Sister Complex

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 165

Title: Sister Complex

Author: AegyoDayDreamer
Genre(s): Comedy, Drama, Romance, School-life

Copyright © 2012 AegyoDayDreamer.


ALL RIGHTS RESERVED.
No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means
without express permission from the author.
Characters:

Cecily "Silly" Gonzaga


Asher "Ash" Carillo
Gwynne Alvarez
Hadwin "Had" Alvarez
Mama Percy Carillo
Papa Albert Gonzaga
Aicelle De Castro
Merrick Evangelista
Others

Summary:

Asher broke up with his first girlfriend after she bullied and hurt an important
girl in his life, Cecily. They are not blood-related but since their parents were
long-time bestfriends, they grew up almost like siblings. He would always tease her
but its all because he loves her that much.

One day, Asher found his dream girl, who was actually Hadwin’s sister. Despite the
fact that Hadwin was a well-known playboy and womanizer at their school, he is
particularly protective when it comes to Gwynne, his only sister. Hadwin won’t let
Asher pursue his sister, not until he met Cecily.

Since Asher thinks that Hadwin is a threat to Cecily, he warned him to stay away
from her, just as how Hadwin warned him to stay away from Gwynne. To make things
worse, Asher lied when he said that Cecily was HIS sister, thinking he could guard
her that way from Hadwin. And so to end their argument, both guys made a deal, and
that they would support each other in their love interests.

Now, Asher can chase after Gwynne and Hadwin can go all out for Cecily. All went
well, that’s what they thought. Everything went crazy when Cecily can no longer
supress her true feelings for Asher, because of the fact that she's already tired
of the sister-complex thing.

PROLOGUE

Ang sabi sa dictionary, Sister Complex daw ang tawag kapag ang mga kapatid na
lalaki,
over kung protektahan ang kapatid nilang babae.
At may dalawang uri ng sister complex.

Yung una, grabe nila kung ipakita ang pagmamahal nila.


Magkakamatayan muna bago may lalaking mangahas sa kapatid niya.

Yung pangalawa, at siguro mas madalas,


hindi nila ipinahahalata na mahal nila ang kapatid nila.
Kaya idinadaan na lang nila sa pang-aasar at pang-iinsulto.

Si Hadwin, kaibigan ni Kuya Ash, over-protective sa kapatid niyang si Gwynne.


Yun ay dahil mahal na mahal lang niya ang sister niya.

Yan tuloy, hindi makaporma si Kuya Ash sa dream girl niya eh.

Si Kuya Ash naman, ganun din pagdating sa’kin.


Ang kaso, ibang klaseng sister complex eh. Yung pangalawa!
Walang araw na hindi niya ako inaasar,
Walang oras na hindi niya iniinsulto ang pagiging mukhang bata ko.

Excuse me! High school na kaya ako!


Hindi ko ba pwedeng gawin ang gusto ko!?

Mahal niya ako, alam ko naman yun.


Mahal ko din siya, alam din niya yun.

Ang kaso, ang hirap ng sitwasyon eh…

Iba kasing “Mahal ko siya” ang ibig kong sabihin.

Ang hirap!

Hindi naman kasi talaga kami magkapatid ni Ash.


Chapter 1
1.1: Introducing my Brother
(Cecily Gonzaga POV)

“Kuya Ash! Gising na!” Nananaginip nanaman siguro ‘to. May pasabi-sabi pa siyang
‘Are you having fun?’ Parang timang! “Hoy Kuya!!! Gising!!!” At sa wakas, after 5
minutes na pagyugyog ko sa tulog-mantikang si Asher, nagising din.

“Anong…? Nasan na?” sabi ni Asher . Gising na pero pikit pa yung mata niya kaya ako
na nagdilat sa kanya. Haha, ang cute!

“Anong nasaan na? Umaga na, male-late na tayo!” Ayan, nung sinabi ko yun, napadilat
nga ng sobrang laki si Asher, kaso mukhang na-bad trip yata.

“Konti na lang eh!!!” And OA ng pagkakasabi niya. “Eto na lang oh!!! Magki-kiss na
kami!!!” Yuck, ang pervert! Mga lalaki talaga, kung anu-ano napapanaginipan. “Lagot
ka sa’ken!” Patay!
Bago pa ako tuluyang makalayo, nahila na niya agad yung sleeve ng damit ko at
kinurot-kurot ang pisngi ko. Pero hindi ako kinabahan dahil sa takot o sa sakit,
kinabahan ako dahil may ibang dahilan. Itinawa ko na lang.

“Natatawa ka pa!” Naaasar niyang sinabi. “Diba sabi ko, wag ka nang papasok ng
basta-basta sa kwarto ko! Teenager na tayo! Respect may privacy naman!”

“Bakit? May porno ka bang tinatago dito?” Alam ko namang wala, nang-aasar lang.

“Baliw!!!” tapos napatingin siya sa orasan. Hay sa wakas natauhan din! “Eight na
pala, hindi mo man lang sinabi?”

“Kaya nga ginigising kita eh!” Hinila ko siya paalis ng kama niya. “Maligo ka na!
Bilisan mo ha! Baka ma-late tayo.” Actually, hindi ko pa nga natatapos sabihin yun,
tumakbo na siya papuntang banyo para maligo. Inayos ko na lang kama niya tapos
lumabas na ng kwarto niya.

Ngayon, kung tatanungin niyo kung kaanu-ano ko si Kuya Asher, hindi ko siya kuya.
Mas matanda lang siya sa’ken kaya tinatawag ko siya nun, kahit na hindi ko trip na
tawagin siyang kuya.

“Pagbalot mo ko ng sandwich!!! Hindi na ako makakapag-breakfast! Male-late tayo!”


Pahabol niya pang sinigaw habang nasa CR siya.

“Oo sige!” Bumaba na ako. Hindi na naman niya kailangan sabihin, kasi tapos ko nang
gawin. Anyway, tulad nga ng sinabi ko, hindi kami magkaanu-ano ni Asher. Pero,
parang kapatid na ang turing niya sa’ken. Ang papa ko kasi at mommy niya, mag-
bestfriends.

Every morning, dito ako tumutuloy sa kanila kasi si Mama Percy, mom ni Asher, ang
naghahanda sa’min for breakfast. Wala na kasi akong mommy, namatay siya nung seven
years old pa lang ako kaya parang mommy na ang turing ko kay Mama Percy. Si papa
naman, wala every morning dahil sa maaga ang work niya as an engineer.

Every night naman, si Asher ang nasa bahay namin, kasi nasa night-shift si Mama
Percy as an interior designer. Tuwing weekends lang nabubuo ang pamilya namin.

“Oh Asher, yan kasi late na kung matulog! Kaya hindi ka nakakapag-breakfast.”
Nakapag-ayos na si Ash. Wala pang ten minutes, tapos na agad!

“Tanong mo ‘jan oh!” Tinuro ako ni Asher gamit ang nguso niya. Parang snail! “Ang
tagal maka-gets ng assignments niya.”

“Mama o!” Siyempre paawa naman ako kay Mama. Magkakampi kaya kami nito.

“Tumigil ka nga diyan Asher! Dapat lang naman na turuan mo si Cecily dahil mas
matanda ka. Alam mo na yung lessons nila.” Yes winner talaga ako dito! Haha!!!
“Anyway, wag kang masyadong magpabilis ng takbo ng motor mo! Tandaan mo naka-angkas
si Cecily sa likod mo!”

Grabe talaga ang care sa’kin ni Mama Percy. Lagi niyang napapagalitan sariling
niyang anak dahil sa’kin. Buti naman hindi yun pinapansin ni Ash. “Talaga lang ha!
Oh baka naman ayaw mo lang masira ‘tong hair-do ni Silly!” Nickname ko yan. Ang
stupid noh! Si Ash nagbigay niyan eh! Nakasanayan ko na lang.

“Syempre!!! Isang oras yata yang pinaghirapan ni Mama 'to!”, pagyayabang ko. Si
Mama Percy ang nag-aayos sa’kin bago pumunta ng school, hanggang ngayong high
school na ako. Ang sarap kasi ng feeling ng napa-pamper ka nang ganito, feeling ko
talaga mommy ko na siya.

“Oo nga!” Ayan, tapos na rin niyang lagyan ng blush-on ang pisngi ko. Itong part
lang na ‘to ang hindi ko masyadong trip.

“Okay ba?” Okay daw sabi ni Mama Percy. Tinanong ko si Asher. Wala siyang sinabi.

“Tara na nga!” Okay yata? Hinila niya ako papalabas papunta kung saan naka-park
yung motor niya.

“Ingat kayo ha!” sinabi ni Mama Percy habang kumakaway. “Ay Silly, te-text ko dad
mo para steak ang ulam mamayang gabi!” Pahabol niya. Masarap kasing mag-luto si
papa.

Nung nandun na kami sa motor niya, bigla namang humalakhak itong si Asher. Timang
talaga ‘to. Anong kayang trip yun. “Epal mo noh! Bakit?”

“Ang kapal ng blush-on mo!” Napatingin tuloy ako sa side-mirror ng motor ni Ash.

Hala oo nga! “Bakit hindi mo naman agad sinabi!” Buburahin ko na sana gamit ng
kamay ko yung sobrang blush-on kaso biglang dumukot ng panyo si Asher galing sa
bulsa niya at siya ang nagpunas sa pisngi ko.

“Sa susunod kasi, wag mong hayaang paglaruan ni mama yang mukha mo. Hindi mo naman
kailangan ng make-up eh.” Kinilig tuloy ako. Hindi lang obvious, kasi slow yata
lahat ng tao sa paligid namin. Noon pa man kasi, may gusto na ako kay Asher. “Yan,
okay na.”

Ang putik!? “Talagang walang tinirang make-up ha!” Or maybe hindi slow ang mga tao,
kundi ako lang talaga ang slow. Nahihiya kasi akong aminin na hindi lang basta kuya
ang turing ko kay Ash. Baka kasi masira ang malalim naming samahan pag umamin ako.
Ayoko namang mangyari yun.

“Angal ka pa eh. Tara na nga!” Isinuot niya muna sa’kin yung pink na helmet bago
niya isinuot yung sa kanya. Feeling niya siguro kuyang-kuya ang dating niya.
Kainis! Nakakakilig pero hindi pwedeng lagyan ng malisya!
Nag-drive na si Ash papuntang school. 20 minutes ang usual na biyahe namin, pero
this time, 15 minutes pa lang ang lapit na namin sa school. Binilisan niya dahil
baka ma-late daw kami. Yan tuloy, nakahanap ako ng paraan na mayakap siya nang
mahigpit kanina. Ew! I sound like a pervert!

“Sige na baba na! Direcho ka lang sa school ha!” Simula nang pumasok ako sa
pinapasukang school ni Asher, hindi pa niya ako nahahatid doon mismo sa loob ng
school. Lagi niya akong binababa sa may malapit na kanto, three blocks away from
the school gate.

“Bakit pa kasi dito ako binababa. Sumbong kita kay mama eh.” Lagi kong panakot
yun pero hindi ko ginagawa kaya ini-ignore niya lang.

“Kailangan mong mag-exercise every morning. Tignan mo sarili mo, napagkakamalan ka


pa ring nasa grade school.” Thanks ha! Mukha daw kasi akong bata, ang liit ko pa.
Walang mag-aakalang nasa high school na pala ako dahil sa itsura ko. “Sige, lakad
na!” Sabi niya habang pinapauna akong lumakad papa-layo. After one block, pinaandar
niya yung motor niya at nauna na siyang pumasok sa school.

Alam ko naman na hindi talaga ito ang dahilan eh. Exercise daw, as if I’ll believe
that lie! Sikat kasi si Asher sa school, pero once pa lang siyang nagkaka-
girlfriend dahil sobrang picky niya. First year nang maging sila nung Aicelle, pero
wala pang one month, nagbreak sila dahil inaway ako nung babaita. Akala niya
nambababae boyfriend niya, ayan tuloy, hiniwalayan siya.

Kaya siguro hindi pa ulit nagkakagirlfriend si Asher, dahil iniisip niyang baka
awayin ulit ako ng girl na pipiliin niya. Isipin mo naman kasi, hindi kami blood-
related but we are very close. It was touching na iniisip ako ni Asher kung
magkakaroon siya ng new girlfriend, pero mas mata-touch ako if he got no girlfriend
at all.

Ang sakit kasi eh. Ang sakit ng sampal nung girl, nung akala niyang babae ako ni
Ash, pero mas masakit na ibang babae ang makasama ng mahal ko.

End of Chapter 1 Part 1


1.2: She’s my Sister!
(Asher Carillo POV)

Buti na lang hindi ako na-late! Napuyat kasi ako kagabi kakaturo kay Silly sa
lesson na hirap niyang ma-gets. Slow ba talaga yun o ang nagkukunwari lang? Ay
ewan, ang hirap intindihin ng mga babae.

“Tingin mo dun? Matangkad, maputi, maganda! Model-type oh!” sabi ni Hadwin. Eto
panigurado, ang daming alam sa babae. Chick bulldozer ‘to eh. Basta matipuhan,
hala sige banat!

Ako naman, nagre-review ng lesson namin kahapon habang kinakain ang sandwich na
ginawa ni Silly. Naka-upo kami ngayon sa study area malapit sa classroom namin.
“Ano ka ba, puro ka aral.” Sabi ni Hadwin sabay tingin ng masama sa kinakain kong
sandwich. “Tapos hindi ka pa namimigay!” Kukurot na sana siya sa nag-iisang
breakfast ko kaya isinubo ko na lahat sa bibig ko. Kala mo ha! “Damot naman
nito!”

Magkaibigan na kami ni Hadwin simula pa nung mag-high school ako. Ewan ko nga mag-
kaklase kami simula pa nung first year hanggang ngayong third year na samantalang
hindi naman siya nararapat dito sa star section. May pagka-bobo kasi ‘to eh,
tanggap naman niya yun kasi lagi siyang nangongopya sa’kin.

“Daldal ka ng daldal jan, hindi ka mag-review! May quiz kaya ngayon!”

“Nanjan ka naman eh, pakopya na lang.” Kapal nito. Ma-zero ka sana.

Ganyan yan palagi, pag magkasama kami, puro babae ang nasa isip! May makilala dito,
ayan daldal! May makita doon, ayan daldal! Basta may babaeng trip niya, asahan mo
bukam-bibig niya yan. Pero tanungin mo ng one plus one, manloloko pang equals
eleven. Oh baka talagang hindi niya lang alam. Haha.

“Mamaya pala may lakad ang barkada! Simula nung first day nitong school year ang
aga mo nang umuuwi ha!” Syempre, kailangan maaga ko ihatid si Silly.

“Nag-rereview ako for college. Try mo kaya para maiba naman.”

“Sira-ulo ka ba! Third pa lang tayo! Next next year pa tayo magka-college. Excited
ka masyado.” Alam ko, wala na lang talaga akong choice, hindi na ako makakagala
ngayong hatid-sundo ko si Silly.

“Ayun pala, Ash!” Sabay turo sa babaeng nakikipag-usap sa mga friends niya. Girls'
sight-seeing ang pastime nito eh. “Yun ba hindi mo type? Ang ganda oh! Lakad kita
gusto mo?”

Pero syempre, lalaki din naman ako kaya bibigyan ko ng panahon to. Tinignan ko yung
babaeng tinuro niya, maganda nga ang kaso… “Nakikita kong may kaaway yan sa kanto
eh!” Kung sa babaeng yun, mahirap! Lalo na pagdating kay Silly. Baka awayin pa
niya yun katulad ni Aicelle, yung first girlfriend ko.

“Ito naman nakikipag-rambulan lang eh, natural sa babae yun!” Natural ka jan!
Sabunutan, sampalan, sigawan! Si Silly nga kahit madalas kaming aso’t pusa nun,
hindi ko pa nakitang nakipag-away sa iba. “Oh, yun na lang! Yung babaeng nakaupo
doon?”

“Ayoko niyan! Ang kapal ng make-up oh!” At nagpatuloy lang ang pagtuturo ni Hadwin
ng mga babae at ako naman itong si tanga na pinagtya-tyagaan ang trip niya.
“And dami mo namang ayaw! Ano ka ba bakla!” Kumag ‘to!

“Eh sa hindi ko nga gusto pinagtuturo mo eh!” Ayoko dahil mag-iingat na ako
pagdating sa babae. “Itulad mo ako sayo? Kung sinu-sino na lang!”

“Magaganda naman lahat ng nagiging girlfriend ko!” Yabang! Tama naman siya dun.
Lahat nga ng nagugustuhan niya at nagkakagusto sa kanya, magaganda. “Eh ano bang
gusto mo sa babae?”

Isa sa mga talent ko ay ang magbasa ng personality ng tao. At never pa akong


nagkakamali sa pagkakakilala ko sa mga tao sa paligid. Except pala dun kay Aicelle,
great pretender eh.

“Okay, first, gusto ko mabait!!! Hindi selosa!!! Matalino!!! Understanding!!!”


Hindi pa talaga ako tapos nun pero sumingit na agad itong si Hadwin, “Maganda!!!”

“Oo naman kasama yun!” sagot ko.

“Magbigay ka naman ng physical description.” Wow nag-english si kumag!

Ako naman si utu-uto na nadadala na sa usapan, sumagot. “Maputi! Mahaba ang buhok
na straight! Tapos parang tipong baby-face na chinita! Yun! Parang ganun…” Tapos
pagkasabi ko nun, natigilan ako bigla. “Parang ganun…” Oo nga parang ganun. Parang
yung babaeng nakikita ko ngayon na naglalakad sa hallway. “Parang yun oh!”

“Ha?” tanong ni Hadwin.

“Had!!! Parang yung babaeng yun!!!” Tinitignan ko pa lang siya, mukha ng mabait at
mahinhin. May mga libro pang hawak, studious! Siya nga!!! Siya nga ang dini-
describe kong babae! “Yun nga Hadwin!!! Yung babaeng yun!”

Tinignan ni Hadwin yung tinuturo kong babae. Tapos napakunot siya ng noo. “Yun?”
Tungaks talaga nito. Tinuro ko na nga eh.

“OO yun nga!!! Yan, pag natulungan mo ako sa babaeng yun, bibilib na ako sayo.”
Seryoso ako nito. Alam mo yung parang feeling na love-at-first-sight. Eto yun eh!
“Ano Had!?”

Wala pa ring siyang reaksyon. Bopols ‘to! And bagal maka-absorb ng information.

“Uy! Ano na! Pasabi-sabi ka sinong type ko, ayun na nga!” Nakatitig na ako ngayon
dun sa babae. Ang ganda eh! Parang na-iimagine ko nga na papunta siya sa direksyon
namin.

“Gusto mo bang mamatay?” Kumag na ‘to! Ang tagal nanahimik tapos biglang gan’to
banat.

“Problema mo?” Sakalin ko kaya ‘to nang matauhan.

“Eh kapatid ko yun!!! Sira-ulo ka ba!?” Sigaw ni Hadwin. Buset ‘to, loko-loko! Ano
ako maniniwala.

Hindi na talaga sana ako maniniwala kaso yung babaeng sinabi ko, lumapit nga
saamin. Akala ko imagination ko lang kanina, totoo pala.

“Kuya oh.” Wow mala-anghel ang boses! Kaso tinawag nga ba niyang kuya si Hadwin?
May ibinigay siyang papel sabay sabing, “Nakalimutan mo daw sabi ni mommy.” Si
Hadwin naman, bait-baitan nung lumapit yung babae. Mommy daw? Hala!

Nung umalis na yung babae, nagtransform ulit si kumag. “Mamamatay ka muna bago ka
makalapit sa kapatid ko.”

“Weh. Hindi nga!” I doubt two things, na mamamatay ba talaga ako o magkapatid ba
talaga sila.

Kaso seryoso siya eh. Halata naman na handa nga siyang pumatay sa mga oras na ‘to
dahil sa mga tingin niya. “Subukan mong lumapit sa kapatid ko, magkakamatayan
tayo.” Grabeng death threat ha!

End of Chapter 1 Part 2

1.3: His Ideal Girl


(Cecily Gonzaga POV)

“Sister complex nga!” Sinabi ko kay Ash habang ang nakatingin lang ako sa computer
screen. Nanood kasi ako ng anime. At isa pa, ayoko yung topic niya. “Protective
brother for his sister. Wala kang pag-asa dun, sigurado!”

“Thank you ha! Pinalakas mo loob ko! Grabe!” Sarcastic! Tanggapin na lang niya
kasi! Pero nung tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa pink ceiling ng kwarto
ko. Nandito kami sa loob ng kwarto ko dahil katatapos lang kasi namin mag-dinner.
Steak nga ang nilutong ulam ni papa as requested by Mama Percy.
“Pero tingin mo, magkaugali kaya sila nung kapatid niya? Babaero pa naman yung si
Hadwin. Ilan na kaya naging boyfriend nung kapatid niya.”

“Malamang sampu na!” OA ko no! Pinababaho ko lang yung image nung babae.

“OA!” sabi niya kaso napa-isip siya. Haha! Malamang kasi tama ako! “Hindi naman
siguro!”

“O baka lagpas sampu na!” Ang sarap bumanat! Kaso ginantihan niya ako nang batuhin
niya ako ng stuff toy ko na pusa. Regalo niya sa’kin ito from last month nung
birthday ko.

“Aray ha! Sapul sa mukha!!!” Kunyari nasaktan ako, ito namang utu-uto lumapit at
nag-sorry agad. Hay! Kung ganito lang siya kadaling paikutin pagdating sa love,
siguro matagal na siyang in love sa’kin. “Joke lang!”

“Epal ka noh!” Pero natawa siya. Natawa na din ako. Tapos biglang may kumatok, si
papa pala.

“Asher, ito pinagbalot ko na si Percy” sabi ni papa. “I-microwave na lang niya


pagdumating na siya.”

Tumayo na si Asher. Nahiga-higa kasi siya sa kama ko eh. “Uy! Thanks Tito Al!
Sigurado matutuwa nanaman si mama!” Nagtawanan sila. Close din sila ni papa eh,
parang mag-ama! Naghiwalay kasi ang parents ni Ash nung nine years old siya. Kaya
ang nangyari, ang pamilya ko at pamilya ni Ash, parang naging isa na lang since
mag-bestfriend naman sina Papa at Mommy Percy.

“Sige! Oh, si Silly ba pasaway nanaman?” Yan! Kung kami magkakampi ni Mama Percy sa
umaga, si Ash at si papa naman ang magka-team sa gabi.

Kumunot ang noo ni Ash. “May bago ba dun Tito? Eh kaya nga Silly ‘tong nickname ni
Cecily eh.” Nagtawanan sila ulit! Ano kaya yun!

Akala niya siguro hindi ako gaganti ha! “At least wala ako problem pagdating sa
sister complex!” Haha!!! In your face Ash!

“Ha? Ano daw?” Si papa walang alam, si Ash ang naapektuhan. Buti nga!

“Wala yun tito! Kung anu-ano na sinasabi niyan kapapanood ng anime sa computer
niya!” lumapit siya sa’kin tapos pinatay yung computer. Bully talaga ‘to. “Matulog
ka na Silly Cecily!”

“Epal ka talaga BASHER!” Yan naman tawag ko sakanya kung minsan, hilig niya kasing
i-bash ako palagi.

“Okay, sige tama na yan! Matulog ka na Cecily. At ikaw naman, mag-ingat ka pag-
uwi!” sabi ni papa.

“Joke ka tito! Magkalapit lang bahay natin eh!”

At lumabas na sila ng kwarto ko. Hindi uso sa’min ang good night kiss,
kinikilabutan daw sila. Buti pa kami ni mama Percy, may morning kiss. Anyway, kahit
nasa kwarto ako, nakasilip naman ako sa bintana hanggang sa pumasok na ng bahay
nila si Asher.

Napahiga ako sa kama ko. Naaamoy ko pa yung scent ni Asher. Pero hindi perverted
ang iniisip ko ha! Pero medyo nalulungkot ako, kasi dumating na ulit yung araw na
makakahanap siya ng babaeng magugustuhan niya.
Madalas niyang sabihin sa’kin yung about sa dream girl niya eh.

“Maputi!” Makinis at maputi naman ako ha! Ito nga greatest asset ko eh! Porcelain
skin!

“Long and straight hair” Sus! Ano bang malay niya kung bagong rebond pala yung
babae. At straigth din naman yung akin, kaso pinalalagyan ko ng curls dahil mas
bagay daw.

“Chinita” Marami naman ang nagsasabing mukhang akong Koreana.

“Eye-level niya yung height.” Ang tangkad kasi nito ni Ash eh! Kaya gusto rin
matangkad na babae! Eh ano naman kung ang height ko eh wala pa hanggang shoulder
niya! Daanin ko na lang sa heels.

“Matalino!” Ang hirap pag-genius ka, genius din ang hanap mo! Bakit? I’m smart in
my own way naman ha!

“Mahinhin at understanding.” Hindi naman ako balahura kumilos! At lalong


understanding ako kahit palagi niya akong inaaway.

“Syempre maganda!” Maganda naman ako ha! Si Ash naman madalas mag-sabi nun. Maganda
ako kahit walang make-up.

So bakit sa iba pa siya tumitingin! I sighed. Sino kaya yung babae? Yung sinasabi
niyang ideal girl niya.

End of Chapter 1 Part 3

Chapter 2
2.1: You Have a Sister?
(Hadwin Alvarez POV)

Kahahatid ko lang kay Gwynne sa room niya dito sa fourth floor. Freshman siya, kaya
naka-locate sa pangalawa sa pinakamataas na floor ang room niya. And dami pa niyang
dalang mabibigat na libro. Sa aming dalawang magkapatid, siya ang nabiyayaan ng
tiyaga at talino sa pag-aaral.

Nang paalis na sana ako, may nakita naman akong bata sa floor din na ito. High
school building ito diba? Bakit may naliligaw yatang grade school student dito? So
lumapit ako sa kanya para i-check kung taga-dito ba talaga siya. Pero mukha
talagang hindi eh!

“Uy! Anong ginagawa mo dito?” Itatanong ko kung nawawala ba siya? “Nawawala ka?”

Tinignan niya ako! Napamura tuloy ako sa isip ko. Ang cute naman nito lalo na nung
nag-pout siya. “Dito ang classroom ko eh.” Tapos umalis siya at pumasok sa room
kung saan ko hinatid ang kapatid kong si Gwynne.

Kaklase ba talaga yun ng kapatid ko? Bakit ang bata ng itsura. Napaisip tuloy ako.
Pero ang ganda niya ha. Napangiti akong bumaba pabalik sa floor ng mga third year,
sa 2nd floor.

Nung pumasok ako sa room namin, habang nasa isip ko pa yung mukha nung kaklase ni
Gwynne, umepal naman bigla si Asher.

“Uy Had! Musta!?” Ang plastic! May kailangan ka lang eh. Nginitian niya ako, alam
niyang alam ko na ang nasa isip niya.

“Kung tungkol pa rin ito sa kapatid ko, hindi!!!” straight to the point para hindi
na mangulit. Ang kaso hindi papatinag eh.

“Ito naman! Ang tagal na nating magkakilala eh! Seryoso ako! Gusto ko nga kapatid
mo!” Alam ko, pero basta! “Alam mo naman kapag ako ang seryoso sa babae diba! Wala
sa tipo ko ang manloko!” Tapos biglang bumulong siya. “Hindi naman ako katulad mo.”

“Narinig ko yun!!! Loko ka! Lalong ayoko! Maghanap ka ng ibang babae!”

“Wala kang utang na loob, pinapakopya kita palagi tapos hindi naman kita
sinisingil.” Ano ‘tong ginagawa mo ngayon?

"Ayoko! Ayokong masaktan ang kapatid ko. Kaya wag kang makulit!" sagot ko.

“And you think I would cheat on your sister?” Aba nag-english pa! Akala niya siguro
hindi ko naintindihan. “Parang namang hindi tayo magkaibigan niyan!”

“Basta! Wag ang kapatid ko! Bawal! Ayoko! Tapos!” Case closed! Sana!

Buti na lang nalipat attensyon niya nung may tinawag siya ng kaklase namin. Galing
siya ng labas, pumasok sa loob nang nagmamadali. “Asher!!! May naghahanap sa inyo.”
Napatingin ako.

May pumasok sa classroom namin. Hala!!! Yung cute na babae kanina!!! Napatayo tuloy
ako sa kinauupuan ko. Sinundan ba niya ako? Nakakatuwa naman, ang gwapo ko.

Kaso teka, sabi ng kaklase namin kanina, si Asher daw yung hinahanap. Napatingin
tuloy ako kay Asher dahil nilapitan niya yung babae at hinila papalabas ng room
namin. Ano ‘to!!!

Sinundan ko naman siyempre, tapos narinig ko silang nag-uusap.

“Anong ginagawa mo dito! Diba sabi ko sayo wag kang pupunta dito!” Bakit nagpa-
panic si Ash?

“Tumawag sa’kin si papa ngayon lang.” Papa? “Sabi niya male-late siya for dinner.
Kain na lang daw tayo sa labas Kuya.” Kuya!? “At tsaka ibili na lang daw natin sila
ni Mama ng dinner.” Mama?

