RIPH TouristSpots Compiled

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

REGION IX – ZAMBOANGA PENINSULA

Introduksyon

Ang Rehiyon IX o mas kilala bilang Zamboanga Peninsula ay matatagpuan sa


katimugang bahagi ng Pilipinas at sa kanluraning bahagi naman ng Mindanao. Nasasakupan nito
ang 17,046.64 sq. kilometrong lupain na binubuo ng tatlong probinsya – Zamboanga del Norte,
Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay, at limang lungsod – Dapitan, Dipolog, Pagadian,
Zamboanga at Isabela. Mayroon itong 8 kongresyonal na distrito at 67 munisipalidad. Kinikilala
rin ito bilang “Asia’s Latin City” dahil sa halatang impluwensya ng Espanya, at laganap na
paggamit ng Chabacano.

Ayon sa datos na inilabas ni Department of Tourism in Region 9 (DOT-9) Regional


Director Myra Paz Abubakar, nakapagtala ang Zamboanga ng 723,455 na bilang ng mga
turistang nagpunta sa naturang rehiyon noong 2018. Humigit-kumulang 11,190 sa mga ito ay
mga dayuhan na kalimitang nagmula sa Tsina, Korea at Europa. 10,523 naman ang bilang ng
mga Overseas Filipino Workers at 701,742 naman ang mga lokal na turista. Sinasabing ang
bilang ng mga ito ay base sa ulat ng mga hotel sa lugar.

Sa ulat din na inilabas ng DOT para sa unang bahagi ng 2019, tinatayang nasa 234,964
ang bilang ng mga turistang dumayo sa rehiyon. Nasa 4,743 ang bilang ng mga dayuhang turista
at 8,779 naman ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers. Samantala, nananatili pa ring
mataas ang bilang ng mga dayuhang Pilipino na umabot sa 221,442 ang bilang.

Sanggunian:

Go, R. (2019). Zambo region records 723K tourist arrivals in 2018. Retrieved from
https://www.
pna.gov.ph/articles/1058072

Tourist Inflow of Zamboanga City (2019). Retrieved from https://www.foi.gov.ph/requests/aglz


fmVmb2ktcGhyHQsSB0NvbnRlbnQiEERPVC02NDM0ODgwODg4MzMM
1.
KuhaFORT PILAR MUSEUM
ni: Wowzamboangacity Mula sa: National Museum of the Philippines
 Kaligirang Pangkasaysayan

Isa ang Fort Pilar sa mga mahahalagang atraksyon sa Lungsod ng Zamboanga. Kilala rin
ito sa tawag na “Royal Fort of Our Virgin Lady of the Pillar of Zaragosa.” Ayon sa isang artikulo
na pinamagatang “Fort Pilar: A Witness to the Heroism of Zamboangueños” noong 2012, itinayo
ito ng gobyerno ng Espanya noong ika-17 siglo bilang isang depensang militar. Sa ngayon, isa na
itong maituturing na rehiyonal na museo at sumasagisag sa kultura ng Zamboanga. Sa labas na
bahagi nito ay matatagpuan ang dambana ni Our Lady of the Pillar na siyang patron ng lungsod.

Binuo ang naturang kuta noong ika-23 ng Hunyo 1635 ni Fr. Melchor De Vera, isang
misyonaryong inhinyero. Nagsilbi itong saksi sa maraming labanang kinaharap ng mga Moro
kontra sa mga Espanyol. Naging patunay ito ng katapangan at labis na pagmamahal at pag-aasam
ng mga Zamboangueños sa kanilang kalayaan.

 Mahahalagang Impormasyon

Animo’y bumalik ka sa nakaraan kapag natunghayan ang naipreserbang arkitektura ng


Fort Pilar. Hindi matatawaran ang mga makalumang daanan, mga bakanteng kulungan, mga sira
at gasgas na pader na nagsilbing patunay kung paano ipinaglaban ng mga Zamboangueños ang
kanilang kalayaan. Sa loob nito, ang isang Pambansang Museo na naglalaman ng mahahalagang

koleksyon na may kinalaman at mahalaga sa pag-unawa ng kasaysayan at kultura ng naturang


rehiyon.

