Heneral Luna and Goyo: Ang Batang Heneral

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

VIPINOSA, Samantha Alexa Marie V.

11714026 Pebrero 13, 2020

HENERAL LUNA (2015) AT GOYO: ANG BATANG HENERAL (2018)

Si Antonio Luna at Gregorio del Pilar ang mga personalidad na kinikilala pa din
ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Ayon kay Heneral Luna, ang mga Pilipino ay labis ang
pagpapakita ng pagmamahal, pag-aalaga, at pagrespeto sa bayan at sa mga tao.
Gusto niya na magkaroon ng sariling imahe ang Pilipinas kung saan malakas at may
paninindigan sa karapatan ang bawat tao. Nagagalit at nalulungkot siya noong
panahong tayo ay nasa gyera kung kaya’t hinihikayat niya ang mga taong gumawa ng
aksyong upang ipakita ang pagmamahal sa bayan ng Pilipinas. Meron din siyang mga
interes na kadalasan ay hindi sinasang-ayunan ng iba katulad ng presidente.
Naniniwala siya na ang mga Pilipino ay sadyang matitigas ang ulo na ipipilit ang
kanilang pinaniniwalaan at ipakikipagsapalaran ang kahihinatnan ng kanilang desisyon.
Sa pangkalahatang, kumakatawan ditto ang personalidad ng isang Pilipino na ay puso
niya ay tapang at lakas upang makamit ang minimithi.

Kaiba naman ito kay Goyo kung saan madami siyang nakamit na karangalan at
nagpapakita ng kagalingan sa mga tao. Sa komunidad, ang mga tao ay nahihiya sa
mga tao katulad niyatanda ng paggalang ngunit sa labas ng komunidad, ibig sabihin
nito ay ay pagiging mababang antas. Pinapakita rin ni Goyo itong ugali kung siya ay
skasama ng presidente o yung tatay ng babae niya na gusto. Si Goyo ay napapalibutan
ng mga taong mahilig makipag-usap sa kanya at ang iba naman ay sa kanilang kapwa
na nangangailangan ng relasyon sa lipunan. Ang mga matanda ay nakikita siya bilang
pag-asa ng bayan kung saan kahawig ng isang Pilipino na nakikita din ito sa mga
bagong henerasyon sa hinaharap. Sa kalagitaan ng palabas, isang pagdiriwang ang
ginanap para kay Goyo. Ang pagdiriwang o salu-salo ay ginaganap hindi lamang para
sa magdiriwang kung hindi para magkasalamuha din ang iba’t ibang tao sa okasyon.
Habang nagkakagulo ang dalawang bansa, inutusan ng presidente na lumikas sila
kaysa lumaban. Si Goyo at ang kanyang grupo ay tinanggap ito ngunit may ilan din na
naglabas ng saloobin at hinaing. Ngunit, nung kinakailangan nilang lumaban, mabilis
din silang umalis dahil mas pinili nilang iligtas anf kanilang sarili kaysa tulungan ang
ibang tao. Si Goyo ang isa sa mga taong hindi sumuko at patuloy na lumalaban at
namatay dahil dito. Madaming Pilipino ang hindi sumuko at sinuong ang panganib.
Ipinapakita dito ang pagpapanatili ng relasyon ng bawat tao at ang paninindigan sa
minimithi mo.

Ang dalawang bayaning ito ay sumisimbolo sa personalidad ng bawat Pilipino.


Tulad ng nabanggit, si Heneral Luna ay kinakatawan ang lakas at pagmamahal sa
bayan. Ang katigasan ng ulo nila ang nagpapakita ng paniniwala nila at pilitin ang mga
taong sumugal sa hinaharap. Si Goyo naman ay ipinapakita ang bahagi ng pagiging
mapagbantay ngunit may pinong pag-uugali. Ang mayabang nap ag-uugali niya kung
saan alam kung kelan lumaban o umatras ngunit isinasaalang-alang ang kapakaran ng
mas nakabubuti sa nakararami. Samakatuwid, ang kanilang pagkatao ay konektado at
magkatulad. Sila ay nagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan at kapwa kababayan.

You might also like