Year A - 2nd Sunday of Advent

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

2nd Sunday of Advent

John foreshadows the arrival of Jesus – calls for conversion and preparedness

I. Greetings! Pagtitipon ng sambayanan. Tayo ay nasa pangalawang linggo ng Adbyento. Ngumiti po


tayo. Hindi po kwaresma. Kamustahin ang katabi, batiin ang katabi.
II. Nasindihan na natin ang pangalawang kandila ng korona ng adbiento. Ibig sabihin, 2 linggo na lang,
pasko na. at dahil tayo ay nasa panahon pa din ng adbiento, tayo ay nasa panahon pa din ng
paghahanda.
III. Sino po ba dito ay mga naikasal na? Di po ba ang kasal ay isang araw na talaga naman punong
ligaya at galak para sa mga mag asawa. Kaya naman ang paghahanda dito ay sobra sobra na lamang,
no? kadalasan, kung kaya lang naman, ginagawa talaga itong magarbo. Sapagkat, para sa mag
asawa, ang kasal ay napakahalaga, ito ay mahalagang yugto ng kanilang buhay kaya dapat
paghandaan.
IV. Seagames
V. Pope Francis
VI. Mga kapatid, nakadepende ang ating paghahanda sa kung gaano kaimportante ang darating.
Ang Kasal, pinaghahandaan kasi importante, ang SEAGAMES pinaghahandaan kasi nais nating
maging mabuting host, si Papa Francis ng dumating, lahat plantsado.
VII. Eh ngayong panahon ng adbiento? Paanu tayo naghahanda?
VIII. Linawin muna natin ang salitang adbyento, para malinaw sa atin ang paghahanda. Ang adbiento ay
galing sa salitang latin na “adventus” na ang ibig sabihin ay “paparating” dito nating hinahanda an
gating sarili sa pagaalaala ng kapanganakan ng ating panginoong Hesukristo. Ngunit ang salitang
adventus ay galing din sa salitang “Parousia” na ang ibig sabihin ay “pangalawang pagdating.”
Kaya ang adbiento ay hindi lamang pagunita sa kapanganakan ni Hesus, ito din ay paghahanda para
sa muling pagbabalik ni Kristo.
IX. Tanong: mamayang gabi, handa na ba kayo na hindi magising bukas?
X. Ngayon sa ikalawang linggo ng adbiento, pakinggan natin ang simple ngunit importanteng
panawagan ni Juan Bautista: “Maghanda. Gawing tuwid ang dadaanan.”
XI. Dalawang bahagi ang paghahanda na panawagan ni Juan. Una ay ang imbitasyon na talikdan ang
mga nakaugaliang masama. Nailigtas na tayo ng ating Panginoon sa Krus. Iniligtas nya tayo, kahit
hindi tayo karapat dapat para dito. Hindi naman tayo karapatdapat iligtas, pero, kagaya ng isang
mapagmahal na Ama, ang Diyos ay ililigtas tayo sapagkat tayo ay mahalaga para sa kanya. Kaya ang
panawagan ngayon sapagkat iniligtas tayo sa ating kasalanan, ay tumalikod tayo sa mga ito. Ang
mali kahit gawin pa ng lahat, kahit popular pa sa lahat, ay hindi dapat gawin. Kalakip ng ating
pagtalikod sa kasalanan ay ang pagyakap sa buhay na mismong si Hesus ang nagbigay halimbawa.

XII. Ang ating Panginoon ay naging tao kagaya natin at nagbigay ng halimbawa sa atin kung paanu
mamuhay para sa iba /at/ para sa Diyos. Anu pa ang kasalanan sasa salitang Ingles ay “sin” at
nasa gitna ng salitang ito ay ang letrang “I.” ako. Anu pa na ang ugat ng mga kalasanan ay ang
pagiging makasarili. At ito ay sinabi ni Juan Bautista sa mga Pariseo at Suduseo na ang tingin sa
mga sarili, sa konteksto ng kasulatan, ay ang pananaw na sila ay ang mga pinili, kapadapat, walang
bahid. Ang buhay ni Hesus ay buhay para sa iba, kung punong puno ang mo ng “ako, ako, ako.”
Naku, baka walang puwang djan ang “iba.” Bigyan ng pagkakataon ang iba.
XIII. At ito ay isang napakagandang repleksyon lalalung lalo na sa nalalapit na tao ng interreligious
dialogue at ecumenism. Huwag tayo maglagay ng balakid sa tuwid na daraan ng Diyos. Mga
kapatid, ang kaligtasan ay hindi binibigay ng simbahan Katolika. Ang kaligtasan ay ibinibigay ng
Diyos. Sa tingin ba ninyo, ipagkakait ng Diyos ang kaligtasan sa taong hindi Katoliko pero
namumuhay ng matuwid?
XIV. Sa ikalawang linggo ng adbiento, laging isa isip ang panawagan ni San Juan: Maging handa, ituwid
ang daraanan.

You might also like