Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Readings in Philippine History, February 14, 2020

PORMAL/OPISYAL NA PAGKILALA KAY DR. JOSE RIZAL BILANG BAYANI José Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda
 Gobernador-Heneral William Howard Taft – Sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay kinilala si Rizal bilang bayani.
 Noong panahon ng Kastila wala tayong kinikilalang pambansang bayani. Taft Avenue sa La Salle.
 American-made hero – ang tawag kay Rizal, dahil panahon ng pamumuno ng Amerikano, ay opisyal siyang kinlala bilang
pambansang bayani.
 Nang sakupin tayo ng mga Amerikano, iniangkop nila ang sistema ng lipunan at pamamahala ng Amerika sa Pilipinas.
 Maging ang Philippine Constitution ay nakahulma o nakaayon sa blueprint ng American Constitution. Ang P.C. ay adapted lamang
ng A.C., kaya hindi nakapagtataka na ang pagbibigay bansag sa pambansang bayani ay umusbong sa panahon ng pananakop ng
mga Amerikano. Kung ang bansang Amerika ay may kinikilalang pambansang bayani na si George Washington dapat ang
Pilipinas, bilang kolonya ng Amerika, ay may kilalanin ding pamabansang bayani.
 Dahil sa pagiging popular ni Rizal, dito siya ipinakilala bilang pambsansang bayani. Isang dahilan kung bakit siya rin ay napili ay
dahil sa Political Reason. Ayaw ng mga Amerikanong magluklok ng pambansang bayaning palaban, agresibo, gumagamit ng
dahas. Sapagka’t maaring maging modelo ito ng mga Pilipino si Bonifacio na palaban. Kaya nagluklok sila ng bayaning tahimik ang
pamamaraan ng pakikipaglaban.
 Ngunit hindi naman ganun din kasimple ang pagpii ng pambansang bayani noon. Nagkaroon ng pamantayan, kwalipikasyon at
krayterya sa pagpili ng bayani.
NARITO ANG IBA PANG MGA SUMAKSI SA PAGPAPAHAYAG NG PAGKABAYANI NI RIZAL
Amerikano Pilipino
1. William Morgan 1. Trinidad Pardo de Tavera
Shuster
2. Dean Conan Worcester 2. Gregorio Araneta
3. Bernard Moses 3. Cayetano Arellano – unang Punong Mahistrado ng Korte Suprema
4. Henry Clay Ide 4. Jose Luzurriaga  Dr. Henry Otley Beyer –
Isang dalubhasang
antropologo na kasamang tekniko ng komisyon. Ayon sa kanya, ang mga nabanggit na saksi sa pagpili ay siya rin naming opisyal na
Komite sa Pagpili ng Pambansang Bayani. Napagkasunduan nitong Komiteng ito na bumuo ng mga pamanatayan sa P ng PB. Ang
limang pamantayan ay ang mga sumusunod:
1. Isang Pilipino
2. Yumao na
- Bakit kailangang patay na ang bayani sa panahong ito? Taliwas sa kasalukuyang panahon na ikinakabit sa ating mga OFW
bilang mga “Modernong Pilipino”
- Nakaugat ito sa Kulturang Pilipino. Ayaw natin nang pinupuri nang pinuri ang isang tao, dahil baka yumabang at lumaki ang
ulo. Kahit na anong puri natin sa kaniya, nawa’y maipagpatuloy niya ang kaniyang magandang nasimulan nang walang ka
ere-ere at kayabangan. Kaya mas magandang patay na ang isang tao, Nang sa gayon, kahit anong puri sa kaniya, wala na
siyang rason para magyabang kasi patay na. Nananatili dapat siyang mapagkumbaba kahit na maraming papuri ang
natatanggap nya.
