Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Lecture# 1 Petsa

Talambuhay ni Francisco Balagtas

Unang mga taon


Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 02 Abril 1788 sa Panginay, Biguaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang
Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at
Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal
sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa
Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano
Pilapil.

Buhay bilang isang manunulat


Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing
inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal
niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa
pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan
ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante
at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.

Trabaho at Pamilya
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala
si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa. Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54. Sa kauna-unahang
pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng apat na anak kay Juana Tiambeng. Humawak
din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de semantera.

Huling mga Araw


Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya
siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Bago mamayapa, ibinilin niya
sa kanyang asawa na "Huwag mong hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga anak. Mabuti pang putulin mo ang mga daliri
nila kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula." Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at mga anak noong
Pebrero 20, 1862. Namatay siya sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.

Sinasabing ang mga pagsubok sa buhay ni Balagtas, at ang kaniyang pagsusumikap upang malagpasan ang mga ito, ang pumanday sa kaniya
upang maging isang mabisa at matagumpay na makata.

Ang kaniyang mga sinulat


Orosmán at Zafira – isang komedya na may apat na bahagi
Don Nuño at Selinda – isang komedya na may tatlong bahagi
Auredato at Astrome – isang komedya na may tatlong bahagi
Clara Belmore – isang komedya na may tatlong bahagi
Abdol at Misereanan – isang komedya
Bayaceto at Dorslica – isang komedya na may tatlong bahagi,
Alamansor at Rosalinda – isang komedya
La India elegante y el negrito amante
Nudo gordeano
Rodolfo at Rosemonda
Mahomet at Constanza
Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin)
Florante at Laura, isang awit ; pinaka-tanyag na gawa ni Balagtas
Lecture # 2 Petsa:

ARALIN 1- KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ang Florante at Laura ay isang obra maestra ni Francisco Baltazar, na kilala rin bilang Balagtas. Itinuturing ito bilang isa sa mga
pinaka maimpluwensiyang tulang naisulat sa Pilipinas. Ang pamagat ng "Florante at Laura" ay isang pagda- daglat ng aktuwal
na pamagat ng tula. Ito ay may titulong Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Al- banya: Kinuhà sa madláng
cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng Gresya, at tinulâ ng isáng
matuwaín sa bersong Tagálog.

Unang Paglimbag
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles,subalit natupok ang mga ito noong
1945, nang magwakas ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon,
nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel.
Papel dearroz  na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa.
Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870
at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina
ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.

Paglalarawan
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante,
ha- bang nakikinig naman ang muslim na siAladin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling
karanasan at kasawian ni Francisco Baltazar, dahil nakulong siya dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at
kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal
sa pag-ibig. Isinulat ni Baltazar ang Florante habang nasa kulungan.
Ang Florante at Laura ay sinasabing resulta ng pagkabigo ni Baltazar sa pag-ibig matapos mawala sa kaniya ang babaeng
kanyang iniibig nang lubos, si Maria Asuncion Rivera sa isang mayaman at makapangyarihang lalake na si Mariano Capule.
Si Rivera ay umano ang babaeng tinutukoy ni Baltazar bilang “Celia” o MAR sa kanyang tula. Ang Florante at Laura ay
isinulat din upang isalarawan ang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Ipinakikita ng tula na hindi
dapat gamitin ang pagkakaiba ng relihi- yon para diskriminahin ang isa’t isa. Ang Florante at Laura ay itinuturing na awit
ngunit patula ang anyo. Ito ay mayroong 399 na saknong at nakasulat sa isang makatang paraan na may mga sumusunod
na katangian:
 May apat na linya bawat saknong
 May 12 pantig bawat linya
 Ang tugma nito ay AAAA
 Mayroong sandaling pagtigil sa ika-anim na pantig.
 Bawat saknong ay kumpleto at tama sa gramatikong pangungusap.
 Ang bawat saknong ay puno ng talinghaga.

