Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

11- Liberty

Buod

Ang CHED ay isang ahensiya ng Gobyerno na inilikha noong taong 1994, kung saan ang
ahensiyang ito ay nakatuon sa mataas na Edukasyon. Sa taong 1997, naipasa ang Higher Education
Modernization Act of 1997. Ang batas na ito ay binago at inayos ang komposisyon ng Lupon ng
tagapamahala ng mga unibersidad at kolehiyo upang makamit ang mas maayos at pagkakaisa ng sistema
ng mataas na edukasyon, makapagbigay ng mas epektibo na pagbabago at pagpapatupad ng mga polisiya
ukol sa mataas na edukasyon, makapagbigay ng importanteng direksyon sa kanilang pamahalaan, at
siguraduhin ang kasiyahan sa kalayaan sa akademiko na isinaad ng konstitusyon. Noong taong 2013,
inilabas ang CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013 kung saan isinasaad dito ang pag-alis ng
Filipino at panitikan bilang mandatory subjects sa kolehiyo. Dahil sa memorandum na ito, nabuo ang
pangkat na Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wika (Tanggol Wika) na isang grupo ng mga propesor,
estudyante at mga mambabatas na hindi sinasangayunan ang nasabing memo.

Ang Tanggol Wika ay isang organisasyon na pinangungunahan ni Dr. David Michael San Juan,
isang guro sa De La Salle University-Manila (DLSU). Ang layunin ng organisasyon na ito ay
maipaglaban ang pananatili ng asignaturang Filipino sa pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo, dahil
naniniwala sila na ang pagtatanggol sa pagpapanatili ng Filipino sa kurikulum ay isa sa mga paraan para
maipakita na mayroon pa ring respeto sa ating kultura at pagmamahal sa kinagisnang wika na siyang
naging parte na ng ating kasaysayan, kultura, at pagiging isang Pilipino. Layunin din nito na pahalagahan
at panatilihin ang wika na nagsisilbing identidad natin bilang Pilipino, dahil ang wika natin ang
“makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang
Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig” (Juan, 2014-2017). Ang
organisasyon na ito ay ang naging tulong upang ipaglaban na karapat-dapat ang pagtuturo sa Filipino
hanggang kolehiyo dahil parte ito ng buhay natin.

Ang nasabing grupo ay mayroon mga ipinaglalaban ukol sa pagpapanatili ng Filipino sa kolehiyo,
na amin ding pinaniniwalaan. Isa na rito ang Ang pagiging disiplina ng Filipino sa pag-aaral. Nagkaroon
ng Seminar ukol dito at tinalakay sa seminar na ang mga katutubo o ang inangking konsepto ng Indie at
ilan pang susing salita ay ito ang magiging tulay o isang daan sa pagtalakay sa Filipino tungo sa
pagdidisiplina sa matataas na edukasyon katulad ng isang salawakain na “ Mga Salita ng Taon ng
Filipinas Institute Of Translation”. Ang Filipino bilang disiplina ay mahalaga at makabuluhan dahil hindi
ito’y matutumbasan dahil ito ay kasaysayan ng ating bansa at ito ang identitad ng pagka’Filipino natin.
Kung isasaalang- alang ng isang layunin ng CMO No.20, Series of 2013 ay ito’y maging lihis na hangarin
at ang pagtanggal ng asignaturang Filipino. Maraming unibersidad sa ibang mga bansa na ginagamit ang
kanilang mga sariling wika bilang core course ilang halimbawa ay ang Princenton, Illinois State,
California State, Columbia, Duke University, Yale University at iba pa. Ang mga unibersidad na ito,
kinikilala rin ang panitikan bilang isa sa kanilang mga panturo. Hindi naman masama magkaroon ng
ganitong core subject basta siguraduhin natin na mas nananaig parin satin ang ating wika at ito parin ang
binibigyang importansya natin.

Marami sa mga kasapi sa ating goberyno ay Ingles ang ginagamit upang manghikayat ng mga
dayuhan para sa investment at iba pa. Nagagamit man nila ito ngunit hindi parin nila mababago ang
realidad na simula’t sa una ang ating pangunahing wika parin ang mananalaytay at kahit anong
lenggwahe ang gamitin nila ay hindi parin ito nakakaakit ng malalaking foreign investment hindi katulad
ng ilang bansa na kahit hindi mga Ingles ay nagagawa parin nilang paunlarin at makapagakit ng foreign
investment para sa kanilang bansa. Bakit hindi mabigyan ng espasyo o importansya ang ating sariling
wika at ang ating panitkan? Mas binibigyang diin ang mga ibang lenggwahe at ibang bansa kaysa sarili
nating bansa. Saklaw ditto sa ating bansa sa SFL sa pampublikong hayskul ang pagututro ng ibang
lenggwahe katulad ng Spanish, Japanese, German, French at iba pa. Na hindi naman tama dahil mas
magandang ang ating wika ang binibigyang importansya kaysa sa iba.