Ayon sa isang artikulong inilabas ng Pambansang Museo ng Pilipinas noong 2014, ang
pagtatayo ng museo sa Zamboanga ay nakapailalim sa Atas Pampanguluhan Blg. 260 na
kumikilala sa Fort Pilar bilang isang kultural na kayamanan ng bansa. Bukod pa rito, naging
posible rin ang pagtatayo ng Fort Pilar Museum sa tulong ng Kagawaran ng Turismo,
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan, Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga at mga
opisyales ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Ipinapakita nito ang katutubong pamumuhay sa
Zamboanga at ng mga karatig isla nito. Matatagpuan din dito ang mga natuklasang arkeolohikal
na artipakto na nakuha mula sa lumubog na sasakyang pandagat na “Griffin” sa isla ng probinsya
ng Basilan noong ika-18 siglo.
Sinimulan ang pagrerekonstra at pag-aayos sa naturang museo noong 1980. Matapos ang
halos anim na taong rehabilitasyon nito, binuksan ang museo sa pamamagitan ng isang espesyal
na pagtatanghal ng mga Kontemporaryong Likhang Pilipino. Noong Oktubre 1987, nagsimula
ang permanenteng pagtatanghal ng 400 koleksyon at sining na may kinalaman sa pamumuhay sa
tabing-dagat ng mga taga-Zamboanga, Basilan at Sulu na siyang nakapwesto sa ikalawang
palapag ng museo. Sa unang palapag naman matatagpuan ang mga artepakto ng lumubog na
sasakyang pandagat na Griffin.

 Karagdagang Impormasyon

 Lokasyon: N.S Valderosa St., Fort Pilar, Zamboanga City Region IX


 Transportasyon:
o Panghimpapawid: Maaring sumakay sa Philippine Airlines, Air
Philippines, Cebu Pacific, sila ay may regular na byahe patungong
Zamboanga.
o Pandagat: Mayroong mga regular na byahe mula Maynila patungong
Zamboanaga at Pagadian.
 Araw / Oras: Lunes-Biyernes / 9:00 n.u. - 4:00 n.h.
 Kontak: ASBMD, National Museum Central Office; 527-4192;
nm_asbmd@yahoo.com
 Sanggunian:

Fort Pilar Branch Museum (2014). Retrieved from https://www.nationalmuseum.gov.ph


/nationalmuseumbeta/ASBMD/Fort%20Pilar.html
Guia, J. (2012). Fort Pilar: A Witness to the Heroism of Zamboangueños.Retrieved from
https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Fort-Pilar-A-Witness-to-the-Heroism-of-
Zamboangueos
2. YAKAN WEAVING VILLAGE

Kuha ni: Jeffrey Rilles Kuha ni: Jeffrey Rilles

 Kaligirang Pangkasaysayan

Ang mga Yakan ay grupo ng mga katutubong Pilipinong nagmula sa isla ng Basilan. Naiiba
sila sa pangkaraniwang grupo ng mga Filipino sa aspeto ng pisikal na katangian. Mas matangkad
at mas matangos ang ilong mga Yakan. Marami sa kanila ang nanatili sa Basilan hanggang 1970
sa kabila ng sapilitang pagpapalikas sa kanila matapos umusbong ang gulo sa pagitan ng militar
at mga militanteng Muslim. Nagtungo sila sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao at ang iba’y
nanirahan sa Zamboanga. Dala nila ang tradisyunal na sining na paghahabi hanggang sa sila’y
tuluyang nanatili sa itaas na bahagi ng Calarian na ngayo’y mas kilala bilang Yakan Weaving
Village (Rilles, n.d.).