“Ha!? Sige, sige!!! Alis ka na!” Tinulak niya gently yung babae at umalis naman ito
ng nakangiti. Dumaan siya halos sa harap ko, parang nag-slowmo yung paligid. Kaso
lumapit sa’kin si Asher, medyo kinabahan siya pero hindi ko alam kung bakit.
Inakbayan niya ako pabalik sa upuan namin.

“Sino yun?” Tinanong agad ng isa kong kaklase si Ash. “Hindi mo man lang sinabi na
may maganda kang kapatid.”

“Haha!” Ang fake ng tawa ni Ash, halata naman eh. “Yun maganda? Bulag ka? Wala yun!
Wag mong pansinin yun.” Umalis naman yung kaklase namin. Alam niyang wala siyang
makukuhang matinong sagot kay Ash dahil hindi naman sila close.

“Kapatid mo?” Ako na ang nagtanong.

Napatingin siya sa’kin. Parang nagulat. “Bakit?”

“Ha? Nakita ko siya kanina eh…” Bago ko pa man ituloy ang sasabihin ko, iniba na
niya agad yung usapan.

“Anyway, balik tayo sa kapatid mo.” Ngiti niya. Ayos ha!

“Hindi! Kapatid mo ba yun?” Tanong ko ulit.

“Bakit ba gusto mong malaman!?” Naasar na sinabi ni Ash.

Hindi ba obvious na intersado ako? “Eh kaanu-ano mo ba yun? Bakit mo siya kilala?”

“Ano… ka… kapatid ko nga? Kapatid ko nga!” Parang hindi pa siya sure.

“Hindi nga?” Hindi rin ako sigurado.

“Kapatid ko nga!!! Narinig mo naman siguro yung mga sinabi niya diba?” Narinig ko
nga! May papa, mama at kuya siyang nasabi. “Wag mong sabihing trip mo kapatid ko?

“Ha?” Alam na. “Oo…” Oo, parang trip ko nga yung kapatid niya. Tapos bigla siyang
tumawa ng malakas.

“Ayos ka ha! Ano ‘to gantihan? Gusto ko lang kapatid mo, tapos ganito rin gagawin
mo. Wala namang lokohan Had! Seryoso ako sa kapatid mo eh! Wag mong idamay kapatid
ko.”
“Eh sino bang may sabing nagloloko ako!?” Seryoso nga! Hindi ko man lang alam na
may kapatid pala itong si Asher, ang ganda pa. “Seryoso ako Ash.”

At alam ko kung na agad kung ano ang isasagot niya. “Hindi!!! Bawal!! Ayoko!!!
Tapos!!!” Tinalikuran niya ako! Parang sinabi niya lang rin yung mga sinabi ko sa
kanya kanina.

Napaisip ako...

At may naisip nga ako.

Isang magandang idea. “Ganito na lang Ash, papayag akong ligawan mo ang kapatid ko!
Tutulungan pa kita!” Ang totoo, hindi naman talaga kasi ako dapat kabahan kung si
Asher ang manliligaw kay Gwynne dahil alam kong seryoso siya sa mga bagay na
ganito.

“At hayaan mo rin akong ligawan ko ang kapatid mo.” Sana pumayag siya.

“Pero usapang-lalaki Ash! At pagkakaibigan natin ang nakasalalay dito! Walang


pwedeng mang- g@g* sa sating dalawa!” At nung sinabi ko yun, seryoso ako this time.

End of Chapter 2 Part 1


2.2: I Now Pronounce Us, Siblings
(Asher Carillo POV)

Ilang beses ko na nga bang nakitang seryoso si Hadwin? Tuwing may basketball game
siya, kung makikipag-break na siya sa girlfriend niya, nung time na nag-aral siya
para hindi bumagsak last year, nung sinabi niyang layuan ko daw ang kapatid niya,
at nung sinabi niyang may gusto siya kay Cecily.

Napatingin tuloy ako kay Silly. Kumakain kami ng bicol express ngayon sa restaurant
malapit lang sa bahay namin. Paano ko kaya sasabihin sa kanya.

“Ang anghang!!! Hooh!!!” Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang panyo ko. “Thanks!
Isipin nila girlfriend mo ko!”

“Baliw!” Assuming talaga ‘tong babaeng to. Ang hilig pang magbiro samantalang wala
naman siyang experience pagdating sa love.

“Ano na nga palang nangyari dun sa crush mo?” Anong nangyari? Eh di wala! Wala pa.

“Wala!” Ay bago ko pala makalimutan. “Ikaw ha! May kasalanan ka pa sa’kin! Sabi ko
sayo wag kang magpupunta sa floor namin eh.”
“Ano bang problema dun? Natatakot kang magkagusto sa’kin mga kaklase mo?”

“Lakas mo ha!” May mga kaklase nga akong nagkagusto sa kanya. At isa pa sa malaki
kong problema, isa si Hadwin sa mga yun. Bad trip. “Pero hindi pa kita
napapatawad.”

“Parang ang laking kasalanan naman nun.” Nag-pout siya. Pero dahil ako ang boss,
wala siyang magagawa kung hindi sumunod sa’kin. “Sorry.”

“Sorry ka dyan!” Ito na ang right timing para sabihin ko sa kanya. “Pero kung
papayag kang maging kapatid ko, papatawarin kita!” Ang lakas makachange topic noh!

“Ano namang kinalaman nun?” sigaw niya! Napatingin tuloy yung ibang tao sa loob ng
restaurant, nakakahiya!

“Kasi ganito yun, nasabi ko na kay Hadwin na kapatid kita.”

“Hadwin? Yung kapatid ng crush mo?”

“Oo.” I’m planning to tell her the truth. “At napapayag ko siyang ligawan ko yung
kapatid niya nung nalaman niyang may kapatid din akong babae.” That’s the truth,
pero wala sa plano ko ang sabihin sa kanya ang lahat.

“Yun lang?” Napa-isip siya pero alam ko isasagot niya dahil hindi naman ako
hihindian nito.

“O…sige.” See! Kahit parang napilitan lang, pumayag pa rin siya! “Eh kaso, hindi
naman tayo mukhang magkapatid eh. Hindi tayo magkamukha. At tsaka, obvious naman na
hindi tayo magkaanu-ano sa apelyido naten.”

Alam ko nang sasabihin niya ito, but I’m prepared. “Ipapalabas natin na step-
siblings tayo. Magkaiba tayo ng apelyido kasi magkaiba naman tayo ng daddy. So
parang si Tito Albert at si Mama, nagsasama kunyari.”

“Sigurado ka?”

“Oo naman! Para naman talagang iisang pamilya na tayo diba. Halos parang daddy ko
na si Tito Al at ikaw naman, mama na nga ang tawag mo sa mommy ko.”

“Eh paano kung malaman nilang nagsisinungaling tayo?” Ang daming tanong!

“Hindi nila malalaman kung hindi natin sasabihin.”

“Eh sigurado ka bang sasagutin ka nung crush mo?” Dapat pa bang itanong yan!
“Wala kang tiwala sa’kin? Tingin mo hindi ako magugustuhan nun?” Medyo yumuko siya.
Pero napapayag ko na naman siya eh. Wala nang atrasan ‘to! “Ano Silly? Parang
magkapatid naman na talaga tayo ha! Hindi na mahirap yun.”

Tumango na lang siya! Well done Asher!!! Pero bago ko pala makalimutan, may isa
bagay pa akong dapat sabihin sa kanya. “Ay oo nga pala, mag-iingat ka naman dun kay
Hadwin.”

“Bakit? Pati ba ako ii-interrogate nun?” Hindi naman. Hindi ko kasi masabi sa
kanya na may gusto sa kanya si Hadwin at balak din siyang ligawan nun. Kahit anong
mangyari kasi, hindi ako papayag na mahulog ni Silly sa lalaking katulad ni Hadwin.

“Hindi naman. Loko-loko lang kasi yung kumag na yun eh! Playboy! Basta babae,
popormahan agad!” Nanlalaki yung mata ni Silly. Ang cute nga eh. “Kaya kung baka
tamaan ng kung ano yun at magpakita ng interest sayo, WAG NA WAG kang maniniwala.
Naglalaro lang yun.”

“Ganun?” Nagulat niyang sinabi.

“Oo! Pati ikaw papatusin nun! Talo ka pag na-inlove ka dun dahil walang
siniseryosong babae yun.” Napatango siya!

“Okay sige, pero yun lang ha! Wala nang iba!” Ang galing ko talaga! Ngayon hindi
na ako matatakot na mapapa-iyak ni kumag si Silly dahil sa’kin lang naniniwala ito.

“Deal yan Silly ha! Oh yan bati na tayo!” Napangiti siya. “Good girl!” Tapos ti-nap
ko yung ulo niya na parang bata.

“Wag ka nga! Para akong aso eh! Ginugulo mo pa buhok ko!” I’m really glad I have
Cecily by my side.

* * *

The next day, nung lunch break na namin, kabado kami pareho ni Hadwin. Bakit?
Ngayon na kasi namin makikilala ang mga gusto naming babae. Ako lang pala kasi
hindi pa rin ako naniniwalang talagang gusto ni Hadwin si Cecily.

“Ay kaklase pala ng kapatid ko si Cecily.” Hah? Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya
pangalan ni Silly ha!

“Pano mo nalaman?”

“Kahapon kasi, nakita ko na yung kapatid mo. Nung tinanong ko kagabi yung kapatid
ko, Cecily daw yung pangalan niya.” Biglang nag-iba yung tingin niya sa’kin. “Pero
bakit Gonzaga surname niya? Bakit magkaiba kayo?”
Talaga lang!!! Nakapag-research na siya agad tungkol kay Silly. Asar!!! “Ah, kasi
magka-iba kami ng tatay. Diba alam mo naman, hiwalay na real parents ko. Yung mommy
ko, yun nakilala yung daddy ni Cecily, making us step-siblings.”

“Ah!!! Akala ko niloloko mo lang ako eh.” Kinabahan ako dun ha. “Pero ang galing
noh! Magka-klase din yung sisters naten. Meant to be! Haha!” Meant to be ka jan!
Sakalin kita eh! Anyway, hindi naman niya mapapasagot si Silly kaya there’s nothing
to worry about!

Maya-maya lang tumunog na ang second bell. Nagbabaan na ang mga freshman for lunch.
Kami naman, within 30 minutes, balik-class na ulit. But we still have time para
makilala namin ang kanina pa naming hinihintay.

And there I saw the girl of my dreams!!! Palapit na kapatid ni Hadwin! Okay
relax!!! Kaya ko ‘to!!! Nang lumapit siya, natulala ako! Mas maganda siya sa
malapitan!!! “Kuya!!!”

“Oh ito na pala si Gwynne eh!” Ang awkward ng pagkakasabi ni Hadwin. Parang ayaw pa
rin niyang ipaubaya sister niya. Anyway, Gwynne pala pangalan niya!!! Ang ganda!!!
“Ay Ash, kapatid ko nga pala si Gwynne! Gwynne, kaibigan ko si Asher.”

“Hi.” Sabi niya. Parang natutunaw tuloy ang puso ko!

Kaso umepal nanaman ‘tong si Hadwin. “Gusto ka nga pala nitong kaibigan ko!”
Buset!!! Tama bang siya ang magsabi ng nararamdaman ko! Hay ang sarap pumatay ng
tao ngayong oras na ‘to! Sa asar ko sinipa ko nga paa niya. Buset kang kumag ka!
Epal! Nahihiya tuloy ako!

“Tumigil ka nga dyan kuya!” Sabi ni Gwynne. Parang bag-blush siya. Itinawa ko na
lang ang kahihiyan ko.

“Hi, Ash na lang.” Tapos inabot ko yung kamay ko para makipagshake-hands sa kanya.
Ang lambot ng kamay niya!!! Wow!

“Hello! Nice to meet you Asher. I'm Gwynne.” Sagot niya sa’kin nang nakangiti!
Grabe pamatay kagandahan nito, parang nakakasilaw. Lalo pa nung medyo natawa siya
ng konti. Ang cute niya!!! Magkapatid ba talaga sila nitong kumag na kaibigan ko na
‘to? “Sige, Ash.” Binanggit niya pangalan ko!!! Good sign!!!

“I guess I’ll see you around.” She smiled at me at bumalik na siya sa mga friends
niya. Wow, hindi nga siya katulad ni Hadwin.

End of Chapter 2 Part 2


2.3: When I Met Them
(Cecily Gonzaga POV)

Hindi ako nakatulog ng maayos sa mga pinagsasabi ni Asher. Kami magkapatid? Baliw
ba siya? Kaso ako naman ang may problema, bakit ako pumayag?

“Ms. Gonzaga, please solve problem no.5.” Patay! Ako nanaman tinawag nitong Algebra
teacher ko. Hindi ko pa naman inintindi kagabi yung tutorial sa'kin ni Asher dahil
gumugulo pa rin sa isip ko kung sino ba talaga yung babaeng gustong-gusto niya.
“Ms. Gonzaga.”

“Yes ma’am!” Inulit pa talaga pangalan ko. “I’m sorry.” Napayuko na lang ako. Bakit
kasi hindi ako kasing talino ni Ash. “I don’t know the answer.” Napataas nanaman
ang kilay ni Mrs. Razon. Asar pahiya nanaman sa klase. Buti na lang may matalino
akong kaklase. Itinaas niya ang kamay niya at nag-volunteer siya na sagutan yung
problem sa white board. Wow! Galing niya hah.

“That’s correct Ms. Alvarez.” Tuwang-tuwa na sabi ni Mrs. Razon.

“Thank you.” At ngumiti lang si classmate na matalino. Nakakainggit naman. She’s


top of our class, mabait, palakaibigan at higit sa lahat, sobrang ganda niya. Kapag
tinitignan ko nga siya, para siyang character na nakawala sa anime. Ganun siya
kaganda.

After ng algebra class, as usual daldalan sa buong klase. Pati ako nakikipagsabayan
sa ingay ng klase. Nilulubos habang wala pa ang terror adviser. Kaso bigla akong
napanganga nang lumapit sa’kin si Gwynne Alvarez.

“Cecily.” Nag-uusap naman kami, minsan nga lang. Kasi magkaiba ang barkada namin.
Mga ka-close niya puro matatalino at magaganda, tulad niya. Mga ka-close ko puro
magaganda lang, tulad ko syempre! “May nakaupo ba dito?” Tinatanong niya kung may
nakaupo sa upuan na nasa right side ko.

Nung nagkaroon kasi ng sit plan, pina-upo ako sa likod dahil farsighted ako. Ang
problem ko naman, puro matatangkad nasa harap ko. “Wala.” Ang sagot ko.

“Pwede ba akong lumipat dito? Nahihirapan kasi ako dun sa harap.” Nahihirapan rin
pala ang mga tulad niya.

“Bakit? Farsighted ka rin ba?” tanong ko, sagot niya oo. Wow!!! Kung sakali,
magkakaroon ako ng katabing sobrang talino.

Nung pumasok na yung adviser namin, nilapitan agad ni Gwynne si Mr. Amante.
Masungit talaga ‘tong adviser namin na ‘to. Laging nakasimangot pag kinakausap.
Pero kapag si Gwynne ang kausap niya, ang bait niya. Pano, teacher’s pet dahil sa
sobrang talino, siguro dahil sa sobrang ganda din.

Maya-maya, kinuha na ni Gwynne yung mga gamit niya at tumabi na saakin. Nginitian
niya ako kaya nginitian ko rin siya. Maging close kaya kami nito?

Naglecture lang si Mr. Amante, nakahinga ako ng malalim. Tapos pinasulat na niya
kami ng sobrang habang notes. Dito nagkaroon kaming makapag-usap ni Gwynne.

“Cecily, kilala mo ba kuya ko?” Tanong niya habang nagsusulat pa rin siya. Sinilip
ko handwriting niya sa notebook, sobrang ganda!!! Parang tinype sa computer.

“Hindi. Bakit?” Tanong ko. Paano ko naman makikilala yun.

“May kilala ka bang Hadwin?”

“Hadwin? Hadwin…” Teka, parang familiar. “Ah si Hadwin! Kaklase ni Kuya Ash yun!
Kapatid mo yun?”

“Oo. Third year sila.” Tumango ako. “Bakit kaya tinatanong ka niya saakin kagabi.”
Tumingin siya saakin at nakangiti. “Alam mo pa kung paano ka niya dinescribe.”

“Paano?” Na-curious tuloy ako.

“Sabi niya, babaeng medyo maliit, mukhang manika kasi baby-face, maputi parang
Korean, may long curly hair at parang mahilig sa cat designs.” Ako nga yun! Palung-
palo lalo na dun sa mahilig sa cat designs dahil cat-lover ako. “Sabi ko walang iba
kundi ikaw yun!”

Medyo natuwa ako sa description sa’kin ng kuya niya. So parang gandang-ganda siya
sa’kin. Haha!!! Pero wait…

“Teka… so kapatid mo nga yung Hadwin!? Nag-iisa ka lang ba niyang kapatid?”

“Oo.”

Kapatid siya nung Hadwin na kinukwento ni Ash…

So it means…
Patay na… Patay na lovelife ko.

Si Gwynne pala ang gusto ni Asher. Anong laban ko dito?


Nang mag-ring ang bell, nagbabaan na kami for lunch break. Nang makarating ako sa
cafeteria, nakita ko si Gwynne, kausap si Asher, may kasamang lalaki. Yung lalaking
yun yung nagtanong sakin kahapon kung nawawala daw ba ako! Grabe namang pagkakataon
‘to!

Nang bumalik na si Gwynne sa mga friends niya, nakangiti siya. Ano kayang pinag-
usapan nila? Aalis na sana ako, wala na akong ganang mag-lunch pero nakita ako ni
Ash at tinawag ako at pinapalapit sa kanila. Ano nanaman ba!? Lumapit ako.

“Bakit?” Bungad kong tanong kay Ash. Wala ako sa mood sa mga revelation ngayong
araw na ‘to.

“Kapatid mo Asher? Hi! Cecily, right?” Ang bilis naman nitong lalaking ito. Tumango
na lang ako. "Naalala mo pa ako? Kahapon?"

Tinignan ni Asher ng masama yung kaibigan niya. Ito na nga yung Hadwin na
tinutukoy niya. “Ay Silly, si Hadwin nga pala! SIYA yung kinukwento ko sa’yo
kahapon.” Nag-hello ako at nag-hi naman siya. Tapos inabot niya ang kamay ko at
nakipagshake-hands siya. Gwapo naman pala talaga ‘tong si Hadwin. Parang si Gwynne
din, parang anime character na nabuhay.

“Okay, Had tama na.” sabi ni Ash nung medyo matagal nang magkahawak ang kamay namin
ni Hadwin. “Had!!! Bitaw na!!!” Gumamit siya ng pwersa para magbitaw na mga kamay
namin. Natatawa tuloy ako imbis na wala sana ako sa mood.

“Anyway, pwedeng makuha number mo?” Ibibigay ko naman sana kaso nag-signal sa’kin
si Ash na wag daw.

“Wag daw eh, sabi ni Kuya.” Buking si Ash! Buti nga sayo. Sinuntok siya ni Hadwin
ng mahina lang.

“Ito talagang kuya mo, over-protective!” banat ni Hadwin. Cute nga siya.

“Nagsalita ang hindi!” Pero mas cute si Ash.

“Sige kuya, magla-lunch na muna ako.” Ayan, dahil sa simpleng pangyayaring ito,
isang pagpapa-cute lang ni Ash, ginugutom agad ako.

“Sige, punta ka na sa mga friends mo.” Sabi ni Ash, parang pinaaalis na talaga niya
ako.

“Uy sige Cecily, see you around the school ha!” Nakangiting sabi ni Hadwin habang
kumakaway siya.

Nginitian ko rin siya at umalis na ako. Mabait naman pala siya, parang kapatid
niyang si Gwynne.

Speaking of Gwynne, nalungkot nanaman tuloy ako. Hindi ko kasi magawang magalit
sakanya dahil hindi naman niya kasalan na magustuhan siya ni Asher. At isa pa,
paano ko magagawang magalit eh sobrang bait niya.

End of Chapter 2 Part 3

Chapter 3
3.1: It’s Hard to be Silly?
(Cecily Gonzaga POV)

Kinagabihan, confirmed na si Gwynne nga yung gusto ni Ash. Kaya bago pa man
maghapunan, wala nanaman akong ganang kumain.

“Oh diba favorite mo ang pasta? Ayaw mong kumain?” Tanong ni papa. Mukhang masarap
nga niluto niya, yun ang sasabihin ko kapag may gana ako, eh kaso wala nga eh.

“Hindi ako gutom.” Tinignan ko naman si Ash, ayun ang lakas kumain! Inspired dahil
alam na niyang Gwynne pala ang pangalan ng crush niya. “Aakyat na ko.” Umalis na
lang ako paakyat ng room ko. Hindi naman ako sinundan ni Ash.

Pagpasok ko, nagtalukbong ako agad sa kama ko. Ay hindi! Ano ako iiyak? Manonood na
lang ako ng anime sa computer! Makakalimutan ko pa problema ko.

So in-open ko ang computer ko at nag-internet agad. I searched kung may update sa


pinapanood kong bagong anime series ngayon. Putek! Wala pa… makapag-blog na nga
lang. Ang kaso biglang may kumatok sa kwarto ko at hindi ko pa nga sinasabing
‘Pasok’, pumasok na siya agad. Sino pa nga ba, eh di Asher.

“Wala ka sa mood Silly?” Lumapit siya. Doon siya naupo sa kama ko dahil malapit
doon ang computer ko. Sinilip niya kung anong ginagawa ko. “Manonood ka lang pala
ng anime eh.”

“Hindi! Tignan mo oh! Anime ba yan!?” Tinignan niya, pahiya siya! Hmp… nababad-trip
talaga ako.

Humiga siya sa kama ko. “Alis ka nga dyan! Guguluhin mo nanaman yung kama eh! Hindi
naman marunong magligpit!”

“Init ng ulo mo ngayon ha!” Tinusok niya yung tagiliran ko! Napatili tuloy ako. May
kiliti ako doon eh.

“Wag ka ngang epal!” Pero tinusok niya ulit! Pang-asar ba. “Kasi!!!”
“Kaseeeee!!!” Inulit pa! Hilig talaga nitong asarin ako. “Bakit ayaw mong kumain?”

“Hindi nga ako gutom.” Ayokong kumain dahil sa’yo.

“Kaya hindi ka lumalaki eh.” Asar niya. Bahala ka nga sa buhay mo dyan! Nag-focus
na lang ako sa harap ng computer. “Uy!” Papansin talaga ‘to. “Bubuhatin kita pag
hindi mo ko pinansin.”

Hindi pa rin ako sumagot! Pakelam ko sa’yo. Ang manhid mo.

“Isa!” Weehhh… “dalawa, Silly!” Tumingin na ako sa kanya. Mukhang tototohanin eh.
“Tatlo!!!” At ayun! Binuhat nga niya ako papunta sa terrace ng kwarto ko!

“Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!” Napasigaw ako!!! “Aray ko!!!” Ang sakit ng tagiliran


ko!!! “Epal ka talaga!!!” Kaso imbis na magalit ako, natawa ako bigla! Ang stupid
noh!

“Oh di yan, natawa ka?” Ibinaba na niya ako at naupo siya sa may upuan. “Bakit ba?
May masakit ba sa’yo? Bakit hindi ka namamansin?”

“Masakit tiyan ko!” Actually hindi. Sumakit lang nung binuhat niya ako. Yan nagawa
ko tuloy na dahilan.

“Hindi ka agad nagsasabi! Nagda-diarrhea ka pala.” Natawa siya. “Akala ko kung ano
na eh.”

Naupo na lang din ako sa tabi niya. Ganito kasi kami, kapag magkasama, hindi talaga
namin matitiis ang isa’t isa. Wala nga akong maalalang nag-away talaga kami, dahil
madalas ang asaran namin, parang lambingan lang.

“Masakit pa tiyan mo?” Tumango ako sa tanong niya. Pati puso ko masakit. “Sige i-
pupu mo na lang yan.”

“Sira!!!” Binatukan ko siya, pero hindi malakas. Tapos ang madalas niyang ganti,
tusok sa tagiliran ko sabay tap sa ilong ko.

“Tos tawawa naman ang beybing tos!” Kaiinis! Alam mo yung boses niyang pinaliit na
parang kausap niya eh aso, ganun niya sinabi yun eh. Pero pag ginagawa niya yun,
natutuwa ako.

Ang hilig niya kasing gawin para i-comfort ako ay pagtapik sa ilong ko. Ewan ko
kung saan ba niya natutunan 'to, pero effective kasi sa tuwing ginagawa niya yun,
nagiging okay ang feeling ko.

“Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?” tanong ko. Kailangan kong ilipat ang attention ko.
“Pahangin muna tayo dito sa terrace ng kwarto mo. Maganda view dito eh.” Favorite
spot nga niya ito sa bahay namin. Napatingin siya sa malayo, napatingin din ako sa
mukha niya. Kahit nakapikit, kabisado ko na bawat angles ng face niya. “Silly, may
sasabihin ako.”

“Ano?”

“Okay lang ba sa’yo…”Ang ano? “…kung liligawan ko si Gwynne.”

“Ha?” Pag sinabi kong hindi, susundin ba niya ako. “Oo naman… mabait naman siya eh.
Magkatabi na nga kami sa room eh.” Ikaw na ang tanga Cecily! Kaya Silly nickname mo
eh! Bobo!!!

Napangiti si Asher sa’kin. Hindi ka ngingiti nang ganyan kung alam mo lang na
nasasaktan ako. “The best ka talaga Silly!” Inakbayan niya ako! Sige ikaw na lang
din ang masaya. “Eh di payag kang makipag-date ako sa kanya this Saturday?”

“Saturday!? Ikaw… ikaw bahala. Tinanong mo na ba siya?”

“May usapan kasi kami ni Hadwin eh, isasama niya daw si Gwynne.” Kasama si Hadwin?
Eh akala ko ba date nila? “Kaya, isasama din kita.”

Napatayo ako! Pumayag na nga akong mag-date sila tapos isasama pa niya ako! Para
saan? Para makita silang magkamabutihan! “Bakit pati ako!?!”

“Eh kasi, kaklase mo nga si Gwynne. Baka kasi ma-awkward kapag kasama ako. At isa
pa, hindi niya alam na magkikita kami ni Hadwin doon.”

Humindi ka Cecily. Wag mo nang pataasin pa ng another level ang katangahan mo.

“Please, Silly.” Tinitigan niya ako. Bakit ba nakakatunaw yang mga tingin niya. Ang
tanga mo Ash!

“Okay…sige.” Hindi, wala palang mas tatanga pa saakin.

Then hugged me because of happiness. But I hugged him back because of sadness.

End of Chapter 3 Part 1

3.2: Double Date?


(Asher Carillo POV)
“Kailangan talaga ganito kaganda suot natin?” Tanong ni Silly na mukhang hindi
masaya sa suot niya. Eh ang ganda-ganda naman niya.

“Hindi naman masama magmukha tayong gwapo at maganda paminsan-minsan.” Anyway, this
is it!!! First date ko with Gwynne! Kaso hindi ako dapat maging kampante, kasi
kasama si Hadwin. Panigurado may mga balak na ‘to kay Silly.

“Ash!!!” boses ni Hadwin yun. Nung lumingon kami, sila na nga! Papalapit na saamin.
Parang nagulat pa si Gwynne nung makita kami. Hindi niya kasi alam na plano talaga
namin ito ni Hadwin. “Hi Cecily!” Bati agad ni kumag. “Nandito din pala kayo.” Best
actor! Grabe!

“Oo nga eh! Anong ginagawa niyo dito?” Ako din pakunyari pero nakatingin na ako kay
Gwynne. Grabe parang anghel na naglalakad dito sa lupa. Ang ganda! “Hi Gwynne.”

“Hello.” Ang bati niya sa’kin. “Mahilig din pala kayo lumabas ng kapatid mo. Hi
Cecily!” Nginitian niya at tinanong si Silly.

“Oo… minsan…” ANO daw? Ano bang sagot yan Cecily. May mood swing nanaman ‘tong bata
na ‘to. “Kain na tayo Kuya Ash.”

“Ha?” Uy ano ba Silly! Umayos ka nga. “Kayo Had, kumain na ba kayo? Sabay na kayo.”

“Tamang-tama! Hindi pa! Tara Gwynne sabay na tayo sa kanila.” Pumayag naman si
Gwynne. “Saan niyo pala gustong kumain?” Tanong ni Hadwin.

“Kayo?” Sabay naming sagot ni Gwynne. Nakakatawa naman sabay kami. Destiny?

“Hindi, kayo. Saan niyo ba gusto?” tanong ni Hadwin. This time nakatingin siya kay
Silly.

“Ayoko nang kumain…” Babaeng ito talaga. Ano ba? Siniko ko siya. Pag ito talaga
tinopak.

