Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Coronilla de la

Divina Misericordia
The Chaplet of Divine Mercy in Filipino w/ Litany to the Sacred Heart
Tanda ng Krus +
Panimulang Panalangin
Namatay ka, Hesus subalit ang bukal ng buhay ay lumagalas para sa
mga kaluluwa at ang karagatan ng awa ay bumugso para sa
sanlibutan.
O bukal ng buhay, na walang Hanggang Awa ng Diyos, balutin mo
ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa
aming lahat.

O banal na Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang


Bukal ng Awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa iyo. (3x)
• Ama Namin
• Aba Ginoong Maria
• Sumasampalataya Ako

Sa bawat malalaking butil ng bawat dekada:


Namumuno:
Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan
at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong
Anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at Manunubos.
Tugon:
Para sa ikapagpapatawad ng aming mga kasalanan at sa
sala ng buong sansinukob.

Sa sampung maliliit na butil bawat dekada:


Namumuno:
Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Hesus,
Tugon:
Kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.

Pagkatapos ng limang dekada ay dadasalin ang Trisagion


nang tatlong ulit:
Namumuno:
Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na
Walang Hanggan
Tugon:
Maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob.
LITANYA SA KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS
N: Panginoon, maawa Ka sa amin
B: Panginoon, maawa Ka sa amin
N: Kristo, maawa Ka sa amin
B: Kristo, maawa Ka sa amin
N: Panginoon, maawa Ka sa amin
B: Panginoon, maawa Ka sa amin
N: Kristo, pakinggan Mo kami
B: Kristo, pakapakinggan Mo kami

Tugon sa bawat panalangin: Maawa Ka sa amin.

Diyos Ama sa langit…


Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan…
Diyos Espiritu Santo…
Santisima Trinidad, iisang Diyos…
Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang hanggan…
Puso ni Hesus, nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng Inang Birhen…
Puso ni Hesus, na nakikipag-isang tunay sa Verbo ng Diyos…
Puso ni Hesus, na walang hanggan ang Kamahalan…
Puso ni Hesus, Templong Banal ng Diyos…
Puso ni Hesus, Tabernakulo ng kataas-taasan…
Puso ni Hesus, Bahay ng Diyos at Pinto ng langit…
Puso ni Hesus, maalab na siga ng pag-ibig…
Puso ni Hesus, sisidlan ng Katuwiran at Pag-ibig…
Puso ni Hesus, puspos ng kabutihan at pag-ibig…
Puso ni Hesus, kalaliman ng lahat ng kabanalan…
Puso ni Hesus, Karapat-dapat sa lahat ng pagpupuri…
Puso ni Hesus, Hari at Sentro ng lahat ng mga puso…
Puso ni Hesus, sisidlan ng dilang kayamanan ng karunungan at katalinuhan…
Puso ni Hesus, tahanan ng buong pagka-Diyos…
Puso ni Hesus, kinalulugdang lubos ng Diyos Ama…
Puso ni Hesus, na sa Iyong kasaganaan ay nababahaginan kaming lahat…
Puso ni Hesus, hangarin ng mga bulubunduking walang hanggan…
Puso ni Hesus, matiisin at lubhang maawain…
Puso ni Hesus, kayamanan ng tanang tumatawag sa Iyo…
Puso ni Hesus, bukal ng buhay at kabanalan…
Puso ni Hesus, kabayaran ng aming mga kasalanan…
Puso ni Hesus, tinigib ng karuwahaginan…
Puso ni Hesus, na nasugatan ng dahil sa aming mga kasalanan…
Puso ni Hesus, na masunurin hanggang kamatayan…
Puso ni Hesus, na pinaglagusan ng sibat…
Puso ni Hesus, batis ng tanang kaaliwan…
Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming mag-uli…
Puso ni Hesus, kapayapaan at pakikipagkasundo namin…
Puso ni Hesus, na inihain ng dahil sa aming mga kasalanan…
Puso ni Hesus, kaligtasan ng mga umaasa sa Iyo…
Puso ni Hesus, pag-asa ng mga namamatay sa Iyong grasya…
Puso ni Hesus, ligaya ng lahat ng mga Santo…

N: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


B: Patawarin Mo po kami, Panginoon namin.
N: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sandaigdigan,
B: Pakapakinggan Mo kami Panginoon namin.
N: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng santinakpan,
B: Maawa Ka sa amin.
N: Hesus, maamo at mababang Puso
B: Gawin mo po na ang aming mga puso ay matulad sa Puso Mo.
Huling Panalangin ng Litanya
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, tunghayan Mo ang Puso ng
lubhang iniibig Mong Anak at ang mga pagpupuri at kabayaran na kanyang
inihahandog sa Iyo, sa ngalan ng mga makasalanan. Maglubag nawa ang
Iyong loob at marapatin Mong ipagkaloob ang kapatawaran sa
nagmamakaawa sa Iyo, sa ngalan ni Hesukristong Anak mo, na nabubuhay
at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo magpasa walang hanggan.
Siya Nawa.

Panghuling Panalangin
Walang Hanggang Diyos, na ang awa ay walang katapusan at
ang kabang-yaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong
tingnan po kami at palaguin niyo po ang awa sa amin, nang
sa mahihirap na sandali ay maaring di kami panghinaan ng
loob, o kaya’y malupaypay, kundi ng may malaking pananalig
isuko ang aming sarili sa iyong banal na kalooban, na siya ring
pagibig at awa. Siya nawa.

Tanda ng Krus +

You might also like