 Mahahalagang Impormasyon

Sa kabila ng popularidad ng lugar na ito sa mga lokal at dayuhang turista, nananatili pa rin ito
bilang isang simpleng nayon. Ang komersyal na parte nito ay binubuo ng iilang maliliit na
tindahan na nagbebenta ng produktong gawa sa hinabing mga tela. Gumagamit sila ng mga tunay
at natural na pangkulay mula sa mga dahon, ugat, atbp. Upang makagawa ng pino at makulay na
disenyo (Rilles, n.d.).

Ang paghahabi ay para lamang sa mga tradisyunal na kasuotan (Semmak), ngunit dahil sa
labis na kahilingan ng mga lokal at dayuhang bumibisita, gumawa na rin ang mga Yakan ng iba
pang klase nito kagaya ng sinturon, bag, mantel, kurtina, atbp. Sa disenyo ng paghahabi,
kalimitang kinukuha ng Yakan ang kanilang inspirasyon sa kalikasan,tulad ng palipattang
(bahaghari), kenna-kenna (isda), daen-dawen (baging), atbp. Lahat ng ito ay hinahabi nila sa
pamamagitan lamang ng kamay. Sa nayon na ito, maaari silang panoorin habang naghahabi.
(Rilles, n.d.).

Ang Yakan Weaving Village ay hindi lamang lugar ng magaganda at kakaibang hinabing
produkto bagkus ito rin ang sumisimbilo kasipagan at kagalingang taglay ng mga Yakan.
Napanatili nila ang kanilang katutubong kultura at pamamaraan sa kabila ng modernisasyon.

 Karagdagang Impormasyon
 Lokasyon: Itaas na bahagi ng Calarian, 7 kilometro mula sa sentro ng Zamboanga.
 Transportasyon:
o Panghimpapawid: Maaring sumakay sa Philippine Airlines, Air
Philippines, Cebu Pacific, sila ay may regular na byahe patungong
Zamboanga.
o Pandagat: Mayroong mga regular na byahe mula Maynila patungong
Zamboanaga at Pagadian.
 Araw / Oras: Lunes – Linggo
 Sanggunian:

Rilles, J. (n.d.). Zamboanga City: Yakan Weaving Village in Asia’s Latin City. Retrieved from
http://www.travelingmorion.com/2016/06/zamboanga-city-yakan-weaving-village-
in.html

3. METROPOLITAN CATHEDRAL OF THE IMMACULATE CONCEPTION

Kuha ni: Wowzamboangacity Kuha ni: Wowzamboangacity


 Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Zamboanga ang maituturing


na pinakamodenong simbahan sa bansa, at kaisa-isang simbahan na may elevator. Ang naunang
simbahan nito ay orihinal na itinayo sa harapan ng Plaza Pershing, kung saan ngayon
matatagpuan ang Unibersidad de Zamboanga, gawa ito sa kahoy at bato. Noong 1956, inilipat ito
sa tabi ng Ateneo de Zamboanga University (Guia, 2012).

 Mahahalagang Impormasyon

Ang kasalukuyang estruktura ng cathedral ay binuo noong 1998-2002. Sa loob nito,


matatagpuan ang malaking imahen ng Immaculate Conception na ginawa ng Ama ng
Makabagong Iskultura ng Pilipinas na si Napoleon Abueva. Ang bagong estruktura ng cathedral
ay dinisenyo ng Abarro and Associates sa tulong na rin ng dating Msgr. Crisanto dela Cruz.
Isinapubliko ang bagong disenyo nito noong Disyembre ng 1997 at sinumulan ang rehabilitasyon
noong 1998 pagkatapos ng Mahal na Araw. Nitong 2010, idinagdag sa estruktura ang bagong
Century Bell Tower na nagkakahalaga ng Php 4,000,000.00.