“Nag-aaya ka kanina diba.” I poked her nose para matauhan. Tapos tumingin siya
sa’kin, natauhan nga. “Joke lang. Sa Jollibee tayo.” Wow! Ang daming kainan dito,
dun pa talaga sa pambata!

“Tara!” Napangiti si Hadwin. Excited din. Ito naman isip-bata.

Anyway, naglakad na nga kami papuntang Jollibee, at puro mga bata nga ang nandun,
naglalaro sa playground. Tinignan ko si Gwynne, natutuwa siya sa mga bata. Grabe,
mahal ko na siya… Tapos bigla niya akong nakitang nakatingin sa kanya, nahiya naman
ako. Kaya iniba ko usapan.

“Silly, wag kang bibitaw ha! Baka makita kitang kalaro mo na yung mga bata.” Natawa
kaming tatlo nina Hadwin at Gwynne. Joke lang naman kasi yun. Pero ito namang si
Silly, hindi ngumiti, sumimangot pa.

Nung maupo na kami sa table. Nagsabi si Hadwin na siya nalang daw yung oorder sa
counter. “Anong gusto niyo?” Sumagot si Gwynne, yung favorite daw niya. Ako naman,
sabi ko kahit ano. Alam naman niyang kahit ano kinakain ko. Nung si Silly naman…

“Sama na lang ako.” Spaghetti lang naman oorderin nito. Bakit sasama pa siya?
Halata namang natuwa si kumag nang malamang sasama sa kanya si Silly. Well hindi
naman ako dapat kabahan kahit magkasama sila dahil napagsabihan ko na si Silly.

At ang dapat kong pagtuunan ng pansin, ay ang maiiwan kaming dalawa ni Gwynne dito
sa table. This is it! Time ko na ‘to.

* * *
(Cecily Gonzaga POV)

Ano ba ginagawa ko dito? Bakit pa kasi sumama ako? Si Ash panay ngiti kay Gwynne.
Yung kaibigan niya panay ngiti sa’kin. Si Gwynne naman, nakangiti pa rin kahit
sinusungitan ko. Pano ba naman ako magagalit sa ganito kabait na babae. Naaasar
ako! Naasar ako sa sarili ko.

“Anong order mo?”

“Spaghetti. Ice tea. Peach-mango pie.” I plainly said. Yun naman talaga order ko.

Nginitian niya ako. Mabait din naman pala ‘tong Hadwin. Bakit ganun na lang kaya
kung pagsabihan ako ni Asher na mag-iingat sa taong ito. Kaibigan pa man din sila.
Nung time na namin para umorder, si Hadwin na nagsabi dun sa nasa counter. “Fries,
gusto mo?”

Humindi ako. “Burger?” Tinanong niya ako ulit. Sinabi ko na nga oorderin ko diba.
“Chocolate sundae?” Ang kulit naman nito. Siguro kapag humindi pa ako, masasabi na
niya lahat ng available sa Jollibee. “Sige, sundae.” Ngumiti siya. Inorderan niya
nga ako ng choco sundae.

Sinilip ko naman sina Ash at Gwynne. Naiwan kasi sila dun sa table namin eh.
Nagtatawanan. Close na yata agad. Pero mabuti na rin na hindi ako nagpa-iwan sa
kanila, dahil baka ma-OP ako. Panigurado kasi, pumoporma na si Ash kay Gwynne.

Nang bumalik na kami sa table, nagtatawanan pa rin yung dalawa. Ang saya niyo!
“Wow! Ang dami!” Sabi ni Ash. Sige kainin mo lahat yan ha! Saksak mo sa baga mo!

At nagkainan na nga kami. Ang lakas pala kumain ni Gwynne. Pareho sila ni Ash,
walang pili. Pero bakit ang ganda niya kahit kumakain ng ganun? Sumubo nga ako na
maramihan. Pero nung tumingin ako sa reflection ko habang nang puno ang bibig ko,
ang sagwa! Nabulunan tuloy ako. Nakakahiya. Nabuga ko yung konting kinakain ko sa
may harapan ko, kay Hadwin.

“Uy! Okay ka lang.” Tinap ni Ash yung likod ko at pina-inom ako ng ice tea.
Napatingin ako kay Hadwin, nahihiya tuloy ako. Pero natawa siya, parang hindi man
lang nandiri.

“Ang cute mo.” Sabi ni Hadwin sa’kin. Ano daw!? Anong cute dun!? Okay, so
nagtawanan ulit silang tatlo nina Ash at Gwynne. Ano ba, nanonood ba sila ng gag
show ngayon.

Si Gwynne naman, na nakaupo sa tabi ni Hadwin, kaharapan si Ash, pinunasan ang kuya
niya. Tapos ini-stretch niya ang long arms niya para punasan naman ang bibig ko.
Napatingin tuloy sina Ash at Hadwin sa kanya. Ano ba ako, bata?

“Thanks… kelan pala birthday mo Gwynne?” Change topic ako.

“This September pa, bakit?” Sabi niya.

“Mas matanda pala ako sa’yo eh. Noong May pa kasi yung birthday ko eh.” See! I
knew it! Kaya wag mo akong tinatratong bata. Madalas kasi, mas matanda pa ako sa
mga kaklase ko. “Tawagin mo akong ate.”

“Talaga?” Nagulat si Gwynne sa sinabi ko. Mas matanda ako sa’yo! Pero natawa naman
bigla si Ash.

“Ate ka dyan Silly. May bata bang pwede mong tawaging ate.”

“Ang baby-face mo kasi, akala ko mas matanda pa ako sa’yo.” Sabi ni Gwynne.
Compliment yun, kung sa iba. Pero sa’kin, pang-asar yun.

“But seriously, I thought na mas bata ka sa’kin. Gusto ko kasi ng baby sister eh,
kaya nga natutuwa ako sa’yo.” Bakit ang bait mo!!! Nagi-guilty tuloy ako sa mga
ginagawa ko.

“Okay lang naman… ituring mo akong sister…” Napatingin ako kay Ash. “Tutal sanay
naman na ako eh.”

Ngumiti si Gwynne sa’kin. Napangiti din si Asher. Parang natuwa siya nung sinabi ko
yun.

“Hindi na kita tatawaging ate ha.” Sabi ni Gwynne at tumango naman ako. At kumain
na lang ulit kami.

Ngayon napaisip ako, Gwynne is very nice, yet I’m trying to be mean. Ano ba dapat
kong maramdaman!?! Ito kasing si Asher, hindi nalang humanap ng kaugali ng ex
niyang si Aicelle. At least kung katulad ng ganung babae, madali lang maipakitang
galit ako.

End of Chapter 3 Part 2

3.3: I’ll be Nice to Her


(Cecily Gonzaga POV)

After naming mag-lunch, nagpunta muna ako sa CR. Sumunod din si Gwynne. And we are
alone inside. Sinadya kong tagalan sa loob ng cubicle pero paglabas ko, naghihintay
pa rin si Gwynne.

Tumingin ako sa reflection niya sa salamin at nakangiti siya, nginitian ko na rin.


Tapos dumirecho ako sa faucet para maghugas. At nung kukuha ako ng tissue para
punasan ang kamay ko, ubos na pala! Nice!!! Wala pa naman akong panyo, basang-basa
kamay ko. No choice, ipupunas ko na lang sa damit ko.

Then Gwynne gave her handkerchief. “Eto nalang oh.”

“Wag na. Wala ka nang panyo. Mababasa lang yan, sige ka.”

“Okay lang.” Kinuha niya kamay ko at siya mismo ang nagpunas nito. "Ito, gamitin mo
muna."

“Para naman akong bata.” Sabi ko.

“Sorry ha. Pag nakikita kasi kita, I can’t help but to act like an ate. Naasar ka
ba? Sorry.” Ang bait mo! Nakakaguilty na talaga.

“Okay lang. Ganun mo ba talaga ako ka-gusto ituring na baby sister mo?”

Ngumiti siya at tumango. “Oo… pero wag kang magalit ha.” Ngumiti ako at natawa.
Now mukha siyang bata.

Anyway, tumingin na ulit ako sa salamin para mag-retouch. Pulbo lang naman ang
gamit ko. Nakatingin siya sa’kin, at isang curious na tingin. “Natural pala yang
blush sa mukha mo.”

“Ha?” Hindi naman ako nilagyan ng make-up ni mama ah. “Bakit?”

“Mamula-mula kasi pisngi mo. Para ka talagang manika.” Nakaka-flatter naman.

Lumabas na kami ng CR. At heto lang ang masasabi ko, shame on me! Wala akong
karapatang magsungit o magalit kay Gwynne. Dahil habang nag-uusap kami kanina sa
loob nang kaming dalawa, nafi-feel ko ang sincerity niya.

So kanino ako dapat magalit? Kay Ash? Hindi rin… manhid siya, oo. Pero kasalanan ko
naman kung bakit ganito eh. Pwede kong aminin, pero hindi ko magawa. Kaya wala
akong dapat sisihin kundi ang sarili ko.

Nung nagkaayaan na manood ng sine, sabi ni Gwynne may kailangan daw siyang bilhin
sa bookstore kaya kaming tatlo na lang daw. But I knew Asher, susundan niya si
Gwynne and I was right. Kaya ang nangyari, si Gwynne at si Ash nagpunta ng
bookstore. Samantalang ako at si Hadwin, manonood na ng movie.

* * *
(Gwynne Alvarez POV)

I really like Cecily. Kahit noong first day nung class, nagagandahan na ako sa
kanya. Mukha kasi siyang manika. At ang nakakatuwa pa, may kamukha siya sa ball-
jointed doll collection ko sa bahay. Then one night, tinanong ako ni Kuya Hadwin
about a girl. I was sure he was talking about Cecily. “Babaeng medyo maliit,
mukhang manika kasi baby-face, maputi parang Korean, may long curly hair at parang
mahilig sa cat designs.”

It was the first time my brother and I had a conversation about a girl. And I was
glad na ang pinag-uusapan namin ay si Cecily. Then the next day. I asked my adviser
na ilipat ako sa tabi niya and he agreed. Nung mag-usap kami ni Cecily, I really
wanted to poke her face because she’s really cute. Namumula kasi yung pisngi niya
na parang kumikintab. Pero nahiya naman ako, baka kung ano kasi isipin niya.

Now were at the mall, and we bumped on her and her brother Asher. Kapatid pala niya
yung friend na pinakilala sa’kin ni kuya dun sa cafeteria. Then nagka-ayaan sa
Jollibee. I actually like it there because of the children, I’m really fond of
them. Sayang nga eh, ako ang bunso sa pamilya. Walang mas bata sa’kin na pwede kong
i-pamper.

Anyway, naiwan kaming dalawa ni Asher sa table. He’s a bit awkward. I don’t know
why. But I think his cute. Silang magkapatid, parehong cute.

Then he asked me a question, “Do you already like someone?” I said there’s none.
But when he asked that, I felt something weird. I was just constantly laughing at
whatever funny thing he says and when I look at him looking straight to my eyes, my
heart beats fast.

After we had lunch, nag-CR naman kami ni Cecily, and we talked. How I wanted a
sister like her. Dahil kung ate niya ako, I would make her feel the luckiest
younger sister. But then I found out a while ago that she’s older than me. Malas ko
naman. But at least, we had a girl talk. Nag-aadjust pa siguro siya kaya medyo
naiilang pa siyang kausapin ako and maybe pati si Kuya Hadwin.
Then we went out. The three of them wanted to watch a movie, horror movie. I’m
easily scared so sabi ko, hindi na lang ako sasama tutal may kailangan pa akong
bilhin sa bookstore. Tapos sabi ni Asher, sasama na lang daw siya sa’kin. I felt
happy, now this is weirder.

And its decided, Hadwin and Cecily went together to watch the movie. While Asher
and I are now walking side by side. Inside the bookstore.

“So you love reading?” Asher asked. Sabi ni kuya Hadwin he is the top of their
class. I’m impressed.

“Yeah. I bet you do too.” I answered.

“Hindi naman. What books do you like reading?” He’s kind of self-conscious, I can
feel it.

“Books about self-improvement. Sometimes, romantic novels din, ikaw?”

Nag-isip siya. He’s funny most of the time, or I find it funny dahil mabababaw lang
na bagay ang nakakapagapatawa sa’kin. “Academic books…?” Sabi niya, natawa ako.
Bakit parang nate-tense siya? Yan tuloy, parang I’m feeling the same way.

“So… you just love studying?” What’s this… I can’t erase the smile on my face.

“Parang ganun na din.” I just like how he can look straight to me and say what he
has to say. “Any book will do, as long as I learn from it.”

“I agree.” And I think I’ll have to say this. “You know what, I’m really glad na
friend ka ni kuya.” But then I blushed because I’m not really sure why I said that,
I just felt the need of saying it.

“So you like me?” I’m about to say yes but… “I mean you like me, being your
brother’s friend!”

“Yes…” I giggled. He also laugh. This time, I’m quite sure what’s happening.

“I also like you…” My tongue slipped. “I mean, I like you and your sister.” It was
true that I like them both. But it’s getting really embarrassing for me. Pero
nakatingin lang siya sa’kin, nakangiti. Parang sinasabi ng actions niya na okay
lang maging ako.

And I was really happy.

Because this was such a fine day.


End of Chapter 3 Part 3

Chapter 4
4.1: First Fight
(Asher Carillo POV)

“How’s the movie?” Tinanong agad ni Gwynne sina Cecily. After two hours kasi,
nagkita-kita na ulit kami.

“It wasn’t scary at all. Ikaw? Nabili mo ba yung librong hinahanap mo?” Aba! Matino
na ulit kausap si Silly.

“On-sale siya kaya nabili ko.” Sagot ni Gwynne kay Silly.

Kanina, paiba-iba ang mood nitong si Silly. Ang hirap basahin. Bakit nagbago ulit
ang mood niya after nilang manood ng sine ni Hadwin… hindi kaya… “Grabe kapatid mo!
Ang tapang ha! Hindi man lang natakot o tumili.” Kaya nga ako pumayag na manood
silang dalawa ng sine dahil hindi naman tumatalab kay Silly ang horror movies.

“Bakit ikaw? Natakot ka?” Sus, if I know. Gagawa ng paraan itong kumag na ‘to na
mahulog ang loob sa kanya ni Silly. Buti na lang hindi basta-basta itong batang
ito..

“Oo! Lahat naman sigawan eh! Pwera lang siya.”

Anyway, baka abutin pa kami ng dilim. Sa ayaw ko man o sa hindi, “Time to go na.
Gagabihin na kami ni Silly.” Nag-uusap pa sila tungkol sa movie, pero nagba-bye na
din si Silly. Tumingin naman ako kay Gwynne, “Gwynne, ingat kayo ha.”

“Sure! Bye-bye!” Ayoko pa talagang magba-bye eh, pero sige. Next time na lang ulit.

“Uy sige Silly! Next time na lang, text na lang kita ha!” Wait ano daw?

“Okay! Bye!” Sagot ni Silly. Close na sila…? Agad?

Umalis na sila Hadwin at Gwynne, at naglalakad na din kami ni Silly papunta sa car
park ng mall.
“Ano yun? Silly na rin tawag sa’yo ni Hadwin? May next time pa? Text-text na
lang?” Nabi-bwiset talaga ako. Imbes masaya dapat ako dahil nakasama ko ang dream
girl ko, heto pinoproblema ko ang batang ito.

“Masama bang tawagin niya akong Silly? Lagi niyang naririnig sa’yo yun eh! At
tsaka, same school lang tayo! Talagang may next time pa!” Aba!!! Ang galing nang
sumagot ha! “At cellphone ko ‘to! Simcard ko! Number ko! Masama bang ibigay ko sa
kanya number ko?”

“Masama kasi sinabi kong mag-iingat ka sa lalaking yun!” Unti-unti nang lumalakas
ang boses namin pareho.

Nasa car park na kami, sa harap ng motor ko. Nakatingin lang siya sa’kin. Akala ko
magso-sorry siya, pero sinuot niya agad yung helmet niya sabay sabing, “Tara na,
gusto ko nang umuwi.” Umupo siya sa motor nang padabog.

“Ayos ha! Nagmamaldita ka!?!” Kanina, ang taray niya. After niyang manood ng sine,
matino na siya ulit kausap. Ngayon nag-iinarte siya ulit! Gulo talaga ng utak ng
babaeng ‘to! Sa asar ko, sinabi ko tuloy, “Baba!!!” Hindi siya nakinig. “Baba!!!
Ayokong maghatid ng mga batang pasaway!”

At bumaba nga siya at sinuntok ako sa balikat ko. First time niya lang tinotoo ang
pagsuntok sa’kin. “ARAY HA!!! Ano bang problema mo!?!”

“Ayoko nang magpahatid sa’yo!” Sigaw niya.

“Eh di wag!!!” Sumakay ako at pinaandar ang motor at iniwan si Silly sa carpark.
Aba! Sinong tinakot niya!

* * *
(Cecily Gonzaga POV)

Iniwan nga niya ako? Anong gagawin ko dito sa carpark? Hindi na siya bumalik kaya
pumasok na lang ako ulit sa mall. Tapos naupo akong mag-isa sa food court. First
time ko lang nasuntok nang malakas si Asher. Ewan, nung kinausap niya kasi ako at
tinanong tungkol kay Hadwin, naasar ako. Pwede naman kasing manahimik na lang
hanggang umuwi kami, nagtanong-tanong pa! Sarcastic na tanong ha!

Yan tuloy, iniwan niya ako. Tinotoo nga niyang hindi ako ihahatid. At ang
nakakahiya pa, suot-suot ko pa ‘tong helmet hanggang dito sa loob. Ngayon lang
napansin, kaya katatanggal ko pa lang.

Tumulo bigla luha ko. “Wala pa naman akong panyo…” tapos bigla kong naalala na
pinahiram pala sa’kin ni Gwynne yung panyo niya kanina.

Ano ba!? Bakit ba ang bitter ko? Hindi pa nga nagiging sila, ang sakit-sakit na!
I tried to be nice with Gwynne naman ha. Hindi ba niya napansing bumait akong
kausap kanina. Inuntog ko ulo ko sa lamesa, medyo malakas na medyo mahina. Nasaktan
ako na parang hindi. Paano ako uuwi niyan? Paano na kami ni Asher?

* * *
(Asher Carillo POV)

Nakakairita! Ang isip-bata talaga nun! Bahala nga siya… Teka…

Paano siya uuwi? Ang bilis ng takbo ko pero bigla akong nag-stop. “Ay sh*t
naman!!!” Iniwan ko nga ba talaga si Silly sa mall? Paano uuwi yun? Paano na kami?
Kaso bigla akong natawa. “Sh*t! Suot pa niya yung helmet!!!”

Mabilis akong bumalik sa carpark. “Nasaan na yun?” I tried calling her, hindi siya
sumasagot. Ang arte ha! Buti na lang may GPS tracker ang phone ko! Nandito pa siya
sa mall. Hindi pa siya umaalis. Wala naman kasing pera yun. Hindi pa marunong
bumiyahe nang mag-isa yun.

Pumasok ako sa mall. Nasan ba yun!!! Baka nandun sa petshop! Mahilig sa pusa yun
eh. Pagdating ko, wala siya. Ay! Baka nandun sa favorite souvenir shop niya!
Madaming gamit dun na cat design eh. Pagdating ko, wala din siya. Saan bang lumalop
nagpunta yun? Tapos bigla akong napatingin sa isang panyo na may cute na cat
design. Mabili nga, sigurado umiiyak yun.

Tapos naglaka-lakad ako. Kinakabahan na ako, nasaan na ba si Silly? Napa-isip ako,


pwede kayang ipa-page? “Sa mga taong naririto. Kung sino man ang nakakita sa isang
babaeng may pink na helmet at mukhang bata, nakikiusap kaming dalhin siya sa
information booth.” Ano ba yan! Kung anu-ano pang kalokohan naiisip ko.

Then napatigil ako. May isang batang nakaupo sa isang table dun sa food court. Yun
yung pink helmet ni Silly. “Si Silly nga!!!” Lumapit ako. Umiiyak nga, patay! Tapos
kinalabit ko siya.

“Uy…” Tumingin siya sa’kin, mugto agad mga mata niya. Nung ibibigay ko na yung
panyong binili ko kanina, nakita kong may hawak na siyang panyo. “Kanino yan? Kay
Hadwin?”

“Hin…hindi!” Humihikbi pa siya. “Kay *hikbi* Gwynne.” Ayan! Sa sobrang iyak niya,
hindi na siya makasalita nang maayos. Pero kasalan ko rin naman eh…

“Sorry.” Wow! Sabay naming nasabi yun. Natawa siya. Natawa na din ako.

“Gusto mo ng tubig?” Tumango siya kaya bumili ako ng tubig at pinainom ko sa kanya.
Naubos niya yung isang bote, tapos nakahinga na siya ng malalim.
“Sorry na… maiiwan ba kita. Joke lang yun.” Pagkasabi ko nun, naiyak siya ulit.
Siya naman yung nag-sorry. “Oh! Wag ka nang umiyak! Sorry na nga eh.”

“Sorry din… masakit ba yung suntok ko?” Actually, oo. Sobra!

“Hindi! Parang dinapuan nga lang ako ng lamok eh.” Natawa siya ulit. Napatingin
ako sa relo ko, 7 PM na. Patay kami nito. “Oh, uwi na tayo?”

Tumayo siya at basang-basa yung panyo niya, kay Gwynne pa naman yun. “Oh gamitin mo
na ‘to.” Pinunasan ko mukha niya. “Tara nga dito.” At niyakap ko siya. “Sorry na
ha. Tara uwi na tayo.” Kinuha ko yung helmet niya at hawak ko lang nang mahigpit
yung kamay niya hanggang makarating kami ulit kami ng car park. This time tatahimik
na talaga ako.

Tahimik din siya. At hindi na kami nag-imikan hanggang makauwi kami at pareho
kaming pagalitan nina Tito Al at mama. After nun, pumasok siya sa kwarto niya at
kami naman ni mama, umuwi na sa bahay.

Sa kwarto ko napaisip ako. “First real fight namin ‘to ha.” Napakamot ako ng ulo.
Ano ba naman kasi Ash!

End of Chapter 4 Part 1

4.2: Making-up
(Cecily Gonzaga POV)

“Rise and shine pumpkin!” Sabi ni papa habang ginigising ako.

“Inaantok pa ako papa.” Namumugto pa rin yata mata ko. Kahapon kasi, nag-away kami
ni Ash na humantong pa sa pag-iwan niya sa’kin sa mall. Naiyak ako, pero mas naiyak
ako nung binalikan niya ako. Sabay kaming nag-sorry, binilhan pa niya ako ng panyo,
niyakap at nagholding-hands papuntang carpark.

“Sunday ngayon! Magsisimba tayo. Nakalimutan mo na ba?” Oo nga pala. Bumangon na


ako, naligo at nag-ayos. Pagbaba ko, nasa dining room na namin sila mama at si Ash.
Sabay kasi kaming apat kung magsimba.

Hindi ako makatingin ng direcho kay Ash. Nagkapatawaran na naman kami diba, pero
nahihiya pa rin ako.

“Silly oh, gatas mo.” Pinagtimpla ako ng gatas ni Ash. “Anong gusto mong palaman,
peanut butter o cheese?” Gusto pa niya akong ipaghanda ng sandwich.
“Cheese na lang.” Tapos nilagyan niya ng cheese yung tinapay at binigay sa’kin.
Naupo siya sa tabi ko. Pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

“Silly…” Napalingon ako, tapos katulad nang dati, he poked my nose. Napangiti tuloy
ako. Weak point ko yun eh.

“Aba! Himala yata ang dalawa, hindi nag-aasaran.” Sabi ni papa. Kapansin-pansin
bang may kakaiba? Siniko naman siya ni mama. “Ano ka ba Al! Syempre Sunday,
nagpapakabait ang mga bata.” Muntik nang mabulunan si Ash at ako din. Akala ko alam
na nilang nag-away kami eh.

“Masama bang lambingin paminsan-minsan si Silly?” Tapos kinurot niya ang pisngi ko.
“Eh ang cute-cute nito eh.”

Ano ako hindi gaganti! Ginulo ko naman ang buhok niya. “Oo nga! The best kaya itong
si Basher!” nagkatinginan kami. Okay, let’s pretend na parang walang nangyari
kagabi. Bati na nga diba!

Natawa naman sila papa at mama. Then after breakfast, sumakay na kami ng sasakyan
at si papa ang nag-drive. Si mama Percy, nakaupo sa harapan kaya kaming dalawa lang
ni Ash ang magkatabi sa likod.

Biglang itinaas ni Ash ang kamay niya papunta sa mukha ko. Hinawi lang pala niya
yung buhok na nakaharang sa mga mata ko. Ano ba! Bakit ba ganyan ka? Kinikilig na
ako, hindi pa nga ako nakakabawi sa’yo. Tapos bumulong siya, “May muta ka pa.”
Eww!! Nakakahiya!

Napapunas tuloy ako sa mata ko. Akala ko kung ano nanaman gagawin niya. “Wala naman
ha!” Wala naman! Loko-loko talaga 'to! Pero dahil doon, nagtawanan ulit kami. Tapos
ako naman yung bumulong sa kanya, “Sorry ha.”

Tumingin siya sa’kin at sumenyas na wag na lang daw akong maingay. Nginitian niya
ako and as usual, he touched my nose.

By this I knew na okay na nga kami. At nagtabi kami kahit doon sa simbahan. Hindi
naman talaga namin kailangan ng mahabang usapan o paliwanagan. With just actions
and looks, nagkakaintindihan na kami.

Tapos inabot niya ang kamay ko, at hinawakan niya ulit ito ng mahigpit katulad nung
ginawa niya kahapon. I smiled, my heart is beating fast. “Lord, wag mong hayaang
masira ng kung sino lang ang samahan namin”. Yun ang dasal ko.

* * *
(Asher Carillo POV)
Pagkatapos namin magsimba, kumain kami sa restaurant. Nag-aya pang mag-mall si Tito
Albert at tamang-tama naman daw dahil may gustong bilhin si mama. Pero sabi ni
Silly, hindi na daw siya sasama dahil may assignment pa siyang gagawin.

“May assignment ka?” Tumango siya, sabi niya sa Algebra daw. “Sige Tito Al, Mama,
hindi na lang din ako sasama. Tutulungan ko na lang ‘tong si Silly sa assignment
niya.” Wala nang mahabang usapan, hinatid kami ni Tito pauwi at umalis na din sila
agad. Naiwan naman kami ni Silly sa bahay nila.

“Nasaan assignment mo?” Tanong ko.

“Wala akong assignment. Ayoko lang sumama.” Nag-pout siya at naupo sa sofa.

“Bad girl ka ha! Sinungaling.” Tinignan ko siya kung sasakyan niya yung joke ko na
yun. Ite-test ko lang kung talagang okay na kaming dalawa.

“Bakit ikaw? If I know, ayaw mo na din sumama!” Yan, nakikipagtalo na siya sa’kin.
Ibig sabihin, bati na talaga kami.

“Anong gagawin natin ngayon?” Tumabi na ako sa kanya.

“Matutulog ako. Alis ka dyan! Doon ka sa isang upuan!” At dahil sa okay na nga
siya, nagiging brat nanaman ang bata.

“Wag mo akong tulugan! Nood na lang tayo ng dvd.”

“Napanood ko na lahat yan.” Tinulak niya ako hanggang sa matumba ako at tinawan
niya lang ako. Pasalamat ka kakaaway pa lang natin kahapon, hindi kita gagantihan.
Pero hinila ko mga kamay niya.

“Bawal kang matulog!!! Sa labas tayo.”

“Ayaw!”

Mukhang magbibilangan nanaman kami nito. “Isa… pag hindi ka tumayo diyan, bubuhatin
kita palabas!” Tinignan niya lang ako. Aba, sinusubukan ako. “Dalawa!” At tumayo na
siya.

“Kasi naman inaantok nga ako eh!” Pero binuhat ko parin siya palabas! Nagsisisigaw
siya na ang duga ko daw. Nagpunta kami sa family gazebo na nakapwesto sa gitna ng
bahay nila at bahay namin. Napapalibutan ito ng mga bulaklak at maganda ang view.
Pinaupo ko siya doon habang nahiga naman ako sa lap niya. “Ako ang matutulog, hindi
ikaw.”

“Ang duga mo talaga! Ako ang inaantok eh.” Angal niya. Pero hindi naman niya
pwedeng itulak ang ulo ko, lagot na siya sa’kin kapag nahulog ako ulit.

“Inaantok din ako noh! Hindi ako nakatulog kagabi.” Kapag kaming dalawa lang,
nagagawa naming mag-usap ng masinsinan. Higit pa nga talaga sa magkaibigan at
magkapatid ang turingan namin. “Wag na tayong mag-away ng ganun ha!” Tumango siya.

“At tsaka, ayokong mawalan ng bestfriend at sister.” Hinawakan ko ang mamula-mula


niyang pisngi. Nilagyan nanaman ba siya ng blush-on ni mama? Hindi naman.

