Lumaki ako sa buhay ng kahirapan, Walang nagmalasakit, bawal magmahalan, Ang aking tahanan ay puno ng lungkot, Wari bang ito’y isang malaking bangungot.
Ang aking araw-araw ay lubos na nakakasawa,
Sarili kong buhay, ‘di ko maunawa, Gumising, pumasok, umuwi sa bahay, Ganyan ang aking nakasanayang buhay.
Walang tao sa aking mundo,
Mag-isa ako hanggang sa dulo, Akala ko walang narito para sakin, Yun pala mayroong Diyos, na handa akong mahalin.
Nang makilala ko ang Diyos na ito,
Itong si Hesus, Siya’y ‘di maglalaho, Nakalimutan ko ang mga kalungkutan, Naranasan ko ang muling kasiyahan.
Ito pala yaong sinasabi nilang muling pagsilang,
Ang bumangon mula sa matinding kapighatian Dahil sa Kanya, ako’y muling nabuhay, Nabuhay sa Kanyang awa’t pagpapala.
Ito nga pala ang istorya ng aking kapahamakan,
Istorya ng aking pagsubok at kalungkutan, Ang istorya ng aking pagbukang liwayway Sa aking masalamisim na buhay