Nang mamuno sa Commonwealth si Pangulong Manuel L. Quezon, siya ay naghain ng utos noong
Oktubre 27, 1936 sa Pambansang Asemblea ng Pilipinas na ang bawat mamamayan ay iisa na lamang ang
gagamiting wika. Mahabang panahon ang ginugol ng mga eksperto upang manaliksik at pag-aralan kung
ano ang nararapat na basehan na kikilalaning wikang pambansa. Napili ang Tagalog bilang wikang
sasalitain ukol sa maraming kadahilanan tulad na rin na ang Maynila ay sumasagisag bilang sentro ng
sibilisasyon at ang sangay ng pamahalaan ay gumagamit ng Tagalog. Isang kadahilanan na rin ang
malawakang paggamit ng wikang Tagalog sa mga paaralan, at mga pang gobyernong transaksyon. Taong
1940 nang bigyang bisa ng pangulo ang Kautusang Tagapagpaganap Blng. 263 na nagsasabing, “ituro
ang pambansang wika sa lahat ng publiko at pribadong paaralan.” Binigyang bisa noon Hulyo 4, 1946
ang Batas Komonwelt Blng. 570 na nagsasaad na “Filipino” ang wika na gagamitin at sasalitain, at ito’y
nakabase sa Tagalog. Sa taong 1946 rin ay naglahad si Esteban Abada, Direktor ng Edukasyon, ng
pangunang ortograpiya na likha ng Surian ng Wikang Pambansa. Noong 1987, nang maluklok si
Pangulong Corazon Aquino, muling pinagtibay sa Saligang Batas ang paggamit ng Wikang Filipino sa
Kurikulum na naging pangmalawakang wika marahil ito’y ginamit na rin sa iba pang asignatura gaya ng
Agham.
Ang pagkakaroon ng wika ng isang bansa ay napakahalaga kahit man mayroong iba’t ibang
rehiyon. Ang wika ang nagsisilbing tulay upang makamit ang bansang maunlad at bansang pagkakaisa.
Wika ang ating sariling identitad na kailangan sa pag-unlad natin bilang isang bansa. Ang sariling
wika lamang ang makapagpapahayag ng tunay na niloloob at mga emosyon natin. Ito ay isang
bagay na dapat mapagtantong mabuti ng mga kababayan natin na walang pagpapahalaga sa
sariling wika, pambansa man o rehiyunal. Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-
unawaan sa kanyang kapwa. Ito ay isang biyaya na galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang
kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kapaligirang na kanyang ginagalawan.
Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang
aspeto ng buhay.

Ang pag-aaral ng humanities o sangkatauhan ay hindi lamang nakabase sa pagkatao ng isang tao,
bagkus ito rin ay nagbibigay diin kung paano nagkakaiba iba ang mga kultura na nakatutulong sa
pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng bawat tao sa mundo. Hindi maipagkakait na maraming pagkakataon
na mayroong mga taong hindi lubos maintindihan ang pagkakaiba ng bawat isa. Hindi lahat ay naaayon,
hindi lahat ay maputi, hindi lahat ay matangkad at hindi lahat itinuturing na bahagi ng pamantayan sa
buhay. Sa kabilang dako, malaki parin ang populasyon ng mga tao na nagpapahalaga at respeto sa
pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan sa kani-kanilang kultura.. Ayon kay McCumber (2016), “In
particular, it is the humanities that teach us how not to be racists, by showing us how to open ourselves
up to what is different.” Ang humanities ang nagbibigay ng daan sa bawat tao na magkaroon ng malawak
na kaisipan upang matutong yakapin at tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa dahil lahat ay naaayon sa
sari-sarili nilang kultura.

Bilang isang pangkat na makakatulong upang ipaglaban ang pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo,
kami ay pumapanig sa grupong tanggol wika at sakanilang mga layunin at paniniwala. Mahalagang
mapanatili ang wikang Filipino sa larangan ng edukasyon sapagkat ito ang huhubog sa ating
pagkakakilanlan. Una sa lahat, ang wikang Filipino ang bumubuo sa lahat ng diyalekto ng mga tao sa
Pilipinas. Ang ating wika ang isang palatandaan ng ating mga ninuno at bayani na ipinaglaban ang ating
kalayaan. Hindi uunlad ang isang bansa kung sa simpleng pagdedesisyon ukol sa wika pa lamang ay hindi
na mapagsangayunan, paano pa ang malalaking bagay? Ayon kay Macinas (2011), tunay na mahalaga ang
papel na ginagampanan ng wika dahil ito ay nagsisilbing simbolo ng lahi, kultura ng bansa at
sumasagisag na ang bansa ay malaya. Ang wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon ay
importante sapagkat ito ay nagpapakita ng halimbawa ng pagkakaintindihan ng mamamayan sa isang
bansa, partikular na sa bansang Pilipinas. Laging tatandaan, Hindi dahil nahihigitan na ng Wikang Ingles
ang Wikang Filipino, pababayaan na natin itong tuluyang maglaho.

You might also like