Saan at Kailan isinulat ang Florante at Laura


Walang makatitiyak kung saan at kailan isinulat ang awit. May ilang dalub-aral ang nagsasabing maaaring isinulat ni Balagtas
ang Florante at Laura sa bilangguan ng Pandacan sa pagitan ng 1835 at 1838 nang ipakulong siya ni Mariano Kapule, ang
mayaman at makapangyarihan niyang karibal kay Maria Asuncion Rivera. May ilan namang naniniwalang maaaring isinulat
ito sa mag bilangguan ng Balanga at Maynila sa pagitan ng 1856 at 1860 nang ipakulong siya ng ka- tulong na babae ni
Alferes Lucas ng Bataan sa sumbong na pamumutol ng buhok.

Mga Palagay kung Bakit nasulat ni Balagtas ang Florante at Laura


1. Bigyang- halaga ang Pagka- Pilipino at lumaban para sa Inang Bayan.
2. Ibunyag ang kalapastangan ng pamamahala at panggagagahaman sa kapangyarihan ng mga dayuhan.
3. Imulat ang mga Pilipino ang hangarin ng mga dayuhang gustong angkinin ang yaman ng Pilipinas at sakupin ito.
4. Pukawin ang kamalayan ng mga Pilipino na huwag pasakop sa mga dayuhan at ipaglaban ang inangking kalayaan
ng Pilipinas.
5. Buksan ang isipan ng mga mamamayan na huwag magtiwala sa pakikitungo ng mga dayuhan sa ating bansa.
6. Gisingin ang damdamin ng mga Pilipino na ipaglaban ang mga karapatan laban sa mapang-aliping pamamahala ng
mga dayuhan at sa mapagbalatkayong pag-uugali.
7. Basagin ang katahimikan ng mga Pilipino na ibagsak ang pamamahala ng dayuhan at makapagsarili sa pamamagitan ng
pagbuo at magtatag ng sariling pamahalaan at pinunong galing sa sariling lahi.
8. Tutulan ang maling pamamahala ng mga namumuno sa bayan at maling pagpapalaki sa mga anak gaya ng :
 Maling paniniwala sa relihiyon
 Kawalan ng kalayaan sa pagsasalita
9. Ibunyag ang katiwalian at bulok na sistema ng pamamahala lalo na ang paglalagay ng ng batas sa kamay ng isang
pinuno.
10. Maipadama sa bawat Pilipino ang pagpapahalaga sa lahi, kalayaan at pakikipagsapalaran ng lahing kayumanggi.
Lumaban sa sarili at sa bayan .
11. Pahalagahan ang kontribusyon ng mga tunay na lider na Pilipino na nagbuwis ng buhay lalo’t higit ang mga baya-
na patuloy na lumalaban para sa bayan at kalayaan ng Pilipinas.
12. Itanim sa isipan na sa kabila ng magkaibang kultura, tradisyon at relihiyon, maaari pa rin mgabuklod ang mga tao
sa lipunan.

FLORANTE AT LAURA
 Pagsasanib ng tula at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamahala ng Kastila
 Tauhan at lugar- kuha sa ibang bansa ngunit ang kilos, gawi at pangyayari ay himig Pilipino
 isinulat ni Balagtas habang siya ay nasa piitan mula sa kanyang mga karanasan sa kalupitan ng mga Kastila at
pagkabigo ng kanyang pag ibig kay Celia.
 Nalimbag sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz) - yari sa palay
 Pinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa

Plorar – Pinaghanguan ng pangalan ni Florante.

AWIT – 12 pantig
KORIDO – dulang pangromansa na may 8 pantig
Nagtataglay ng mga diwang masasalamin umano sa lipunan

TULANG PASALAYSAY – tig- 4 na taludtod, lalabindalawahin, binubuo ng 399 na mga saknong.