3. May matayog na pagmamahal sa bayan
4. May mahinahong damdamin
5. May makulay na kuwento ng buhay at kamatayan.
ANIM NA PILIPINONG NANGIBABAW ANG PANGALAN NA PINAGPILIANna MAGING BAYANI NG PILIPINAS – mahaba ang
listahan na imungkahi bilang pambansang bayani. Nagkataon na silang anim ang nakapasok sa top list.
1. Marcelo H. Del Pilar
 Plaridel, Bulacan
 Isang Bulakenyong propagandista at nangangahulugang siya ay nag-aalsa sa tahimik na paraan sa pamamgitan ng
pagsusulat.
 Ang pinagkaiba nya lamang kay Rizal, napagdesisyunan niyang makipaglaban sa mga Kastila habang manatili na lamang sa
Europa habang nagsusulat. Ang sabi ni Rizal, “ang problema ay harapin natin, ang problema ay nasa Pilipinas, umuwi tayo
sa Pilipinas” at ginawa niya ito, matapos ang anim na taong pamamalagi sa Europa. Pangalawang balik niya ito sa Pilipinas
upang harapin ang problema sa Pilipinas, maliban sa gusto niyang alamin ang naging epekto ng kaniyang nobelang “Noli Me
Tangere” sa mga kababayan dahil ito ang kasagsagan o panahon nang maipakalat na ang kaniyang nobela sa kaniyang
kababayan.
 Sabi ni Del Pilar, hindi siya uuwi sa Pilipinas, magsusulat ako laban sa Kastila ngunit mananatili ako sa Europa.
 La Solidaridad – ang pahayagan ng mga Pilipinong nakabase sa Europa. Siya ang kilalang patnugot nito. (Editor-inchief)
 Bago ang pagiging patnugot ni Del Pilar sa La Solidaridad, pinagbotohan ng mga Pilipino sa Europa, kung sino ang karapat
dapat sa tungkuling ito. Lumabas sa resulta ng botohan na si Rizal ang gusto nilang maging patnugot ng nasabing
pahayagan. Nang malaman ito ni Del Pilar, tulad ng ginawa ni Antonio Luna, hinamon ni Del Pikar si Rizal sa isang dwelo o
ng away si Rizal. Inilabas niya rito ang kaniyang “insecurity” kay Rizal. Siya nalang lagi bida. Nang malaman ni Rizal na
gustong gusto pala ni Pilar na maging Editor ng La Solidaridad, ipinaubaya niya sa kaniya ang posisyon, kaya napunta sa
kaniya ang pagiging Editor. Nagparaya siya sa kaniyang kaibigan.
2. Graciano Lopez Jaena
 Sa mga akdang Fray Botod (na isinulat niya sa edad 18) at La Hija del Fraile ay isiniwalat niya ang mga pagmamalabis ng
fraileng Españ ol. Nagalit ang mga fraile at ipinadakip siyá . Tumakas siyá patungong Españ a noong 1879 at naging masigasig
sa Kilusang Propaganda. Dito siyá sumikat bilang isa mga nangungunang orador,manunulat, mananalumpati at
tagapagsalita ng mga repormistang Filipino.
 Kinikilala siya bilang isang lider ng kilusang repormista, manunulat, peryodista, at orador. Maraming historyador ang
kumikilala sa kaniya bilang isa sa “tungkong kalan” o triumvirate ng Kilusang Propaganda, kasama sina Jose Rizal at
Marcelo H. del Pilar.
 Edgar Allan Poe – sinasabing may “commonality” sa kaniyang panunulat ang sikat na may akdang ito. Ayon sa kaniyang
talaarawan, napatunayan sa kaniyang sarili, na kapag siya ay nakainom mas nagiging epektibo siyang manunulat.
Gumaganda ang kaniyang akda, kapag may alkohol sa kaniyang katawan, mas aktibo ang kaniyang pag-iisip. At kapag wala
ito, bara bara ang kaniyang isinusulat.
3. Andres Bonifacio
Readings in Philippine History, February 14, 2020
 Laking tondo na naging supremo ng katipunan.
