Prelim Grade 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PRESENTATION OF MARY SCHOOL OF CLARIN INC.

Poblacion Centro, Clarin, Bohol


1st Preliminary Exam
Filipino 9
Pangalan: Petsa:
Taon at Pangkat: Iskor:

I. Paunto: Piliin ang pinakawastong sagot sa mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik sa tamang sagot.
1. Ang pahayag ay isang katotohanan kung:
a. nagpapahayag ito ng suportang datos
b. ang pag-aaral, pananliksik at suportang impormasyon ay napatunayang tama
c. mabisa para sa lahat
d. lahat ng nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang?
a. Batay sa pag-aaral, totoong... c. Ang mga patunay na aking nakalap, tunay na...
b. Napatunayang mabisa ang... d. Totoong naniniwala ako na ang...
3. Ang mga sumusunod ay mga katangian nga isang pahayag na opinyon MALIBAN sa:
a. tumpak ang gramatikang gagamitin b. walang sapat na basehan
c. hindi suportado ang mga datos d. walang siyentipikong basehan
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
a. marahil ang bagay na ito ay totoong... b. naniniwala ako na tunay na...
c. ayon sa dalubhasa, napatunayan na.. d. sa tingin ko...
5. Kadalasang ginagamit ito sa pagbibigay ng payo at panuto
a. kronolohikal b. prosidyural c. sekwensyal d. temporal
6. Gumagamit ito ng mga pag-ugnay na una, pangalawa, pagkatapos, atbp.
a. kronolohikal b. prosidyural c. sekwensyal d. temporal
7. Kadalasang naglalaman ito ng petsa o panahon
a. kronolohikal b. prosidyural c. sekwensyal d. temporal
8. Gumagamit ng mga panandang noong una, pagkatapos, kasabay nito, atbp.
a. kronolohikal b. prosidyural c. sekwensyal d. temporal
9. Binubuo ito ng mga pangyayaring konektado sa isa't-isa
a. kronolohikal b. prosidyural c. sekwensal d. temporal
10. Sumasagot sa tanong na "Paano nakakaapekto ang isang pangyayari sa isa pang pangyayari?" at tumutukoy
ito sa sanhi at bunga.
a. kronolohikal b. prosidyural c. sekwensyal d. temporal
11. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
a. panghalip b. pangngalan c. pang-abay d. pandiwa
12. Tumutukoy sa pag-aaral ng mga tunog.
a. morpolohiya b. ponolohiya c. semantics d. sintaks
13. Nakapokus sa pag-aaral ng kahulugan sa mga salita
a. morpolohiya b. ponolohiya c. semantics d. sintaks
14. Pag-aaral ng kabuuan ng mga salita
a. morpolohiya b. ponolohiya c. semantics d. sintaks
15. Nagsasaad ito sa pag-aaral ng kabuuan ng pangungusap
a. morpolohiya b. ponohiya c. sematiks d. sintaks
16. Alin sa mga sumusunod ang pinakaunang ginamit ng mga Pilipino?
a. abecedario b. alibaba c. abakadang tagalog d. alibata
17. Ito ay ang tambalan ng mga salitang magkatulad ng bigkas, liban sa isang ponema na nagdudulot ng
pagkakaiba sa kahulugan ng dalawang salita.
a. ponema b. ponemang malayang nagpapalitan c. pares-minimal d. klaster
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
a. pasa-basa b. dito-rito c. punta-pinta d. pigtas-ligtas
19. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pares-minimal?
a. dito-rito b. estruktura-istruktura c. kusot-gusot d. dami-rami
20. Tumutukoy ito sa tambalan ng mga salitang magkatulad ng bigkas, liban sa isang ponema na hindi
nakapagbabago ng kahulugan
a. diptonggo b. klaster c. pares-minimal d. ponemang malayang nagpapalitan
21. Mga salitang nagtataglay ng magkatabing tunog ng patinig at malapatinig na nasa iisang pantig.
a. klaster b. ponema c. diptonggo d. pares-minimal
22. Ang mga salitang:
kalabaw, saklay, reyna, giliw at kahoy ay mga halimbawa ng?
a. klaster b. ponema c. diptonggo d. pares-minimal
23. Tumutukoy ito sa mga salitang nagtataglay nga magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig.
a klaster b. ponema c. diptonggo d. pares-minimal
24. Piliim ang salitang walang diptonggo.
a. musika b. bahay c. kasuy d. sisiw
25. Piliin ang salitang may klaster.
a. reyna b. gyera c. suklay d. giliw
26. dyamante:klaster ; ___________:diptonggo
a. bruha b. reyna c. gripo d. produkto
27. Ito ang tawag sa bawat makabuluhang tunog sa Filipino.
a. ponolohiya b. morpema c. ponema d. baybay
28. "Mayroon kaming siyam na sisiw sa bahay."
Alin sa salita sa pangungusap ang diptonggo?
a. bahay b. siyam c. sisiw d. lahat ng nabanggit
29. "Proyekto ng politikong iyan ang pagpapalanap ng maraming trabaho at mababang halaga ng mga bibilihing
produkto."
Aling salita ang may klaster?
a. proyekto b. politico c. maraming d. lahat ng nabanggit
30. Ang tauhan, tagpuan, sulyap sa suliranin ay nasa anong bahagi ng dula?
a. simula b. katawan c. wakas d. wala sa nabanggit
31. Anong salita ang nagsisilbing salitang ugat ng PINAGLABANAN?
a. labanan b. laban c. pinaglaban d. lalaban
32. Ang kahulugan ng: "My bank account is in the read."
a. bale-wala b. walang laman c. malapit na maubos d. may problema
33. Ano ang damdaming napapaloob sa "Bakit gabi na'y di pa siya dumarating?"
a. pagkalungkot b. pagkagalit c. pagtataka d. pag-alala
34. "You can count on me," Ang pinakamalapit na salin nito ay____________.
a. bilangan mo ako b. maasahan mo ako c. mabilis ako d. tulungan mo ako
35. "Malalim ang bulsa," ng kanyang Nanay. Ang ibig sabihin nito ay___________.
a. walang pera b. kuripot c. walang bulsa d. walang kamay