 Karagdagang Impormasyon

 Lokasyon: La Purisima Street, Zamboanga City


 Transportasyon:
o Panghimpapawid: Maaring sumakay sa Philippine Airlines, Air
Philippines, Cebu Pacific, sila ay may regular na byahe patungong
Zamboanga.
o Pandagat: Mayroong mga regular na byahe mula Maynila patungong
Zamboanaga at Pagadian.
 Sanggunian:

Guia, J. (2012). Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception. Retrieved from https://
www.vigattintourism.com/tourism/articles/Metropolitan-Cathedral-of-the-Immaculate-
Conception
4. PASEO DEL MAR

Kuha ni: Edgar Alan Zeta-Yap Kuha ni: WazzupPilipinas


 Kaligirang Pangkasaysayan

Matatagpuan malapit sa Fort Pilar Museum ang Paseo Del Mar. Isa ito sa mga kilalang
pasyalan ng mga lokal at dayuhang turista. Kilala rin ito dahil sa hilera ng mga kainan sa paligid
nito. Maihahalintulad ito sa Manila Bay Walk sa Roxas Boulevard. Sa gabi, kumikinang ang
mga ilaw nito kasabay ng Dancing Fountain at live bands. Nagkalat ang mga upuang bato sa
paligid at abot-tanaw ang malawak na isla ng Santa Cruz.

 Mahahalagang Impormasyon

Bukod sa pamamasyal at paglalakad sa paligid nito, maaari ring subukan ang pagsakay sa
mga Vinta. Isang paraan na rin ito ng lungsod upang mapalago pa ang turismo sa kanilang bayan.
Malinaw na malinaw mula sa panghimpapawid na pananaw na ang mga makukulay na Vinta ang
nagbibigay buhay sa malawak na karagatan.

 Karagdagang Impormasyon

 Lokasyon: Paseo Del Mar, Zamboanga City


 Transportasyon:
o Panghimpapawid: Maaring sumakay sa Philippine Airlines, Air
Philippines, Cebu Pacific, sila ay may regular na byahe patungong
Zamboanga.
o Pandagat: Mayroong mga regular na byahe mula Maynila patungong
Zamboanaga at Pagadian.
 Sanggunian:

Dacumos, J. (2012). Views of Paseo Del Mar. Retrieved from https://www.vigattintourism.com/


tourism/articles/Views-of-Paseo-Del-Mar

Zamboanga Adventure: Exploring Asia's Latin City - Paseo Del Mar (2012). Retrieved from
http://www.wazzuppilipinas.com/2014/04/zamboanga-adventure-exploring-
asias_2288.html

5. RIZAL’S LANDING SITE

Kuha ni: Christian Lucas Sanggoyo


Kuha ni: Christian Lucas Sanggoyo

 Kaligirang Pangkasaysayan

Gabi ng ika-17 ng Hulyo 1892 nang dumaong ang sinasakyang bangka ng pambansang
bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal sa dalampasigan ng Sta. Cruz sa Dapitan, Zamboanga
Del Norte. Kasama ang ilang armadong kalalakihan sa pamumuno ni Kapitan Delgras, sinuong
nila ang kadiliman ng Dapitan at humarap sa Gobernador ng distrito. Ang lahat ng ito ay
matapos mailathala ang kanyang aklat na Noli Me Tangere na naging mitsa upang ituring siya ng
mga Espanyol bilang kaaway ng estado at ipinatapon sa Dapitan.

 Mahahalagang Impormasyon

Ang makasaysayang pangyayaring ito ay muling binuhay sa mismong pinagdaungan ng


bangkang sinasakyan ni Rizal sa Sunset Boulevard, sa lungsod ng Dapitan. Mas malaki kaysa sa
pangkariniwang tao ang iskulturang binuo rito na kinulayan ng matingkad na ginto at
pinalilibutan ng puting konkretong barikada.

Ang iskultura ay konsepto ni Antonio Tuviera at isinakatuparan ni Manuel Tolentino. Ang


monumento ay binubuo ng limang pigura kabilang ang mga dumakip kay Rizal. Binuksan ang
naturang monumento sa publiko 117 taon makalipas ang aktwal na pangyayari.

