isang batang babae na parating suot-suot ang kanyang pulang kapo, kaya siya ay binansagang “Little Red Riding Hood”. Siya ay binigyan ng kanyang nanay ng bakol na puno ng prutas at tinapay. -Ito’y kanyang ihahatid sa lola na nakatira mamalim sa kagubatan. Sa kanyang pagpunta sa kanyang lola, may nakilala siyang isang lobo. Ang lobo na ito ay nagpakita ng kaaya-ayang ugali kaya sila’y naging magkaibigan. Mabait na susmagot si “Little Red Riding Hood” na siya’y pupunta sa tahanan ng kanyang lola na nasa gitna ng kagubatan. Ang lobo naman ay nag-alok ng mass mabilis na ruta na pwedeng daanan ng batang babae. Ang lobo tumuro kung saan siya nanggaling. Ang mga salita ng lobo ay pinaniwalaan ng batang babae kaya siya ay naglakad patungo kung saan nagturo ang lobo. Samantala, ang lobo ay dali-daling tumakbo patungo sa bahay ng lola ng batang babae. Ang lobo ay mayroon palang masamang balak na gawing hapunan ang lola ng batang babae. Si “Little Red Riding Hood” naman ay natagalan makarating sa bahay ng lola dahil ang daan na kanyang kinuha ay mas mahaba at matagal pala. Sa kanyang pagpasok sa tahana, ang lobo ay nagtaklob sa ilalim ng kama ng lola sapagkat kinain na niya ito. Nilapitan at kinausap ni “Little Red Riding Hood” ang lobo na suot- suot ang damit ng lola ng batang babae kaya napagkamalan niyang lola niya ito. Sinabi ng batang baba “Lola, Mayroon po akong dalang pagkain para sa iyo”. Kinuha at hinaplos ng batang babae ang kamay ng lobo ngunit ito’y agad na nagulat. Sumigaw ang batang babae, “Kay laki naman po ng iyong kamay, lola!”. Ngunit napansin ni “Little Red Riding Hood” na madami and kakaiba sa kanyang lola. “Ang laki din po ng iyong mata at ngipin!” sigaw ng batang babae. Tuluyang natakot ang batang babae at binitawan ang kamay ng lobo. Nagsimulang tumakbo ang batang babae ngunit siya’y hinabol ng lobo na pinakita na ang tunay na anyo. Napasigaw sa takot si “Little Red Riding Hood”. Sa magandang palad, narinig ng isang mangtotroso ang mga sigaw ng batang babae. Niligtas ng mangtotroso ang batang babae at ang kanyang lola galing sa masamang lobo. Nang makabalik na si “Little Red Riding Hood” sa nanay nya, ipinangako niya na di na sya muling makikipagusap sa mga di kakilala, lalo na sa isang lobo.