Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FEU Roosevelt

Cainta, Rizal

REAKSYONG PAPEL SA

BUHAY AT MGA AKDA NI RIZAL

IPINASA NI:
SHARON MAE D. ANDERSON

IPINASA KAY:
PROF. WILLIE L. DELA CRUZ
IKA-17 NG MARSO, 2020
I. PAMAGAT:

A. DIREKTOR AT PRODYUSER

Sa direksyon ni Tikoy Aguiluz, na siya rin naging prodyuser

ng pelikulang RIZAL SA DAPITAN, ay naisa-pelikula ang apat na

taong naging buhay ng isang propagandista at patriyota, ang

pambansa nating bayani na si Jose Rizal.

Si Amable “Tikoy” Aguiluz ay kilala hindi lamang sa pagiging

isang magaling na Direktor, Prodyuser, Tagasulat ng Senaryo o

Screenwriter sa Ingles at Cinematographer, nakilala rin siya

bilang taga-pasinaya ng ng Cinemanila International Film

Festival sa Maynila.

Si Aguiluz ay isa sa mga itinuturing na batikan sa larangan

ng paggawa ng pelikula sa bansa. Nagtapos sa Unibersidad ng

Pilipinas sa Kursong Panitikang Panularan o Comparative

Literature at Sining Pangkomersyo o Fine Arts. Kinilala bilang

isa sa mga tagapag-taguyod ng UP Film Center, na ngayon ay kilala

sa tawag na UP Film Institute, hanggang 1990, kung saan ay

pinamunuan niya ang isang samahan na tinawag na Chamber Film

Group. Naging iskolar ng John D. Rockefeller III sa Unibersidad

ng New York upang mag-aral ng paggawa ng pelikula o film making

at film archiving naman sa Library of Congress (Film Archive) sa

Washington, DC; at sa Museum of Modern Art sa New York. Isa pang

iskolarship ang natanggap niya mula naman sa British Council para


maipagpatuloy, mapaghusay, at mapalawig pa ang kaalam sa paggawa

ay pag-archive ng mga pelikula sa British Film Institute.

Isa ang RIZAL SA DAPITAN sa mga natatanging likha ni

Aguiluz. Umani ito ng mga parangal at papuri hindi lamang dito sa

Pilipinas ngunit gayun din sa iba’t ibang bansa. Mga parangal

mula sa Philippine Movie Press Club’s Star Awards at Filipino

Academy of Movie Arts and Sciences Annual Awards. Naipalabas ang

pelikula sa iba’t ibang bahagi ng mundo gaya sa kauna-unahang

Philippine International Film Festival sa Toronto International

Film Festival na ginanap sa Mar del Plata sa Argentina at

Singapore, sa tulong ng Culture Committee ng UNESCO National

Commission of the Philippines. Iginawad ang Grand Jury Prize sa

pelikula sa Brussels International Film Festival kung saan

itinanghal din na Best Actor si Albert Martinez sa naging

pagganap niya bilang si Rizal.

B. MGA TAUHAN AT GINAMPANAN

Ang batikang aktor na si Albert Martinez ang gumanap bilang

si Dr. Jose Rizal, kung saan siya nakatanggap ng pagkilala bilang

best actor sa Manila Film Festival at sa Brussels International

Film Festival. Ang mga sumusunod ay ang ilan pa sa mga artista at

mga papel na kanilang ginampanan sa pelikulang RIZAL SA DAPITAN:


a. Amanda Page bilang Josephine Bracken, naging

kasintahan ni Rizal ng ipatapon ito sa Dapitan.

b. Roy Alvarez bilang Kapitan Ricardo Carnicero,

gwardiyang naging taga-bantay ni Rizal sa Dapitan.

c. Cris Michelena bilang Padre Obach, ang paring

sumubok ngunit nabigong pilitin si Rizal na magbalik

look sa simbahan at gobyerno.

d. Candy Pangilinan bilang Maria Rizal, kapatid ni

Rizal na nagpabatid sa kanya ng balitang nagtaksil

si Josephine.

e. Tess Dumpit bilang Narcisa Rizal, isa sa mga kapatid

ni Rizal na nakasama niya sa Dapitan.

f. Rustica Carpio bilang Doña Teodora Alonzo, ina ni

Rizal.

g. Jaime Fabrigas bilang Padre Francisco Sanches,

Heswitang guro ni Rizal na tumulong sa kanyang

matupad ang pangako niyang maisaayos ang bayan ng

Dapitan.

h. Paul Holmes bilang George Taufer, ama ni Josephine

Bracken na nagpagamot kay Rizal.