 Karagdagang Impormasyon

 Lokasyon: Sta. Cruz, Sunset Blvd., Dapitan City, Zamboanga Del Norte
 Transportasyon:
o Panghimpapawid: Maaring sumakay sa Philippine Airlines, Air
Philippines, Cebu Pacific, sila ay may regular na byahe patungong
Zamboanga.
o Pandagat: Mayroong mga regular na byahe mula Maynila patungong
Zamboanaga at Pagadian.
 Sanggunian:

Sanggoyo, C.L. (2012). Zamboanga Del Norte | The Rizal Landing Site At Dapitan’s Sunset
Boulevard. Retrieved from https://www.lakadpilipinas.com/2012/11/dapitan-city-rizal-
landing-site-at.html

6. Great Santa Cruz Island

Litrato kuha ni Rojae Braga Litrato mula sa Instagram, @mie_moi

 Mahahalagang Impormasyon

Ang Great Santa Cruz Island o ang “Pink Beach” ay kinilala ng National Geographic
bilang isa sa “21 Best Beaches in the World” dahil sa natatangi nitong kulay ng buhangin. Ang
kulay nito ay gawa sa paghalo ng mga durog na Red Organ-pipe Coral sa buhangin. Napapanatili
at napapangalagaan ng lokal na pamahalaan sa paglilimita ng mga turistang pupunta sa isla at
pagbabawal na kuhain ang mga koral na siyang nagpapatangi sa lugar. Ang isla na ito ay hindi
rin pahuhuli sa malinaw na tubig at malagong bakawan na siyang makikita sa gilid nito.
Mayaman naman ang dagat nito sa nakamamanghang korales, isang dahilan upang hindi
palagpasin ang sikat na aktibidad sa pook na snorkeling. Sulitin din ang pagpasyal sa
pamamagitan ng pagsakay sa makukulay na Vinta, na siyang tumulong sa pagbuo ng
pagkakakilanlan ng rehiyon.

 Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Great Santa Cruz Island ay isang isla na matatagpuan sa Basilan strait, at tinatayang
apat na kilometro ang layo mula sa Zamboanga City na kilala sa kulay rosas nitong buhangin.
Unang naging popular ang pasyalan na ito sa mga dayuhang Italyano, Aleman at mga Hapon
mula noong dekada ’70 hanggang dekada ’80. Dagdag pa sa mayamang kasaysayan ng isla, ayon
sa dokumentaryong Biyahe ni Drew na pinamagatang “Colorful Zamboanga”, ang isla ay isang
pook-libingan ng mga sinaunang Badjao. Kapansin-pansin ang mga makikitang bangkang
palatandaan ng isang libingan; kung ang bangkang makikita ay mayroong masining na disenyo,
nangangahulugan na ito ay libingan ng isang kilala o magiting na tao. Gaya ng paniniwala ng
mga tagalog, naniniwala ang mga Badjao na ang mga bangkang ito ang magsisilbing
transportasyong maghahatid sa mga yumaong minamahal sa buhay patungo sa kabilang buhay.

 Karagdagang Impormasyon

Ayon sa lathala ni Jocelyn Alvarez (2018) sa Philippine Information Agency, ang isla ng
Sta. Cruz ay tinatayang nagkaroon ng 67,000 turista noong taong 2017.

 Sanggunian

Alvarez, J. (2018 January 19). Sta. Cruz island gets 63,000 visitors in 2017. Retrieved from:
https://pia.gov.ph/news/articles/1004191
GMA Public Affairs (2014 May 28). Biyahe ni Drew: Colorful Zamboanga. Retrieved from:
https://youtube.com/watch?v=Wlw24RW6TyY&t=277s
Islands of Zamboanga City. Retrieved from: https//www.zamboanga.com//islands/islands.htm

7. Jose Rizal Memorial Protected Landscape


Litrato kuha ni Ric Canizares

 Mahahalagang Impormasyon

Ang Jose Rizal Memorial Protected Landscape na kilala rin sa tawag na Rizal Park and
Shrine, ay isang protektadong istraktura at isang pook na itinayo upang alalahanin at gunitain
ang ating pambansang bayani. Ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Dapitan sa Zamboanga Del
Norte.