Nagbago ng konti yung reaksyon ng mukha niya nung sinabi ko yun pero tumango siya.
“Promise muna, hindi na tayo mag-aaway ulit ng ganun.” Then, itinaas ko ang pinky
finger ko and we just had a pinky promise.

“Promise.” sabi niya.

“Pero nakakatampo lang talaga ha. Bawal ka dapat tawagin nung kumag na yun na
Silly! Kaming tatlo lang nina mama at papa mo ang dapat na tumatawag sa’yo nun.”

“Eh sa’yo niya madalas naririnig yun eh. Sige, hindi ko na lang siya papansinin
kapag tinawag pa niya akong Silly.” Sabi niya, ganun naman pala.

“At tsaka, bakit mo binigay number mo sa kanya? Diba sabi ko sayo, wag na wag mong
ibibigay number mo.”

Natawa siya bigla. Anong kayang kalokohan ginawa niya. “Bogus number binigay ko sa
kanya.”

“Ha?” Napagulong ako at nahulog ng tuluyan! Baldog ulo ko nun ha! “Aray…
talaga!!!” Natawa ako dun ha! “Galing mo Silly!!!” Nag-apir kami at nagtawanan lang
kami buong maghapon.

End of Chapter 4 Part 2

4.3: One Week


(Hadwin Alvarez POV)

“Bakit busy?” Kanina ko pa tinitext si Silly sa number na binigay niya. Ngayong


tinatawagan ko naman, walang sumasagot. Tapos after ng 23 texts at 12 missed calls,
nagreply din.

[hus dis?] Whose this? Hindi ba niya sinave ang number ko?

[Ui Silly, it’s me Hadwin! How r u?]

[Hadwin hu? Please dnt call me silly & stop calling or txting me. I dnt even knw
u!]
Hala! Sino ba ‘to?

[Hndi k b c Cecily Gonzaga?]

[NO!] Okay hindi nga si Silly.

Ano yun? Bogus number binigay sa’kin ni Cecily? Natawa ako. “First time lang ‘to
ha.” Naisip ko, siguro sinusunod niya masyado si Asher. Ayos yun ha! Akala ko ba
pwede kong pormahan kapatid niya. Pumayag na nga akong pormahan niya si Gwynne eh.

Pero medyo nakaka-bad trip yun ha. Ibang tao kasiyung nakareceive ng confessions
ko for Silly.

“Kuya!” Kumatok si Gwynne.

“Pasok.” Pumasok siya na may hawak na isang ball-jointed doll galing sa collection
niya.

“Ito yung sinsabi kong doll oh! Yung kamukha ni Cecily.” Nung tinignan ko yung
hawak niyang manika, na-amaze ako. WOW!!!

“Kamukha nga niya!!!” So ganito siya kaganda si Cecily. Na meron siyang doll
version ng sarili niya. “Akin na lang ‘to.”

Hinila bigla ni Gwynne yung manika niya. “Favorite ko 'to sa collection ko noh!”
Tapos aalis na siya pero pinigilan ko siya dahil may gusto pa akong gawin.

“Wait lang!!! Pahiram muna ako sandali.” Ibinigay niya sa’kin at kinuha ko ang
cellphone ko para kunan ito ng picture. “Sige, ito na lang ang sa’kin.”

Natawa si Gwynne. So feeling niya pwede na siyang umalis agad pero may pahabol pa
talaga ko eh. “Sa’kin na lang yan Gwynne, bayarin kita ng doble. Magkano ba yan?”

“This is not for sale. Bumili ka ng sarili mo.” Tapos umalis na siya nang tuluyan
at sinarado ang door.

Nahiga tuloy ako sa higaan ko. At tinitigan ko yung picture ng doll na kamukha ni
Cecily. Ang galing talaga! Kaso bigla nanamang nag-open ang door, si Gwynne
nanaman. Siya naman ang may pahabol na sasabihin. “May gusto ka ba kay Cecily,
kuya?”

“Ha?” Nagulat ako sa tanong niya. “Bakit?”

“Wala lang.” Ngumiti siya at may iba sa tingin niya. “Pero kung si Cecily kasi, wag
mo siyang itulad sa mga nakaka-fling mo ha.” At yun na. Umalis na talaga siya after
niyang sabihin yun.

“Oo nga naman.” Hindi naman ako ganito sa ibang babae. Ah tama! Kasi dahil nga pala
sa deal na ginawa namin ni Asher. Dahil pumayag akong ligawan niya si Gwynne kaya
liligawan ko rin si Cecily.

Kaso bakit ko ginawa yun? Ah tama! Para hindi saktan ni Asher si Gwynne, kasi kung
gagawin niya yun, baka saktan ko rin ang puso ng kapatid niya.

Tama ba yun? Eh alam ko namang hindi sasaktan ni Ash si Gwynne eh. Pero pumayag pa
rin siyang pumorma ako sa kapatid niya.

Pero ang mas malaking tanong na gumugulo sa isipan ko…

Bakit ako binigyan ng bogus number ni Cecily?

Hindi man lang ba siya naga-gwapuhan sa’kin? Bakit parang hindi rin tumatalab sa
kanya yung mga moves ko na gustong-gusto ng mga babae?

Ang hirap naman ni Cecily. Pero napangiti ako. Okay!!! After one week kapag hindi
ko pa siya napasagot, bahala na siya. Siya din ang nawalan.

Right! Tumingin ulit ako sa image na nasa phone ko. Ginawa ko na siyang wallpaper.

“One week Cecily. One week lang talaga!”

* * *
Then nung magpasukan na ulit, nakita kong inihatid ni Asher si Cecily sakay ng
motor niya. Ngayon ko lang nakita ‘tong ganitong eksena ha. Nagtatawanan sila kaya
lumapit ako.

“Good morning Silly!” Sa likod ng isipan ko ang mga katagang ‘One week. One week.
One week'.’ “May kasalanan ka sa’kin ha. Ibang number binigay mo.”

Napakagat sa labi niya si Cecily at nagtinginan silang magkapatid. “Ako nagturo sa


kanyang wag ibigay number mo.” Sabi ni Asher. Ikaw palang salarin ha!!! Siraan ko
kaya ‘to kay Gwynne. Bwisit naman oh, at sa asar ko tinignan ko nang masama si
Asher. At tumingin ulit ako kay Silly.
“Silly, may ka picture sa cellphone ko na hindi mo alam.”

“Ha?” Sabay nilang sagot. “Saan patingin?” Tanong ni Asher. Epal ‘tong lalaking
ito. So ipinakita ko yung wallpaper ko pero sobrang bilis kaya hindi rin nila
nakita.

“Ako ba yun?” Ang cute niyang tanong. Ang sarap kurutin ng pisngi niya.

“Oo.” Parang hindi naniniwala. “Ikaw nga yun, promise. Mamatay man lahat ng tao sa
mundo.” Na-curious sila pareho.

“Amin na nga patingin.” Ang kulit talaga nito ni Asher. Nakaka-bwisit!

“Ipapakita ko lang kung ibibigay mo sa’kin totoong number mo.” Sabi ko kay Cecily.
Naghintay ako sa sagot niya.

“Zero-nine-one-five-blah-blah-blah-blah-blah-blah-blah” Okay! Ngayon, I tried


checking the number at nag-ring nga yung phone ni Cecily. Yehey!!!

“Okay, save mo number ko ha.” At sinave naman niya. I win!!! Woohoo!!!

Kaso umepal nanaman ‘tong si Asher at hinablot yung cellphone ko. Tinignan niya
yung wallpaper ko at napakunot ang noo niya. “Si Cecily ba ‘to?” Tinignan ni Cecily
yung picture. Nakakatuwa kapag curious siya. “Ikaw ba ‘to?”

“Hindi ha! Laruan lang yan eh!” Tinignan ako ni Cecily at nag-pout siya. Wahhhh!!!
Ang cute! "Paano ba yan mamatay na lahat ng tao sa mundo."

“Ikaw yan! Kamukha mo yung ball-jointed doll ni Gwynne.”

Tinitigan namang maiigi ni Asher yung picture. “Saan banda? Ang ganda naman nitong
laruan na ‘to. Walang-wala sa mukha ni Silly.” Siniko siya ng kapatid niya. Haha!!!
Buti nga. Hinablot ko ulit yung phone ko.

“Si Silly ‘to!” At umalis ako agad para lasapin ang pagkapanalo ko! Yes!!! May
number na ako ni Cecily. Panigurado, within this week, maiinlove din siya sa’ken!

End of Chapter 4 Part 3

Chapter 5
5.1: Bestfriends?
(Cecily Gonzaga POV)
Ang saya! After naming magpanggap ni Asher na magkapatid kunyari, hinahatid na niya
ako mismo sa loob ng school. Kanina, nasalubong namin si Hadwin. Nakuha niya nang
tuluyan ang number ko dahil niloko niya ako. Pero ang nakakatawa lang, ano bang
trip meron ang kuya ni Gwynne.

“Morning!” bati sa’kin ni Gwynne. “Morning din!” Sagot ko. Tapos tinignan ko siya
dahil nagre-review siya ng notes namin. Nung hindi pa kami magkatabi, lagi ko nang
napapansin na sobrang serious niya kung mag-aral, parang si Ash.

“Bakit ang sipag mong mag-aral? Matalino ka na naman ha.”

Parang medyo nahiya siya at natawa na lang. “Ako matalino? Hindi naman. Pala-aral
lang talaga ako kaya ako nakakasagot.” Sagot ni Gwynne. Sobrang down-to-earth naman
nito.

“Ay! Oo nga pala. May baon ka ba Cecily?” Bakit niya tinatanong?

“Wala. Sa cafeteria lang ako palagi bumibili kapag lunch. Bakit?”

Tapos pinakita niya ang malaking lunchbox niya. Nakabalot ito ng pink na panyo.
“May baon ako. Gusto mo share tayo?”

“Ha?” Bakit ako? May ibang friends naman siya na pwede niyang ayain ha. “Paano mga
friends mo?”

“Good for two lang kasi yung binaon ko. Tsaka, hindi naman magtatampo yung mga
yun.” Tinignan ko yung mga kabarkada niya. Oo nga, parang friends lang, pero hindi
niya talaga ganun ka-close. “Kain tayo sa field, may dala akong banig.”

Wow! So pinaghandaan ba niya ito? “Pinaghanda talaga ha! Hmmm… sige okay lang.”
Yung mga friends ko din naman, hindi ako papansinin dahil hindi ko rin naman sila
ganun ka-close.

Then nag-start na yung class, parang ang bilis lumipad ng oras dahil nag-bell na
which means its time for lunch! Tapos naglakad kami ng sabay ni Gwynne papuntang
field. Nilatag niya yung dala niyang banig. “Upo ka.” Umupo ako at saka niya
nilabas yung lunchbox niya.

“WOW!!! Ang ganda namang presentation niyan!!! Ikaw ba gumawa niyan?” Bento box!
(Japanese lunchbox)

Tumango siya. Tapos binigyan niya ako ng spoon at fork, akala ko magcha-chopstick
din kami. Hihi. So tinikman ko na yung ginawa niyang food, “Sarap!!!” Ang sarap
talaga sobra!!!
“Talaga! Sige bukas magbabaon ulit ako para saatin.” Oh! Gusto niya ulit sabay
kaming mag-lunch tomorrow? Bakit kaya sobrang bait nito.

Tapos nanahimik na akong kumain. Ganun naman talaga ako eh. Binigyan niya ako ng
juice na dala din niya. Kumpleto talaga!!! Ang sarap ng libreng lunch.

“Baka nakukulitan ka na sa’kin Cecily ha.” Nag-open siya bigla ng ganung usapan.

“Hindi naman... masyado. Medyo? Bakit?” Ang gulo ko noh. Hindi ko kasi maexplain
eh.

“Kasi, ganun yung madalas na sabihin sa’kin ng mga classmates natin. Minsan nga
naa-out-of-place ako kasi parang nakukulitan sila sa’kin.” Naku, if I know, mga
naiiinggit lang na mga classmates namin yun. Paano, maganda na, matalino pa at
sobrang bait! Lahat kaya ng boys sa class namin at from other section, may crush
kay Gwynne.

“Wag mong pansinin yung mga yun. Ako nga, mga kaibigan ko, minsan iniiwanan din
ako. Hindi ko na lang pinapansin, hindi naman ako mamamatay kung hindi ko sila
kasama.”

“Talaga? Ang tapang mo naman. Ako kasi, natatakot mag-isa.” Ah! So kaya pala
ginusto na rin niyang lumipat sa tabi ko sa loob ng classroom. Ngayon parang naaawa
tuloy ako sa kanya. “Okay lang ba Cecily kung sa’yo na lang ako sasama? Kung medyo
naiirita ka na sa’kin, sabihin mo lang ha.”

Nagmamakaawa ba siya? Ano ba ‘to? Eh kasama ko na nga siya. “Sige okay lang.”
Ngumiti siya. And I felt she’s really happy.

“Pero tandaan mo, mas matanda ako sa’yo ha.” At sabay kaming nagtawanan. Parang
sobrang close na namin.

The following days, every lunch sabay na kaming kumakain ni Gwynne. Ang gusto niya,
siya palaging magdala ng lunch kaya ang dami kong natitirang pera dahil hindi na
ako gumagastos sa food. Then I realized, napapalapit na loob ko sa kanya, despite
the fact na kaagaw ko rin siya kay Ash.

Nalaman pala ni Asher na nagiging close na kami ni Gwynne, kaya lagi niya akong
iniinterview tungkol sa crush niya. As usual, nagseselos ako kaya ako nagagalit ako
kay Ash. But not with Gwynne dahil hindi naman niya kasalanan na gusto siya ni
Asher.

Pero ano kaya yung feelings ni Gwynne for Ash. Kasi dahil sa madalas na kaming
magkasama ni Gwynne, napapadalas din na nakakasama siya ni Ash. One time sa loob ng
classroom, habang hinihintay pa namin yung next teacher, naglakas-loob na akong
magtanong.
“Gwynne… anong tingin mo kay Kuya Asher?” Kinakabahan ako sa sagot niya.

“Ha? Bakit mo natanong?”

“Wala lang.”

“Kapag sinagot ko ba yang tanong mo, sasagutin mo tanong ko?”

“Bakit ano bang itatanong mo?”

“Si kuya Hadwin… anong tingin mo sa kanya?” Nagulat ako! Bakit naman? Anong meaning
nun?

“Friend ni kuya mo si kuya ko eh. Syempre friend ko na rin ang kuya mo.” Tapos
biglang malungkot yung reaction ng face niya.

“Kasi madalas niyang sinasabi sa’kin na hindi mo daw nirereplayan yung texts niya.”

“Ah! Yun ba! Kasi madalas niya akong tinatawag na Silly. Nasabihan ko na siya about
dun eh. Private nickname ko kasi yun. Sina papa, mama at Kuya Ash lang ang
tumatawag sa’kin nun.”

“Ahhh. Sige sasabihin ko sa kanya na wag ka nang tawaging Silly. Pero rereplayan mo
na siya ha.” Okay…?

“Bakit?” Hindi ko ma-gets. Bakit ba akong pinoproblema nung kuya niya. “Crush ba
ako ni Hadwin?” Kapal ng face ko noh. Pero half-meant ko lang yun, as if namang
magka-crush talaga sa’kin kuya niya. Eh balita ko kahit playboy yun, sobrang dami
pa rin ang may gusto sa kanya.

Natawa si Gwynne sa tanong ko. “Obvious naman eh. Crush ka nga ng kuya ko.”

“Patawa ka… weh? Hindi nga.” Imposible!

“Crush ka nga niya! Promise!” Napalipad ang utak ko. Tuloy parang nakalimutan ko
yung sagot sa una kong tanong sa kanya. Wala akong time para isipin si Hadwin.

“Um… O ikaw naman Gwynne? Anong tingin mo kay Kuya Asher?”

Natahimik siya. Parang nagdadalawang-isip pa siya. Ano ba? Nagbuntong-hininga siya


tapos tumingin siya ng direkta sa mata ko. Ano ba lalo akong kinakabahan, sabihin
mo na kasi.

“Bestfriend naman kita diba…” Bestfriend? Agad! “Secret lang natin ‘to ha. Wag
mong sabihin sa kuya mo.” Ang ano nga!!! Dali!!! “Para kasing…” Ang lakas na ng
kalabog na puso ko…

Napalunok ako. Nag-isip pa siya ulit! Tapos narinig ko na yung sagot na hinihintay
ko, “Para kasing may gusto na ako sa kuya mo eh.”

End of Chapter 5 Part 1

5.2: What’s with the Secret?


(Asher Carillo POV)

Pagkauwi namin galing ng school, I felt something's different with Cecily. Parang
umiiwas siya sa’kin. Ano kayang kasalanan nito?

“Hoy Silly!” I poked her nose. “Gusto mong gumala bukas? Saturday naman eh.”

“Ayoko baka mag-away tayo ulit.” Sinabi niya nang hindi man lang tumitingin saakin
at pagkatapos ay umakyat na siya agad sa kwarto niya. Ang fishie talaga eh.

Nagluluto pa lang si Tito Al ng dinner, tinanong ko kung anong pwede kong itulong.
Wala naman daw, sa kanya lang daw yung kitchen. Para namang aagawin ko. Ang hilig
niyang mag-luto, at masasarap pa ang recipe niya.

“Tito, wala bang nakukwento sa inyo si Silly?”

“Tungkol saan?”

“Tungkol sa school… sa mga friends niya… crushes?” Wala naman daw, tapos tinitigan
ako ni Tito Al at may inulit siya sa mga sinabi ko.

“Crushes? Bakit may crush na ba si Silly?”

“Wala!!! Malay ko ba dun!!!”


“Eh di wala! Diba nga ikaw lang pinagsasabihan ni Silly. Baka naman may
pinagseselosan ka na Asher ha!”

“Tito tumigil ka nga!!! Ako kay Silly! Kapatid ko lang yun!” Parang incest ba!
Kilabutan!

Binato niya ako ng paminta. Yung durog. Ahhh!!! Ang sakit nung nasinghot ko. Ano
bang trip ‘to.
“Nag-iisa ko lang anak si Silly.” Alam ko namang wala siyang masamang ibig sabihin
doon.

“Sakit naman nun! Bakit, hindi mo pa ba ako anak?”

“Syempre anak na din kita. Pero hindi ibig sabihin nun, magkapatid kayo ni Silly.
Wag kang feeling!” Anong bang problema nito ni tito? Alam ko naman yun. “Wag ka na
nga dito, nadi-distract akong magluto eh. Pag ito hindi masarap, kasalanan mo.”

Umalis na nga lang ako. Ang hindi ko talaga ma-gets na sabay nila kaming pinalaki
nina Cecily, pero pag nirerefer kong baby sister ko si Silly, ayaw nila. Ay ang
hirap intindhihin ng matatanda. Umakyat na lang ako sa kwarto ni Silly, mukhang
matatagalan pa kasi kaming mag-dinner.

Papasok na sana ako, kaso naka-lock. “Hoy Silly bakit naka-lock ‘tong pinto?” Medyo
matagal siyang sumagot. “Natutulog ka ba?” Tapos parang nagmamadali siya, parang
may tinatago. Then in-open na niya yung door.

“Bakit?” Tapos nag pa-cute siya pa siya, twinkling her eyes. Nakaharang lang siya
sa pintuan.

“Bakit ka dyan!” Hinawi ko siya at pumasok ako para magmasid-masid. May tinatago
talaga ‘tong babaeng ito eh. “Spill it out! Ano yun! May secret ka eh!”

Binuka niya yung bibig niya na parang nang-aasar ba na gawing literal yung sinabi
ko. “Wala akong iii-spill oh! Walang laman tignan mo!” Dukutin ko kaya dila nito.
Ah tama! Sa computer niya!

“Talaga ha!” Uupo na sana ako sa upuan in front of her computer pero hinila niya
yung damit ko habang tumayo siya sa kama niya. Feeling matangkad!

“Hindi mo computer yan!!!” Ang higpit ng hawak niya sa damit ko na parang mapupunit
na.
“May tinatago kang bata ka eh!!! Ano yun!!!” Kahit anong mangyari, io-open ko
computer niya!

“Wala akong tinatago! At hindi na ako bata!” Tapos binatukan niya ako, hindi naman
masyadong malakas.

“Ang kulit mo ha!” Binuhat ko siya at inihiga sa kama niya. Madali ko naman siyang
naitumba kaya nagsisisigaw siya. “Wag kang makulit!” Nagpupumiglas pa siya kaya ang
ginawa ko, hinila ko yung kumot niya at ibinalot ko sa buong katawan niya!
Ahahahahahahahaha!!! Para siyang cocoon na nakalabas ang ulo.

“Aray ko Ash… alisin mo ko dito!” Nakakatawa itsura niya. Hindi siya makakaalis
nang basta-basta niyan! I took a picture of her kasi hindi siya makatayo pero
nagpipilit pang makawala sa pagkakabalot sa kanya. Nakakatawa talaga.

“Sige kapag hindi ka nagtino dyan, ia-upload ko ‘tong picture mo sa FB!” Pinakita
ko yung picture niya. “Ano kayang magandang title nito? Human cocoon? The living
mummy? Ah ito mas maganda! Human suman!!!” Corny noh! Natatawa lang ako.

“Epal ka!!! Pag ako nakaalis dito!!!”

“Sheeshh!!! Quiet!” tapos naupo na ako sa harap ng computer niya. Uy, naka-open nga
FB niya! Hindi ko alam password nito eh. Tapos tinignan ko.

[Uy Ces! San ka na?] Aba may ka-chat siya! Teka!!! Si Hadwin ‘to ha!!! Tinignan ko
ng masama si Silly.

“Kaya pala madalas ka nang nagkukulong dito sa kwarto mo! Friend mo na pala si
Hadwin at ka-chat mo pa ngayon!” Nakakaasar! Nakakaasar talaga!

“At least hindi na Silly tawag niya sa’kin!” Akala naman nito madadaan ako nun.

Binasa ko pa yung mga napag-usapan nila. Ces!!! Ces na lang itatawag sa kanya!
“Akala mo naman maganda pakinggan yung Ces! Ang sagwa kaya!”

“Eh bakit ba! Umalis ka nga diyan!! Pakawalan mo na ako!!! Isusumbong kita kay
papa!”

"Tos ang bebeng tos! Bwiset!" Naiirita ako sa mga pinag-uusapan niya. “Naniniwala
ka sa mga pinagsasabi ng kumag na ‘to! Eh puro bola lang ‘to eh! Sinasabi niya rin
‘to sa ibang babae niya.”

“Bakit ba pakelamero ka masyado!!! Hindi naman ako bibigay sa lalaking yan noh!”
“Kahit na!!! nakakakilabot ‘tong mga sinasabi niya oh! Nakakasuka!” Tapos bigla
akong natigilan. May nabasa kasi ako na tungkol sa’kin at kay Gwynne. “Ano ‘to?”

Kinabahan bigla si Silly dahil natahimik din siya pero nakatitig lang siya sa’kin.

[really? umamin sau c Gwynne na gusto na niya si Asher?] Tanong ni Hadwin. What?

[Yep… sinabi niya sa’kin kanina.] Reply ni Silly.

[Sabi ko na eh. Madalas kasing magtanong sa’kin si Gwynne tungkol sa kuya mo.]

Natulala ako.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Tapos nilapitan ko si Silly. “Totoo ba yun? Gusto rin ako ni Gwynne?”

Umiwas siya ng tingin sa’kin. Pero hindi ako papayag na hindi niya sagutin ang
tanong ko. Hinawakan ko ang mukha niya para harapin niya ako. “Silly! Ano? Totoo
ba? Gusto rin ako ni Gwynne?”

Matagal siyang sumagot, but I gave her no choice. Tumango siya. “Gusto ka ni
Gwynne. Sinabi niya sa’kin mismo…” Malungkot siya. “Sabi niya wag ko daw sabihin
sa’yo eh.”

Napatayo ako. Nakapamewang pa. tapos nakalimutan kong nakabalot pa si Silly ng


kumot niya. Pumunta ako sa terrace at huminga ako ng malalim. “YESSSSSSSSSSS!!!!”

Tumalon ako at nagsisigaw sa tuwa! Gusto din ako ni Gwynne!!!

End of Chapter 5 Part 2

5.3: I Can’t Stop


(Hadwin Alvarez POV)
Kinakabahan ako ng sobra. Friday na kasi ngayon at matatapos na ang palugit ko na
one week para main-love sa ‘kin si Silly. Binigay nga niya number niya, hindi naman
siya nagrereply. Kapag nagkikita naman kami sa school, it’s either si Gwynne o yung
kuya lang niya ang kinakausap niya.

Ayaw pa niyang i-accept yung friend request ko sa facebook. Talaga bang kahit
konti, wala siyang nararamdaman sa’kin? O kahit naga-gwapuhan lang?

“Gwynne, natanong mo na ba si Silly?” Nililinis ni Gwynne yung ball-jointed doll


collection niya. Pero mas binibigyang importansya niya yung kamukha ni Silly.

“Sabi niya, friend ka rin niya dahil friend mo daw yung kuya niya.” Sagot ni
Gwynne. Friend? Come on! Hindi ba niya binabasa yung mga texts ko? Gusto ko nga
siya diba! “At tsaka, ayaw niya kasing tinatawag mo siyang Silly.”

“Bakit? Eh naririnig kong tinatawag siya ni Ash nun eh.”

“Exactly!” Tumingin siya. Close na kasi silang dalawa. Buti pa sila. “Private
nickname niya daw yun. Only her family can call her that.”

“Ganun?” Yun lang kaya hindi niya ako pinapansin o tinetext man lang!

“Try calling her by her name, or ask what you should call her. Sabi niya,
magrereply na siya.” Tapos nginitian ako ni Gwynne and then bumalik na siya ulit sa
ginagawa niya.

Sige! I will try. [Hi Cecily. Nakauwi na kau?] Sent! Magrereplay ba talaga siya?
Then my phone vibrated. One message received.

[yep. Kararating pa lng namin ni kuya ash. Y?] Nagreply sya!!! Sa sobrang saya ko,
I kissed Gwynne’s cheeks tapos ini-snatch ko yung Cecily doll niya para i-kiss din.
“Nagreply na nga siya! Thanks Gwynne!”

Tapos tumakbo na ako sa kwarto ko! First time nag-reply siya! Gagawin ko ngang
status ‘to sa FB. In-open ko yung computer ko at naglog-in sa account ko.

[At last she replied!] Ang daming nag-LIKE. Mga EX ko yun pero wala na akong
pakelam sa kanila.
Tapos tamang-tama may new notification. Nung binasa ko, “Cecily Gonzaga accepted
your friend request 1 minute ago.” In-accept niya na din ako sa wakas! Uy naka-
online siya.

[Hi Cecily, nagdinner na kayo?] Naghihintay ako… Cecily is typing…

[Hindi pa. Nagluluto pa lng si papa eh.] Wooooooooo!!!! Nagrereply na nga siya.

[Chat muna tayo, OK lng ba?]

[Sure.]

[So ano bago? May kwento ba?]

[wla naman bago. Ganun pa rn. Sau?]

[hmmm. Iniisip ko kuya mo at kapatid ko.]

[y?]

[eh gustong-gusto ni kuya mo si Gwynne, kaso ang bagal nia.]

[ah…] Hindi ba interesting yung sinasabi ko? Ano sasabihin ko? Wala akong maisip!

[eh ikw? Anong tingin mo s knila? Ok lng b mgka-GF na kuya mo?]

[IDK. Bahala siya.]

[ayaw mo bng mgka-GF kuya mo?] No comment siya. Naku baka hindi na siya magreply.

[nanjan ka pa?]

[.] Bakit tuldok lang!!! Boring ba talaga ako?

[bakit ikw? Gusto mo na bng mgka-BF si Gwynne?]

[kung si Ash okay lng. Gusto din nmn ni Gwynne si Ash eh. Secret lng ntin un ha.
Wag mng sabhin s kuya mo ha.]

[I knew it already…]

[really? umamin sau c Gwynne na gusto na niya si Asher?] Talaga! Umamin si Gwynne?

[Yep… sinabi niya sa’kin kanina.]

[then hu are we to stop them.] Ayan, hindi nanaman siya nagreply

[Ay sorry nga pla. I called you Silly. So silly of me.] Sana matawa siya.

[haha! Ok lng yun noh!]

[anyway, can I call u by another name? ok lng bang CES na lng tawag ko sau, pra
maiba nmn.]

[hmmm…] Okay lang kaya sa kanya?

[ok lng. I like it] Waaaaahhhhhhh!!! She likes it!!!


[hi Ces! u can call me Had!]

[haha! Hi Had!] Kinikilig ako! Sh*t! Pati pala lalaki pwedeng kiligin. Nakakabaliw
na 'tong si Cecily.

[um… nababasa mo b yung mga text ko?]

[alin dun?]

[that I think… I think I like u.]

[ces...]

[ces…] Hindi pa rin siya nagrereply. Kinakabahan ako.

[Uy Ces! San ka na?]

At tuluyan na siyang nag-offline. Siguro nag-dinner na sila. O siguro she’s


awkward pagdating sa ganitong bagay. Masyado ba akong straight forward?

