaysayang tulad ng pagbitay sa tatlong pari na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Higit kaysa mga layuning politikal,
nabuo ang kilusan para sa mga tunguhing higit na pampanitikan at pangkultura.

2. SINO SINO ANG BUMUO SA KULUSANG ITO

Ilan sa mga kasapi nitó ang mga ilustradong sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio Luna.

3. LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA

Ang mga pangunahing layunin ng kilusan ang pagkakaroon ng pantay na pagtingin


at karapatan sa mga Español at mga Filipino, pagkakaroon ng representasyon ng
Filipinas sa Cortes (ang kongreso ng España), sekularisasyon ng mga parokya,
pagbubuo ng sistema ng edukasyon na labas sa impluwensiya ng mga fraile,
paglansag ng polo (sapilitang paggawa) at vandala (sapilitang pag-bibili ng mga
produkto sa pamahalaan), pagkakaroon ng batayang kalayaan sa pagpapahayag.

4. MGA TALUKTOK NG PROPAGANDA

 Jose Rizal
 Ginamit ang sagisag na Laong Laan at Dimasalang bilang sagisag
panulat.

 Marcelo H. Del Pilar


 Kilala sa kanyang sagisag panulat na plaridel, pudpoh, piping dilat,
dolores manapat, siling labuyo.

 Graciano Lopez Jaena


 Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang
ngayon ay binabasa ng mga makabagong Pilipino.

You might also like