Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Selerio, Angelie E.

12 ABM-B

LAKBAY-SANAYSAY

Noong Hulyo, pumunta kami ng Tabuelan kasama ang mga kasamahan ko sa Youth Apostolate
of Fatima. Halos dalawang oras din ang byahe papunta doon. Habang kami ay nasa byahe, kami
ay nagdasal ng Santo Rosaryo upang hindi masayang ang aming oras sa pakikipag-usap sa katabi
at pag gamit ng mga gadgets. Nag Rosaryo kami upang magabayan din kami ni Inang Maria at
ng Panginoon sa aming byahe. Habang nagsasalita kami ng “Aba Ginoong Maria”, enjoy na enjoy
naman yung mga mata namin sa mga magagandang tanawin gaya ng mga bundok, puno,
dagat, isla, at mga hayop na nadaanan namin. Naalala ko tuloy ang buhay namin sa probinsya.
Maliban sa magandang tanawin na aming nadaanan, ang sarap din sa pakiramdam ang
makalanghap ng preskong hangin na hindi nalalanghap sa syudad.

Pagkadating namin sa Tabuelan, naghanda na kami para sa gaganaping prosisyon dahil ang
pinunta talaga namin doon ay ang “Brown Scapular Caravan” na pinamumunuan ng World
Apostolate of Fatima. Doon nagtipon-tipon lahat ng myembro ng World Fatima Apostolate of
Fatima sa iba’t-ibang bahagi ng Cebu. Kahit mainit, masaya parin kasi nakasali ako sa ganitong
aktibidad ng Simbahan. Pagkatapos ng ilang minutong prosisyon, sa Simbahan na ang aming
tuloy. Nagpahinga muna kami saglit, at pagkatapos ay nakinig na kami sa mga pangangaral ni
Father tungkol sa “Bron Scapular” at sa aming organinsasyon. Pagkatapos ng kanyang pangaral
ay mayroon kaming isang oras upang maghanda sa susunod na aktibidad at pagkatapos nito ay
pwede nang mananghalian. Sa loob ng isang oras, pumunta kami sa Plaza at doon sobrang enjoy
namin mag picture taking sa mga magagandang tanawin sa paligid. Pagkatapos nito ay bumili na
kami ng pananghali-an namin. Noong una ay nag-alala pa kami sa isa’t-isa dahil kukulangin ang
aming pagkain, dahil hindi lahat ng myembro ay nagdala ng kanilang baon, at wala pang pera.
Pero pagdating namin sa Simbahan, maraming mga tao ang nag-share ng kanilang dalang
pagkain. Sa awa ng Dios, sobrang dami naming pagkain.

Pagkatapos ng pananghalian, pumasok na kami sa Simbahan para mag-attend ng Misa.


Nakakalungkot kasi hindi ako nakapakinig ng maayos sa Misa dahil sa sobrang antok dahil sa
haba ng byahe. Kaya hindi na lang ako tumanggap ng Ostiya o Katawan ni Kristo. Pagkatapos ng
Misa, nagpicture-picture kami kasama si Father at naghanda narin para sa aming pag-uwi.

Sa aming byahe pauwi, ganoon parin ang ginawa namin, nagdasal ulit kami ng Rosaryo upang
magabayan. Enjoy ulit kami sa magagandang tanawin. Pagdating namin sa Consolacion, nag-iba
na ang simoy ng hangin, sobrang init na ang paligid. Ang itim ng usok ng mga sasakyan at doon
ko napagtanto na mas masarap talaga ang pakiramdam pag nasa bukirang bahagi ng lugar.
Pagdating namin sa Basak, Mandaue, nagsimba ako ulit at umuwi pagkatapos.

You might also like