Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Edzyl C.

Dosono Petsa: Oktubre 23,


2019
Baitang/Pangkat: 12 ABM-Honor

Epekto ng Modernisasyon ng Wikang Filipino sa Pag-aaral ng mga


Senior High School sa Immaculate Heart of Mary Academy

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa


kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansang Pilipinas. Mas
nagkakaintindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga
Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa
pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na ag unlad ng ekonomiya ng
Pilipias.
Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa
epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa
Immaculate Heart of Mary Academy. Ako ay humantong sa paksang ito dahil napapansin
ko na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon ay iginugugol ang karamihan sa
kanilang oras sa pagbababad sa mga social networking sites. At napuna ko din na dahil sa social
networking sites na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaaring
nagbubunsod ng modernisasyon ng wikang Filipino. Nais ko ding malaman kung indikasyon ba
ito na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman natapunan ko
din ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita. Kasabay ng
modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya ay patuloy din ang pag-unlad at
pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-
ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino at ilang
halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng
mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas
madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit
noong unang panahon upang mas
magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng
mga balbal na salita—ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga
kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng

bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.

You might also like