Napa-isip ako. Hanggang bukas na lang ang one week. But I don’t think that she’s
easy. Kasi unlike the girls na nakikilala ko, sa kanya lang hindi tumatalab ang
charisma ko.

She’s the first girl to turn me down, and take note, a lot of times! Na parang wala
siyang pakialam sa existence ko. Nakakasama ko nga siya, pero hindi niya ako
tinitignan.

One week. Wala akong pag-asa sa kanya within a week. A month a kaya? Hindi rin eh.
Parang iba si Cecily. Dahil kaya siguro hinaharang ako ng kuya niya? May sariling
isip na naman siya eh.

One week. At malapit nang matapos ang one week ko this Sunday!

Tumayo ako at naghilamos ng mukha. This time I lost.

This is more than like! Tapos tinignan ko ulit yung wallpaper ng phone ko.

“I can’t stop! I can’t stop now. I cannot just like her.” Tapos narealize ko ang
isang bagay. “She made me fall for her, then she have to catch me too.” At ito ang
unang beses na talagang seryoso ako. Hindi dahil nakapag-english ako, pero dahil
gusto ko talaga si Cecily.

End of Chapter 5 part 3


Chapter 6
6.1: Sign of Friendship
(Gwynne Alvarez POV)

What I like about Cecily is that she’s nothing like my old friends. Nung first day
kasi ng class, yung mga nauna kong naging kaibigan, they would always make me feel
that I don’t belong. I felt outcasted.

Then nung nagkatabi na kami ni Cecily, I made the first move. Gumawa ako ng
lunchbox for the two of us, and we shared it. Nagopen-up ako sa kanya and I’m glad
she didn’t find me boring. Pumayag pa siya na sa kanya na lang ako sasama. I was
glad because I was afraid of the idea of being alone. Pero hindi dahil natatakot
akong mag-isa kaya pinagsisiksikan ko ang sarili ko kay Cecily, but because I
sincerely want her to be my friend.

Sometimes it feels like napipilitan lang siyang kasama ako. But she never lied
about that. Kapag nabo-bore kasi siya, alam ko dahil tatahimik lang siya,
ngingitian ako and would normally reply plainly. Then magso-sorry siya, “Pwedeng
change topic tayo? Hindi ko gets eh.”

She’s not a liar, never a pretender, but she would always keep things all for
herself just to not hurt other people. Instead of saying she doesn’t like it, she
would keep quite. Instead of saying she loves it, she would show it. So I wonder
what she thinks about me.

Sana hindi niya iniisip na sobrang boring ako o nagiging pabigat ako sa kanya. I
hope so.

* * *
(Cecily Gonzaga POV)

Nasa loob kami ng library ngayon ni Gwynne. Ever since the first time na nag-lunch
kami, lagi na kaming magkasama. And she would always refer me as her bestfriend. I
don’t really hate her, dahil sa siya ang gusto ni Asher. Pero masakit lang talaga
sa part ko, na ka-close ko na ang babaeng dahilan ng pagiging bitter ko. Ang
plastic ko noh.

But then I seriously like her too, dahil first time ko lang nagkaroon ng talagang
ka-close na babae. Medyo may pagkaanti-social kasi ako eh. Mahirap para sa’kin ang
magkipagkaibigan sa iba. Pero with Gwynne, ang gaan ng loob ko. It feels like meron
din akong ate, kahit na sinasabihan ko siyang wag akong i-spoil as baby.

Nasa isang table kami ni Gwynne at magkaharapan lang kami. Everything is peace and
quite nang biglang may sumulpot na bruhita. “Well, well… Marunong din palang
magbasa ng libro ang tulad mo.” Napatingin akong sa epal na boses na narinig ko.
Isang babaeng padding lang ang boobs, trying-hard ang porma at sobrang kapal ang
make-up. Isang babaeng kasumpa-sumpa ang ugali, my ugliest enemy, Asher’s ex-
girlfriend, si Aicelle 'Bakulaw' De Castro.

“Excuse me?” Tanong ni Gwynne na medyo napasimangot. Sino nga bang hindi magugulat
at maiirita kung may isang babae lalapit bigla at gagawa ng unwanted scene dito pa
mismo sa tahimik naming library. Sinenyasan ko si Gwynne na pabayaan na lang.
Bakit? Dahil laban ko ‘to, ayokong madamay siya dito.

“Mas magulat ka dahil nandito ka sa library. Hindi ka ba natatakot sa mga libro?”


Natawa si Gwynne. I think na-gets na niya kung ano ko itong bakulaw na ‘to.

“Alam mo kung anong biggest mistake mo? Na sinundan mo si Asher dito at hinayaan
mong makita kita dito sa teritoryo ko!”

Ha? Ano daw? “So which one’s the biggest? That I followed Ash? Or that I’m here?
Hindi ko alam teritoryo mo pala ang library.” Mistake nga lang diba! Mistake with
no S!

“You think you’re funny? Magsisisi kang nag-enroll ka dito! Get it!”

Tinawanan ko lang siya. I’m not scared with all her threats! Hindi na ako yung
grade school student na sinugod niya habang naglalaro ako sa playground kasama ni
Ash. “Regret? I want to see how you do it.” Hamon ko sa kanya. Sa asar niya,
kinuha niya yung librong hawak ko at akma pa niyang pupunitin.

“If I were you, I won’t do that.” Tumayo si Gwynne at sinabi niya yun. Wag ka nang
makisalo, pati ikaw aawayin din niya. Pero masama na ang tingin niya kay Aicelle.

“Who the hell are you! Bakit ba sabat ka ng sabat?” Sinigawan siya ni Aicelle. Pero
yung akala kong mahinang si Gwynne, hindi man lang nagpatinag.

“Is it your first time here? That book you are holding isn’t yours! Don’t you know
that it’s a major offense to tear down a school property?” Gwynne glared at
Aicelle. “Shame on you that it seems like you didn’t even know that.” Tapos kinuha
ni Gwynne yung libro at ibinigay sa’kin.

“Get lost!” Dagdag pa ni Gwynne. Pahiya ang bakulaw! Hindi ko alam na ganyan pala
kapag nagagalit at lumalaban si Gwynne.

Natawa naman ako kay Aicelle. Napanganga kasi siya nung marinig niyang mag-salita
si Gwynne na hindi katulad niyang halatang trying-hard. Nung nagsalita kasi si
Gwynne, parang foreigner na kausap mo. Wala siyang nagawa. So tinaasan niya ng
kilay si Gwynne at ako.

“This isn’t over yet! Ikaw!” Tinuro niya ako. “And your little angel.” Sarcastic
niyang sinabi referring Gwynne. “Should watch your backs!” Tapos umalis na siya.
Sayang nga hindi nakita nung librarian yung kamuntik sana niyang gawin sa libro.

Tapos umupo na ulit si Gwynne at nag-sigh. “Sino ba yun?Bakit ka niya inaaway?”

“Yun? Ex ni kuya. Nung first year pa sila.” Nagulat si Gwynne, especially nung
nabanggit ko yung mga salitang EX ni kuya. “Dapat hindi ka na lang nagsalita.
Pinabayaan mo na lang sana. Yan tuloy, pati ikaw napagbantaan.”

“Well I can’t just shut my mouth.” Then I felt really happy na sinabi niya yun.
“Hindi ko pwedeng hayaang saktan lang ng kung sino yung mga taong importante
sa’kin.” It was touching. Nakatingin lang ako sa kanya, then napangiti ako.

“Thanks.” Importante ako sa kanya, ang sarap pakinggan. “Best.” which means I’m
finally saying she really is my bestfriend.

Tapos naiyak siya. “Best?” Ano ba, masyado namang emotional itong babaeng ito.
Nakakatawang nakakabaliw. “Akala ko ako lang yung nag-iisip na parang mag-
bestfriend na nga tayo eh.” This time wala siyang panyo kaya ibinigay ko yung
panyo ko sa kanya. Wait… naibigay ko yung panyo! Yung panyong ibinigay ni Asher
sa’kin nung nag-away kami.

“Sige na, wag ka nang umiyak dyan.” At ginamit ni Gwynne yung panyo. “Yung panyo
nga palang ipinahiram mo sa’kin nung nasa mall tayo…” Napatigil ako. Hinihintay
niya naman kung ano pa yung sasabihin ko. “Hindi ko na ibabalik ha.”

“Ha?” tanong niya. Tanong ko rin nga yun sa sarili ko kung bakit ko nasabi yun.

“Hindi ko na ibabalik, kasi trade na tayo. Sayo na yang panyo ko.”

Ngumiti siya at natuwa. Tapos niyakap niya ako at tumigil na siya sa pag-iyak. Ang
mga babae talaga noh. Ang bababaw. Parang ang nangyari kasi, ang mga panyo ang
naging sign of friendship namin.

End of Chapter 6 Part 1

6.2:You are Invited


(Gwynne Alvarez POV)

“Tignan mo kuya!” Pinakita ko kay kuya Hadwin yung panyo na ibinigay sa’kin ni
Cecily nung nakaraang araw. “Bigay ni Cecily!” Tinignan niya yung panyo, ngayon ko
lang kasi pinakita sa kanya ito. If it’s about Cecily, he’s really interested. “And
you know what, she said I’m her best... Bestfriend!!!”

“Talaga! Eh di matutulungan mo na akong manligaw niyan!” That’s off-topic!

“Tumigil ka nga. Kung gusto mo siya, show it to her. You don’t need me para
pabanguhin ang pangalan mo.” Anyway, usually hindi sumasabay sa’kin pauwi si Kuya
Hadwin. “Sasabay ka pala ngayon. Bakit hindi pa tayo umaalis?”

Ngumiti si kuya. “Guess what?” What? “Inaya ko sina Ash at Ces na mag-group study
ngayon sa bahay. Pumayag si Asher kanina kaya sasabay sila sa’tin ngayon.”

“Pa… pati si Asher?” I blushed pero hindi ko pinahalata lalo pa nung nakita ko na
sila ni Cecily na paparating sa’min.

“Hi Gwynne. Sorry sa biglaang dalaw ha.” Nginitian niya ako, nahihiya ako sa kanya.

“Sigurado ka bang nagpaalam ka na kay papa?” Tanong ni Cecily kay Asher. When they
are together, palagi silang nag-aasaran, which I find really cute.

“Opo mahal na prinsesa!” Ang cute nila talaga.

“Then Cecily, okay lang ba dito ka na sa sasakyan namin sumabay?” Tanong ko kay
Cecily. Para naman makapag-usap kami on-the-way.

Nagtinginan silang magkapatid. Si kuya Hadwin naman tuwang-tuwa.

“Ha? Sige okay lang. Pero dapat ikaw yung katabi ni Cecily ha.” Ang sabi ni Asher.
Tinignan niya si kuya ng masama, lokohan lang nila. “Wag mong ipalapit ‘tong kuya
mo kay Silly ha.”

“Grabe ka naman!” Sigaw ni Kuya Hadwin at nagtulakan sila. Hindi ko talaga


maintindihan kung paano magbiruan ang mga lalaki. Samantala, kapag nagkakatinginan
naman kami ni Asher, nararamdaman kong parang alam na niya yung feelings ko for
him. Sinabi na kaya ni Cecily?

“Tara Cecily, tabi tayo dito.” Hinawakan ko ang kamay niya kaya pumasok na kami sa
loob. Para kasing sobrang nagba-blush yung face ko. “Kuya Hadwin, sa tabi ka na ng
driver ha!”
At hindi na umangal pa si kuya. Nakasunod lang si Asher sa likod ng sasakyan naming
sakay ng motor niya at sa tuwing nililingon ko siya, kinakawayan niya ako. Grabe…
kinikilig ako. Wala pang 30 minutes, nakarating na kami sa bahay.

“Mansion pala bahay niyo!” Sabi sa’kin ni Cecily. “Mayaman pala kayo.”

“Ha? Masipag lang talagang mag-work sila Mommy at Daddy.” Sagot ko.

Naupo kami sa sofa sa may living room at sinabihan ni kuya yung mga kasambahay
namin na handaan ang mga bisita namin ng merienda. “Dito na rin kayo mag-dinner
ha!” Sinabihan ni kuya sila Asher. Pumayag naman siya.

“Oh akala ko ba group-study tayo? Tara na!” Sabi ni Cecily. Nakaupo siya sa gitna
naming ni Asher.

“Excited masyado ang bata. First time lang yan ha.” Asar nanaman ni Asher kay
Cecily. Tinignan naman ng masama ni Cecily ang kuya niya pero bago pa siya maka-
react, tinusok ni Asher yung ilong niya katulad ng madalas niyang ginagawa. What he
does with her is quite fascinating. May special meaning siguro yun. Then I realized
that I’m already staring at Asher.

Nginitian lang ako ni Asher. Nakakahiya! He caught me staring at him! Buti na lang
I was saved by Kuya Hadwin nung lumapit na siya saamin at naupo sa sahig sa harapan
ni Cecily. “Tara na! Aral na nga tayo!”

Something’s different with him. But I knew it’s all because inspired si kuya dahil
kay Cecily. At dahil excited na nga si kuya, nag-aral na nga kami as planned.

* * *

It’s already eight at magti-three hours na din since nagsimula kaming mag-aral. We
had our break nung dinner time na but after that, nag-aral ulit kami.

Nasa iisang table kami, at ang hindi ko na namalayan ay katabi ko na pala si Asher.
My heart is beating so loud, and I wonder if he can hear it too. “Ito yung solution
niyan Gwynne.” Tinanong ko sa kanya yung isang problem sa sinasagutan kong
questionnaire. And as what I’ve heard from my kuya and Cecily, Asher is really a
genius. “Yan! Tapos na”

“Okay… now I get it! Thanks!” I smiled at him, then I realize na sobrang lapit na
pala ng mukha namin sa isa’t isa. What should I do? Mahahalata niyang namumula
ako. Then before pa ako makaisip na pwede kong gawin, he tapped my nose like what
he does with Cecily. So this is how it feels.

“Welcome! Basta ikaw.” Sinabi niya sa’kin at sa sobrang saya ko, parang hindi na
nga ako makahinga.
“Nasaan yung CR niyo?” Tumayo bigla si Cecily. Kay kuya niya tinanong yun at tinuro
naman ni kuya. Tapos nagmamadali na siyang umalis.

Tinignan ko si kuya Hadwin. Nag-iiba yung face niya kapag wala si Cecily. Then
nung bumalik na si Cecily galing CR, parang nag-glow ulit mukha niya. His reactions
were epic. “Gabi na kuya, hindi pa ba tayo uuwi?”

“Uwi na agad?” Sabay na sinabi ni Kuya Hadwin at Asher. Nagtinginan silang


magkaibigan.

“Ayoko pang umuwi. Hindi pa tayo tapos mag-aral.” Sabi ni Asher. Tapos napatingin
siya sa’kin. To be honest, ayoko pa din talaga siyang umuwi.

“Oo nga, mamaya na kayo umuwi.” Dagdag naman ni Kuya Hadwin na nakatingin kay
Cecily.

Tapos tinignan ko yung reaction ni Cecily. Maybe she’s already tired. “Tama si
Cecily. Madilim na sa labas oh. Mas mabuting maaga na sila umuwi.” Ngumiti sa’kin
si Cecily tapos hinintay niyang sumagot ang kuya niya.

Sumingaot pareho sila kuya at Asher. “Sige na nga. Tara na Silly.”

Sinuot na ni Cecily yung bag niya at kinuha na din ni Asher yung body-bag niya.
“Next time na lang ulit Gwynne ha.”

“Okay.” Feels like I’m floating whenever I hear him say my name.

Tapos may biglang naalala si Kuya Hadwin. “Ay tamang-tama! Imbitahan mo na rin pala
sila Gwynne sa birthday mo next month.” Oo nga pala! Second week na ng August
ngayon, and one month from now, I’m celebrating my birthday on 13th of September.

“Oo nga. Si mommy kasi, excited mag-prepare whenever there’s an occasion like this.
So asahan ko kayo sa birthday ko next month ha. Sa September 09 na yun.” Tumingin
ako pareho sa kanila. Silang dalawa ang ayokong mawala sa special day ko na yun.

“Sure! Pupunta kami! Ikaw pa!” Sabi ni Asher nang nakangiti. Tapos tinignan ko si
Cecily.

“Cecily, ikaw? Magtatampo ako kapag wala ka.”

Ngumiti siya. “Of course! Hindi ako mawawala.” I’m so happy I hugged her, and
hugged him too.

Yeah, I hugged Asher. And it was embarrassing, what am I thinking? But I he hugged
me back so that made me happier. “Thanks.”
“Sige Gwynne! Had! Uwi na kami ha!” Paalam ni Cecily. Kuya Hadwin tapped Cecily’s
head at nag-goodby na siya. “Ingat kayo ha.” Nag-ngitian lang sila, at ganun din
kami ni Asher. Sumakay na sila pareho sa motor at umuwi na.

I’m really in loved with Asher, and I wish he feels the same way.

End of Chapter 6 Part 2

6.3: Birthday Present


(Asher Carillo POV)

It’s been three weeks since naggroup-study kami kina Gwynne. It was the first time
na nayakap ko siya, kaya hindi ko malilimutang araw yun! Kaso hindi na naulit yung
group-study namin kasi hindi na daw ulit papayag si Cecily. Boring daw! Tamad
talaga yun.

Anyway, September na at one week na lang at birthday na ni Gwynne. Wala pa akong


regalo!!! Pano yun? Ano kayang pwede kong ibigay sa kanya? Nag-iisa lang ako ngayon
sa study area. Si kumag kasi nasa school gym, nakikipaglaro ng basketball sa iba pa
naming barkada.

“Asher…” Napalingon ako. Kapag sinuswerte ka nga naman! Si Gwynne! “Si… si kuya
Hadwin?” Kapag nakikita ko siya, hindi maalis sa isip ko na may feelings din pala
siya sa’kin.

“Nasa school gym siya. Bakit?” Wag ka munang umalis, please.

“May tatanong lang sana ako.” Ngumiti siya! Ash! Mag-isip ka ng topic para hindi
siya umalis.

“Um… si Silly? Bakit hindi mo kasama?”

“Hindi kasi kami naging magka-group for Science project. Yung teacher kasi yung
namili. Siguro nasa meeting pa siya ngayon ng group nila.” Wow! Chance ko na ‘to.

“Wala kang kasama?”

“Wala.”

“Eh di, dito ka muna. Tambay ka muna dito.” Pagkasabi ko nun, tumabi nga siya
sa’kin! Ang saya-saya ko!!! Ngumiti ako. Ako ang lalaki kaya ako ang dapat na mag-
simula ng usapan. “So… kamusta preparations for your birthday?”

“Okay naman. Si mommy yung nag-aayos as usual.”

“Ahh… so anong gusto mong gift?” naisip ko na mas magandang sa kanya ko mismo
malaman kung anong gusto niya.

“Gift? Basta lang nandoon kayo ni Cecily, okay na yun!” Kapag nag-uusap kaming
dalawa ni Gwynne, parang hindi ko napapansin yung mga nangyayari sa buong paligid.
Ang ganda ng mga mata niya, ang tangos ng ilong niya, ang pink ng lips niya at ang
kintab ng mahabang niyang buhok.

Parang wala na nga ako sa sarili ko nang bigla kong abutin yung buhok niya.
Nagulat siya, at nagulat na lang din ako. “Ang ganda ng buhok mo…” Potek! Anong
pang sasabihin ko. “Anong shampoo mo…?” Baliw ka talaga Asher! Torpe mo! Ang tanga
mo.

Napangiti lang siya, at parang nahihiya siya. Pero nararamdaman kong pareho kaming
Masaya ngayong magkasama kami. “Nagka-boyfriend ka na ba? Gwynne?” At sa wakas na
sabi ko rin.

“Never had one.” I knew it. She’s nothing like Hadwin.

“Bakit? Pihikan ka ba? I’m sure marami namang nanliligaw sa’yo.”

Tumingin lang siya sa malayo at nag-sigh. “Pihikan? Probably. Pero may isang tao na
kasi akong hinihintay.” Tapos tumingin siya sa’kin. “Hanggang ngayon kasi, hindi ko
pa sigurado kung pareho kami ng feeling sa isa’t isa.”

“Kilala ko ba yung taong yun?” Ako yun diba?

Pero hindi siya umimik at umiwas na siya ng tingin sa’kin. What am I waiting for?
Tapos nag-ring na yung school bell. Tumayo siya dahil time na para sa next class
niya. Pero bago pa man siya umalis, hinawakan ko ang kamay niya.

Nagulat siya at napatingin siya sa’kin. I examined her face, at alam kong parehong
malakas ang kabog ng puso namin.

“Bakit? Ash…?”

I smiled. Dahil pumasok sa isip ko ang pinaka-magandang salitang pwede kong gamitin
sa mga oras na ‘to.

“That someone you’re talking about, he’s also waiting for you. And he feels the
same way.”

Nanlaki yung mga mata niya. Hawak ko parin yung kamay niya. But this time, I held
it tightly.
“I’m thinking if you would you like a confession as a birthday gift?” Napalunok ako
waiting for her answer. What would it be?

Then she smile back. “Then I’ll have to wait till then.”

“But will you accept it?”

“It’s my birthday gift! What do you think?”

Ngumiti siya and I let her go. Kailangan na kasi niyang pumasok for her next
class. Pero lumingon muna siya ulit bago siya tuluyang umalis. At naiwan na ulit
akong mag-isa. Sana birthday na niya, because now I’m sure what will happen when
that day comes.

* * *

“Kuya Ash! Ano ba yun?” Nangungulit nanaman ‘tong si Silly. Pero hanggang ngayon,
ecstatic pa rin yung feeling ko kahit ilang araw na rin ang nakakalipas nung na-
solo ko si Gwynne.

Pinalo ako ng unan ni Cecily npara matauhan ako. “Adik ka ba? Ano bang sasabihin
mo?” Pasalamat ka nasa mood ako.

Tapos pinakita ko sa kanya yung necklace na nabili ko. Tinitigan niya ‘to at
hahawakan niya pa sana kaso ibinalik ko agad sa lagayan yung kwintas. “Ang ganda
noh! Regalo ko kay Gwynne bukas sa birthday niya.”

Nung sinabi ko yun, ito lang yung simpleng sagot niya, “Ah.” Tapos nag-computer na
lang siya ulit.

“Maganda diba! Bakit yan lang reaction mo?”

“Pwede na. Kahit ano naman magugustuhan ni Gwynne, hindi naman materialistic yun.”
Yun lang? Pwede na?

“Kunwari ka pa!” Alam kong maganda ‘to at magugustuhan din ito ni Silly. Paano,
nung binili ko kasi itong kwintas na ‘to iniisip kung ano yung mga design na gusto
ni Silly. Panigurado kasi, magkapareho lang sila ng taste ni Gwynne. “Kabisado kita
Silly! Sabihin mo nang maganda! If I know, gusto mo rin ng ganitong kwintas.”

Hindi niya ako pinansin. Epal talaga ‘to. Kaya nilabas ko ulit yung kwintas para
ilapit sa mukha niya. Kapag hindi niya kasi nagustuhan ito, baka hindi rin
magustuhan ni Gwynne. “Uy Silly! Ano ba! Maganda naman diba.”
Iniwas niya yung mukha niya. “Wag ka ngang magulo! Magugustuhan niya yan, tapos!”

“Sungit nito.” Tapos para lambingin siya, tutusukin ko sana ulit yung ilong niya,
dahil gustung-gusto niya yun kapag ginagawa ko. Pero iniwas niya yung mukha niya
kaya hindi ko nagawa. Bakit?

“Umuwi ka na nga sa inyo Kuya Ash. Ang gulu-gulo mo eh.” Sungit talaga! Kinurot ko
na lang pisngi niya.

“Ang hirap talaga pag may topak ang bata.” At umalis na lang ako at nagpaalam na
kay Tito Albert. Hindi ba talaga nagustuhan ni Silly ‘tong kwintas? Ano kaya?

End of Chapter 6 Part 3

Chapter 7
7.1: Confessions 1
(Cecily Gonzaga POV)

Nag-aayos na ako for Gwynne’s birthday. Six kasi yung start ng party niya kaya
mahaba pa ang time ko para makapag-ayos. Sinuot ko yung damit na binili ko kasabay
nung gift ko sa kanya, isang ball-jointed doll. Bukam-bibig niya kasi yun dahil may
collection siya nun. Tapos bigla kong narinig si Ash na sumisigaw sa living room
namin, “Bilisan mo dyan Silly!!!” Oo na! Excited masyado eh.

Tapos bumaba na ako dala yung paper bag kung saan nakalagay yung gift ko for
Gwynne. Pagdating ko sa living room, nakatingin lang sila papa, mama at Asher
sa’kin.

“Bakit?” tapos umikot ako sa harap nila. “Maganda ba?”

“Aww! Dalaga na talaga ang Silly ko!” Sabi ni papa na kunyari ay naiiyak. Ang
corny! “Ang ganda-ganda Silly! Hindi ko alam na may ganyan ka palang damit!” Tapos
niyakap ako ni mama. Tapos hinihintay ko yung sasabihin ni Asher. Nakatitig siya
sa’kin, nakanganga. Tapos napapikit-pikt pa siya. Maganda ba ako? Sabihin mo naman.

“Maganda…” I smiled. “Maganda ba yan?” Hindi ba? “Bakit ang ikli naman niyang dress
mo! At tsaka labas yang likod mo! Magpalit ka nga doon! Baka may ibang mga lalaki
ang nandoon tapos ganyan ka-daring ang suot mo.” Bwiset! Bwiset ka Ash!

Napatingin kaming tatlo nina mama at papa sa kanya. Ang OA talaga nito. “Daig mo pa
si papa sa reaction mo! Anong daring dito! At tsaka diba nagmamadali na tayo!
Excited ka diba! Magpapalit pa ako?”

“OO! Hindi tayo aalis hangga’t hindi mo pinapalitan yang suot mo. Akyat sa taas!
Dali!” I clenched my fists. Tatay ko ba siya? Kuya ko ba siya? Boyfriend ko ba
siya? Kung isa siya sa mga yun, tatanggapin ko, pero hindi eh! Wala sa tatlo! Kaya
anong karapatan niyang pagsabihan ako kung ano ang dapat kong suotin. Nakakaasar!

* * *

Pero dumating na kami sa bahay nina Gwynne. Kung itatanong niyo kung nagpalit ba
ako ng damit, the answer is wala akong choice. Epal kasi ‘tong si Ash. Kung hindi
lang sobrang halaga para saakin ang lahat ng sinasabi niya, hindi ko siya susundin.
Bakit ba sunud-sunuran ako sa kanya. Bakit bam as nauuna puso bago utak! Kaainis,
ang tanga ko din eh!

“You look really beautiful! Nice dress!” Bungad agad ni Hadwin nung dumating kami
sa kanila.

“You should have seen me with my original dress.” Tapos tumingin ako ng masama kay
Ash. Napapa-english talaga ako pag nagagalit eh.

“Anyway, nasaan ang birthday girl?” tanong agad ni Ash. Tapos nakita na namin si
Gwynne. Sobrang ganda niya! Nakakainggit, ganyan din sana ako kaganda ngayon kung
hindi umepal ‘tong si Ash.

“Cecily!!!” niyakap niya ako! Sobrang saya niya. “Ash…” Nagngitian muna sila.

“Birthday hug?” Tanong ni Ash. At saka sila nag-hug.

So para itago ang selos ko, niyakap ko na lang ulit si Gwynne at binati siya ng
“Happy Birthday!!!”

“Thank you!” tapos binigay ko na sa kanya yung gift ko.

“Uy tara. Ipapakilala namin kayo kina mommy at daddy! Last time kasi, hindi niyo
sila na-meet.” Sabi ni Gwynne.

Hawak kami pareho ni Gwynne at ipinakilala nga kami sa mommy at daddy niya. Grabe
naman pala ‘tong pamilya nila, nasa dugo na ang kagandahan at kagwapuhan. “It’s
really nice to finally meet you two! Lagi kayong nakukwento ng mga ‘to eh.” Tapos
niyakap ako ng mommy nila. “Ang cute-cute mo nga! Kamukha mo nga yung doll ni
Gwynne.” At kinurot niya yung pisngi ko.

“Ma, OA na tama na yan.” Thanks Hadwin. Tapos yung dad naman nila binati din ako
then kinausap niya rin si Ash. Lumapit naman sa’kin si Gwynne, “Cecily, enjoy the
party ha!” I said, sure!

Ang bongga ng party! Grabe nga magprepare ang mommy ni Gwynne. Marami din silang
bisita, lahat halos family friends, relatives at neighbors. Nagkainan na,
nagsasayawan din yung ibang teenagers, at may hawak ng iba’t ibang drinks yung mga
tao. Samantala, parang kami lang nina Asher ang inintindi ni Gwynne. “Gwynne,
asikasuhin mo rin yung iba mong bisita.”

