para sa kaligtasan sa mga kalamidad at pagsabog ng Bulkang Taal.
Makapangyarihan at maawaing Diyos,
dumudulog kami sa Iyo sa gitna ng matinding pagsubok at hamon na hatid ng pagsabog ng Bulkang Taal. Nagsusumamo kami sa Iyo, puno ng pananamplataya na ang Iyong makapangyarihang kamay ay makakapagligtas sa amin sa nag-aapoy na pagsabog. Panginoon panatilihin mo po kaming ligtas at malaya sa lahat ng kapahamakan at panganib, lalo na ang mga maysakit at kapansanan, ang mga naghihirap at mahihina, ang mga kabataan at yaong mga nag-iisa at walang kumakalinga. Pakilusin mo po sa amin ang espiritu ng malasakitan, pagdamay, at awa sa mga naaapektuhan, nagdurusa at mahihina naming mga kapatid. Sa aming pagharap sa ganitong mga kapahamakan, tulungan Mo kaming pataasin ang paggalang at pangangalaga para sa kalikasan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen
Maria, Ina ng Awa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami. San Jose, ipanalangin mo kami. San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami. San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami