Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Francis Kim R.

Tanay Fil-40

Sa mga usapin na lumalaganap ngayon isa ang usapin ng wika sa hindi gaanong kilalan ngunit
dapat bigyan tugon at kahalagahan. Hindi man natin napapansin, ngunit ang wika ay may mas malalim
na ginagampanan sa isang komunidad, maging sa espisipikong siyudad o bansa. Sa ilalim ng wika ay may
mga konsepto at isyu na mas nagbibigay pagkakilalan sa wika. Mga konseptong may kinalaman sa
edukasyon, nasyonalismo, relihiyon, politika at iba pa. Sa sanaysay na ito, aking pagtutuunang pansin
ang dalawang tekstong may pamagat na ‘Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan ‘na
isinulat ni Conrado de Quiros at ‘Wika, Nasyonalismo at Ideolohiya’ na sinulat ni Pamela Constantino. Isa
sa konseptong tinalakay nina Quiros at Constantino ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang
pambansa bilang isang simbolo ng pagkakabuklod at nasyonalismo. Tinalakay rin rito ang ipekto ng
Ingles sa ating bansa, ang importansya at negatibong ipekto. Ngunit gusto kong bigyan tuon kung bakit
hanngang ngayon ay nakakaranas parin tayo ng pagkawatak-watak na gayon mayroon na tayong
pambansang wikang ginagamit?

Ang wikang Ingles ay naging parte ng ng ating buhay, simula palang ng tayo’y masakop ng mga
Amerikano. Hindi man sila ang pinakaunang nanakop sa ating bansa, ngunit sila ang nakagawa ng
malaking impact sa ating kultura at pamumuhay na patuloy parin nating isasabuhay ngayon. Sa
pagkakaroon lamang ng simpleng obserbasyon ating mapapansin na sa bawa’t kalye ay merong wikang
Ingles na ginagamit. Mapa-signages, kanta, o kahit sa pananalita. Bakit nga ba nagkaroon ng malaking
impact ang Ingels sa ating buhay? Ayon nga kay Quiros, naging mahalagang parte rito ang pamamaraan
nila na bigyan ng edukasyon ang mga Pilipino. Hindi nila pinagkait ang kanilang wika, kundi ito’y ginamit
nilang instrument upang sila’y pagkatiwalaan. Ngunit hindi lang ang tiwala ang nakuha ng mga
Amerikano, kundi ang kanilang pagiisip. Dati’y nagamit na nila ang Ingles para tayo’y mapasunod, at
hanngang ngayon di natin namamalayan na tayo parin ay napapasunod. Hindi man sa direktang
pamamaraan, kundi sa pamamagitan ng wikang kanilang iniwan sa loob ng ating pagiisip. Dahil rito
nagkaroon tayo ng pagkawatak-watak sa ating kultura, sa ating orhinal na pamumuhay, sa ating
identidad at -kapwamamayan. Kung gayon, ano ang nangyari sa ating wikang pambansa?

Ang wikang pambansa ay nabuo dahil pagpaplanong wika. Ayon kay Constantino, ito’y isang
mabusising pamamaraan ng paghahanap ng solusyon sa problema ng wika sa isang bansa. Maraming
isinaalang-alang rito. Ilan rito ay ang straktura at pag-adapt ng konsepto ng linggwa franka. Isinaalang
alang rito ang personal at functionality na masasaklaw ng wika. Ibig nitong mas magkaroon tayo ng
bagay na lahat ng Pilipino ay pantay-pantay. Tunay na maganda ang maidudulot ng pagkakaroon ng
pambansang wika. Bagamat tama ang naging hakbang ng bansa ng matapos natin makamit ang
kalayaan. Na naging inisyal na pamamaraan ay ang alinsin ang naunang impluwensiya ng banyagang
wika sa atin. Ngunit ayon rin kay Constantino, hindi ito nagtagal at tayo’y bumalik sa kinagisnan na
pamamaraan hanngang itoy dumikit na sa pagpapatakbo ng ating lipunan. Kahit man nakagawa tayo ng
isang pambansang wika ang wika ng mga kolonyalista ay mas naging makapangarihan. Ngayon
mapapansin natin na hindi lang sa simpleng diskorso ang pagamit ng Ingles. Kundi ito ay naging simbolo
ng kapangyarihan sa estado at pananaw ng mga Pilipino. “Marunong ka mag-Ingles, makakarating ka sa
itaas” (Quiros). Ang mga katagang ‘wow matalino yan’, ‘rich kid’, at iba ay nagiging pagkakakilalan sa
mga taong mahusay mag-Ingles, ito man ay totoo o hindi. Sa kabilang banda ang mga taong hindi
marunong mag-Ingles ay ‘bobo’, walang mararating. Hindi man lang sa pagitan ng mga indibidwal kundi
eto rin ay mapapansin sa pagitan ng mga etnisidad sa ating bansa. Dahil rito ang wikang Ingles ay
nagresulta sa pagkawatakwatak ng bawat miyembro ng ating lipunan.
Francis Kim R. Tanay Fil-40

Ang Pilipinas ay isang bansang sinakop, lumaya at nangarap na magkaroon ng pagkakaisa.


Gumawa ng wikang pambansa, ginagamit ngunit hindi isinasapuso. Dito masasabi natin na ang
pagkawatak-watak ay hindi lang sa panlabas kundi sa panloob ng bawat Pilipino. Nagkaraoon tayo ng
pagkawatak-watak sa ating identidad. Siguro kung hindi man lahat, kundi ako. Di ko malaman kung ano
ang panghahawakan kong identidad bagamat hindi naman ang wikang Ingles ang dahilang kundi ang
kaiisipan ng aking sarili. Sa aking pagninilay, hindi naman talaga problema ang mga wikang banyagagn
ating ginagamit. Ito’y nakakatulong sa ating pang araw-araw nating pamumuhay. Pero sa huli’y
kailangan rin nating isipin, ang pagsasapuso ng wikang sariling atin.

You might also like