Ang dami ding pagkain, pero dahil ang sososyal ng mga tao dito, nakakahiya namang
lumamon ako dito, kaya nagpigil ako. “Silly, diyan ka muna ha. Kausapin ko lang si
Gwynne. Tsaka ibibigay ko na yung gift ko sa kanya.”

“Ha? Iwanan mo ako?”

“Wag ka lang aalis dito. At tsaka wag mong kakausapin yung mga lalaking hindi mo
kilala.” Ang dami din kasing mga tao dito na kasing age din namin. At may pahabol
pa siya, “At nakikita mo yun!” Tinuro niya yung parang mini-bar na binabalik-
balikan ng mga tao dahil sa drinks niya. “Wag kang kukuha ng drinks nila dun ha!
Bawal!” tapos umalis na siya. Bawal kasi alcohol yun. Balita ko masarap daw yun eh.

So anong gagawin ko dito. Ako lang mag-isa? Sinundan ko ng tingin si Asher at


lumapit na nga siya kay Gwynne. Sumisimple lang ako ng tingin sa kanilang dalawa,
nag-usap sila, nagtatawanan at hinawakan pa ni Ash yung kamay ni Gwynne. Then Asher
kissed Gwynne’s cheeks.

Tumingin ako sa iba. Ayokong makita yung mga ganitong scene eh. Kaya ang ginawa ko,
lumapit ako dun sa mini-bar. Sigurado ko dahil sa sobrang busy ni Ash, hindi niya
mapapansin na susuwayin ko ang gusto niya.

Naupo ako sa harap nung bartender tapos tumingin siya sa’kin, nagtataka. Cute siya
ha, infairness! “Will you give me your best shot?” Tinawanan ako ng kumag pero
tinitigan niya ako. "Bilis!", pagkasabi ko nun, tinaasan niya ako ng kilay pero
nagharap na siya ng shot glass sa’kin. “Isang lagok lang yan, kaya mo?” Aba, ako
hinamon nito! Ininom ko nga.

“Pwehhhh!!!” Pero nainom ko na lahat. Ang sama ng lasa, na parang masarap. Ayoko
na, pero parang gusto ko pa. “Yun na yun?” Nginitian niya ako at binigyan ako ulit
ng ilan pang shots. Siguro nakaubos ako ng apat na sunud-sunod.

Tapos naka-lima. Tapos nung pang-anim ko na sana, nakita ako ni Hadwin at


hinawakan yung kamay.

“Ops! Bakit nandito ka!” Kinuha ni Hadwin yung shot glass at siya yung uminom.
Tapos tumingin siya ng masama sa bartender, “Hoy Merrick! Alam mo bang bawal pa sa
kanya itong pina-iinom mo!” Sinagot naman siya nung Merrick daw. “Siya yung
nanghihingi eh.”

Tapos hinila ako ni Hadwin palayo dun sa mini-bar. “Ang ingay naman dito!” Ang
ingay naman talaga kasi ang lakas ng music. “Ang gulu-gulo pa!” Ang dami kasing
tao, walang tigil kung magsayawan. Akala mo mga first time lang sumayaw.
Tapos hinawakan ni Hadwin yung mukha ko at tinignan ang mga mata ko. “Naka-ilan ka
nun?”

Tinatanong ba niya yung about sa shot na nainom ko? “Isa…” Sabi ko, bakit ko
sasabihin ang totoo diba. “Teka… nasi-CR na ako eh! Punta muna ako dun! Tapos
pakuha naman ng juice oh.”

“Ha? Juice? Sige… nandun lang yung CR ha.” Alam ko na kung nasaan yung CR nila pero
hindi naman talaga ako pupunta doon noh. Nung umalis si Hadwin para kumuha ng
juice, bumalik ako dun sa mini-bar. Naupo ako ulit doon sa pwesto ko kanina, tapos
nung tumingin ako sa direksyon ulit ni Asher, ayun kausap pa rin si Gwynne.

Ang tagal naman ng usapan ng dalawang yun… tapos nakita kong nilabas na ni Ash yung
regalo niya for her. Tuwang-tuwa si Gwynne nung binuksan niya. At isinuot ni Asher
yung kwintas sa leeg niya. Nakakabwisit! Naiiyak ako.

Gusto ko rin yung kwintas na yun eh. Pero mas gusto ko yung nagbigay nung kwintas.
Napatakip ako sa mukha ko, alam ko kasing unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Buti
na lang si cute na bartender, binigyan ulit ako ng drinks.

End of Chapter 7 Part 1

7.2: Confessions 2
(Cecily Carillo POV)

“Yung katulad nung kanina. Yun yung gusto ko!” Sabi ko kay cute bartender na
Merrick daw ang pangalan, sa pagkakarinig ko kay Hadwin.

“Bawal daw yun sabi ni Hadwin.” Ang hilig naman magpa-cute nito. Oo na! Cute na
siya. “Masarap din yan, tikman mo.”

Medyo malaki yung glass, pero naisip ko kaya ko naman ‘tong ubusin. Then I took a
sip. “Pwehhhh!!!” Mas matapang ‘to kesa nung una. Tapos na natawa ulit yung lalaki.
Trip ba nito tumawa palagi.

Akala niya siguro hindi ko kayang ubusin ‘to ha! Kaya ininom ko ng tutuy-tuloy yung
drink na pinainom niya. Ang pangit talaga nung lasa eh, pero habang iniinom ko,
parang ang gaan nsa pakiramdam ko. “Ubos na agad?” Nagulat si bartender at nasabi
na lang niya, “Nice!!!”

“Nice!” Inulit ko sinabi niya. Tapos bigla ulit siyang nagsalita.

“Cecily, right?” Aba, kilala niya ako! Nabanggit pala ni Hadwin yun kanina. Teka,
nabanggit ba niya? Ewan, nakalimutan ko na!

“Yep! Merrick! Right?” He smiled and offered a hand-shake. “Nope!!! Ayokong


makipag-kamay” Ibinaba niya yung kamay niya. Napahiya! Haha! Wala lang, hindi ko
lang trip makipaghand-shake. “But since I’m happy to meet you..” Dahil binigyan
niya ako ng masasarap na drinks, I gave him a hug. “Nice to meet you Merrick!”

Nagulat siya, pero so what! I’m glad to meet him nga diba. Then nakita kong
pabalik na si Hadwin na may dalang inumin kaya lumapit na ako sa kanya. “Hadwin!!!”

“Oh! Ces, ito na yung juice mo oh.”

“Ha? Teka… nakalimutan kong mag-CR.” Nasi-CR na talaga ako. So nagpunta nga ako dun
dahil grabe na makasigaw ang tawag ng panahon. Paglabas ko ng CR, nag-aabang si
Hadwin palabas. Tumingin siya sa’kin at may sinabi siya, kaso hindi ko narinig eh.
“Ang ingay! Hindi kita marinig!”

After kong sabihin yun, hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako papalabas.
Doon kami malapit sa pool nila. May ilang nagsu-swimming. Sayang! Wala akong
dalang extrang damit! Gusto ko rin sana mag-swimming.

Naupo kami sa bench. Grabe inaantok na ako. Late na ba? Anong oras na ba? “Ang
tagal naman matapos ng party niyo Hadwin. Inaantok na ako.”

“Ha? Halos kasisimula pa nga lang ng party.” Tapos tinitigan niya yung mukha ko.
“Okay ka lang ba Ces?”

Tumingin din ako sa kanya. “Oo naman!” Tapos nabaling ulit yung attention ko sa
pool nila. I don’t know why, pero parang nahihilo ako habang nakatingin sa tubig,
Parang nakakasuka, seasickness ba ito?

“You know what I think after this night, yung kapatid mo at si Gwynne, magiging
sila na.”

“Ha? Whatever. Eh ang torpe nga nun ni kuya eh.” Natawa ako, imposible! Imposibleng
ngayon na. Ano yun, ngayon na agad?

“Pero magiging masaya talaga ako for Gwynne kapag naging sila na ng kuya mo. Bihira
na kasi ang matitinong lalaki.” Natawa naman ako sa sinabi niya.

“Alam mo, tama ka. Kaya nga dapat, bawas-bawasan mo yang pagiging playboy mo!”
Tapos nagulat si hadwin sa sinabi ko sa kanya. Parang masyado akong honest ngayon,
I don’t understand.

“Ces…” I asked why. “Nababasa mo ba mga tinitext ko sayo?”


Pagkasabi niya yun, nakita kong lumabas na sina Asher at Gwynne. Napangiti ako, sa
wakas nariyan na si Ash! Kaso biglang mga bwisit-tang lumapit kay Gwynne at
kinausap sila. Tama ba ‘tong nakikita ko? Parang pinapakilala pa ni Gwynne sa mga
family friends niya si Asher. But what’s more shocking to me is that they’re
holding hands. Ano ba!!! Nakakaasar talaga!

“Ces, pinapakinggan mo ba sinasabi ko?” Ay oo nga pala, nagsasalita si Hadwin kaso


parang hindi ko siya naririnig.

“Ha? Ano nga ulit yung sinasabi mo?” Tapos nagsalita ulit siya. Pero dahil nasa
isip ko yung image nila Ash at Gwynne na magkaholding-hands, hindi ko na namalayang
tumutulo na pala ang luha ko.

“I like you. I really like you Ces.” Tapos hinawakan niya yung mukha ko. “Why are
you crying?”

“Ha?” He likes me, daw? Really? Tapos lalong lumala ang pagkahilo ko, at umiikot pa
yung laman ng tiyan ko. I don’t really feel good.

“I want to change for you. Because you’re different.” Wait lang Had. Hindi na
inaabsorb ng utak ko yung mga sinasabi mo eh. Ayaw pang tumigil yung mata ko sa
pagluha. “So Ces, would you be my girlfriend.”

“Hmmm…” Napakapit ako nang mahigpit kay Hadwin. Feeling ko matutumba ako eh.
Nagulat siya but still waiting for my answer. “I’m… I’m at my limit…” sabi ko.

“Ces?” He clearly doesn’t know what’s happening to me, but neither do I.

Tapos tinulak ko siya at tumayo ako. Nakakahilo! Nakakaantok! Napakaingay! Ang


sakit-sakit pa ng mga puso.

Lumapit ako sa pool. Then nung nagsama na lahat ng masama sa’kin. Masamang
pakiramdam at masamang loob, kinailangan ko na lang itong ilabas.

At nagsuka ako. Nagsuka ako sa pool. Sa pool na may mga taong nagsu-swimming.

Sh*t! At nagsuka ako ulit. And everyone swim out off the pool, and everything was
totally black.

“Gusto ko nang umuwi.” Isinuka ko na kaya lahat? Sana pati puso ko, naisuka ko na.

Wala na akong alam pa sa mga nangyayari. Pero ito lang ang sure ko, ang sama na ng
pakiramdam ko at ng loob ko. Ang gusto ko lang umuwi na makaalis sa party na ‘to.
(Asher Carillo POV)

Hindi ko pa masabi kay Gwynne yung pinangako kong birthday confession. Naibigay ko
na yung kwintas, suot na niya ito, at ngayon ipinakilala niya ako sa mga relatives
niya. We were holding hands, I was so happy. But then may narinig akong nagmura
from the pool.

“Sh*t!!! She threw up at the pool!!!” Tapos nagmamadaling umalis yung mga nagsu-
swimming sa pool. May nagsuka daw? Nakakadiri naman!

“Oh my gosh, Asher!” Napasigaw si Gwynne at humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Si Cecily nagfaint!!!

End of Chapter 7 Part 2

7.3: It’s Official


(Asher Carillo POV)

May nagsuka sa party ni Gwynne. Nakakadiri! Pero napasigaw si Gwynne. “Oh my gosh!
Asher! Si Cecily nagfaint!!!”

“What?” Napatingin ako sa direction nila Silly. Magkatabi lang sila ni Hadwin
kanina. Pero pagtingin ko, “Holysh...eesh” Hindi ko na natuloy kasi tumakbo agad si
Gwynne papunta kina Silly.

Lumapit din ako sa kanila, so Silly din yung nagsuka sa pool? Ano bang klaseng
babae ‘to! Hindi na nahiya! Pero ang mas nakakaasar dun, yakap na siya ni Hadwin.

“Anong nangyari?” Hinila ko si Silly from Hadwin, namumutla siya pero may nasabi pa
siya. “Gusto ko nang umuwi.”

Pinunasan ni Gwynne yung mukha ni Cecily, samatalang si Hadwin nagpapanic. Pwede


ba, hindi siya nakakatulong! “Bakit ba? Anong nangyari?” Medyo niyuyugyog ko si
Silly, pero wala na talaga siyang malay.
Tapos lumapit na yung parents nina Gwynne. They asked us what happened, I think
nakainom siya. She’s drunk! Buti na lang hindi nagalit yung parents nila. “I’m
really sorry for the trouble, but I think we should head home now.” Medyo namumutla
na kasi si Silly. Ang daming niyang isinuka.

“Okay sige. Ipapahatid na lang namin kayo sa driver.” Sabi ng daddy nila Gwynne.

“There’s no need Tito. May motor naman po ako eh. Nakakahiya na din.”

Hindi na lang ako tumingin sa kanila para hindi na nila ipilit na ihatid kami.
Sobrang nakakahiya na kasi. So binuhat ko na lang si Silly palabas ng house nila
pero sinamahan pa rin kami nina Hadwin at Gwynne.

“Are you sure you don’t want a lift? Paano si Cecily?” Sabi ni Gwynne.

“It’s fine. Sorry this happened to your birthday. I’ll take care of her.” Isinuot
ko na kay Silly yung helmet niya. I tied her hands around my waist, so she won’t
fall. Nakapatong lang yung ulo niya sa likod ko nang wala pa ring malay. But before
we go, hinubad muna ni hadwin yung sweater na suot niya at itinakip sa likod ni
Silly. The last thing I said to them is, “Thanks. And I’m sorry.”

Nagda-drive na ako pauwi, pero sa takot ko na mahulog si Silly, ang bagal lang ng
takbo namin. Kahit nakawheeled-chair na tao, mauunahan kami sa sobrang naming
bagal.

“Yan na nga bang sinasabi ko sayo Silly. Sandali lang ako nalingat, nalasing ka na!
Ngayon paano tayo uuwi niyan! Lagot tayo sa papa mo at mama ko!” Actually, parang
ako lang ang malalagot ngayon. So iniisip kong maya-maya na lang umuwi para maka-
isip ako ng sasabihin sa parents namin.

“Hmmm…” nagising si Silly, nagpupumiglas pero dahil nga nakatali ang kamay niya,
hindi siya agad makaalis.

“Wag kang malikot! Mahuhulog ka Silly!” Pero naglikot pa rin siya. Tapos tumingin
ako sa kanya. “Aishhhh!!! Nasusuka ka?” Dali-dali ko tinanggal ang tali sa kamay
niya at hinubad ang helmet niya. At boom!!!!!! Sakto! Nagsuka nga. Hinimas ko
likod niya, “Okay, sige lang… Labas mo lang yan.”

Naisipan kong i-park na lang ang motor ko sa malapit na gasolinahan. Tamang-tama!


May bench malapit sa basurahan, may CR dun at may malapit ding tindihan na bukas
24/7.

“Okay ka na? Tambay na muna tayo dito.” Nakapikit lang si Silly, pawis na pawis ang
mukha niya at iba na rin ang amoy ng bibig niya. Hindi ko na inamoy pa dahil baka
masuka din ako. “Ikaw naman kasi. Iinom ka tapos malalasing ka! Ang ganda na ng
moment ko kay Gwynne eh. Kahit kailan talaga Silly, pasaway ka.”
Tapos humikbi siya. At biglang umiyak ng pagkalakas-lakas! Tinignan kami nung
ibang tao sa tindahan. “Uy Silly joke lang!!!” Tinakpan ko ang bibig niya. “Wag ka
nang umiiyak, isipin pa ng mga tao ako nagpapaiyak sa’yo.” Kahit ako naman talaga
nagpa-iyak sa kanya. Tapos humikbi na lang siya ulit. “Teka lang ha. Bibili lang
ako sandali sa tindahan. Bantayan mo yun motor ko ha.”

At nagmadali akong tumakbo sa tindahan para bumili ng tubig at candy para kay
Silly. The nag-ring yung cellphone ko. Patay! Si mama o si Tito Albert lang ‘to.
Okay Asher relax. Malulusutan mo ‘to. “Hello…?” kinakabahan ako nang sobra.

“Hello Asher, si Cecily kamusta? Nakauwi na ba kayo?” Teka… boses ni Gwynne ‘to ha.

“Gwynne…” Natuwa ako nang marinig ko ang boses niya. Kaso naaasar ako sa sarili ko,
hindi kasi ako nakapag-confess ng feelings ko sa kanya. “Nagstop-over muna kami. Si
Silly kasi, nagsuka ulit.”

“Ganun ba. Take good care of her.”

“Yeah, of course! Ahh… Gwynne…” Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko na siyang
maging girlfriend. But not on the phone! “I’m sorry… again…” She said it’s okay.
It’s not! “No! I’m sorry, I wasn’t to able to tell you in person that I like you.
And that I want you to be my girlfriend.” Wala na na! Nasabi ko na! Buset na
kadaldal ko ‘to!

Tapos natahimik siya. Natahimik din ako waiting for her reply. Nasa harap na din
ako ng cashier at nilalagay niya yung binili ko sa plastic. “Gwynne…?”

“It’s fine Ash… I also want to be your girlfriend.” Tama ba narinig ko? “I’ll see
you on Monday, okay?”

“Teka! Wait!” Clear ko lang yung narinig ko. Baka kasi nabingi lang ako. “Did you
just…”

“Yes Ash… I’ll be your girlfriend.” Na-shock ako wala na akong nasabi. “Text me
kapag nakauwi na kayo, at kapag okay na si Cecily ha.” And we bid goodbye.

Nakatulala lang ako. Sisigaw ba ako? Dito sa convenient store? Pwede! Kaso umepal
yung cashier. “Girlfriend mo ba yun?” Sino, yung kausap ko sa cellphone? “Yeah,
bakit?” Ang yabang ko! Girlfriend ko na nga si Gwynne. Yes!!!!

“Nagsusuka siya oh!” What? Tumingin ako sa glass window ng store. Si Cecily pala
yung sinasabi niya. “Hindi ko girlfriend yan ha!” Anyway, ano ba ‘tong sinasabi ko,
nagsusuka na nga ulit si Cecily. So nagpahabol ako ng alcohol at tissue sa mga
binili ko at lumabas na papunta kay Silly.

Nagsuka siya ulit, at nakahawak siya sa napakaduming basurahan. Then after niyang
magsuka, pupunasan pa niya sana yung mukha niya… “Ops!!! Silly dirty yan!!!”
Pinigilan ko siya. Binuhusan ko ng alcohol ang mga kamay niya at pinunasan ng
tissue. Tapos, sunod kong pinunasan ang mukha niya.

“Magmumog ka muna ng tubig.” At pinagmumog ko nga si Silly ng tubig at saka ko


ipinasubo sa kanya yung mint candy na binili ko. Hinilot-hilot ko yung kamay niya.
“Okay ka na?” Tinignan ko si Silly, pero mukhang sabog siya. Lutang ang isip niya.
“Sabihin mo lang kung nasusuka ka pa. Pero kapag kaya mo na, uwi na tayo.”

Hinawakan ko ang ulo niya at isinandal sa balikat ko. Mas magiging comportable
kasi siya kung ganito. Hawak ko pa rin yung kamay niya at hinihilot ito. Nakapikit
lang siya, natutulog lang kaya siya?

“Alam mo Silly, karaniwan sa mga lalaki kapag sinagot na sila ng mga babaeng gusto
nila, tumatalon sila at sumisigaw sa saya.” Pero heto ako ngayon. “Dapat ganun din
ang ginagawa ko ngayong girlfriend ko na si Gwynne. Ikaw kasi eh, bakit ka ba
naglasing.”

Tumulo ulit yung luha niya, nakikinig ba siya? “Oh, pero hindi ako galit sa’yo
ha.” Tapos niyakap ko siya ng mahigpit. “Gusto ko lang ikaw unang makaalam na
sinagot na ako ni Gwynne.” At pinunasan ko ang luha niya. “Alam ko namang masaya
ka for me, diba Silly?”

End of Chapter 7 Part 3

7.4: Is it the End?


(Cecily Gonzaga POV)

Naririnig kita Asher. Kahit nakapikit ako, pinapakinggan ko lang ang sinasabi mo.
Kahit tibok ng puso mo, naririnig ko. Kung gaano ito kalakas sumigaw ngayong
sinagot ka na ni Gwynne.

Medyo nahimasmasan na ako kaya nakauwi na kami ng bahay. Binuhat niya ako, at
sinalubong kami ni papa. Nakapikit na lang ako, dahil kapag idinilat ko yung mga
mata ko, tumulo lang ang luha ko.

Tapos si papa na ang bumuhat sa’kin, papuntang sa kwarto ko. Naiwan naman si Asher
sa living room dahil pinagagalitan siya ni mama. Si papa rin yata, pagagalitan
siya.

Inihiga na ako ni papa sa kama ko, tinanggal ang sapatos ko at kinumutan ako.
Pinatay niya ang ilaw at isinara ang kwarto ko. Saka siya bumaba at hindi ko na
naririnig pa yung mga pinag-usapan nila sa baba.

“Sorry…” bulong ko sa sarili ko. At nagtakip ako ng kumot kasi hindi ko na kaya
pang pigilan ang sarili ko. At umiyak ako. Umiyak ako ng walang ingay. Umiyak ako
nang nakatakip ang unan sa mga mata ko. Umiiyak lang ako buong gabi. Inilabas ko
ang lahat ng luhang pwede kong ilabas, para bukas at sa mga susunod pang araw, wala
nang luhang tutulo pa sa mga mata ko. Iniyak ko lang ang lahat-lahat! Lahat-lahat
hanggang sa makatulog ako.

“Silly pumpkin, aalis na kami.” Sabi ni papa kinaumagahan. Sunday kasi ngayon at
magsisimba sila pero dahil hindi ko pa kayang tumayo sa kama ko, hindi na lang ako
sumama.

Kasama nila si Asher, at nang marinig kong pinaandar nila yung sasakyan paalis,
saka na ako tumayo. Sumilip ako sa bintana, wala na nga sila. Saka ako tumingin sa
salamin. “I look wasted.”

Pero bakit naluluha ulit ako. Iniyak ko na lahat kagabi ‘to ha? “You are such a
waste Silly!” At humiga na lang ulit ako sa higaan ko. I looked at my cellphone ang
got 13 text messages. Twelve from Hadwin, and one from Gwynne asking if I’m already
okay.

“Ano bang iniiyak ko! Si Gwynne naman yung girlfriend niya ha.” Then I knew why
exactly am I crying. “Naiiyak ka Silly, kasi si Gwynne yung girlfriend ni Ash, at
hindi ikaw.”

Ang sakit-sakit. Ang sakit na talaga. Parang sasabog na ako. Kaya pinalo ko ang
dibdib ko. Baka kasi kapag ginawa ko ‘to, tumigil na ang puso ko sa pagtibok sa
maling lalaki.

“Mama…” Kapag ganito ako, ang tunay kong mama ang kinakausap ko. “Ma… bakit ba,
hindi mo na lang ako isinama.” Because I seriously don’t want to be here anymore.
Because in here, I’m with the one person really close to me, but he can never be
mine.

Tapos nag-ring yung cellphone ko, it was Ash. Maybe checking if I’m already up.. I
didn’t answer his call, because I’m not okay. And to hear his voice will just make
me feel worse. So I turned-off my phone and locked myself up inside my room.

Ayokong kumain, ayokong maligo, ayokong may gawin na kahit ano ngayon!

(Asher Carillo POV)

Kung itatanong niyo kung anong nangyari kagabi, pinagalitan nga ako. I was really
irresponsible for not looking after Cecily at the party. So I deserve na
mapagsabihan ni mama.

Pero when its time for Tito Al to say how disappointed he was, he didn’t say
anything at all. He’s just relieved na walang nangyaring masama kay Silly at
nakauwi kami ng maayos. Then inamin ko sa kanila.
“At may… may girlfriend na din ako.” Nagulat sila pareho. Hindi ko naman kasi
sinasabi sa kanila na may gusto akong babae. “She’s Silly…” Kinabahan ako bigla
kaya hindi ko agad natuloy. Pero nag-glow yung mga mukha nila pareho.

“She’s Silly’s friend, Gwynne.” Tapos natahimik lang sila.

“Friend? Friend ni Silly?” Tanong ni mama.

“Yeah… you’ll meet her sooner… or later.” But I’m not really sure. “I just want you
to know that I already have a girlfriend.” Kapag kasi ipinakilala ko sila sa isa’t
isa, baka malaman nila yung kasinungalingan namin ni Silly, that we are pretending
to be step-siblings.

“Ah… okay… so ang dami nang nangyayari ngayon. Percy, dapat pagpahingain mo na rin
siguro si Ash.” Nagtinginan sila ni mama, they are happy for me, right?

“Sige na Ash, you should go home now.” Pinauwi na ako ni mama pero nagpa-iwan pa
siya sa bahay nila Tito Albert. Maybe, aasikasuhin pa niya si Silly.

Pagdating ko sa bahay, pumunta na ako agad sa kwarto ko at tinext ko si Gwynne na


nakauwi na kami. Magkatext kami ng sandali dahil nakatulog na din ako.

At yun! Nang magising ako, I realize na Sunday pala at magsisimba kami. Nag-ayos na
ako at ready na rin si mama kaya nagpunta na kami sa bahay nila Silly.

“Hindi pa siya tumatayo eh.” Tito Al was talking about Silly. “Wag na muna nating
isama, mukhang masama pa rin pakiramdam nung bata eh.”

Aakyat na sana ako sa kwarto ni Silly pero hinawakan ni Tito Al ang braso ko.
“Pabayaan mo na muna siyang matulog Ash.”

“But Tito…” I’m just really worried about her.

“Let her be Ash.” Sabi naman ni mama. “Tara, alis na tayo.” Tumingala ako sa second
floor, at nakatingin sa nakasarado paring pinto ng room ni Silly. Will she be fine
here alone? I asked myself.

Pero umalis pa rin kami, nakatingin ako sa window ng kwarto ni Silly, but I can see
no movements. Tulog pa nga siguro.

We are on the way to the church, pero hindi pa rin ako mapakali. Ano na kayang
nangyayari kay Silly? I secretly tried to call her and it was ringing. Pero biglang
namatay after the 4th ring. Did she turned-off her phone? So gising na siya! But
why the hell would she turn-off her phone!
“Tito, sigurado ka bang natutulog pa si Silly?”

Nakatingin lang siya saakin sa salamin, he wasn’t smiling but I know he’s not
angry. Why would he be? “Masama pa yung pakiramdam ni Silly.”

“Okay.” He’s probably right. Ako lang ‘tong problemado. So naghintay akong matapos
yung sermon at makauwi na. Pagdating namin sa bahay, parang walang bakas na bumaba
si Silly sa kwarto. Parang hindi din siya nag-breakfast. Ano kayang problema nun?

Aakyat na sana ako papunta sa room ni Silly, pero pinigilan nanaman ako ni Tito Al.
“Siguro Ash, wag mo muna siyang puntahan.”

“Ha? Bakit? May sakit ba si Silly?”

Tapos inakbayan ako ni tito Al. “There are things about Silly na hindi mo muna
dapat pinoproblema. She’ll be okay, I know because she’s my daughter!” So hindi pa
nga okay si Silly. Dahil ba sa pagsusuka niya kagabi? Nilalagnat ba siya? Ano bang
sakit niya?

“Oo nga Ash. Isipin mo na lang yung girlfriend mo. Ako na titingin kay Silly.” Ang
sabi naman ni mama. Bakit ako hindi pwede? And how will I think about Gwynne when I
know Silly’s not okay! “Sige na Ash. Wag na munang mamilit ngayon.”

At dahil sa pareho na silang nagsabi, sinunod ko na lang sila. Kahit alalang-alala


na ako. Kahit nasasaktan ako thinking that it’s my fault why Silly is sick, and I
can’t do anything about it.

End of Chapter 7 Part 4

Chapter 8
8.1: Thinking of Her
(Asher Carillo POV)

“It’s been six days, hindi pa rin ba siya okay?” tanong ng girlfriend ko.
Naglalakad kami ngayon papunta sa room niya.

“She’s fine. Nagpapahinga na lang si Silly.” Actually, I don’t even know what I’m
saying. Yes, it’s been six longs days. For five straight days of class, hindi rin
siya pumasok. Ang nakakabad trip pa, hindi ko pa siya nakikita. Nagtatago ba siya?
Bakit? Bulutong ba sakit niya! Nakakahawa ba? Bakit hindi ko siya pwedeng makita!
“Ash, nakikinig ka ba?” I was holding Gwynne’s hand. May sinasabi siya pero hindi
ko masyadong narinig. “Hindi ko rin kasi siya ma-reach. Naka-off palagi ang phone
niya.”

