Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

BATAYANG URI NG DISKORS

(NARATIV DISKORS)
KAHULUGAN NG DISKORS
• ito ay nagmula sa Latin na discursus na nangangahulugang “running
to or from” na maiuugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon.
• Ayon kay Noah Webster (1974), maari rin itong pormal o
sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat.
• Halimbawa ng PASULAT na Diskors ay disertasyon o thesis.
• Maihahalintulad din ito sa komunikasyon dahil nagkakaroon rin ng
palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao, gamit ang
wika bilang paraan ng pagpaparating ng mensahe, ito man ay
pagpapahayag, pasalita o pasulat.
DALAWANG ANYO NG DISKURSO
1. Pasulat - mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika
upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang
mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa
pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o
format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat.
maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

2. Pananalita - mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay


naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal
habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang
komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa
taong kausap upang makamit ang layunin.
NARATIV NA DISKORS
• Ito ay pangungusap na naglalahad o nagsasalaysay ng magkakaugnay
na pangyayari; makukulay na karanasan.

URI NG PASALAYSAY:
a)Pasalaysay na totoo – base sa tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari.

b)Pagsasalaysay na likhang isip – kinabibilangan ng mga mito, pabula,


parabola, maikling kwento at nobela.
KATANGIAN NG NARATIV NA DISKORS
A. MAY MABUTING PAMAGAT
1. MAIKLI. Dapat itong makatawag pansin sa tagapakinig o
mambabasa.
2. ORIHINAL. Iwasan ang pangagaya ng pamagat. Gumamit ng
sariling estilo sa pagbuo ng pamagat.
3. ANGKOP NA PAMAGAT. Ang pamagat ay angkop sa pangyayari
na isasalaysay sa mga babasa.
4. SINALIKSIK. Ang pagiging maikli ay pagiging orihinal ng
pamagat ay maaring makalikha ng pananabik sa mga tagabasa at
tagapakinig.
KATANGIAN NG NARATIV DISKORS
B. MAY MAHALAGANG PAKSANG DIWA
Ang isang paksa ay mahalaga kung ito ay magiging
kapakipakinabang sa tutunghay.

C. MAY MAAYOS NA PAGKASUNUD- SUNOD ANG MGA PANGYAYARI


Ang isang salaysay ay karaniwang nagsisimula sa mga pangyayari
na sinusundan ng mga gitnang pangyayari at sinusundan ng wakas na
pangyayari.
KATANGIAN NG NARATIV DISKORS
D. MAY KAAKIT-AKIT NA SIMULA
Dapat makalikha ang unang pangungusap ng pananabik sa
babasa o nakikinig upang mawili at ipagpatuloy ng pagbabasa o
pakikinig.

E. MAY KASIYA-SIYANG WAKAS


Ang wakas ay dapat sumunod kaagad sa kasukdulan ng
pangyayari na mag-iiwan ng isang impresyon sa isip ng babasa upang
magkaroon ito ng bisa.
PANANAW O PUNTO DE VISTA SA NARATIV
Sa pagsasalaysay, gumagamit ang tagapagsalaysay ng pananaw sa paraan ng kanyang
pagsasalaysay. Mahalaga ito upang lalo maging mabisa ang paraan sa paglalahad. Ito ay
tinatawag na punto de vista o point of view. Maaring kasama ang may akda sa kwento o
kaya’y kung ano ang papel sa niya sa akda.

TATLONG URI NG PUNTO DE VISTA NA MAARING GAMITIN NG TAGAPAGSALAYSAY


1. SUBHETIBO. Ang tagapagsalaysay ang naglalahad ang mga dapat sabihin o
ispin ng mga tauhan.
2. OBHETIBO. Ang tagapagsalaysay ay tagamasid lamang sa iniisp o sinasabi ng
tauhan sa kanyang isinasalaysay.
3. OMNISCENT. Alam ng tagapagsalaysay ang lahat ng mga nangyayari sa loob at
labas ng tauhan.
BATAYAN NG ISANG PAGSASALAYSAY
1. PAKSA.
Ang isang salaysay ay magiging mahalaga kung gumagamit ng isang
mahalagang paksa. Sa pagpili ng paksa hindi lang iyong alam n alam ng
sumulat bagkus isaalang- alang din ang interes ng mambabasa. Kahit anong
bagay o pangyayari ay maaring paksain sa isang salaysay kung ito’y may
kaugnayan sa nilalayon ng nagsasalaysay.
2. BANGHAY.
Ang banghay ay ang pagkasunod- sunud ng mg pangyayari na
tumutungo sa direksyon ng pagbuo ng salaysay. Ang pinakapayak na uri ng
narativ ay kadalasang tumutukoy sa isang tiyak na panahon. Ito ay nag-iiwan
ng isang malinaw na kakintalan sa isipan ng mambabasa.
BATAYAN NG ISANG PAGSASALAYSAY
3. TAUHAN.
Ang salaysay ay may mga tauhang buhay at gumagalaw. Ang mga
tauhan ay may kaisioang ginagamit sa paghanap ng solusyong tugin sa
kinahaharap na suliranin.

4. TAGPUAN.
Ang tagpuan ay lugar na kinagagapanan ng salaysay na nararapat
bigyan ng mahalagang pansin sapagkat ito ay tumutulong sa pagbibigay
linaw sa paksa, banghay at tauhan.
SALAMAT SA PAKIKINIG

Tagapag-ulat: Ressie Joy

You might also like