Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Officials

#1: Siguro, makakatulong ‘yan dun sa mga taong walang hanap buhay, siguro iyan ang isa sa maganda
dyan, kung sila’y matututo dahil iyan ay pwedeng gawing business di ga?

#2: Ang magandang implikasyon diyan ay ano, una makikita ang finish product tapos kung ito ay
affordable naman ang bags na ‘yan at ang quality ay maganda, sigurado ako ang implikasyon niyan ay
maganda ang business kasi titignan muna kung ang kalidad ng product.

#3: Siguro pwedeng mabago yung buhay naming lalo na pag may pwede ng pagkaabalahan kasi kung
may gagawin na kami na bag, baka pwede pampalipas oras yan tas magkkwentuhan edi bonding din yun
syempre eh magkakasama sama eh tapos may gagawin namang bag o di naman kay ay magbebenta na
ano

#4: Kasi pag nakita ng mga tao yang bag para kasing lagi nila yan na magugustuhan kasi nga maganda edi
bibili naman sila, para gang lagging magkakapera dyan sa mga bagay nay an eh, tas kung gagawa naman
ay baka ayos din gawang may mananahi naman ditto ay edi pwede naman siguro

#5: Nawa ay makatulong yan sa amin kasi madami ding walang trabaho baka pag meron nyan eh
syempre maibebenta naman yan tapos magkakapera kami pang gastos tas ituturo naman yan dadami pa
yung pwedeng sumali sa paggawa eh

#1: Ganon din kasi dito kasi samin sa Barangay, ‘yung nakikita ng tao na hanap buhay halimbawa niyan
na nagki-click ay pinag-iinteresan, ay ginagaya, sinusubukan at ang epekto niyan dito sa barangay
naming ay maaaring makatulong ng maganda dun nga sa sinasabi namin na mga walang hanap buhay.

#2: Sa katulad naming mga business minded ay kung may pagkakataon ng pagkakakitaan ay pwede
naming ipasok sa aming business kasi kami ay mga black pepper dealer, kapag nakita naming na
magandang mapagkakakitaan ay why not? At saka good opportunity ‘yan sa amin.

#3: Aba ay siguro yung mga walang trabaho o mga matatanda ay lagging matutulungan ano, baka yun
bagang 4Ps ay matutulungan eh madami din sila eh tas yung mga purok leaders ano nandyan din, para
bang yung mga grupo grupo ay nandyan tas matutulungan pag sumali ano gawang magkakapera eh

#4: Syempre tutulong lagi ang barangay naman sa mga samahan eh gawang kaya nga ibinoto ay nandyan
para makatulong ano tas papagandahin lagi yung parang buhay ng tao gawang may pagkakaabalahan na
gawang may oportunidad yan eh para sa lahat

#5: Ay baka naman yang proyekto ay makaapekto sa samhan nga ng tao gawang syempre kung
matutuloy ay diga lagging magsasama ay para gang maayos ganon, tas prara din namang mag aayos nga
at lagging nandon ay maggagawa ng bag na iyan

#1: Parehas na din kasi isa naman ang aming negosyo, nagkakapareho din kami dun sa pananaw hingil
nga diyan sa product na ganyan nagiging maganda ang tingin ko kasi marami naman talaga dito sa
barangay namin ay business minded.
#2: Kung may mga finances tayo na makuha at may mga magpa-facilitate ng makina, may taong
magtuturo, dito sa barangay ay may marami pa ring mga indigent, ay kung mabigyan ng pagkakataon
ang mga ito na i-train mo sila, ito’y magandang pagkakitaan.

#3 Kasi ako naman ay naniniwala na para gang mag aayos yang bag nyo ng trabaho eh, para bang kasi
nay an sadya ay magugustuhan ng tao kaya kung ano man, magtatrabaho sila dyan ay sana lang ay may
capital ano, na syempre pera ay dapat meron gawang kailangan magsimula dyan din eh diga para may
magawang gamit

#4: Ay sana nga matuloy ayan ao, gawang para ga namang ang mga tao ay magugustuhan yan eh na kasi
nga kailangan ng trabaho para magkapera, kung matuturuan lang ang mga tao ay di ga ay maganda
namana ano gawang gusto din namang magtrabaho ng mga iyan ay syempre hindi laang alam kung
paano at saan kaya naman kung baga naghihinatay lang ang mga iyon ng papasukan eh kaya pagnatuloy
iyan ay tunay natatangkilikin ga

#5: Aba ay tunay na pagkaganda niyang proyektong iyan kaya nawa ay matuloy ano, gawang kailangan
sadya ng mga tao ng pagkakakitaan eh tapos sa tingin ko naman at magaayos yan

#1: Ang advantage nga nyan dito sa barangay pagkamayroong ganyan na natuturuan at least ay marami
ang matututo, marami ang makikinabang at kung sakali na mag-click ay ‘yung hanap buhay ay tataas ang
antas dito sa aming barangay, hindi lang ‘yung mga kagaya namin na naghahanap buhay ng black pepper
kundi ‘yung iba din na talagang interesado at gusto na subukan iyan, ang tingin ko ay maiimprove ang
kanilang buhay.