“Ha? Don’t worry, I’ll tell her na i-text ka niya.” I’ll tell her kung makikita ko
siya. Malungkot si Gwynne dahil ang alam ko, super close na siya kay Silly. So it’s
really a wonder bakit ayaw magparamdam ni Silly. “Gwynne, wag kang masyadong
affected. Next week, papasok na din yun.” Then I hugged her, parang kinikilig ako.
“Sige na pasok ka na.”

Pagkahatid ko kay Gwynne sa classroom nila, nagpunta na din ako sa room ko.
Nadatnan ko si Hadwin na wala sa mood. “Uy… wala pang teacher?” Obvious naman eh,
may masabi lang.

Tapos nagbuntong-hininga lang si kumag. Aaminin ko na kahit madalas ay naiingayan


ako sa lalaking ‘to, nakakapanibago pa din kapag ganito siya. “Sabi nga pala ni
Silly, wag kang masyadong mag-alala.”

Biglang nag-glow yung mukha niya na parang tanga. Nakakabwisit na ewan. “Sabi ni
Ces yun!!!”

“Joke lang. Wala siyang sinabing ganun.” Tapos sinikmuraan niya ako. “Aray… eto
naman kasi parang namatayan. Next week, papasok na yun.”

“Sabi mo nung Tuesday, ‘Wednesday papasok na yun’. Tapos nung Wednesday, ‘bukas
papasok na yun’. Tapos kahapon, sabi mo papasok na si Ces ngayon. Oh ano, nasaan
na?”

Boklogs talaga nito. Syempre sinasabi ko yun pampalubag-loob. Anyway, bakit ko ba


pinoproblema itong si kumag. “Bahala ka nga.”

“Ano ba kasing sakit niya? Palibhasa ikaw nakakakita sa kanya kaya parang wala lang
sa’yo.”

Natahimik ako sa sinabi ni Hadwin. Naku kung alam niya lang!!! eh hindi ko nga rin
alam yung sakit nung babaeng yun. At lalong hindi ko pa siya nakikita, kahit hibla
ng buhok niya. Then napa-isip ako. Hindi naman dapat ganito eh. May paraan naman
para malaman ko.

Hinintay kong mag-uwian. Nagpaalam na ako kay Gwynne at umalis na agad. Pag-uwi,
doon ako agad tumuloy sa bahay nila Silly. Siguro naghahanda na ng dinner namin si
Tito Al.
“Hi tito!!!” bati ko sa kanya. “Si Silly po? Okay na po ba siya?”

“Nagpapahinga siya. Huwag mo na munang siyang puntahan sa kwarto niya ha.”

“Okay…” Nginitian ko si Tito Al. May masama kasi akong pinaplano. Hwahaha! “Anong
ulam Tito?”

“Nilagang baka.” Sinasabi niya habang nagbabalat siya ng patatas.

“Wow… Sige Tito, uwi muna ako sa bahay ha. Magpapalit muna ako ng damit.” At ang
laki ng ngiti ko. Parang ang sagwa na nga yata pero buti na lang hindi niya
nahalata.

Tapos lumabas na ako ng bahay nila. Tapos dumirecho ako sa bodega nila. Doon kasi
nakalagay yung hagdanan nila. Wala nang atrasan ‘to. Dahan-dahan kong kinuha yung
hagdanan at ipinuwesto doon sa terrace ng kwarto ni Silly.

Lumingon-lingon ako baka kasi may makakita sa’kin. Isipin nila akyat-bahay ako.
Tapos sinilip ko rin si Tito Al mula sa bintana, mukhang walang alam. Mabuti
naman!!!

At saka ako dahan-dahang umakyat, ang kaso, bwiset na hagdan 'to, umuuga! Nanginig
tuloy ang mga tuhod at kalamnan ko. Paanong hindi ako kakabahan, mataas kaya itong
second floor ng bahay nila! "Please naman hagdan, makisama ka!"

Nakahinga ako nang malalim nang makaapak na ako sa terrace. “Huuuhhhh!” Pabulong ko
habang hawak ko ang dibdib ko. Pinagpapalo ko yung hagdan. "Mortal enemy na kita!
Buset!"

Grabe, hindi ko na ulit gagawin ‘to, promise. Tapos, dahan-dahan akong lumapit sa
may pintuan ng kwarto ni Silly, please sana bukas! Click… Uy bukas nga! Thank you!

Sinilip ko nang dahan-dahan kung nasaan ni Silly. At nakita ko siyang nakabalot ng


kumot niya. Naawa ako bigla, kasi parang naririnig kong inuubo siya. Sh*t, ganito
ba siya kalala? Tinitigan ko siyang mabuti, parang medyo nanginginig siya. Anong
gagawin ko?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya.

Hinawakan ko siya at napalingon siya. “Ahhhh!!!” Napatili siya siya sa gulat, pero
buti na lang natakpan ko agad yung bibig niya para hindi kami marinig ni Tito Al sa
baba. Nanlalaki yung mga mata niya, pinagpapawisan siya. “Ako lang ‘to Silly.”
Tapos tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya. Naubo siya… teka parang
nabulunan yata.
“Silly? Kumakain ka ba ng chips?” Sinarado niya lang yung bibig niya. Binuksan ko
yung bibig niya, putek!!! Kumakain nga siya ng chips! Tapos tinanggal ko yung kumot
niya. Nagkalat yung chichirya, at nagbabasa pa siya ng mga bagong manga.

“So kaya ka pala parang inuubo dahil sa kinakain mo!” Tapos tinignan ko yung
natatakot niyang mukha. “At akala ko nanginginig ka, kinikilig ka lang pala sa mga
binabasa mo!”

“Pwedeng mag-explain?” Nginitian niya ako, akala nito madadaan niya ako ng smile
niya!

“Alalang-alala ako sa’yo akala ko ano nang sakit mo at hindi kita pwedeng makita!”
Niyugyog ko siya sa pagkakakahiga niya. “Umakyat pa man din ako sa terrace ng
kwarto mo, para lang makita ka tapos ito lang pala ang ginagawa mo!!! Ang sarap ng
buhay mo dito ha!”

“So… sorry?” Lalong nagdilim ang paningin ko. Sorry? Sorry lang! Kinurot-kurot ko
ang pisngi niya at nasaktan naman siya.

“Itong nararapat sa’yo!” Sa asar ko ginawa ko yun. Pero sobrang na-miss ko din
siya. Kaya niyakap ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. “Na-miss kita. Akala ko
ano nang nangyari sa’yo!”

(Cecily Gonzaga POV)

Nalaman na ni Asher ang katotohanan. Na nagsasakit-sakitan lang ako. Sobrang


siyang nagalit, pero dahil sa na-miss niya lang daw ako. Ako din, na-miss ko siya.
Sobra.

“Yun lang! Kaya pati sa’kin hindi ka nagpapakita?” Sagot ni Asher nung sinabi ko sa
kanya yung dahilan ko kung bakit ako nagkukulong sa kwarto.

“Lalo na sa’yo! Nahihiya ako! Ikaw ba, magsuka ka sa lahat ng tao. Sa swimming pool
pa! Nahihiya ako sa sarili ko at lalo na sa’yo. Kasi pinahiya kita kina Gwynne.”

“Silly!” Hindi ako makatingin nang direcho sa mga mata niya. Kasi hindi lang naman
yun ang dahilan eh. Pero hinawakan ni Ash yung mukha ko. “Silly, tumingin ka nga
sa’kin.” Tumingin na ako sa kanya. “Yun lang! Nahihiya ka sa’kin! Ang tagal na
nating magkasama, kilala na kita simula pa nung ipinanganak ka! Hindi mo man lang
naisip kung ano ang mararamdaman ko.”

Naiiyak ako. Nakaka-touch ang mga sinabi ni Asher. Pero kung alam niya lang ang
BUONG katotohanan.
“Wag ka nang magtatago sa’kin Silly ha! Hindi mo ba lam na nakakamatay ang ginagawa
mo!” natawa ako, medyo OA nay un ha. “Wag kang tumawa dyan! Inakyat ko yang terrace
mo nang patago para lang i-check kung okay ka. At yung magaling niyong hagdan, akal
ko yun na tatapos ng buhay ko!” Tapos nginitian niya ako at hinawakan ang dalawa
kong kamay. Hinila niya ako paalis ng kama ako. “Tara na nga, baba na tayo.” Tapos
inakbayan niya ako at sabay kaming bumaba.

End Of Chapter 8 Part 1

8.2:The Truth
(Albert Gonzaga POV)

Ang daming nangyayari ngayon. Una, nakita ko ang anak ko na mukhang dalaga na
talaga dahil sa suot niyang damit. Ito namang si Asher, dinaig pa ako at
pinagalitan pa si Silly dahil sa suot niya. Nakakatawa lang silang dalawa tignan.

Tapos after ng party na pinuntahan nilang dalawa, umuwi si Silly nang lasing. Buhat
siya ni Asher, nagso-sorry for his irresponsibility. Kinuha ko na si Silly kay Ash,
pero napansin kong nagkukunyarian lang ang anak ko na natutulog. May nangyari
siguro. Alam ko dahil kilala ko ang anak ko.

Pinagalitan ni Percy ang anak niya, pero may biglang sinabi si Asher. “At may… may
girlfriend na din ako. She’s Silly…” Sabi ni Asher.

Akala ko naman talaga sila na ng anak ko. Kaso may dinagdag pa siya, “She’s Silly’s
friend, Gwynne.” Natahimik lang ako. Friend daw ni Silly yung girlfriend niya. At
makikilala namin siya sooner or later.

Ang dami nang nagyayari, kaya imbis na pasamain ko pa ang sitwasyon, “Ah… okay… so
ang dami nang nangyayari ngayon. Percy, dapat pagpahingain mo na rin siguro si
Ash.” Tinignan ko si Percy at nakuha niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko. Kaya
pinauwi na lang niya si Asher sa bahay nila at saka kami nag-usap ulit.

Kinabukasan, maaga akong nagising at maaga ko ring ginising si Silly. “Silly


pumpkin, time to wake up.”

Iminulat niya yung namamaga niyang mata. Umiyak ‘to panigurado. “Papa, hindi ko pa
kaya eh. Sorry I’m really tired.” Hindi siya makatigingin sa’kin. “Sorry din
kagabi.”

“I know what happen.” Sabi ko sa kanya, at nagulat naman siya. “Hindi dahil
naglasing ka o nagsuka ka o pinahirapan mo si Asher sa kagabi. I know what’s
happening Silly.”
Ngayon tinitigan niya ako at tuluyan na siyang umiyak nung niyakap niya ako. “No…
you don’t know a thing, Pa.”

“Ganyan ka dahil kay Ash.Dahil hindi mo masabi kay Ash kung anong nararamdaman mo.
Tama ba ako?” Nagkatinginan kami, at nagulat siya. “You think, hindi ko alam? Alam
ko Silly! Alam namin ni Percy. Siguro nga si Ash lang ang tanga na hindi
nakakapansin, pero alam namin Silly.”

“Pa… Tell me what should I do? Ang sakit na eh. Hindi na ako makahinga.” Naiyak din
ako dahil sino bang ama ang hindi iiyak kung alam mong sobrang nasasaktan ang
kaisa-isa mong anak.

“Silly, listen to me.” Hinawakan ko ang mukha niya. “Do whatever you want. If you
want to cry, then cry. If you don’t want to eat, then don’t eat. If you don’t want
to do anything, then it’s up to you.”

Pinunasan ko ang mga luha niya sa mata at pisngi. “But remember this Silly, Asher
is not your everything. You can’t have him if he’s not willing to give himself to
you. At hindi lang si Asher ang lalaki sa mundo!”

“Then, okay lang bang hindi ko muna siya makita?” Tinignan ko siya. “Will you give
me time? To cry? To think? To forget?” Then I smiled at her.

“Of course pumpkin. One week?” Alam kong masyado kong kinukunsinti si Silly, but I
can’t help it. “One week, sige wag kang pumasok kung ayaw mo. Magkulong ka dito.
Wag kang magpakita kay Ash. But after one week, I want you to smile and be like the
Silly we all want. Is that okay, baby?”

Tumango siya. “Thanks papa.” Then I allowed her back to sleep.

Alam kong kasama sa usapan naming mag-ama ang pagpigil kay Ash na makita siya. Kaya
nga lahat na ng paraan, at dahilan para hindi na mamilit si Asher na makita si
Silly, ginawa ko. Kailangan kong itong gawin, sa loob ng isang linggo, para sa anak
ko.

(Cecily Gonzaga POV)

Bumaba na kami ni Asher, at nagulat si papa nang makita niya kaming magkasama.
Hindi pa kasi natatapos yung one week na hiningi ko at ibinigay niya sa’kin.

“Bakit magkasama na kayo?” nagulat si papa, nginitian ko na lang siya. Wala na eh,
alam na ni Ash.

“Tito, masyado kayo ha! Akala ko kung ano nang nangayayari kay Silly! Tapos yun
pala, binibilhan niyo pa siya ng mga bagong manga at chips!” nakapamewang si Ash
kay papa. Nakakatawa. “Ngayon lang ako nakakita ng amang kinukunsinti ang katamaran
ng anak niya.”

Binatukan siya ni papa. Pero nagtawanan lang sila. Natawa na din ako. I think,
hindi ko na kailangan pa ng one week to feel sorry for myself. After all, marami pa
naman ang nagmamahal sa’kin. At tama si papa, I should move on. Makakahanap din ako
ng papalit kay Ash. Makakahanap din ako, panigurado.

Naputol ang tawanan namin nung may nagdoorbell. Pagbukas ni kuya Ash, nagulat kami.
May mga taong hindi namin inaasahan na dadalaw. Patay! Patay na…

“Gwynne? Had? Anong ginagawa niyo dito?” Sabi ni Ash. Anong ginagawa nila dito!

(Asher Carillo POV)

Niyakap agad ni Gwynne si Silly nung makita niya ito. What’s with the surprise
visit? “Cecily!!! Okay ka na ba? Sorry ha! Dapat bukas pang Saturday kami dadalaw,
kaso alalang-alala na talaga kami ni kuya.”

“Ha? Hahaha… o… okay na ko Gwynne.” Sabi ni Silly, hindi niya alam yung iri-react
niya.

“Ces!” Niyakap din siya ni Hadwin. Bwiset! “Akala ko ano nang nangyari sa’yo. I’m
glad na okay ka na.”

“Sino yang mga bisita niyo?” Patay na! Nandyan na Tito Al.

“Papa… sila nga pala yung friends namin.”

“Papa?” Tito Al… please sumakay ka na lang.

“Si Hadwin pala classmate ko. At tsaka si Gwynne, kapatid niya. Siya yung
girlfriend ko.” Pinandilatan ko si Tito Al. Buti na lang nabaling ang attention
niya. “Ah. Hello po Tito. I’m Gwynne. Magkaklase din po kami ni Cecily.”

“Hello po Tito, you must be Cecily’s father.” Sabi ni Hadwin, please lang sana wala
silang masabing kakaiba. “Ako po pala si Hadwin.” Nagshake-hands sila. Buti na lang
hindi inatake ng pagka-enggot ‘tong si Hadwin. Nakahinga ako ng malalim. “Ah…
nasaan na po pala yung asawa niyo?”

“Asawa ko?” Napakunot si Tito Al. Hindi na maipinta ang mukha namin si Silly. Epal
ka talaga Hadwin.

“Opo… yung mommy ni Asher?”


“Asawa ko mommy ni Asher? Uy hindi ha! Magbestfriend lang kami nung mama ni Ash.”
Napayuko ako. Sh*t… ito na ang kinatatakutan kong katotohanan eh.

“Po? Hindi po ba nagsasama na kayo?” Tanong ni Gwynne.

“Hindi ah! Kilabutan.”

“So… hindi po magstep-siblings itong sina Cecily at Hadwin?”

“Hindi!” Inakbayan kaming dalawa ni Silly ni Tito Al. “Itong si Ash, parang anak ko
naman na din ito. Pero si Silly lang ang one and only ko.” Buking na!

The truth will set us free nga diba. Ang tanong, matatanggap ba ito nila Hadwin at
Gwynne? Kinakabahan ako.

End of Chapter 8 Part 2


8.3: At Least We’re Free
(Gwynne Alvarez POV)

“So hindi talaga kayo magstep-siblings ni Cecily?”

Tumango lang si Ash nung tinanong ko siya. All this time they’re pretending that
they are step-siblings para payagan siya ni Kuya Hadwin na lumapit sa’kin. “I’m
sorry. I’m sorry because I’m actually planning not to tell you the truth. But its
because of the fact that I really treat Silly as my own sister.”

I looked at him. He’s really sorry and I can feel it. “So para lang talaga
maligawan mo ako, you’ve been through this lie?”

“Yeah…” Nakayuko siya.

“You know what I think?” He looked up at me and I just gave him a smile. “I think
it’s actually romantic. Don’t worry, I understand.” At niyakap niya ako and he’s
really thankful that he can’t help but to crying.

“Ano ka ba? How can I get angry when you only did this for me. At isa pa, si Cecily
naman yung involve. I can’t get angry with her. She’s also my sister and my
bestfriend!”

(Hadwin Alvarez POV)


Nag-usap sila Asher at Gwynne sa living room ng bahay nina Cecily. Samantala,
nandito naman kami ni Ces sa family gazebo nila. “But you’re not sick anymore?”
Gusto ko lang siguraduhin na okay na talaga si Ces.

“Yep. Don’t worry.” Tapos tinignan niya ako, she’s just too innocent kaya naisip
kong si Asher lang talaga ang may pakana sa lahat ng ‘step-siblings-thing.’ “And
please wag kang magagalit kay Ash. He did it because he’s really… in love with you
sister.”

“Alam mo, hindi dapat ikaw nagsasabi niyan eh. Si Asher dapat.”

“Yeah but it’s also my fault. I lied too. So kung magagalit ka kay Asher, dapat
magalit ka rin sa’kin.” Tapos tinitigan ko siya, grabe niya kung ipagtanggol si
Asher. But its given na close sila dahil magkababata naman sila. But the fact na
hindi sila blood-related, at ni hindi rin sila magstep-siblings, parang it’s
something na dapat kong ika-worry.

“Then would you tell me the reason kung bakit ka naglasing sa birthday ni Gwynne?
If you tell me the truth, I promise na I won’t go against Asher para sa kapatid
ko.”

Natahimik siya. Tapos nag-iba yung reaction niya and she just clenched her fist.

“Asher is always taking good care of you… Is it the reason why you always look at
him?” Sinasabi ko ito, because I think I knew what will be her answer.

“I… I love him… As kuya. I love Asher as my kuya.” Hindi siya tumingin sa’kin at
medyo natatakot ako sa pwede niyang isagot saakin.

Actually, ayoko ring marinig ang katotohanan. Bakit? Kasi gusto ko si Cecily.
Gustung-gusto ko siya kaya nga, “Okay! I believe you.”

Tapos nginitian niya ako. “Oh, promise mong hindi ka na magagalit kay Asher ha.”

Natawa na lang din ako. “Oo… alam mo din kasi, gustong-gusto siya ni Gwynne. I bet,
ni hindi man lang nag-away yung dalawa.”

“Ang bait din ng kapatid mo noh!” Tinignan ko yung reaction niya yung sinabi ko
yun.

“But I think you should also know this.”

“Ano yun?”
“Na may ginawa rin kaming deal ng kuya mo, I mean ni Asher.” Nagtaka si Cecily. “I
allowed him to pursue my sister, at kapalit nun, papayag din siyang ligawan kita.”

Nagulat siya. At dahil nagulat siya, narealize ko na baka hindi nga niya binabasa
yung mga text ko sa kanya every night about sa confession ko. “Gulat ka noh! Kapag
kasi pinaiyak ni Asher si Gwynne, paiiyakin din kita.”

Natawa si Cecily sa sinabi ko. “Okay, sige.”

“Pero naisip ko, kaya ko pala sinabi yun sa kuya mo, para talagang maging
girlfriend kita, Ces.” Ngayon tinitigan ko siyang mabuti, maraming beses na kasing
failure ang confession ko sa kanya. This time, this time na talaga! Masasabi ko sa
kanya na, “Gusto kita Ces. Gusto kitang maging girlfriend.”

Nanlaki ang mga mata niya. Pero hindi ko inaasahan agad ang sagot niya ngayon
dahil baka ‘HINDI’ o ‘SORRY’ ang isagot niya sa’kin. “Okay lang, pag-isipan mo muna
‘tong mga sinasabi ko. Pwede namang akong maghintay eh.”

Medyo awkward na ang silence namin. Buti na lang tinawag na kami ng papa niya for
dinner. At sabay nga kaming naghapunan. Si Gwynne at Asher, alam ko namang
magkakabati. Kami naman ni Asher, wala lang. Aawayin ko pa rin siya noh, alam niya
yun kaya humanda siya. Quite na lang kami kina Ces at sa kapatid ko.

At kaming dalawa naman ni Cecily, hihintayin ko pa kung anong mangyayari sa aming


dalawa. Basta nasabi ko na sa kanya. Nasabi ko nang gusto ko siya.

Ay meron pa pala akong hindi nasasabi. “Ang sarap niyo palang mag-luto Tito Al.”
Sabi ni Gwynne sa papa ni Ces. naunahan ako ni Gwynne, sayang!

“Salamat iha. Naku sayang hindi niyo makikilala yung mama ni Asher. Gabi na kasi
palagi umuwi yun eh.” Ngumiti lang si Ash nung sinabi ng papa ni Ces yun.

“Hayaan mo Tito, may next time pa naman diba.” Sabi ni Asher.

“Ay ito nga pala Cecily oh, higop ka ng maraming sabaw.” Nilagyan naman ni Gwynne
ng sabaw ang plato ni Ces. Namiss nila yung isa’t isa, silang dalawa kasi yung
madalas na magkasama sa school.

“Thanks.” Sabi ni Cecily. “Kain ka lang din ng marami Gwynne.”

“Sa Monday ba makakpasok ka na?”

Tumingin si Cecily sa papa niya, at tumingin siya ulit kay Gwynne. “Oo. Okay na
ako. Wag kang mag-alala. Ay sorry nga pala, hindi kita ma-text o matawagan man lang
ha. Panay kasi tulog ko eh.”
Biglang nabulunan si Asher. Parang may tinatago silang dalawa. “Oo nga. Bedridden
kasi siya. Hindi nga makakain o makapagbasa man lang ng paborito nyang manga. Diba
Silly? Diba Tito Al?”

Sinimangutan si Asher ng mag-ama. Pero nagtawanan na lang sila. Ano kayang inside
joke doon? Anyway, I think ito na ang tamang oras para sabihin ko ito.

“Tito Al, may sasabihin po pala ako.” Napatingin silang lahat sa’kin. Pwera lang
pala si Asher na busy sa pagkain niya.

“Ano yun iho?”

“Gusto ko po ang anak niyo.” Saka nabulunan ulit si Asher. Buti nga sa kanya.
“Gusto ko po sanang magpaalam na manliligaw ako sa anak niyo.”

At heto ang mga reaksyon ng mga mukha nila:


Tito Al = Cecily = Gwynne = Asher =

“Playboy po ako, madalas akong magpa-iyak ng babae at hindi po nagtatagal ang lahat
ng relationship ko.” Natawa si Asher pero kailangan kong magsabi ng totoo sa tatay
ng babaeng gusto ko.

“Pero Tito, seryoso po ako sa anak niyo. Patayin niyo po ako kapag pinaiyak ko si
Cecily.” Siguro naman seseryosohin na nila akong lahat.

End of Chapter 8 Part 3

Chapter 9
9.1: Moving On?
(Cecily Gonzaga POV)

Tatlong buwan na ang nakakalipas nang sagutin ni Gwynne si Asher. Naging power
couple sila sa school, dahil pareho silang matalino, good-looking at popular.
Tatlong buwan ang nakalipas nang malaman din nina Gwynne at kapatid niyang si
Hadwin na fake step-siblings kami ni Asher. Tinanggap naman nila ang sorry namin,
kaya wala namang gulong nangyari.

Ang daming nangyari noong buwan na iyon. Pero ang isa sa hindi ko dapat kalimutan,
ay nang magsimula na ding manligaw sa’kin si Hadwin.

“Heto Ash, bigay mo ‘to kay tita oh.” Nagkakilala na pala sina Gwynne at mama
Percy.
“Uy! Matutuwa nanaman yun! Ikaw ha, sinasanay mo si mama sa mga cakes.” Sabi naman
ni Asher. Grabe, ang lovey-dovey nila, para kaming lalanggamin sa ka-sweetan. Hay
naku! Kung hindi ko lang palagi kasabay si Gwynne eh.

“Ces, ano nga palang plans ng family mo this Christmas? Gusto kasi kayong ayain ng
parents namin na sabay daw tayong mag-celebrate this year.” Ang sabi naman ni
Hadwin. Medyo close ko na din siya, pero hindi pa kami ha! Ilang beses ko nang
sinabi sa kanya na hanggang friends lang ang maio-offer ko, pero siya ang
nagpipilit na ipagpatuloy.

“Had, every year kasi, sa cemetery kami nagcecelebrate ng Christmas. Death


anniversary ni Tita Cecil, mommy ni Silly.”

Nagulat pareho sina Gwynne at Hadwin, hindi kasi namin nao-open yung ganitong
usapan. At ayoko lang din talagang pag-usapan.

“Ay, sorry Cecily.” Sabi ni Gwynne. “Sorry Ces, I don’t know. Sorry.” ang sabi
naman ni Hadwin.

“It’s okay. Pero it doesn’t have to do with Ash naman.” Tinignan ko si Asher.
“Hindi mo naman kailangan sumama Ash. I’m sure maiintindihan naman ni mama if you
skip just this time. Makicelebrate ka sa bahay nila Gwynne. Gusto mo din naman yun,
diba?”

Then nagring na yung school bell, which means back to class na ulit sina Asher at
Hadwin. Umalis na sila pareho, at naiwan naman kami ni Gwynne sa cafeteria. As
usual, pinagbabaon pa rin niya ako ng masasarap na lunch.

“It’s okay Cecily.” Ito talagang si Gwynne, napakabait! Nakakaasar na talaga


kabaitan nito eh. “Siguro mas mabuti kung sainyo pa rin sasama si Ash.”

“Ano ka ba? Sinabi ko na nga diba, okay lang kahit wala si Ash. Kapag nandoon din
naman sa sementeryo yun, wala namang ginagawa yun. At tsaka, ayoko namang i-
sacrifice pa niya ang Christmas niya.” Don’t feel sorry na, okay?

Tumango na lang si Gwynne. At kumain na kami.

So anong bago saakin after that three months? Wala! Naging boring lang, and tiring.
Everyday kasi I have to endure the fact that I still love Asher. I can’t actually
move on! Hindi naman din ako pwedeng manghimasok sa relationship nila ni Gwynne.
Why? Because they are in love with each other. At ayokong maging dahilan ako para
masaktan si Asher na first love ko, at si Gwynne na bestfriend ko.

Kung sasabihin naman ng puso ko na piliin ko na lang si Hadwin para matapos na ang
Asher problems ko, hindi ko rin magawa. Mahirap turuan ang puso. Mahirap kung
matagal na itong bulag. So, what should I do? Nothing!

Go with the flow na lang! Still waiting for that day na lahat ng feelings ko for
the person who can’t be mine, maglaho na nang tuluyan.

* * *

“Silly sige na! Bukas na yun eh! Simple lang naman ang gagawin mo eh” Ang pilit ni
Asher. Nasa bahay na kami. Ngayong buong araw na ‘to, wala ako sa mood. At
dinagdagan pa ni Asher ang pagkabwiset ko sa hinihingi niyang favor. “Silly!!!”

“Silly! Silly! Silly! Ang kulit naman nito! Sinabi nang ayoko!”

“Grabe ka naman! Parang hindi mo kaibigan si Gwynne!”

Epal naman oh! Hulaan niyo naman kasi kung anong favor sa’kin ng lalaking ‘to!
“Monthsarry niyo yun! Bakit pati ako isasama mo? At tsaka hindi ako marunong sa mga
surprise na yan. Ayoko! Kung gusto mo ng katulong, kausapin mo si Hadwin.”

“Para namang mapagkakatiwalaan ang kumag na yun.” Tapos tumingin ulit siya saakin.
This time lumuhod na siya sa harap ko. “Sige na Silly! Please! Hindi ko magagawa
yun kung hindi mo ako tutulungan.”

Matagal na akong nagtitimpi. But I’m sorry, this time ayoko na talaga. “Sorry
Asher. Ayoko.” Alam na niyang seryoso ako nun kaya natahimik kami pareho.

Ganito kasi ang surprise, kapag uwian na daw, maiiwan dapat si Gwynne sa room namin
then kunyari mala-lock siya sa loob. Tapos, to the rescue si Asher at ilalabas siya
sa room and there’s his surprise! Pag labas nila ng room, dapat nakakalat na ang
rose petals sa paligid at may nakabalandra nang tarpaulin ng picture nila greeting
her ‘Happy Third Monthsarry, Honey!’ Ang corny noh! Ang boring pa kamo.

Nagdabog na lang paalis ng kwarto ko si Asher. Sorry talaga, pero hindi ko na


kayang dagdagan pa ang pagka-enggot ko.

