Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1

Pagpapahalaga sa Mahihirap
PAGPAPALAGANAP NG
TIWALANG PANSARILI
Ang pinakamagandang alaalang maibibigay natin,

Matulungan ang iba na tumulong sa sarili,

Pagtitiwala sa sarili ay ganap na kapalaran.

Huwag magbigay ng isda, sa halip ituro ang kakayahang


mangisda,

Iwasan ang panghihingi, pasiglahin ang paggawa.

Itigil ang pagiging mamimili, sikaping maging tagapaggawa.

Palaganapin ang disiplinang pansarili

Ihinto ang panadaliang kasiyahan,

Hikayatin ang pag-iimpok na pangmatagalan.


2

Pagpapahalaga sa Mahihirap
PAGKATUTO NG IBA’T-
IBANG KAKAYAHAN

Ang mga kakayahang ating natutuhan,

Tutulong sa ating katatagan,

At magpahalaga sa ating katauhan.

Magagamit natin ang ating kakayahan

Sa pagtamo ng tunay na kalayaang pangkabuhayan,

At pagiging mamamayang may pananagutan.

Pinalawak ng kakayahan ang tiwala sa sarili,

At tuloy gamitin ang ibang katalinuhan

Na nagbibigay-kaganapan sa kabuhayan.
3

Pagpapahalaga sa Mahihirap
PAGKAKAROON NG
KARUNUNGAN

Hindi sapat ang maraming nalalaman.

Ang mahalaga’y matamo ang karunungang

Maglalagay sa atin sa tamang daraanan.

Walang puwang sa isipan ang kawalan.

Dapat itong laging punan,

At huwag pabayaan.

Punuin ito ng bagong karunungan,

Paganahin nang makabuluhan,

Upang makagawa ng pasyang makatwiran.

4
Pagpapahalaga sa Mahihirap
PAGGAWA NANG
SAMA-SAMA

Sa pakikipagtulungan, maraming magagampanan

Kaysa gumawa ng nag-iisa lamang.

Mas makabuluhan ang buting idinudulot

Ng pagtutulungan sa isa’t-isa

Kaysa sa makakamit nang nagkakanya-kanya.

Mababawasan ang kabiguan,

Higit na malaki ang kaginhawahan

Kung sama-samang nakikipagsapalaran.

You might also like