#2: Ang mga kapos palad nating mga ka-barangay ay mataas din ang kanilang label, kasi ang sa tao
naman depende sa pagdadala, mayroong tao na may pagkakataon na, pero mahina dumiskarte pero
mayroon naming mga tao na may pagkakataon na mayroong fund tayo, makina or whatsoever, ay may
mga tao na pursigido ay aangat ang kanilang buhay.

#3: Ay baka naman gawa niyan ay maging mas maayos ang buhay ng mga tao kasi nga magkakapera pag
may trabaho na tapos para gang syempre magkakasama sama din nag mga tao eh, para gang mag
kakaayos ano syempre bonding gat as syempre lagging magtutulungan

#4: Ay makakatulong iyan sa barangay mismo gawang kaming mga konsehal ay mas dadali ang paraan
ng pagtulong, syempre may trabaho na para gang mangunguna na lang kami makikita talaga na may
ginagawa kami para sa ibang tao

#5: Siguro naman ay magdudulot yan ng mga pagbaabgo sa buhay sa barangay na may mga
pagkakaabalahan na ang mga tao ano para nga may pera at trabaho din

#1: Mas lalong madadagdadan nga kasi kahit ano namang klase ng hanap buhay ‘yan ay pagkanakita ng
mga kabarangay, ng mga tao na diyan ay magiging maganda ang kita lalo’t matututo at isa pa’y hindi
naman mahirap ibenta ang ganyan ay unang-una ay matutuwa sila dahil ‘yon ang kailangan ng mga taga
barangay na nasa bahay na di na sila aalis, kung sakaling magkaroon ng ganyan ay dito na sila
maguumpisa para sila ay makapag hanap buhay ng kagaya ng sinasabing “Pocket-In bag”. Pagnagkaroon
ng ganyang hanapbuhay saaming barangay, unang una mayroong kooperatiba na naghahanp din talaga
ng ibang resources ang ibang miyembro kung paano kikita ang mga miyembro lalo na’t sapagkat may
mga finished product na, pwede ng I display, makikita ng mga tao, so magkakaroon sila ng interest,
maeenganyo silang bumili, mahihikayat din sila na gawing hanap buhay yan

#2: Pag nag-click ‘yan, kung sakaling may mga finish product tayo, maraming mamumuhunan niyan, iyon
naman pag maraming namumuhunan ‘yung mga indigent naming ditto pwede silang makapag trabaho,
makukuha natin sila para maglako kasi dito, may gawaan ng mga sa bintana kaya dito sa barangay namin
maraming pursido sa hanap buhay kahit pa hindi ka masyado nakapag aral pag pumasok ka ditto sa amin
sa barangay Sampaguita, nagiging milyonaryo sa balck pepper. Kung may pagkakataon naman na may
finished product na tayo, why not? Baka sasabihin natin sa mga indigent natin dyan na magkakakilala na
magporsyentuhan kayo, upang magkaroon ng magandang kinabukasan sa kanila at sa paghahanap
buhay. Kung walang pagkukuhanan ng puhunan nandyan naman anag kooperatiba ay pwedeng
matulungan sa aming barangay. Marami kaming mga barangay na kapos palad pa din.

#3: Ay oo naman, yan ay papatok at dagdag kabuhayan saamin ditto gawang kami naman sadya ay
naniniwala na para gang Malaki maitutulong nyan saamin para nga makapagtrabaho ang mga tao,
syempre para magkaroon ng pera

#4: Madami naman diyan napapasok na mga tao at magugustuahn nila ang mga iyan gawang tulong sa
kanila eh, na para gang bigla na lang dadating na may pagkakataon na kumiti na syempre yan ay pagiging
isang malaking tulong lalo na sa kanilang pamilya para mabili nila ang kanilang mga gusto.

