Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

KONSEPTO AT DISKURSO SA NASYUNALISMO, KRITIKAL NA DISKURSO SA

GLOBALISASYON, AT USAPIN NG MARXISMO

IPINASA NINA:

Andres, Via Fe

Bernabe, Sharmaine

Dichoso, Jaymee

Pangilinan, Elaine

Salmorin, Ray

Salonga, Bernie Jr.

Santos, Irish Marie

Uy, Jazmine Gail

BS PSYCHOLOGY 1-3

IPINASA KAY:

Bb. Pamela A. Bales


I. PANIMULA

Ang papel na ito ay naglalayon na magbigay kaalaman ukol sa mga Teoryang Angkop
sa Maka-Pilipinong Pananaliksik na tatalakay sa: Konsepto at Diskurso saNasyunalismo,
Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon, at Usapin ng Marxismo.

Nasyonalismo - ay isang katangian na dapat taglayin ng isang tao. Ito ay tumutukoy sa


pagmamahal at pagmamalaki sa sarili mong bayan o pagiging makabayan. Ito ay isang sistema
ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa,
ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng
paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong.

Globalisasyon - ay ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama sa pagitan ng mga tao, mga


kumpanya, at mga pamahalaan sa buong mundo. Ito ay ang konsepto ng mas malawak na
pagkaka-ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa mundo, pagkalat ng mga produkto, teknolohiya,
impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa at kultura. Ang globalisasyon ang dahilan ng
patuloy na pagliit ng mundo sa aspeto ng pangangalakal, komunikasyon at iba pa.

Marxismo - ito ang sistema ng teorya na pinalaki ni Marx at Engels .Ang dialektikong
materyalismo , makasaysayang materyalismo , at economics ( Marxian economics ) na
summarized sa " capital theory " atbp ay nakasentro, at ang kontradiksyon ng lipunan kapitalista
at ang pangangailangan ng sosyalistang lipunan ay nilinaw.
II. NILALAMAN

Mga Teoryang Angkop sa Maka-Pilipinong Pananaliksik

A. KONSEPTO AT DISKURSO SA NASYUNALISMO

ANO ANG DISKURSO?

- Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang


“running to and from” namaiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon
- ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay
pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya
tungkol sa isang paksa.

APAT NA PARAAN SA PAGDIDISKURSO


1. Pasalaysay o Narativ – pangungusap na paglalahad ng isang katotohanang bagay. Dapat
bigyan ng katuturanang sinasabi.
2. Paglalahad o Ekspositori - ay isang anyong pagpapahayag na naglalayong mabigyang
linaw ang isang konsepto o kaisipan bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa.
3. Pangangatwiran o Argumentatib - may layuning mang hingkayat at magpapaniwala sa
amamagitan ng makatwirang mga pananalita. Kailangan na maging masuri at naaayon.
4. Paglalarawan o Deskriptiv- isang anyong diskurso na pagpapahayag ng sapat na detalye
o katangian ng isang tao, bagay, pook o damdamin upang ang isang mambabasa at
makalikha ng isang larawam na aayon sa inilalarawan.

NASYONALISMO

 Ang "nasyonalismo" ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig sabihin ay ang
"pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas
maliit kaysa sambayanan".
 Ito ang katangian ng pagkakaroon ng maalab na pagmamahal sa bansa. Sinasabing isa rin
itong kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon, wika, kultura, at
kasaysayan.

BATAS

 House Bill 6643 - "An act enhancing the Philippine Basic Education system by
strengthening its curriculum and increasing the number of year for basic education,
appropriating funds therefore and for other purposes."

 Senate Bill 3286 – magkakaroon nang 12 years in basic education kung saan na
kailangang dumaan ang estudyante sa Senior High.

 Sinasabi lang dito na kung hindi nasyonalista ang K-12, dapat itong isantabi at palitan ng
isang programang pang-edukasyon na progresibo at nasyonalista.

MGA NASYONALISTANG PILIPINO

- Jose Rizal

- Andres Bonifacio

- Emilio Jacinto

- Renato Constantino

KONSEPTO AT DISKURSO SA NASYONALISMO

 Sinasabing isa sa mga magandang halimbawa ng pag didiskurso sa nasyonalismo ay ang


akda ni Renato Constantinona na “MISEDUCATION OF THE FILIPINO”, sinusuri
lamang nito ang kalagayang pang edukasyon kung saan nakita ni Constantino na
kinakailangan itransporma angs istemang pang edukasyon sapagkat ito ang magiging susi
upang mapaunlad ang bansang Pilipinas.

