Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Joshua Ismael S.

Puto N1

Panuto: Ang larong ito ay mangangailangan ng dalawa o higit pang manlalaro at isang
“arbiter” o tagapagpasiya. Ang mga manlalaro ay magpapalit-palit na magsasalita ng
apat (4) na salita ng taon ng pasunod-sunod ayon sa taong nominado o nanalo ang
salitang ito. Bawal maulit ang salitang naisabi na. Ang arbiter ay may hawak ng susing
kasagutan ng tamang pasunod-sunod ng mga salita at siya ang magsisigurado na tama
ang sagot ng bawat manlalaro. Kung mali ang pasunod-sunod o may naulit na salita
ang isang manlalaro, mayroon pa siyang pagkakataon na hindi maalis o ma-out sa laro
kung sabihin niya ang nanalong salita ng taon ng unang salita na naisabi niya. Kung
hindi tama any kaniyang sagot ay “out” na siya sa laro. Paulit-ulit lamang ang larong ito
hangga’t maubos ang mga salita o isa na lamang ang manlalarong natitira.

HALIMBAWA:
1. Mga halimbawa ng tamang sagot:
2. Canvass-Oragon-Ondoy-Selfie ✔
3 .Miskol-Jejemon-Wangwang-Tokhang ✔

4. Pagpag-Imba-Netizen-Dilawan ✔

5. Troll-Miskol-Fotobam-Selfie ✖
6. Whistleblower-Viral-Dengvaxia-Tapsilog ✖

Kung mali ang pasunod-sunod, kailangan ng manlalaro na sabihin ang nanalong salita
ng taon ng unang salita na naisabi niya. Kung sa halimbawa bilang 5, ang tamang sagot
ay “tokhang” dahil galing ang salita na troll sa mga salitang nominado noong 2018 at
“tokhang” ang nanalong salita. Sa halimbawa bilang 6, ang sagot ay “selfie” dahil ito ang
nanalong salita noong 2014 at nominado lamang ang salitang “pagpag.”
Joshua Ismael S. Puto N1

You might also like