#5: Sigurado na, na ang mga tao ay tatangkilikin iyan lalo nap ag walangtrabaho gawang nandyan ang
pera eh, pag salat sa buhay ay tunay na matutuwa at di na magisiip pa, gawang sasali agad syempre
gutso naman ng lahat na magkaroon ng ang pagkakitaan

Residents:

#1: Kaya tayo may bag, para malagyan ng gamit, lalo na at mga kailangan ay ilalagay sa bag ganon, tas
makakatulong yan gagawa, magkakatrabaho

#2: Magagamit sa bahay, kahit sa school, sa pagpunta kahit sa opisina, pwedeng lagyan ng mga gamit sa
katawan tas syempre kami gagawa edi magkakapera kami

#3: Yung sinabi lang din nila ay ganon din eh na parang syempre magkakaroon ng hanapbuhay

#4: Siguro matutuwa ang tao na may gayang mangyayare sa amin gawang kakaiba tas papasok pa sila
ano

#5: Aba ay magugustuhan iyan ng tao gawang pagnagbenta sila aba ay edi may para ano tas gagamitin
din naman yang bag na yan
#1: Kailangan talaga may bag, importante na may bag tayo, kasi kahit anong ilalagay, may malalagyan
tayo, pwedeng ibenta, madaming magandang madudulot na magagawa yan kasi pag ginagawa yan
pwede din naming gawin

#2: Yang mga bag nay an ay pwedeng gawin ng isang tao, at lalo na kung kakayanin magawa. Kung
magkakaroon ng pagawaan ako ay papasok upang matuto paggagawa

#3: Pwedeng makapaggawa ng bag na marami tapos ay ibebenta sa ibang mga tao. Magkakaroon ng
maganda epekto pagkay uunalad ang aming barangay ata makakapag bigay ng trabaho pagkat dadami
ang pwedeng pagkunan ng pera sa pagkat ito ay lalago.

#4: Ay syempre parang mag aayos lalo ang barangay ano, lalo na at syempre nandyan naman si kapitan
at kagawad na parang mag aayos ga, tutulungan kami dyan eh

#5: Aba ay syempre yung mga grupo grupo dito ay mabubuo at matutulungan syempre na parang sila ay
maeenganyo na sumali eh tas magagawa ang mga yan panigurado.

#1: Makakapag ipon din ng pera pag nakapag-ipon ng produkto

#2: Kailangan magsikap sa kahirapan ngayon, kaya maghanap buhay at kung may pagawaaan ay papasok
at doon magttrabaho tungkol sa mga bag na iyan

#3: Ay oo maganda iyon at lalo na at hanap buhay na sa mga taong walang trabaho

#4 Aba ay makakabuo tayo ng isang maayos na pagkakakitaan dahil dyan panigurado

#5 Laging nandiyan ang mga tao para tangkilikin yan gawang makakatulong nga eh sa mga walang
trabaho at sigurado ako na madaming sasali at magkakagusto

#1: Pagnakapag ipon ng pera galling dyan sa trabaho, pwede tayong makabili ng ibat ibang bagay, tulad
ng mga tricycle bilang pang hanap buhay ng iba, at iba pang gusting mabili pag nakaiipon, ang gusto
nating makamit

#2: Ay di, pagnenegosyo, matututo magapatakbo ng iba pa kunyare sa pagbibigas, ilan ang kailangan na
tao

#3: Aba ay matututo ang tao na magnegosyo ano gawang syempre nandyan na eh, para gang mas
maututo kami dit sa mga ganyan ganyan

#4: Aba ay lagging may gugustuhin iyan na sasali at iyan ay maganda ga at gawang kami aykami ay
magkakasama sama din eh

#5: Anla ay syempre bonding at trabaho nga para gang kami ay magkakasama sama sadya pag
nagtatarabaho gawang nasa barangay na tapos syempre tulong lagi saamin ano
#1: Tataas siguro ang pagkakakilanlan dito ay syempre pagkilala na ay lagi kayong pupuntahan,
maraming dadayo sa inyo, na sasabihin sa kakilala upang mabili ang produkto kasi nga mura, kasi
pagmahal di talaga bibili at walang pera,ang kaya lang ng bulsa nila Makakadagdag siguro sa kanilang
pera kasi ng uso at mabibili, basta mura at kaya ng bulsa nila

#2: Iyon nga ibebenta mo, lalo na sa mga kaibigan upang magkahanap buhay, kung meron ngang hanap
buhay na ganyan.

#3: Aba ay mag aayos ang pangkabuhayan dadami pa ang mga tao na magkaktrabaho

#4: Para gang syempre nandyan na iyan eh, pag natuto kami ay syempre tuloy tuloy na iyan ano, tas lagi
namang magugustuhan iyan ditto panigurado

#5: Bale kung baga, makikilala nga an gaming barangay sa bagay na iyan gawang kung kami ay
magagawa nyan syempre sasabihin na sa barangay naming yan, para gang kami ay uunlad dahil dyan eh
tas makakatulong nga sa tao ano

You might also like