 Kaligirang Pangkasaysayan

Ito ay itinatag ayon sa Proklamasyon Blg. 616 na nilagdaan ni dating Pangulong Manuel L.
Quezon. Isinasaad sa nabanggit na panukala na ayon sa paglalayon ng Kalihim sa Agrikultura,
dapat gamitin ang parsela ng lupa o ang malawak na lupa nasa Munisipyo ng Dapitan upang
pakinabangan ng mga mamamayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatayo ng parke dito sa
ala-ala ng ating pambansang bayani.

 Sanggunian

Presidential Museum and Library. Retrieved from:

https://www.officialgazzette.gov.ph/1940/09/03/proclamation-no-616-s-1940/

REGION X – Northern Mindanao (Bukidnon)

Mount Kitanglad Range Natural Park


Kuha ni Dodong Usyot

Larawan mula sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na yaman

 Kaligirang Pangkasaysayan

Bilang pagkilala sa kahalagahang biyolohikal, historical at sosyo-ekonomikal ng Mt.


Kitanglad, hinirang ito bilang isa sa mga pambansang parke alinsunod sa Pahayag
Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 677. Dagdag pa rito ay opisyal na binigyang proteksyon
rin ang pook na ito ng inaprubahan ng Kongreso ang Batas Republika 8978 o ang Mt. Kitanglad
Range Protected Area Act of 2000. Kamakailan lamang, noong Oktubre 2009, idineklara ito
bilang ASEAN Heritage Park. Ito ay bilang pagkilala na isa ito sa nalalabing natural na
santuwaryo ng ating bansa. Ayon pa sa kanila, isa itong pook na nagbibigay kaalaman at
inspirasyon upang bukod pang pangalagaan ang ating mga likas na yaman.

 Mahalagang Impormasyon

Ang Mt. Kitanglad ay pang-apat sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Sa katotohanan, ito


ay isang hindi aktibong bulkan na matatagpuan sa bulubundukin ng Kitanglad sa Bukidnon.
Nasasakupan nito ang limang bayan, ang mga ito ay Malaybalay City, Lantapan, Impasugong,
Sumilao at Libona. Mayaman ang lugar na ito sa tanawin malayo, kumpara sa mga makikita sa
siyudad. Dagdag pa rito, ito ay isa sa lugar kung saan matatagpuan ang isang pook na
pinagpupugaran ng ating pambansang ibon, Philippine Eagle, na siyang nanganganib nang
maubos ngayon.

 Karagdagang Impormasyon

Ayon sa DENR Newsletter, ang katawagang “Kitanglad” ay nagmula sa isang kwentong


bayan na naglalarawan sa isang malaking pagbaha na sinasabing naglubog sa mga kalupaang
katutubo at ang tanging hindi nalubog, ay ang tuktok ng bundok na kasingliit lamang ng tanglad,
isang uri ng damo, ang nakikita o natatanaw. Kasalukuyan itong pinaninirahan ng mga
katutubong tribo ng Higaonon, Talaandig at Bukidnon.

Ayon sa mga bumibisita rito, sa mga nagnanais na bumisita rito ay dapat makipag-ugnayan
sa Kagawaran ng Kapaligiran at likas na Yaman (088) 813 3453 bago magtungo.

 Sanggunian

Henares, I. (2007 September 1). Mt.Kitanglad (2,899+). Pinoy Mountaineer. Retrieved from:
http://www.pinoymountaineer.com/2007/09/mt-kitanglad-2899.html

History of Mount Kitanglad Range Natural Park. Retrieved from:


https://www.todaytourism.com/travel-guides/History-of-Mount-Kitanglad-Range-Natural-
Park.html

Mt. Kitanglad Range Natural Park. Retrieved from:


https://forestry.denr.gov.ph/b+wiser/index.php/sites/mount-kitanglad-range-natural-park

