Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

UNANG BAHAGI

. -
lTagpo: .
Musuka)
ng bahayni Julia.Si Juliaat angmgabordador.
(Tanggapan
Karo : Ang karayom kung iduro
Ang daliriy natitibo.
Kapag namali ng duro
Burda namay lumiliko

Julia : Anong dikit, anong inam


Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
'Na kay Tenyong na pangalan.

Konro : Ang karayom kung itirik


tumutimo hanggang dibdib.

Julia Piyesta niyay kung sumipot


Panyong itoy iaabot,
Kalakip ang pusot loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod. .

Si Tenyong ay mabibighani
Sa dikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutIa,
Asul, puti at pula.

Julia Panyot dito ka sa dibdib, .


Sabihin sa aking ibig
Na akoy nagpapahatid
lsang matunog na halik,

Kora : Ang karayomkung iduro


Ang daliriy natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo'y sinisinta,
Kapag panyo ng ibig
Tmatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan:
Ang panyo pa'y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

You might also like