APAT NA HIMAGSIK

1.   MALING PANANAMPALATAYA
2.   MASAMANG PAMAHALAAN
3.   MALING KAUGALIAN
4.   MALING LAKAD NG PANITIKAN

1. HIMAGSIK LABAN SA MALUPIT NA PAMAHALAAN

-          Mailigaw ang mambabasa at maligtas sa pang-uusig


      Reynong Albanya, mapanglaw na gubat
      ngalan ng tauhan – Kristiyanong Kastila at Arabe
      
-          Kunwari’y pang-aliw ngunit patuligsa at suwail
      kinawiwilihan ng tao – awit at korido , pinapayagan ng censura- labanan ng
      Kristiyano at Moro, binyagan at di  binyagan

2. HIMAGSIK LABAN SA MALING PANANAMPALATAYA


Pamahalaan at Simbahan – iisa sa turing at sa kapangyarihan, naghihidwaan, karaniwan nakapangyayari at nagwawagi
ang simbahan.
Censura – aklat, pahayagan, babasahin tatak ng gobierno civil o gobierno  eclesiastico.
Moro – kasingkahulugan ng taksil o sukab; kasuklam-suklam
HIMAGSIK – Kristiyanong tauhan laban sa Kristiyanong tauhan; Morong tauhan – tagapagligtas ng Kristiyanong tauhan.
Iglesya Katolika Apostolika Romana – tanging dapat sampalatayanang relihiyon.
Paganismo, idolatria – Bathala pinalitan ng Diyos na Maykapal
HIMAGSIK – pamagat, pangyayari ay hinango sa Mitolohiya ng Griyego na nagtataglay ng diwa, kulay at alamat ng paganismo
at idolatria.
Paunang salita (‘dedicatoria’)- karaniwang inaalay sa santo o Mahal na Birhen.
HIMAGSIK – inialay kay Celia – naniniwalang tunay na pinagkunan ng inspirasyon.

3. HIMAGSIK LABAN SA MALING KAUGALIAN


Maling ugali – naniniwalang kasiraang puri ng lahi.
HIMAGSIK – tinuligsa ngunit tinapatan ng panlunas na aral at halimbawa.

4. HIMAGSIK LABAN SA MALING LAKAD NG PANITIKAN


Balagtas – agwat sa pagtula at pananagalog sa kalahatan ng manunula ay napakalayo.
HIMAGSIK – ginawang tunay na obra maestra ang akda, tulang nagtataglay ng wastong sukat, tugma, talinhaga at kariktan,
malalim at angkop na Tagalog.
Istilo sa Pagkakasulat ng Florante at Laura

1. May sukat at tugmang taludturan (meter-rhyme verse), mapanuto (didactic), makatotohanan, masagisag, mataling-
haga, madamdamin at ginamitan ng mga tayutay ( Figure of speech) o anyong wika.
2. Isang awit, hindi korido. Ang salaysayin noon sa Korido ay batay sa mga pangyayari sa Pransya, Gresya, Italya, Espanya
at iba pang bansa sa Europa. Samantalang ang kasaysayang binuhay sa Florante at Laura ay kathang isip lamang ni
Balagtas bagaman ang tauhan at lugar ay paminsang inilalagay din sa ibang lupain ng Europa gaya ng Kahariang
Albanya.
3. Isang tulang klasiko ang Florante. Ang salitang klasiko ay katawagang unang Iginawad ni Aulus Gelilus noong ika-2
dantaon
4. Ang Florante at Laura ay tulang salaysay na uring tula-sinta (metrical romance) Ang romansang metrical ay may 4 na
salik/elemento:
1.Mga kabanatang tumutukoy sa mga pakikipagsapalaran na kadalasa’y bunsod ng pag- iibigan ng mga panguna-
hing tauhan.
2. Ang mga pangunahing tauhan na karaniwa’y mga nabibilang sa angkan ng mga maharlika.
3. Walang gaanong banghay ang pagkakasalaysay ng akda.
4. Ang mga pakikipagsapalaran ay puno ng mga hiwaga at kababalaghan.

Mga Salik Kung Bakit Tinawag na Isa sa mga Obra Maestra ang Florante at Laura
1. Sagana sa tayutay o anyong wika ang akdang ito. Sa 399 na mga saknong nito, 372 ang may mga tayutay.
May kabuuang 28 uri ng tayutay ang ginamit ni Balagtas sa tulang pasalaysay na ito.