 Walang katotohanan na mangmang si Bonifacio. Kaya naman ang mga guro sa elementarya at hayskul, kung ano ang
inirekomendang babasahin na nanggaling sa kagawaran ng edukasyon, iyon lamang ang babasehan at gagamitin. Ang
problema, pinopolitika nila ito. Ang mga tagasulat sa komisyon, ay maaring malapit sa komisyoner. Under thetable, pera
pera kaya nako compromise ang qualityng aklat. Kaya ang mangyayari, ang mga nakatala sa aklat, iyon ang ituturo, ito ang
isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa. Kahit walang kasnayan ay kokontratahin. Mga patunay na hindi siya
mangmang:
1) Kung ikukumpara ang silid-aklatan o library ni Bonidafcio kay Rizal, di hamak na mas malaki ito. Patunay na
nagbabasa siya. Ang problema kay Bonifacio, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, hindi ninya natapos ang
elementarya. Hindi din siya dumaan sa pormal na edukasyon. Dahil siya ay nagsikap nang maaga para sa kaniyang
mga kapatid, dahil maaga silang naulila ng kanilang mga magulang. At bilang lalaki sa pamilya, siya ang nagtaguyod sa
kaniyang mga kapatid. Doon siya naghirap. Matatandaang sa kaniyang talamabuhay, na nagtinda siya ng abaniko
bilang source of income niya para mabuhay ang kaniyang mga pamilya. Sinalo niya ang responsibilidad ng kaniyang
mga magulang. Kaya hindi nangngahulugan na siya ay walang alam. Sa katunayan siya ay nag self-study. Kaya mas
Malaki ang silid-aklatan niya.
2) Makikita sa kaniyang penmanship o handwriting kumapara sa sulat ni Rizal. Parang pambabae ang kaniyang mga
sulat. Pantay pantay ang stroke, malinis at maganda siyang magsulat, hindi katulad ni Rizal na hindi mabasa.
3) Bonifacio became the auditor at Fleming Corporation in Tondo. Isa sa pinakamalakas na patunay na hindi siya
mangmang. Hindi ito ordinaryong kompanya ngunit usang malaking korporasyon. Bilang isang audito ng malaking
korporasyon, paano niya ito maggagawa kung hindi siya nakapag-aral? Ang auditor noon ay katuumbas ng accountant
ngayon.
4) Bonifacio was the very first Filipino to ever translate the Mi Ultimo Adios of Rizal from Spanish to Filipino . Paano
niya ito maggagawa kung wala siyang alam. Siya ang unang nakagawa nito. At kung tatanungin ang sino mang
eksperto sa pagsasalin tungkol sa tula, ang salin ni Bonifacio ang pinaka magandang salin sa lahat ng salin.
 Kasalanan ba ni Rizal na mayaman? Hindi sukatan ang economic status para maging bayani. “ Heroism knows no gender”.
Hindi mababawasan ang pagkabayani ng isang tao kung siya ay bakla o mayaman, ang mahalaga, may nagawa siyang
napakahalaga para sa bayan. Hindi ito kailanman magiging sukatan.
 Asd
 asd
4. Emilio Jacinto
 “Utak ng Katipunan” dahil sa mga sinulat niya para sa Katipunan, kabílang na ang “Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.”
at higit na kilalang Kartilya ng Katipunan. May ganito ring akda si Andres Bonifacio, ang “Katungkulang Gagawin ng mga
Z.LL.B., ” ngunit ipinasiya ng Supremo na ang hinahangaan niyang sinulat ni Jacinto ang opisyal na ikabit sa dokumento ng
panunumpa ng sinumang sasapi sa lihimna kilusan.