C. PANIMULA

Nagsimula ang pelikula sa pagpapatapon kay Jose Rizal sa

bayan ng Dapitan sa probinsya ng Zamboanga taong 1892 sa


kadahilanang pagtuligsa niya sa relihiyon at gobyernong Kastila.

Sa unang araw niya ng ipatapon sa bayan ay nakilala niya si Padre

Obach, sinubukan ng Padre na hikayatin si Rizal na magbalik loob

sa simbahan at sa gobyerno ngunit nabigo ito. Matindi ang

paninindigan ni Rizal na ipaglaban ang Pilipinas sa paraang

naging dahilan ng pagpapatapon sa kanya sa Dapitan.

Sa kanyang pagdating rin ay nakita niya ang kalunos-lunos na

kalagayan ng bayan ng Dapitan. Ipinangako niya na gagawin niya

ang lahat upang maisaayos at mapaunlad ang bayan.

D. KATAWAN

Naging makabuluhan ang pamamalagi ni Rizal sa Dapitan, sa

kanyang nagging piitan. Isa sa mga naging proyekto niya ay ang

paglalagay ng patubigang kawayan, pagpapatanggal ng mga tubig sa

mga ilat upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok na maaring

maging pagmulan ng sakit na Malaria.Nagpalagay din siya ng mga

lamparang gawa sa niyog para sa mga kalsada. Sa tulong naman ng

Heswitang guro niya na si Padre Francisco Sanchez ay naipaayos

niya ang liwasang bayan. Dito makikita na higit pa sa isang

bilanggo si Rizal sa Dapitan siya rin ay naging isang guro,

manggagamot, at naging tagapamahala rin siya ng kaniyang naging

bukirin.
Dumating ang ina ni Rizal na si Doña Teodora kasama ang mga

kapatid niyang sina Narcissa at Maria. Ang kaniyang ina ay isa sa

kanyang mga naging pasiyente. Ang Amerikanong si George Taufer

naman ay dumalaw sakanya upang magpagamot ngunit nabigo si Rizal

sa kadahilanang hindi sakop ng kakayanan niya ang kalagayan ni

Taufer. Dito niya nakilala ang anak-anakan ni George na si

Josephine Bracken na kalauna’y nakapalagyan niya ng loob.

E. KASUKDULAN

Napagkasunduan ng magkasintahan ng magpakasal, na mariing

tinutulan ng pamilya ni Rizal lalung lalo na si Maria na

naniniwalang taksil si Josephine sa kapatid. Hindi man natuloy

ang kasal nila sa simbahan ay napagdesisyunan pa rin nilang

magsama bilang mag-asawa.

Kasalukuyang nagdadalang tao noon si Josephine sa anak nila

ni Rizal na tinawag ni Rizal na Francisco ng malaman niya ang

ginawang pagtataksil ng kinakasama. Ang pagkakamalabuan ng dalawa

ang siyang naging dahilan ng pagkalaglag ng bata sa sinapupunan

ni Josephine.

F. WAKAS

Nagtapos ang pelikula sa paglisan ni Rizal kasama ang

pamilya sa bayan ng Dapitan. Ang buong bayan ay nabalot ng

kalungkutan sa kanyang pag-alis patungong Cuba. Isang epilogo ang


nagpaliwanag na nais ni Rizal na pumuntang Cuba upang magtrabaho

doon, nabanggit din sa epilogo ang pagka-aresto sakanya, ang

paghatol sa kanya ng kamatayan, pagbaril sa Bagumbayan at ang

pagsibol ng Philippine Revolution.