2. Ito ang natatanging tula na naisulat sa Tagalog na naisalin sa iba’t ibang wika sa daigdig gaya ng Aleman, Pranses,
Ingles at Kastila. May salin din nito sa dayalekto sa Pilipinas gaya ng Ilocano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan,
at Sugbuanon.

3. Ito ay pinuri ng iba’t ibang tanyag at magagaling na personalidad sa larangan ng literatura lengwahe.

4. Ayon kay Fray Toribio Minguella, isang dalubwika, ang Florante at Laura ang pinakamahusay na awit noong mga panahon
nito. Ayon naman kay Mcyear na isang manunulat sa Ingles, lubhang nakatawag pansin sa kanya ang matindi
at maselang pamamanglaw ng mga kayumanggi na kanyang nadama sa tula. Sang ayon naman si George St. Clair, si Balagtas ay
maihahanay sa mga dakilang makata tulad nila William Norris at Henry Wadsworth Longfellow.

5. Ayon kay Arturo Sebastian Cabuhat, Ed. D, ang Florante at Laura bilang awit ay sumusunod sa tatlong monomito
ng banghay:
A. Ang unang bahagi ng awit ay tumatalakay sa kabataan ni Florante sa piling ng kanyang mga mapag-arugang
magulang .
B. Nasa bahagi ng pakikipagsapalaran ang pag-aaral ni Florante sa Atenas kung saan Nakaranas siya ng iba’t ibang
pagsubok at pakikipagtunggali sa kababayang si Adolfo.
C. Naging kasukdulan ang mga bahagi ng kasamaan ni Adolfo na nagsadlak kay Florante sa isang madilim at mapang-
law na gubat.

6.  Kung mapapansin, maraming salita sa akdang Florante at Laura ang hiniram sa mitolohiya ng mga Griyego at Romano.
Narito ang ilan:
 Aberno- Impiyerno para sa mga makata
 Adarga- panangga
 Apolo: Diyos ng araw
 Atenas- (Athens)ang siyudad sa Gresya na sentro ng katapangan at karunungan
 Aurora- Diyosa ng bukang-liwayway
 Kupido- Diyos ng pag-ibig
 Lira- Instrumento pangmusika
 Nayadas- mga diyosa sa batis at ilog
 Nimfas- mga diyosa ng kalikasan
 Venus- diyosa ng pag-ibig at kagandahan

7.  Ang Florante at Laura ay isang likhang sining sa Wikang Tagalog na nakasapit sa taluktok ng katanyagan at
kadakilaan.
Lecture # 3 Petsa:

Paghahandog Kay Selya ( Maria Asuncion Rivera)