Mt. Kitanglad Range Natural Park. Retrieved from https://oldwebsite.denr.gov.ph/news-and-


features/latest-news/364-mt-kitanglad-range-natural-park.html

BUKIDNON

1. MALAYBALAY
Kuha ni: Eazy Traveler

 Kaligirang Pangkasaysayan

Isang pagdiriwang na nagpapakita ng mayaman at kakaibang kultura ng Bukidnon ang


ginaganap sa Malaybalay tuwing ikalawang linggo ng Pebrero hanggang ika-10 ng Marso bawat
taon. Dinadaluhan ito ng mga lokal at dayuhang turista. Ang pagdiriwang na ito ay tinatawag na
“Kaamulan Festival”, nagmula ito sa salitang Binukid na “amul”na ang ibig sabihin ay
“pagsamahin”. Ang pagdiriwang na ito ay ginagawa upang pagsama-samahin ang iba’t ibang
tribo sa Bukidnon. Kinabibilangan ang seremonyang ito ng pitong tribong naninirahan sa
Bukidnon – Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon.
Nagtitipon ang mga ito sa lungsod ng Malaybalay suot ang kayamanan ng kanilang lugar, mga
porselas, kweintas, hikaw, atbp. Nagsasagawa sila ng mga katutubong ritwal at naglalaban sa
mga katutubong larong pampalakasan (Kaamulan, 2012).

Dito rin sa lungsod matatagpuan ang Monastery of Transfiguration, isang kakaibang


lugar sambahan sa burol na pinatatakbo ng mga Benedictine Monks. Ang monasteryong ito ay
dinisenyo ng isa sa mga Philippine National Artists for Architecture na si Leandro Locsin
(Dacumos, 2012).

 Mahahalagang Impormasyon

Lahat ng aktibidad na isinasagawa sa pagdiriwang na ito ay makabuluhan at malinaw na


nagpapakita ng mayaman at magandang kultura ng Bukidnon. Iba’t ibang patimpalak ang
isinasagawa rito, kabilang na ang Civic Parade; paligsahan sa pagsayaw; Laga Ta Bukidon, isang
paligsahan para sa mga kababaihan na naglalaban para sa titulo; at ibang programang
nagpapakita ng kasaysayan ng Bukidnon (Kaamulan, 2012).

Bukod pa rito, nagsasagawa rin sila ng mga ritwal at pagsamba na kalimita’y isinasagawa
nila sa burol. Isa na rito ang Monastery of Transfiguration na nagbibigay ng tahimik na lugar
kung saan malayang makakasamba habang nakikita ang kagandahan ng paligid (Dacumos,
2012). Sa pamamagitan ng Kaamulan, nagkatitipon-tipon ang mga tribo’t lalong nakikilala ng
mga lokal at dayuhang turista ang mayamang kultura ng Bukidnon.

 Karagdagang Impormasyon

 Lokasyon: Malaybalay City, Bukidnon


 Transportasyon:
o Panghimpapawid: Walang byahe na direktang patungong Bukidnon.
Pinakamalapit na paliparan ang Lumbia Airport sa Cagayan De Oro City
na tumatanggap ng byahe mula Maynila. Mula Cagayan, maaring
marating ang Bukidnon sa pamamagitan ng bus.
o Pandagat: Ang pinakamalapit na daungan ay sa Cagayan De Oro City.
Mula rito, maaaring marating ang Bukidnon sa pamamagitan ng bus.

 Araw / Oras: Ikalawang Linggo ng Pebrero hanggang ika-10 ng Marso

 Sanggunian:

Dacumos, J. (2012). Edifice of Monastery of Transfiguration.Retrieved from https://www.vigat


tintourism.com/tourism/articles/Edifice-of-Monastery-of-Transfiguration

Kaamulan Festival. (2012). Retrieved from https://bukidnon.gov.ph/2012/11/20/kaamulan-


festival/

Matagumpay at napakahalagang tulong ang pagtatag ng operasyon ng ating mga guerilla sa paglapag ng
mga puwersa ng pagpapalaya ng Amerikano sa Palo, Leyte, noong October 20, 1944, bago ang
labanang naganap sa Golpo ng Leyte.

You might also like