 Si Jacinto ang editor ng Kalayaan, ang diyaryo ng Katipunan, at sa pamamagitan lá mang ng unang labas ay umakit ng libo-
libong kasapi. Ginamit niyang alyas sa kilusanang “Pingkian.” Sa Kalayaan, ginamit din niyang sagisag-panulat ang
“Dimasilaw.” Sa mga sagisag lá mang ay mahihiwatigan ang pambihirang hilig ni Jacinto sa liwanag, kung bagá , sa
pagdudulot ng totoong liwanag sa kapuwa, at sa pagsalungat sa huwad at mag-darayang “liwanag.”
5. Antonio Luna
 Parehong nasa militar na aspeto ng pakikipaglaban kasama si Jacinto.
 Si Luna ay mas magaling at mas maganda ang ideya sa mga stratehiya at taktika sa pakikidigma. Nang utusan ni Bonifacio
si Pio na puntahan si Rizal sa Dapitan para ipagaalam kay Rizal ang nalalapit na himagsikan, isa sa mga payo ni Rizal kay
Valenzuela na umangkat ng mga armas sa bansang hapon at kunin ang suporta ni Luna. Dahil naniniwala si Rizal, na
malaki ang matutulong ni Luna sa rebolusyon. Kung hindi na sila mapipigilan sa gagawing himagsikan. Alam ni Rizal kung
gaano siya kagaling sa laban. Ang mga Kastila ay napaka-“well-equipped” sa armas. May mga kanyon at baril. Ang mga
Katipunero ay bolo at itak. Susugod palang pinulbos na sila.
 Bago sumabak sa Rizal, pag-isipan ito nang maraming beses. Hwag magdedesisyon kapag galit. Kapag ikaw ay
nagdedesisyon ng galit, mas nangingibabaw ang galit at hindi ang mga posibleng resulta at mangyayari kung sakaling mas
pinairal mo ang galit mo. Dahil papalpak ito. Kung ito ay iaakma sa sitwasyon ni Bonifacio, Ang pagsugod sa kalaban nang
walang kalaban kalaban ay nangangahulugan lamang ng pagpapatiwakal. Kailanman hindi naging matagumpay ang
kaniyang rebolusyon, dahil hindi napaghandaan. Ang iniisip ni Rizal, kahit kulang sila at hindi epektibo ang kanilang
armas, dahil meron silang taktika at stratehiya, maari pa rin silang magtagumpay. Ngunit hindi na ito napag-isipan ni
Bonifacio dahil sa kaniyang galit na nararamdaman.
6. Jose Rizal

 Mula sa anim na Pilipinong, pinagbotohan, sinasabing si Marcelo H. Del Pilar ang nagkamit ng pinakamaraming boto. Bakit si
Rizal pa rin ang itinanghal bilang pambansang bayani? Dahil si Del Pilar ay hindi pasok sa huling pamantayan sa pagpili ng bayani.
Namatay siya dahil sa sakit na tuberculosis. Mahirap ang magkaroon ng sakit na tb, naging makulay pa rin ang kuwento ng
kaniyang pagkabuhay at kamatayan, dahil sa hirap na kaniyang pinagdaanan mula sa kaniyang sakit. Hindi dahil sa kulay ng dugo,
kundi dahil sa hirap na pinagdaanan niya. Ang kaso lang, hindi ito kasing kulay ng kaniyang kamatayan kumpara sa kamatayan ni
Rizal noong Disyembre 30. Sadya siyang pinatay at wala siyang kasakit sakit.
 Matatanggap pa natin ang pagkamatay ni Marcelo, dahil siya ay may malubhang sakit. Pero si Rizal, nung pinatay siya, normal ang
kaniyang pangangatawan.