Pag-aalala kay Celia baka nakalimot


Sa mga unang saknong, itinatanong ni Balagtas kung nasaan na
ang kanyang Ceciliang dating minamahal. Ipinag-aalala niya rin
4
kung baka nakalimot na si Selya sa kanilang pag-iibigan. Ang Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
pagkalimot na ito, ayon kay Balagtas, ay ang ikinalubog ng bago mo hatulang katkatin at liko,
kanyang kapalaran sa lubhang kalungkutan. Pero iginigiit naman pasuriin muna ang luwasa't hulo,
ni Balagtas na hindi niya nakalimutan ang pagmamahalang iyon. at makikilalang malinaw at wasto.
Lumipas na ang mga araw na iyon, ang natira na lamang sa
kanyang puso ay ang pag-ibig kay Selyang iniaako ni Balagtas na
mananatili habang siya ay buhay pa.
5
Kalagayan ni Balagtas Ang may tandang letra alinmang talata,
Dahil inaakala ni Balagtas na nakalimot na si Selya, siya ngayon ay di mo mawatasa't malalim na wika,
nangungulila, nangungulila sa pagmamahal, at nagdurusa. At ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
para maibsan ito, inaaliw niya ang kanyang sarili sa pag-alala ng
kanilang nakaraan, at sa pag-alala pa lamang niya sa mukha ni
buong kahuluga'y mapag-uunawa.
Selya, siya na ay nagiginhawaan.
Kanyang inaalala ay ang larawan ni Celia kanyang iginuhit na 6
ayon sa kanya, ang kanyang tanging naiiwang pampag-alala kay Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
Selya, at nililigawan ito sa ilog na makati. sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;
Inaalala niya ang kanilang pinagpasiyalan noong sila ay
magkasintahan pa, at nang si Selya ay nagkasakit. Ito ang ilog ng
Sa gayong katamis wikang masasarap
Beata at Hilom, at ang puno ng manggang hangad na pitasan ni ay sa kababago ng tula'y umalat.
Selya. Isa pa sa kanyang inaalala ang ang dagat na kanilang
pinagliliguan dati, na, ayon kay Balagtas, kanilang inaagapan
upang hindi abutan ng alat ng dagat.
Hinahanap niya si Celia, ang kanilang pagmamahalan, lahat ito ay
wala na sa kanya. Lahat ito ay lubha niyang ikinalulungkot.
Sa bandang hulihan ng kabanata, ipinag-aalala naman ni Balagtas Paliwanag sa bawat saknong ng Saknong 1-6
na baka nalulungkot ngayon si Selya, at para maibsan ito, dapat “ Sa Babasa Nito”
man lamang sana siyang alalahanin.
1 - Maraming salamat sa babasa nito.
Kaugnayan sa totoong buhay ni Balagtas
Maiuugnay ang kabanatang ito sa buhay ni Balagtas. Ito ay dahil
2 - Kung sa umpisa ay parang hilaw na prutas, tikman
hango ito sa pagmamahalan nina Balagtas at Maria Asuncion muna at matutuwa ka.
Rivera, MAR o, ayon sa pagbansag sa kanya ni Balagtas, Selya. 3 - Hindi hinihiling ng makata na magustuhan mo ang
Sila ay nagtagpo sa Pandakan noong 1835, at silang dalawa ay tula. Basta lang huwag mong palitan ang mga linya.
naging malapit sa isa at isa. Ang pagmamahalang ito ay agad 4 - Kung sa umpisa ay parang malabo ang tula, huwag
naudlot nang si MAR ay inagaw mula sa kanya ni Nanong Kapule,
isang mayaman at makapangyarihang tao sa Pandakan.
munang husgahan. Tingnan muna nang mabuti.
Ipinakulong siya ng mga magulang ni Kapule, at sa pagkawala 5 - Kung may hindi maunawaan na mga salita, tingnan
niyang iyon, doon inagaw ni Kapule si MAR, at pinakasalan siya. muna ang mga sumusunod na bahagi at maliliwa-
Sa Babasa Nito nagan ang lahat.
6 - Hihinto na muna ang makata, at baka sa sobrang
1 pagbago ng mga salita, hindi na maging kaaya-aya
Salamat sa iyo, O nanasang irog, ang tula.
kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

2
Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

3
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
Lecture # 4 Petsa:

ANG MAHAHALAGANG TAUHAN NG FLORANTE AT


LAURA/ KAY SELYA / SA BABASA NITO
8. Sultan Ali-Adab
MGA TAUHAN SA FLORANTE AT LAURA - Taksil na ama ni Aladin
1. Florante - Sultan ng Persya
- Anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca - May gusto kay Flerida, dahilan kung bakit nagawi
- Inilarawang tulad ni Adonis at ang buhok ay kulay ginto sa gubat si Aladin dahil sa sama ng loob sa kanya.
- Galing Albanya
- Isang Kristiyano 9. Menandro
- Nagduda sa pag-ibig ni Laura - Matalik na kaibigan ni Florante na taga Atenas
- Nag-aral sa Atenas sa ilalim ni Antenor - Pinalaya ang Albanya mula sa kamay ni Konde Adolfo
- Matalik na kaibigan ni Menandro - Iniligtas si Florante mula sa masasamang balak ni
- Naging kaaway ni Adolfo Adolfo
- Matalino at matapang - Pamangkin ni Antenor
- Magaling sa pakikipaglaban - Sumama kay Florante pabalik ng Albanya

