ORATIO IMPERATA On TAAL VOLCANO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ORATIO IMPERATA

para sa kaligtasan sa mga kalamidad at pagsabog ng Bulkang Taal.

Makapangyarihan at maawaing Diyos,


dumudulog kami sa Iyo sa gitna ng matinding pagsubok at hamon
na hatid ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Nagsusumamo kami sa Iyo, puno ng pananamplataya
na ang Iyong makapangyarihang kamay
ay makakapagligtas sa amin sa nag-aapoy na pagsabog.
Panginoon panatilihin mo po kaming ligtas
at malaya sa lahat ng kapahamakan at panganib,
lalo na ang mga maysakit at kapansanan,
ang mga naghihirap at mahihina, ang mga kabataan
at yaong mga nag-iisa at walang kumakalinga.
Pakilusin mo po sa amin ang espiritu ng malasakitan, pagdamay,
at awa sa mga naaapektuhan, nagdurusa at mahihina naming mga kapatid.
Sa aming pagharap sa ganitong mga kapahamakan,
tulungan Mo kaming pataasin ang paggalang
at pangangalaga para sa kalikasan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,
na nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen

Maria, Ina ng Awa, ipanalangin mo kami.


San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami

You might also like