 Felipe Ruiz Castillo – ang sinasabing doktor na nagsuri sa tibok ng puso ni Rizal bago siya patayin. After checking the beat of
Rizal’s pulse, he was surprised upon knowing that Rizal’s heartbeat was normal. Ang isang tao o ang isang lalaki, kahit gaano pa
sya kabarumbado, ka maton, at katapang, kapag ala niyang ilang minute ay papatayin na siya, ang tendency kakabahan na siya, at
ang taong kinakabahan, ay bumibilis ang puso. Kaya siya ay gulat na gulat dahil para sa kaniya si Rizal ay umaaktong parang hindi
niya haharapin ang kaniyang kamatayan
 Makikita ang kamangha-mangha niyang personalidad, na kahit ang kaniyang kamatayan ay hinarap niya nang kalmado. Ganun ka
kalmadong tao si Rizal. Hinarap niya ito nang parang wala lang, na parang normal lang, at parang walang mangyayari noong araw
nayon.
 Kaya si Bonifacio ay hindi pumasa bilang pambansang bayani, dahil bumagsak siya sa pang-apat na pamantayan. Si B ay impulsive.
 Walang mahinahong damdamin si B.
Readings in Philippine History, February 14, 2020
 Binaril si Rizal sa eksaktong 7:03 nang umaga. Papasikat pa lamang ang araw. Nasa tyempo ng kaniyang pagkamatay ang pagsikat
ng araw. May 7 kawal sa likod nya na lahat ay nakatutok ang baril sa kaniyi sa likod ng mga kawal na ito, mayroon ding guwardiya
sibil na nakatutok sa mga Pilipinong kawal na ito. Ang pumatay kay Rizal ay kapwa niya Pilipino.
 December 30, 1896 – pinatalikod si Rizal habang naka poselirya. – Nakatalikod ka habang nakatali ang dalawang siko mo,
magakadikit ito. Fuego – fire. Kung matatandaan, nung sinabi ng gwardiya sibil ang hudyat ng pagputok at pagbaril kay Rizal, May
tama si Rizal, ngunit, sinikap niyang pumihit paharap, para ang pagbagsak niya ay paharap. Kahit sa mga libro ito ay nakatala. Kahit
hirap na hirap na siyang dalhin ang kaniyang katawan dahil sa tama niya sa katawan.
 3 ang tama niya sa katawan, sa batok, sa kaliwang likod na tumagos sa kaniyang puso, at sa kanang balikat.
May ibat ibang interepretasyon ang mga historyador na mahihinuha natin sa pagbagsak na ito ni Rizal.
1. Kaya niya sinikap na humarap ni Rizal ay sa kadahilanang, ang lahat ng mga itinuturing na taksil ng mga Kastila, ay binabaril nang
nakatalikod. Ang turing ngb mga Kastila kay Rizal ay isang taksil, kaya naman sinikap nyang pumihit, dahil para sa kaniya,
kailanma’y hindi siya nagtaksil sa sarili niyang bansa. Wala na siyang panahon, upang mag-iwan pa ng mensahe, kaya sa mismong
kilos niya na iyon, ipinakita na hindi siya isang taksil. Isang klarong mensahe. Kung hinyaan niyang matumba nang siya nang
nakatalikod, para na rin niyang inamin na siya ay nagtaksil sa kaniyang bayan, para ang pagbagsak niya ay paharap.
2. Noong bumagsak si Rizal ng 7:03 am, nakaharap siya sa papasikat na araw. Sinasadya man o hindi ang oras ng kaniyang
kamatayan, ang sabi ng mga historyador, ang pagbagsak ni Rizal ay napaka symbolic. Dahil ang araw=hope=pag-asa. Malinaw na
sinabi ni Rizal na, “Kayong mga Pilipino kayo, wag kayong malulungkot na mamamatay ako, kasi mamamatay man ako, katawan ko
lang ang hindi niyo makikita, pero ang aking isip at diwa ay magpapatuloy na nakatala sa mga akda na iyan.” Mapapakinabangan
sa mahabang panahon at henerasyon. Ani pa niya, “hwag niyong ituring ang aking kamatayan bilang isang kabiguan, bagkus,
ituring niyo ang aking kamatayan, bilang isang tagumpay “dahil may panibagong araw, dahil may panibagong araw, may bagong
umaga, at may bagong bukas, at may bagong pag-asa.