2. Laura 10. Antenor


- Nag-iisang anak ni Haring Linceo - Mula sa lahi ni Pitaco
- Lumaki ng walang ina - Isa sa mga pantas ng Gresya
- Mahinhin, inihambing ang kagandahan kay Venus, - Ang itinuring na ikalawang ama ni Florante
Diyosa ng Kagandahan.
- Mula Albanya 11. Linceo
- Kasintahan ni Florante - Hari ng Albanya, nais agawin ni Adolfo ang trono nito
bilang hari.
3. Aladin - Ama ni Laura
- Anak ni Sultan Ali-Adab
- Mula sa Persya 12. Briceo/ Briseo
- kasintahan ni Flerida - Isang duke, tagapayo ng hari.
- Moro, ngunit naging Kristiyano sa katapusan ng kwento - Pinakamayamang tao sa Albanya, nais agawin ni
- Ang sumagip kay Florante sa gubat at sumakop sa Adolfo ang kayamanan nito.
Albanya - Ama ni Florante
- Asawa ni Prinsesa Floresca
4. Flerida
- Mula sa Persya 13. Floresca
- Moro, ngunit naging Kristiyano sa katapusan ng kwento - Ina ni Florante
- lumaki ng walang mga magulang - Taga-Krotona
- Matapang at palaban, nagligtas kay Laura sa gubat - Prinsesa ng Krotona
laban kay Adolfo. - Namatay dahil sa sakit
- kasintahan ni Aladin
14. Sileno
5. Konde Adolfo - Kondeng Ama ni Adolfo
- Anak ni Konde Sileno
- 2 taon ang tanda kay Florante 15. Menalipo
- Nakilala si Florante sa Atenas - Pinsan ni Florante na taga-Epiro
- Sakim at mainggitin; mapaglinlang; taksil - Nagligtas kay Florante noong sanggol pa ito sa
- Tinangkang patayin si Florante sa dulaan ng Edipo pagdagit ng isang buwitre.
- Pinugutan ng ulo sina Briceo at Linceo
- Tinangkang gahasain si Laura

6. Heneral Osmalik
- Isang Moro
- Tinangkang sakupin ang Krotona sa utos ni Aladin
- Ikalawang magaling na heneral pagkatapos ni Aladin
- 5 oras na kinalaban si Florante at namatay (napatay ni
Florante, ang unang tagumpay ni Florante sa pakikidigma)

7. Miramolin
- Heneral mula sa Turkiya
- Tinangkang sakupin ang Albanya- Natalo ni Florante
Lecture # 5 Petsa:

BUOD NG FLORANTE AT LAURA

Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng
Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng
kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga
pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na leon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng
malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florantehanggang sa manumbalik ang lakas nito.

Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang
isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging
lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa
at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga siFlorante. Sapagkat mahilig ngang maglaro
noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa
dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.

Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-
aral sa ilalim ng kilalang guro na siAntenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang
pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na ni Florante
ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi
ikinatuwa ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang naka-
pamagitan si Menandro, ang kaibigan niFlorante. Dahil sa pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya.
Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kanyang inang
si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa Albanya. Sumama si Menandro
kay Florante. Sa pagsapit nila sa Albanya,
isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga
Persyano . Walang kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak ni
Haring Linceo, ang hari ng Albanya.
Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persiya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali
ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Krotona si Florante ng limang buwan bago
nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang mapagmasdan ang
watawat ng Persiya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persyano .
Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura.
Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang
ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.

Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni
Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng
isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni
Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa
paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang kinahinatnan
ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging
ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon
ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persyano – ang katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kan- yang
kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging
sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-ibig sa kanya ni Flerida,
hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si
Flerida na magpakasal sa sultan.

Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas
mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang pagha-hanap
na tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang
matagpuan niya ang isang babae na inaali-pusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang
kanyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nag-umpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang
kasintahan, naging kaaya-aya at bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang
ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si
Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula
sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagu- batan.

Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura
sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persiya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat
namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.

You might also like