G.REAKSYON

Masasabi kong isang malaking tagumpay ang pelikulang RIZAL

SA DAPITAN. Naging mahusay ang pangganap ng mga aktor sa

pelikula. Nabigyang hustisya nila ang bawat karakter na

ginampanan ng bawat isa. Masasabing naging makatotohanan ang

kanilang pagganap.

Naging maganda at akma ang mga salitang napili para sa

iskrip ng mga tauhan lalung lalo na sa karakter ni Rizal. Ang mga

malalalim at matatalinghagang salita sa iskrip ay nagbigay

katwiran at hustisya sa katalinuhang taglay ng ating pambansang

bayani.

Makikita ring na naging mabusisi ang produksyon sa naging

setting ng pelikula. Ang bawat detalye, mga kasuotan, ang mga

disenyo ng lugar, kapaligiran ay akmang akma at nagpapakita kung

ano nga ba ang Dapitan noong naipatapon doon si Rizal at bago

niya ito lisanin.

Sa pangkalahatan, masasabi kong ang pagkilalang natanggap ng

pelikulang ito mula sa buong mundo ay sapat na upang sabihing


napakagaling ng pagkakagawa at pagkakasabuhay ng pelikula sa

naging buhay ni Rizal sa Dapitan. Pinatunayan rin ng pelikulang

ito na kayang makipag sabayan ng pelikulang Pilipino sa buong

mundo.

II. MGA ARAL AT MENSAHENG IPINAPABATID

Isa sa mga pinaka mahalaga at magandang aral na mapupulot mula

sa pelikula ay ang patuloy na paunlarin ang kakayahan mo kasabay

ng pagpapatibay ng relasyon mo sa Panginoon kahit na sa oras na

ani mo’y nawawalan ka na ng pag-asa. Ipinakita ito ni Rizal na

kahit na siya ay naipatapon bilang bilanggo sa Dapitan ay naggawa

niya pa ring pagyamanin ang sariling kakayahan kasabay ng

pagtulong mapaunlad ang bayan at ang mga mamamayan nito.

Malinaw rin na ipinapahatid ng pelikula sa mga manunuod nito

na marapat mong ipaglaban ang siyang alam mong tama at ang

ninanais ng iyong puso.

Ipinapabatid din ng pelikula ang kahalagahan ng pagkakaroon ng

paninindigan at ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bayan.

III. MGA ISYUNG PANLIPUNAN NA NAKAPALOOB SA PELIKULA

Isa sa mga isyung natalakay sa pelikula ay ang sitwasyon ng

bayan ng Dapitan ng dumating doon si Rizal. Kalunos lunos,

kapansing pansin na napabayaan at tila ba nalipasan na ng


panahon. Ito ang dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Rizal na

tulungan ang bayan na makabangon.

Isa pang isyu na kapansin pansin ay ang pagiging mapang-abuso

sa kapangyarihan ng mga nasa posisyon. Nagpapatunay ito na mula

noon hanggang ngayon ay hindi pa natin nawawaglit ang

impluwensyang iniwan ng mga Kastila lalung lalo na sa paghawak ng

kapangyarihan. Hindi maitatanggi na hanggang ngayon ay marami pa

ring mga mapang-abusong opisyal sa Pilipinas.

Sa Pamilya naman, isa sa mga kulturang Pilipino na marapat na

matanggal ay ang pangingialam ng magulang at ng iba pang miyembro

ng pamilya sa buhay ng kapamilya nila. Hindi tamang diktahan ang

isang tao dahil lamang hindi pabor sayo ang o hindi ka sang-ayon

sa sitwasyon.

IV. DOKUMENTASYON

“Reel Heroes: 10 Actors who Played Them in Movies”. August

30,2010. (https://www.spot.ph/shopping/shopping-sale-

alerts/46442/reel-heroes-10-actors-who-played-them-in-movies)

Israel, Lorna (2011). “A Body in Permanent Transit: Jose Rizal’s

Exile as Spatial Performance”. ManyCinemas 2. P.54-66

(www.manycinemas.org/Lorna_Israel/articles/mc02_Israel.html?
file=tl_files/manycinemas/theme/issues/issue_02/pdf/mc02-

israel.pdf)

You might also like