 Ang tunay na depinisyon ng presence para kay Rizal, ay kahit wala na siya sa mundong ibabaw na ito, kapag siya ay laman ng ating
puso at isipin nating lahat, lagi siyang present.
 Beauty of Studying History/Rizal hindi lang natin matutunan ang ating kasaysayan, kundi may mga leksyon din sa buhay na pwede
nating I apply sa pang-araw araw na pamumuhay. We always give value to the past. History is Significant.
TATLONG KADAHILANAN KUNG BAKIT SI RIZAL PA RIN ANG HINIRANG BILANG PAMBASANSANG BAYANI NG PILIPINAS.
1. Kauna-unahang Pilipino si Rizal na humikayat upang ang buong bansa ay magkaisang maghimagsik laban sa mga Kastila. Dahil sa
kaniyang akda at mga nobela niya napagkaisa niya ang buong bansa. Naging unifying factor.
 Ngunit bago pa man lumabas ang mga nobela ni Rizal, nagkaroon na din ng paghihimagsik ang mga Pilipino. Tinatawag din itong
Pulo-pulong Paghihimagsik: Mahigit 50 himagsik ang naitala.
1. Francisco Dagohoy – Naitala sa kasaysayan bilang pinakamatagal na rebelyon ang sinimulan ni Francisco Dagohoy sa
Bohol. Noong 1774. Nagalit si Dagohoy nang pagkaitan ngparing Heswita ng Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na
namatay sa pakikipaglaban sa isang constable. Ang constable ay inatasang hulihin ang kapatid ni Dagohoy dahil tumalikod
ito sa simbahang katoliko. Ang rebelyong ito ay nagtagal ng 85 na taon.
 Tamblot – isang babaylan na naniniwalang dapat maibalik ang relihiyon ng kanilang mga ninuno. Si Bankaw ay
nahimok na sa Kristiyanismo at sa kaniyang pagtanda ay nagsisi kung bakit niya tinalikuran ang dating
pananampalataya
2. Juan Palaris - pinuno ng Pangasinan sa lalawigan ng Pangasinan sa Pilipinas na nanguna sa isang pag-aalsa laban sa mga
awtoridad ng kolonyal noong ika-18 siglo.
3. Sumuroy - Sumuroy, isang Waray, at ilan sa kanyang mga tagasunod ay nagtaas ng armas noong Hunyo 1, 1649 dahil sa
polo y servicio o sapilitang sistema ng paggawa na isinasagawa sa Samar. Kilala ito bilang Sumuroy Revolt, na
pinangalanang Agustin Sumuroy. Inatasan ng pamahalaan sa Maynila na ang lahat ng mga katutubo na sumasailalim sa
polo ay hindi ipapadala sa mga lugar na malayo sa kanilang bayan upang gawin ang kanilang sapilitang paggawa.
Gayunpaman, sa ilalim ng mga order ng iba't ibang mga alcaldes ng bayan, o mga mayors, ang The Waray ay ipinadala sa
mga shipyards ng Cavite upang gawin ang kanilang polo y servicio, na pumutok sa pag-aalsa. Pinatay ang lokal na pari ng
Palapag at ang pag-aalsa na kalaunan ay kumalat sa Mindanao, Bicol at ang nalalabi sa Visayas, lalo na sa mga lugar tulad
ng Cebu, Masbate, Camiguin, Zamboanga, Albay, Camarines at mga bahagi ng hilagang Mindanao, tulad ng Surigao. Ang
isang pamahalaang rebelde ay matagumpay na naitatag sa mga bundok ng Samar.
4. Diego Silang – Ilokos – Si Diego Silang aymatagal na naglingkod sa pamahalaan bilang kartero. Nang masakop ng mga
Ingles ang Maynila noong 1762, hiniling niya sa pamahalaan ng Vigan na wakasan na ang paniningil ng tributo. Hiniling
din niya na payagan silang mag-organisa ng sandatahang grupo upang lumaban sa mga Ingles yaman din lamang na di
maipagtanggol ng mga Kastila ang Piliinas. Nagalit si Don Antonio Zabala, ang alkalde ng Vigan at kaniyang pinaratangan
ng sedidyon si Diego Silang. Inaresto siya at kinulong ngunit tinulungan siya ng kaniyang mga kaibigan na makalaya.