NASYONALISMO AYON SA KARANIWANG TAO:


- Ang nasyonalismo ay karangal-rangal na katangian na nararapat ipasa sa susunod na lahi.
Ito ay dapat pagtibayin sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng utos ng estado.
NASYONALISMO AYON SA MGA NAGKA PROBLEMA DITO:

- Sa buong kasaysayan ng tao, ang nasyonalismo ay nag dalang hindimabilang na pasakit


at kumitil ng ilang milyong buhay saiba’t ibang panig ng mundo. Dahil sa mataas na
nasyonalismong mga bansang mayroong imperyo, hindi na nag-isip ang mga pinuno at
sundalo nito na mangapi, pumatay, mang-agaw ng lupain at magnakaw ng likas yamanng
kanilang mga nasasakupan. Ang pang yayaring ito ay nag papatuloy hanggang sa
kasalukuyan.

DALAWA ANG MUKHA NG NASYONALISMO

- Mabuti lamang ito tuwing gagamitin sa depensang unit mali kung pananakop ang
layunin.

B. KRITIKAL NA DISKURSO SA GLOBALISASYON

ANO ANG GLOBALISASYON?

 Ito ay ang pag-iimpluwensiya at interaksyon ng iba’t-ibang organisasyon, kumpanya, at


mga negosyo sa buong mundo.

 Ito ay naglalayon ng pag-unlad at pagpapalago ng ekonomiya.

 Sa maikling salita, ang globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong


mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.

3 KONSEPTO NG GLOBALISASYON

1. Privatization o Pribatisasyon – pagsasapribado ng mganegosyo. Hinihikayat ng


konseptong globalisasyon na isapribado ang mga negosyo na hawak at pagmamay-ari ng
gobyerno.
2. Deregulation o Deregulasyon - Kailangang maging malaya sa paggalawang mga bahay-
kalakal sa paggawa at pamamahaging mga pangkaraniwang kalakal o produkto tulad ng
tubig, langis, at kuryente. Ito ay batay sa konseptong laissez- faire o let-alone policy ni
Adam Smith. Kailangan pabayaan ng pamahalaan ang mga sambahayan at pakikipag-
ugnayan sa isa’tisa upang maging matatag ang ekonomiya.
3. Liberalization o Liberalisasyon -Ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat
ng mga produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang
kalakalan sa bansa. Halimbawa nito ay ang batastaripa at quota.

KRITIKAL NA DISKURSO SA GLOBALISASYON


 Binigyang diin ni Karl Marx na ang economic globalization ay resulta ng global
expansion o pagpapalganap ng kapitalismo sa buong mundo

Globalisasyon

 Ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama sa pagitan ng mga tao, mga kumpanya,


at mga pamahalaan sa buong mundo. Ito ay ang konsepto ng mas malawak na pagkaka-
ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa mundo, pagkalat ng mga produkto, teknolohiya,
impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa at kultura. Ang globalisasyon ang
dahilan ng patuloy na pagliit ng mundo sa aspeto ng pangangalakal, komunikasyon at iba
pa. Inilahad ni Thomas Fiedman sa kanyang librong pinamagatang “The Lexus and the
Olive Tree: Understanding Globalization”: na ang glabalisasyon ay ang kone-
konektadong merkadoo, teknolohiya, sistemang impormasyon at sistemang
telekomunikasyon na kahit paano ay nagpapaliit ng mundo mula sa katamtaman ang laki
papunta sa maliit na sukat na lamang, kung saan mas magiging madali para sa mga tao na
magkaroon ng koneksyon at marating ang ibang bansa. Ayon naman kay Martin Wolf,
“ang globalisasyon ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya sa ating kapanahunan,
nagbibigay ito ng walang kaparis na oportunidad sa bilyun-bilyong tao sa buong mundo”
Ang globalisasyon ay may tatlong konsepto; Pribatisasyon, Deregulasyon, at
Liberalisasyon. Ayon kay Hargrave, M., ang pribatisasyon ay nagyayari kapag ang isang
negosyo, operasyon o pag-aari na sakop ng gobyerno ay magiging pagaari ng ng isang
pribado at non-government na organinisasyon . Inilalarawan din ng pribatisasyon ang
paglipat ng isang kumpanya mula sa publiko sa pagiging pribado. Ayon kay Francis, J.,
ang deregulasyon ay nagyayari kapag tinanggal o binawabawasan ng goyerno ang mga
regulasyon sa isang particular na industriya upang mapabuti ang mga operasyon sa
negosyo. Tinatanggal ng gobyerno ang ilang mga regulasyon kapag nagrereklamo ang
mga negosyo tungkol sa kung paano pinipigilan ng regulasyon ang kanilang kakayahang
makipagkumpetensya. Ito ay karaniwang nagyayari kung mayroong pandaigdigang
kompetisyon sa isang particular na idustriya. Ang liberalism naman ay ang proseso ng
malayang pagbubukas ng local na ekonomiya sa dayuhang capital o pamumuhunan. Ang
World Trade Organization o WTO ay isa sa mga pandaigdigang institusyon na
nangunguna sa pagsusulong ng liberalisasyon sa larangan ng kalakalan. Ayon sa
tagapagtaguyod ng globalisasyon ang WTO ay nakakatulong sa pagpapalaganap ng
kalayaang pang-ekonomiko sa pamamagitan ng free trade. Ang globalisasyon ay hindi
lang sa atin nagdudulot ng kaginhawaan at kaunlaran, bagamat ito ay may magandang
produkto sa nakakarami hindi maitatangging may mga negatibong epekto ang
globalisasyon. Ito ay nabanggit sa pahayag ng president ng bansang Georgia na si Eduard
Shevardnadze, “Ang bagong kapanahunan ay naghaharap ng mga bagong hamon at
bagong mga problema sa daigdig, gaya ng mga kasakunaan sa kapaligiran, pagkaubos ng
mga kayamanan, madugong mga labanan at karukhaan.