II. Tukuyin kung anong bahagi ng dula (tiyak na bahagi) ang isinasaad sa mga sumusunod:
1. Ang pook na pinanggaganapan at ang panahong kinapapalooban ng dula.
2. Ito ang mga pangyayaring nagpapataas sa kawilihan ng dula.
3. Ang pagpapakita ng panghuling resulta ng pakikipagtunggali ng tauhan na maaaring ganap niyang
pagtatagumpay o tuluyang pagkabigo.
4. Ang pagkaalam sa resulta ng pakikipagtunggali ng tauhan.
5. Ang pinakakapana-panabik na bahagi ng dula.
6. Ang pagharap ng tauhan sa isang malakas na pwersa na na siyang nagbibigay ng buhay sa dula.
7. Ipinakilala rito ang hamon na haharapin ng mga tauhan sa dula o gusot na kailangan nilang lutasin.
8. Ang karakter na nagpapagalaw sa dula.
9. Bahagi ng dula na kinapapalooban ng kakalasan at kalutasan.
10. Bahagi ng dula na kinapapalooban ng tauhan, tagpuan at sulyap sa suliranin.

III. Ang mga sumusunod ay mga pahayag na nagsasaad ng iba't-ibang uri ng tayutay. Tukuyin kung saan ito
napapabilang.
1. Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit.
2. Matigas na bakal ang kamao ni Pacman.
3. Ahas siya sa grupo namin.
4. Si Maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
5. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking mga pisngi.
6. Ang kagandahan ni Ana ay mistulang bituing walang nagniningning.
7. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
8. Araw, sumikat kana at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian!
9. Kamatayan, nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kalungkutan.
10. Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang, gumuho man ang mundo at uulan man ng apoy.

‘’You can do it, I am


always with you!’’

You might also like