5. Hermano Pule/Apolinario Dela Cruz – Si Apolinaro de la Cruz ng Tayabas, Quezon ay isang lider-relihiyoso na kilala sa
tawag na “Hermano Pule”. Ang kaniyang pag-aalsa ay bunsod ng hangaring magkaroon ng kalayaan sa pananampalataya
ang mga Pilipino. Pinangarap ni Pule na maging isang pari ngunit hindi siya tinanggap ng mga ordeng relihiyoso dahil isa
siyang indio. Noong panahong yaon (1839), sarado ang ordeng relihiyoso para sa mga indio. Noong 1840, nagbalik siya sa
Lucban at dito’y itinatag niya ang Cofradia de San Jose. Ang Cofradia ay isang kapatiran ng mga Pilipino na sumasamba kay
San Jose. Sarado ang kapatiran sa mga Kastila at mestizo. Inusig ito ng mga prayle at hinimok nila ang gobernador-heneral
at arsobispo na ipagbawal ang pagpapatuloy ng gawain ng kapatiran. Habang inuusig ang kapatiran, mas lalo lamang
dumami ang umanib dito.
 Ang tanging pinoproktektahan lamang ng pulo-pulong pag-aalsa na ito ay ang kanilang pulong kinabibilangan. Sa panahong ito,
walang konsepto ng pambansa, o pagka Pilipino, konseptong panglahat. Dahil kaniya-kaniya sila. Sobrang rehiyonalistiko.
 Matapos lumabas ang mga nobela ni Rizal, at mabasa ito ng mga Pilipino, doon lamang nagkaroon ng konseptong Pambansa at
Panlahat. At pambansang paghihimagsik sa walong lalawigan: Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Nueva Ecija, Tarlac,
Manila/Morong, Manila. Bakit buong bansang paghihimagsik kung 8 lalawigan lamang ang kabilang? Dahil naghimagsik na sila
hindi dahil Bulakenyo, Batangeno, Cavitenyo,.. o ano mang rehiyon sila nanggaling, kundi naghimagsik sila dahil ang isip nila ay
pambansa na. Ang isip nila ay dahil Pilipino sila kaya nila ipagtatanggol nila ang sarili nilang bansa. Maliban pa doon, naging sentro
ng pamahalaan ang Maynila, kaya hindi nakapagtataka na ito ay tinatawag na Katagalugan. Mga Pilipino silang lahat, regardless
kung saang rehiyon sila nanggaling.
 Noon pa man usong uso na sa Pilipino ang konsepto ng maka-Rehiyon. Eccentric Attitude.
 Hindi natin masisi ang Pilipino dahil sa pagiging regionalistic nito. Dahil sa kasaysayan, ang laging bida ay ang Manila lamang. Kaya
ang bansang sa atin ng mga Cebuano ay “Imperial Manila”. Counter attack ito ng mg taga-probinsya.
Readings in Philippine History, February 14, 2020
 Federalism – maganda ang layunin ng ganitong Sistema ng gobyerno, ngunit ang kailangang isaalang alang ang ating kahandaan sa
pag yakap sa sistemang ito. Ang punto ng ganitong pamahalaan ay bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng rehiyon sa bansa.
Laganap ang “Political Dynasty” sa atin. iilang pamilya lang ang naghahari. Kung ano ang budget na inilalaan sa Maynila, gayundin
ang ibibgay sa mga nasa probinsya, upang bigyan ng pantay na pagkakataong umunlad ang isang probinsya. Parang ang budget
hindi lamang concentrated sa Maynila.

You might also like