C. USAPIN NG MARXISMO

MARXISMO

 Ang Marxismo ay ang teoryanabinuoni Karl Marx.


 Ang Marxismo ay ang kabaligtaran kapitalismo.
 Ang Marxismo ang paniniwala na dapat pantay pantay ang mga tao sa daming kita at ari-
arian. Itinataguyod nito ang pakikipaglaban sa kapitalismo upang mawala ang
diskriminasyon sa pagitan ng mayaman at mahirap at magkaroon ng tinaguriang
“Lipunangwalanguri” o “Classless Society”
 Isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan a nakatuon sa ugnayan at hidwaan
ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang takbo ng ng kasaysayan at
diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan.

KARL HEINRICH MARX

 Isang Aleman nasosyologo, historyan, dyornalist at rebolusyunaryong sosyalista


 Nabuo niya ang ideyang Marxism na naglaon naging isang Communism.
 Ang mga taong taga sunod sakanya ay tinatawag na “Marxist”
 Siya ay tinaguriang “Amang Sosyalismo”
 May dalawang aklat si Karl Max na naging doktri nang mga komunistang bansa , ang Das
Kapital at Communist Manifesto (“Workers of all lands unite”)
 ang relihiyon ay hindi iba kundi isang instrumento ng paniniil (instrument of oppression).
kabuluhan ng buhay ay hindi natatagpuan sa mga simulaing itinuturo ng relihiyon burgis
o kapitalista ang relihiyon upang lalong siilin at alipinin ang masa.“opyum ng mga tao.”
ang relihiyon na mahigpit na nakatali o nakapulupot sa tao.

2 URI NG TAO/LIPUNAN SA MARXISMO

 Proletariat o Working Class – grupo ng mga manggagawang pinapasahod ng isang


kapitalistang lipunan.
 Bourgeoisie o Bourgeois – grupo ng mga kapitalistaang mga taong nasa gitnang antas ng
lipunan nanaging makapangyarihan.

III. KONKLUSYON

Ang Nasyunalismo ay may dalawang kahulugan, ang una ay ito ang itinatawag sa isang pangkat
na may isang lahi at ang pangalawa ay ito ay isang uri ng pagmamahal sa bansa na
kinabibilangan ng isang lahi

Ang globalisasyon ay isang tulay. Isang tulay na nag kokonekta sa bawat bansa sa mundo
upang itong mga bansang ito ay mag tulungan at mag palitan ng mga produkto

Ang Marxismo naman ay kabaliktaran ng kapitalismo. Ito ay naka pokus na magkaroon ng


pantay pantay na kita at ariarian ang mga tao.
IV. BIBLIYOGRAPHIYA

https://prezi.com/p/h0ecchsspoat/fildis/?fbclid=IwAR2AaxweJdX7K8tWX2yJ8kbahjt7pkUFBq
M28rI6qjMqPyBw5e_P6cZi2ik

https://mimirbook.com/tl/f5783022e12

https://brainly.ph/question/1791175?fbclid=IwAR2NnfjcBZisXAUzUgqI739ZWI9tFhfZQhBO0
5Cs8am6st7HBoRdp53SrXc#readmore

https://study.com/academy/lesson/economic-deregulation-definition-benefits-
example.html?fbclid=IwAR23x3vJ5n-
QsCTtF5FS686TYymCUajC7Snrw_ZVNBwX8OvNlkrZTy_yQRA

https://www.investopedia.com/terms/p/privatization.asp

https://www.slideshare.net/mikethess/globalisasyon-at-iba-pa?fbclid=IwAR1a8N29bk2WA-
DyVgB9jQh6LcVIZiFrV6U37SsvPGjQABQnU9O1KF1sHuE

https://brainly.ph/question/287825

https://philippineculturaleducation.com.ph/nasyonalismo/

You might also like