Kinabukasan, we are down to our last class. Pero lumilingon ako sa labas ng room
namin, ‘Magagawa kaya niya yun?’ Tanong ko sa sarili ko. Then nag-ring na yung
bell, at nagtayuan na ang mga kaklase ko dahil at last uwian na! Tinignan ko si
Gwynne, medyo malungkot siya. “Uy Gwynne, uwian na.”

“Ha? Oo.” Lutang? Ngayon lang niya inayos yung mga gamit niya. “Cecily…
nakalimutan kaya ni Asher?”

“Anong nakalimutan ni Asher?”


“Na monthsarry namin ngayon. Hindi kasi natin siya kanina nakita nung nag-lunch.
Tapos hindi pa niya ako binabati.”

“Ahh. Yun?” Hindi ko alam yung sasabihin ko. Kasi alam kong may hinanda si Ash para
sa kanya, pero hindi ko alam kung magagawa ba niya talaga yung hinanda niya. “Ano
ka ba Gwynne! Wag ka ngang malungkot dyan, nakakapanibago eh.”

Ngumiti siya pero halatang napilitan lang. Nang maayos na niya ang lahat ng gamit
niya sa bag at aalis na sana kami ng room, bigla namang nagtilian ang mga tao sa
labas. Mostly mga classmates ko yun at mga students from other section.

“Ano kaya yun?” Dali kaming lumabas ng room, nakasunod ako kay Gwynne at pag-open
namin ng door, sinalubong kami ni Ash at lima pang mga friends niya na may kanya-
kanyang hawak na bouquet of flowers.

“Happy Third Monthsarry, Gwynne.” Nakangiting sabi ni Ash. Si Gwynne naman, hindi
na nakagalaw sa kinatatayuan niya. Nakatakip lang ang mga kamay niya sa bibig niya
sa surprise na ‘to ni Asher. Then they hugged, and Gwynne was already crying
because of happiness.

“Oh my gosh… Asher?” Hinawakan ni Gwynne ang pisngi ni Asher. “I love you so much.
Thank you.”

Natulala na lang din ako. Hindi ito yung surprise niya eh. He… he did this in front
of these people. He did this in front of me. At nakaramdam nanaman ako ng paninikip
ng dibdib.

“Cecily? Did you guys planned about this?” Iniisip ni Gwynne na kasama ako sa
nagplano nito.

I gave her a fake smile. “No.” I told her the truth. “Ginawa lang ito lahat ni
Ash, para sayo.”

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Sinabi ko sa kanila, “All right, tapos na
ang palabas. Let’s leave the two lovebirds alone.” At nginitian ko ulit sila at
nagthank you sila pareho.

Unti-unti naman ding nag-alisan ang mga tao para bigyan ng privacy yung dalawa,
pero sa totoo lang ginawa ko yun para makaalis na lang din ako palayo sa lugar
na’to.

End of Chapter 9 Part 1

9.2: Deal With the Monster


(Cecily Gonzaga POV)

Ang hirap… ang hirap… huminga. Ang hirap pala kapag gustong-gusto mo nang umiyak,
pero ayaw mong gawin. Napapikit ako, hindi ako iiyak. Pinili kong magbanyo dito sa
upper floor. Kasi alam kong madalas na walang tao dito, walang makakakita saakin.

“Hah…” Pumikit ulit ako, this time pinapalo ko na ang dibdib ko. “Wag kang iiyak…
wag kang iiyak Cecily. Masaya naman si Asher eh. Mas masaya kay Gwynne.” Kaya hindi
ako tuluyang naluha, pero napaluhod naman ako. Dahan-dahan akong huminga ng
malalalim, at paulit-ulit ko lang ginawa yun hanggang sa maging kalmado na ako.

“Kahit mahal na mahal ko si Ash, i need to let him go.”

Tumayo ako ulit at tumingin sa salamin. Medyo namumula ang mga mata ko kaya
naghilamos ako. Sinabi ko din kay Ash kanina na wag na akong ihatid pauwi, para
makasama pa niya si Gwynne. Ang martyr diba, sobrang tanga pa.

Wala na namang mangyayari eh, kaya inayos ko na lang ang sarili ko para umuwi na.
Siguro naman pag-uwi ko, hindi nila mahahalatang wala ako sa mood, na malungkot
ako. Pagbitbit ko sa bag ko at paglabas ko ng banyo, bumungad naman ang isang hindi
kaaya-ayang tao sa paningin ko.

“Okay ka na?” Ang sarcastic niyang tanong. “Oh gusto mo pang pigilan yang luha mo.”
Bwiset na Aicelle, ‘to! Ano namang ginagawa nitong bruhang ito dito.

“Epal ka? Problema mo?” Kapag hindi pa umalis ang babaeng ito sa harap ko,
makakalimutan kong mas matanda siya saakin at papatulan ko na’to.

“Problem ko? Baka ikaw meron.” Pang-asar talaga ang pagmumukha nito. Kairita! Kaso
bigla niyang nilabas ang cellphone niya at pinanood saakin ang kuha niyang video.
Video ko kanina nung nasa banyo ako.

Na-record niya lahat, kasama yung mga sinabi ko about Ash at Gwynne. “Sabi ko na
nga ba eh. Noong una pa lang kitang makita na kasama si Asher, alam ko nang ganito
ka.”

“So anong balak mong gawin! You think that makes sense? Stupid!”

“Wag mo akong tawaging stupid!” Sigaw niya. “Mukha ka lang bata, and you’re
pretending to be like one para lang makasama mo palagi si Asher!”

“Alam mo ang bitter mo lang eh! Ang tagal niyo nang nag-break, move on!”

“Hindi kami magbi-break kung hindi ka umeksena!!! At galing mong magsabing move-on
pero ikaw na patay na patay kay Asher, hindi makamove-on!”
Tinignan ko lang siya ng masama. This isn’t good, I know.

“This video, and your feelings are my proof! Wag kang magsinungaling Cecily
Gonzaga! And don’t you even pretend!!! You are in love with Asher. Madly, deeply
and undoubtedly in loved with Asher!!!”

At ang sama na ng tingin niya saakin. Tumawa pa siyang parang bruha pero nagbago
ulit ang reaction. “What do you think will happen sa relationship ninyo kung
malalaman lahat ito ni Asher?”

“You dare!!!” Napasigaw na din ako and I tightened my fist. “Kung akala mong ako pa
ring yung grade school student na umiyak nung sinugod mo noon, nagkakamali ka.
Hindi na ako natatakot sayo Aicelle!” Naghahanda na talaga ako dahil nagbabadya ang
cat-fight sa pagitan naming dalawa.

“Really? The way you look and the way you act, I don’t think na nagbago ka na
talaga. And you know what, you should be more scared with me now! Now that I know
your dirty little secret.”

Ano bang masamang binabalak ng babaeng ito. Gusto ba niya akong i-blackmail? I bet!

“But I can assure you that your secret will be safe if you help me.” Anong help
nanaman ang pinagsasabi ng babaeng ‘to?

“I want Asher back. I want him back as soon as possible.”

“Come on! Hindi na siya in love sa’yo! Actually, never siyang nain love sa’yo! Kaya
wag ka nang umasang babalik pa sa’yo si Asher!”

“Shut up! You think I care about that crap!!!” Tapos hinawakan niya nang sobrang
higpit ang braso ko. “Then what if I tell Asher that you love him, I’m pretty sure
mandidiri siya sa’yo.”

Nanlaki ang mata ko. Ang sakit ng sinabi niya. “You’re disgusting! Pretending to be
just like a sister to him when in fact, you feel and think more than that!
Panigurado ako na kapag nalaman ni Asher ‘to, your friendship or even your whole
damn relationship will be over!” Wala akong nasabi, kasi alam kong pwedeng ganun
nga ang mangyari.

“So what do you want?” I nervously asked.

“Diba bestfriend mo yung girlfriend ni Ash ngayon, then I want you to wreck their
relationship. I don’t care how you do it, just do it!” At binitawan na niya ang
pagkakahawak niya sa braso ko. “Then like I said a while ago, I want Asher back.
So we’ll be together in every possible way that you know!”
What the hell? Paano ko naman gagawin yun!

“Did you get what I want, Cecily?” Then she gave me a weird kind smile. An evil
kind of smile. “I won’t get NO for an answer or maybe or I’ll try. I want you to do
it! Or else… alam mo na ang mangyayari. At three months lang! Three months!”

Nagtitigan lang kami for a moment. Then pumikit na lang ako at tumango. Narinig ko
siyang medyo tumawa at pagdilat ko ulit, naglalakad na siya palayo. Hawak pa rin
niya yung cellphone niya kung saan nakarecord yung video ko. Sana hinablot ko na
lang yun mula sa kamay niya at binato ko sa pader nang wala na siyang magamit laban
sa’kin.

Pero nag-froze na ang buong katawan ko. Parang pinako na ang mga paa ko sa
kinatatayuan ko. Kahit kasi sirain ko yung nakuhang ebidensya ni Aicelle, hindi ko
pa ring maitatago ang katotohanang tama ang lahat ng sinasabi niya.

At ayokong lumabas yun. Ayokong malaman ni Asher dahil natatakot ako na kapag
nalaman nga niya, magbago ang samahan namin.

Pero anong gagawin ko? Paghihiwalayin ko sila ni Gwynne para bumalik siya kay
Aicelle? Sasaktan ko ang isang tunay na kaibigan para sa isang kaaway? Gagawin ko
yun just to protect myself? But if not, anong mangyayari saaming dalawa ni Ash?

I decided na maglakad na lang pauwi para makapag-isip. 20 minutes ang biyahe kapag
hinahatid ako ni Asher, but this time almost two hours na ang nakakalipas pero
parang ang layu-layo ko pa rin sa bahay. I feel dumb. I feel restless. I feel like
I want to die this instant.

Tapos umulan, tamang-tama wala akong payong. Pwede na talaga akong umiyak nang
walang nakakapansing umiiyak talaga ako. Asher… his name, his face, his voice,
lahat ng tungkol kay Asher gusto ko nang kalimutan.

Sinabi ko na ‘to noon eh. At sinasabi ko ulit ngayon. Wala pa ring nagbabago, kasi
kahit ilang beses ko nang sinubukang gawin ito, sa huli si Asher pa rin ang nasa
isip at puso ko.

Then tumigil na muna ako sa paglalakad, hindi para sumilong dahil basang-basa na
ako sa ulan, kung hindi dahil pagod na ang mga paa ko sa kakalakad. Nasaan na ba
ako? Bakit, ang layo ng uuwian ko? Gusto ko na lang magpahinga.

“Papa…” Naupo ako isang bench sa playground. Basa na ang bag ko, pero ayoko nang i-
check kung pati ba yung mga gamit ko doon sa loob, basa na din. Yung cellphone ko
naman, lowbatt na.

“Papa…” Karaniwan sa mga ganitong sitwasyon, pati pangalan ni Ash binabanggit ko.
Pero dahil problema ko din ang lalaking yun, “Papa…” Naiyak na lang ako at yumuko.
“Gusto ko nang umuwi, papa…”

“Are you okay? Are you lost?” Tumingala ako, nakita ko ang isang familiar looking
guy.

End of Chapter 9 Part 2

9.3: You Are Lost


(Merrick Evangelista POV)

Pauwi na ako nang may makita akong isang bata sa playground na umiiyak. “Papa…”
Ang lakas ng ulan ngayong araw na ‘to at basang-basa na yung bata. Konsensya ko ‘to
kapag hindi ko tinulungan kaya…

“Are you okay?” Biglang siyang tumigil umiyak. “Are you lost?” Saka siya
tumingala. Pagtingin ko sa kanya, nagulat ako.

“Umalis ka nga dito!” Ang sungit naman. Siya na nga yung tinutulungan.

“Teka, nawawala ka ba? Basang-basa ka na.”

Pagkasabi ko nun, tinignan lang niya ako ng masama. Nakakatakot, sobra. “Anyway,
nagmamagandang-loob lang naman ako.” Tapos nilabas ko yung jacket ko sa bag at
sinuot ko yun. “Heto, magpayong ka na lang.” At ang bait ko noh! Yung gamit kong
payong binigay ko na lang sa kanya.

Tapos dahan-dahan akong lumayo sa kanya, pero binagalan ko lang kasi baka tawagin
niya ako ulit. “Hoy!” Sungit talaga ha. Pero at least timawag nga niya ako. “Payong
mo! Bakit mo iniiwan dito!”

Nilingon ko siya. Astig ha! Ang tigas niya. Feeling ba niya masamang tao ako?
“Okay!”

Lumapit ako sa kanya at pinakita ko ang ID ko. “Oh yan! Merrick Evangelista ang
pangalan ko. Student din po ako, at lalong hindi ako masamang tao.” Tapos kinuha ko
yung payong at iniabot sa kanya. “Kapag hindi ka pa umalis dito, baka abutan ka na
talaga ng masasamang tao.”

Tapos medyo nagbago yung reaction ng face niya. Ang cute niya, kaso ang sungit lang
talaga eh.

“Alam mo ba… kung saan yung Santa Victoria Street?”


“Santa Victoria? Wala namang ganung street dito sa village na ‘to ha.”

“Wala?” Napatayo siya. “Hindi ba Aranilla Village ‘to?”

Bigla akong natawa kaso sumimangot siya kaya pinigil ko na lang. “Arcilla Village
‘to, lumagpas ka na. Pero kung magta-tricycle ka sa may labasan, ihahatid ka nila
sa Aranilla.”

“Labasan?” Don’t tell me, hindi niya rin maalala kung saan yung gate.

“Tuturo ko sa’yo, sundan mo ko.” Kaso kung nakakamatay lang ang tingin ng babaeng
ito, kanina pa ako namatay. Tinignan nanaman niya kasi ako ng masama. “Okay ganito,
mauuna akong maglakad. Sundan mo na lang ako. Kapag lumapit ako sa’yo kahit isang
talampakan lang, paluin mo ako niyang payong.” Wala lang siyang reaction, so I
assume na susundan niya ako.

Hindi ako masamang tao, okay! Anyway, naglakad na nga ako papuntang labasan at
sumunod siya. Pagdating namin sa terminal ng tricycle, saka lang siya napangiti.
“Ngingiti-ngiti ka ngayon. Sakay ka na dyan.”

Bago siya sumakay, nagtanong muna siya sa mga tinder kung safe bang sakyan yung mga
tricycle. Um-oo sila, syempre! Feeling nitong babaeng ito siguro, lahat ng tao
hindi mapagkakatiwalaan.

“Kuya driver, sa Aranilla Village po.” Tapos sumakay na siya agad ng tricycle nang
hindi man lang nagte-thank you.

“Hoy! Merrick!” Teka? Tinawag ba niya ako? “Heto payong mo oh.” Tapos iniabot niya
sa’kin yung payong at nginitian niya ako. “Salamat ha!”

Napangiti ako. “Cecily…” Sinabi ko ang pangalan niya, at nagulat siya.

“Wah? Paano mo nalaman ang pangalan ko! Stalker ka ba?”

“Heto nanaman tayo eh, do I really look like a bad guy to you?” Wala siyang nasabi,
so hindi niya din talaga ako naaalala.

“Wait! Do you remember this?” Tapos kinuha ko yung water bottle sa bag ko at
pinakitaan ko siya ng talent ko. Well, hindi pa rin niya naaalala. “Remember?
Gwynne’s birthday party?” Tapos ngumiti ako sa kanya. Please remember.

“Ahhhhh!!! Bartender!!!” Nung sinigaw niya yun, sakto namang nagpaandar na ng


motor yung tricycle driver at umalis. Pero bago pa man sila nakalayo, sumigaw pa
siya. “Thank you Mr. Bartender!!!” At kumakaway siya hanggang sa tuluyan na silang
makalayo.
I smiled and I said to myself, “Till I see you again, Silly.”

(Asher Carillo POV)

Pagkauwi ko ng bahay, nagulat si Tito Al nang malamang hindi ko kasama si Silly.


“Nagpunta ako kina Gwynne eh. Sabi naman ni Silly, siya na daw mag-isa ang uuwi.”

Patay! Medyo nagtagal ako sa bahay nila Gwynne, pero expected ko naman na kanina
pa nakauwi si Silly. Patay ulit! Ang lakas ng ulan, wala pa siyang payong.

“Nasaan na ba ang batang yun?” Nagpapanic na si Tito Al. Kasalanan ko ‘to eh.

“Aalis po ako Tito. Baka makita ko siya sa daan o baka hindi pa nakakaalis ng
school.” Lalabas na sana ako para kunin ulit yung motor ko pero dumating na si
Silly nang nakatricycle.

Pagpasok namin sa loob, napansin kong basang-basa na ng ulan si Silly. “Ano ka bang
bata ka? Saan ka ba galing? Basang-basa ka na!” sabi ni Tito.

“Naglalakad ako pauwi nang abutan ako ng ulan.” Hindi siya tumitigin saamin nung
ine-explain niya yung nangyari. Pagkatapos nun, pina-akayat na siya agad ng kwarto
niya para makapagpatuyo. Agad namang nag-init si Tito Al ng tubig dahil baka daw
magkasakit si Silly.

After 5 minutes, nagpalit na ng damit si Silly at pagbaba niya, nagdinner na kami.


Tahimik lang siya hanggang sa matapos kaming kumain at saka siya bumalik ulit sa
kwarto niya.

Sumunod naman ako agad sa kanya. Kumatok ako pero hindi siya sumagot so I tried
opening the door at dahil hindi naman naka-lock, pumasok ako. Nakita kong
nakatalukbong nanaman siya sa kama niya kaya nilapitan ko.

“Silly…” Hinawi ko yung kumot at hinawakan ang noo niya just to check kung nagbago
ba temperature niya. Nakahinga ako ng malalim. “Buti naman wala kang sakit.”

“Ano ba…” Hinila niya yung kumot para magtalukbong ulit pero hinila ko ‘to pabalik.

“Basa pa yang buhok mo tapos mahihiga ka na diyan!” Pinilit ko siyang umupo at


kinuha ko yung suklay niya sa drawer niya at yung towel na nakapatong lang sa
upuan. “Tamad ka talagang masuklay.”

Kukunin niya sana yung suklay pero hindi ko binigay sa kanya. “Ako na Silly!”
At sinuklay ko ang buhok niya at pinunasan ito ng towel. Medyo tahimik kami ngayon
kaya hindi ako sanay. “Bakit wala ka nanaman sa mood?” Hindi siya sumagot. Ang
ayoko talaga yung hindi ako pinanpansin ng babaeng ito eh. “Sige wag mo akong
pansinin Silly, tatabihan kitang matulog ngayon.”

Tinignan niya ako nang masama. “Pervert!”

Ouch! Ako pa ang nasabihan ng bastos! Kung sa bagay, hindi naman na talaga kami mga
bata. “Joke lang, ito naman…” Tapos huminga ako ng malalim para sabihin sa kanya
ang madalas kong mapansin.

“Bakit nitong nakaraan, madalas mainit ulo mo? Madalas hindi mo na ako kinakausap,
tapos hindi mo na din ako masyadong pinapansin pag nasa school tayo. Galit ka ba
sa’kin Silly?”

Yumuko siya at pagharap niya ulit, “Sira!” Sabay batok sa ulo ko. “Syempre,
binibigyan kita ng time mo.”

“Time for what?” Tinanong ko siya. Hindi ko naman kailangan nun ha. Yung time niya
ang hinihingi ko.

“For Gwynne. May girlfriend ka na Ash, hindi naman habang-buhay kong isingit ang
sarili ko sa’yo.” Tapos tinulak niya ako paalis ng higaan ko. “Sige na magpapahinga
na ako. Wag ka na munang mangulit ngayon.

End of Chapter 9 Part 3

Chapter 10
10.1: I Miss You
(Cecily Gonzaga POV)

Christmas break na!!! Pero ang bilis lang ng araw. After namin mag-usap ni Asher
noong gabing nabasa ako ng ulan, hindi na kami masyadong nagpapansinan. Gumugulo
din sa isip ko yung gusto ng bakulaw na Aicelle na yun.

Then we celebrated together during Christmas Eve. Nag-exchange gift kami and after
that, nagpahinga kami agad. December 25th kasi kailangan naming dalawin ang totoo
kong mama sa puntod niya.

Kinabukasan, maagang umalis si Asher para pumunta kina Gwynne. Nasabi na niya ito
kina papa at mama Percy, at pumayag naman sila. Kaya kaming tatlo na lang ang
nagpunta sa sementeryo.
Pagdating namin sa puntod ni mama, nagsindi kami ng kandila at nag-alay na ng
dasal. Ang sakit noh, Christmas pero heto kami medyo nalulungkot parin dahil this
is also the day when my mom died back when I was seven years old. Car-accident, and
she died instantly.

“First time lang hindi nagpunta si Asher.”

“Ano ka ba, okay lang naman yun Percy. Syempre gustong makasama ng anak mo yung
girlfriend niya.” Naririnig ko silang nag-uusap habang nagdadasal pa ako. When they
realize that I was listening, they stopped talking. Alam kasi nila pareho ang
feelings ko for Ash.

“Ano ba? Okay lang yan. Maiintindihan naman ni mama.” At naiintidihan ko rin kung
bakit hindi namin pwedeng makasama si Ash ngayon. Everything’s peace and quite pero
marinig kaming tunog ng motor. “Familiar sound yun ha.”

Nung lumingon kaming tatlo, nakita namin si Asher na naglalakad na papalapit at may
hawak na bulaklak. “Uy! Parang nakakita kayo ng multo ha!” At nag-joke pa talaga
siya ng ganyan dito sa sementeryo!

“Ash! Akala ko ba makikicelebrate ka sa bahay ng girlfriend mo?”

“Oo nga! Pero nagpaalam ako na umuwi agad kasi hindi pwedeng hindi ko dalawin si
Tita Cecil.” Tapos inalay niya yung flowers at nagdasal. In-shock pa rin kami nina
papa, pero nginitian kami ni mama Percy. After magdasal ni Ash, tumingin siya
saamin at parang may kakaiba sa kanya... “So, yan! Nakapagpaalam na ako kay Tita
Cecil kaya aalis na ako.”

“Wait! What? So yun lang? Itong batang ito talaga! Aalis ka na agad?” Ang gulo
talaga ng utak ng lalaking ito. Pupunta dito tapos aalis lang din pala agad.

“Hindi lang ako noh!” tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako.
“Isasama ko si Silly! This time, magde-date kami!”

“Ah ganun, sige ingat kayo ha!” Biglang bumait si mama Percy? Teka… Pati ako
kasama?

“Ingat kayo Ash ha! Ingatan mo si Silly!” Dagdag naman ni papa.

“Yes tito!!!” At hila pa rin ako ni Ash hanggang sa makarating kami sa motor niya.

“Teka! Hindi mo pwedeng gawin ‘to! Si mama…”

“Wag ka nang epal Silly!” Tapos dala pala niya yung helmet ko at isinuot niya
saakin. Tapos naglabas siya ng dalawang amusement park tickets na malamang ay
pagdadalhan niya saakin. “Pinaalam na kita kay Tita Cecil at pumayag naman na din
sina mama at papa mo.”

“Bakit hindi si Gwynne ang ayain mo sa amusement park?”

“Kilala mo naman yun, matatakutin. Hindi ko madadala sa rides yun.” At sumakay na


siya sa motor niya. “At tsaka, binili ko talaga ‘to para saating dalawa.”
Nginitian niya ako kaya umangkas na ako sa likod ng motor at umalis na kami.

Pagdating naming sa park, sabi niya gawin daw naming ang lahat ng pwedeng gawin sa
park. So sinakyan naming ang lahat ng rides dahil ride-all-you-can yung ticket na
binili niya. Yung iba, sinakyan nga naming nang more than two times. Tapos kumain
kami ng kung anu-ano. We had fun, but for me, mas masaya dahil nakasama ko si
Asher.

So it was really a date dahil feeling ko girlfriend niya ako ngayon. Tapos he
played Shoot-the-Alien to win the big cat stuffed toy na nakita ko. He won and I
got the toy!

Sa sobrang enjoy namin, hindi naming napansin na madilim na pala. Sabi ko we


should ride the ferris wheel again to see the nightview of the park. Pumayag siya
at pagsakay namin ulit, for the third time this day, hindi naman kami nadisappoint.
Pinaganda pa kasi ng Christmas lights yung view.

“So, are you having fun?” He asked me. Hindi ba obvious? Masayang-masaya ako!

“Yep! Thanks Ash!” I smiled. Tapos biglang nagbago yung reaction ng face niya.
Napatakip siya sa bibig niya at napatingin sa malayo. “Bakit? What’s the problem?”

“Wala…” Medyo teary-eyed siya. “I’m just so happy that you’re with me… because I
miss you Silly. I really miss you.”

Nung sinabi niya yun, medyo naluha din ako. Masyado siyang sentimental, ang corny
na minsan. But that’s what I like about him, he’s not afraid to admit if he’s very
happy, or sad, or about to cry. “Ito naman, lagi naman tayong nagkikita.”

“Yeah, but you can’t blame me Silly. I miss you because I love you that much.”

“I miss you too Ash… and I also love you.” I said it, again. But I know na hindi
niya talaga alam kung anong sinasabi ko. Tapos naisip kong ibahin na ang usapan.
“Okay tama na Ash! Time na para magsabihan ng Christmas wishes!”

It’s our little tradition na magsabihan ng Christmas wishes. And we will see kung
makukuha ba namin yung wishes na yun before mag-Christmas ulit. “Yung wish mo na
makita na ang dream girl mo nagkatotoo na. At ang wish ko naman na makapasok sa
school na pinapasukan mo, nakuha ko rin!”
“Ang galing nga noh!” Then we both laughed. Tapos nag-isip kami pareho ng wishes at
pagkatapos nun. “Silly, I’ll go first!”

Tumahimik ako sandali. Part kasi ng tradition namin, na once na masabi na ang wish,
hindi na pwedeng magdagdag o palitan pa. “I wish for the both of us! Na hindi tayo
maghihiwalay, and we’ll be together forever.”

“Do you know what are you wishing for, Ash?” Niloloko ba ako ng lalaking ito. Stop
saying forever, when we can’t really be forever.

“Bakit? Wish ko yun eh!”

“We can’t be together Ash, there’s Gwynne, remember?”

“I know! Girlfriend ko si Gwynne, at marami pa kaming dapat pagdaanan together.


Pero ikaw, kasama na kita simula noong mga bata pa tayo. And I would never, ever
going to lose you. I won’t lose my sister and my one and only bestfriend.” Right!!!
So in the end, sister and bestfriend pa rin.

“No Ash… we can’t always be together. Darating ang time na kailangan nating
maghiwalay.” Tapos naguluhan siya sa sinabi ko. “Because I wish to find a
boyfriend.”

Medyo napataas ng kilay si Ash. After this day, I will find someone else to
experience real love, and to forget him as well. “At kapag nagkaboyfriend na ako,
we can never be like this again, Asher.” I looked straight to his eyes, proving him
I’m not joking.

“Ano ka ba Silly!” He laughed at me. “Ang seryoso mo naman!” Then he stretched out
his hand to poke my nose again but I covered my nose.

“You can’t also do this again Asher.” Tapos medyo sumimangot siya. Magagalit kaya
siya?

Pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin kasi siya ng direcho saakin at
seryoso niya ring sinabi, “Kung ganun… sisiguraduhin kong hindi ka magkaka-
boyfriend.”

End of Chapter 10 Part 1

10.2: Failure
(Cecily Gonzaga POV)

Ang bilis ng Christmas break. We celebrated New Year, then after three days pasukan
nanaman. Pero hindi kami naglie-low sa school. Dahil sa February na ang sports
fest sa school, first week pa lang may try-out na agad for sports.

“Sigurado na ba kayong sa volleyball niyo gustong sumali?” Tinanong ni Hadwin.


Magtatry-out kasi kami ni Gwynne sa sport na ito. Kasama namin sina Asher, Hadwin
at ilan pa nilang friends para suportahan daw kami.

“Oo nga. May time pa para magback-out Ney…” ‘Ney’ as in ‘Honey.’ Tawagan na nila
Ash at Gwynne, napag-usapan daw nila nung New Year.

“Ano ka ba, naglalaro na ako ng volleyball nung gradeschool pa lang ako.”

Tapos tumingin silang tatlo saakin, “Madali lang naman ang volleyball.”

“Madali! Eh hindi ka pa nga naglalaro nun sa tanang buhay mo eh.” Sabi ni Asher.

Hindi ko siya pinansin. Gusto kong sumali kaya wala silang magagawa. Tapos biglang
may nag-whistle. Sh*t!!! totoo ba ‘tong nakikita ko? Si Aicelle bakulaw,
nakauniform at pinakilala siya ng ibang members as captain. Kapag minamalas ka nga
naman oh!

Tapos nagtinginan sila Gwynne at Ash sa isa’t isa. Alam kasi ni Gwynne na ex yun ni
Asher. “So kaya ba ayaw mo kaming makapag-try out dito?”

“Hindi naman sa ganun ‘Ney. Pero kasi natatakot lang akong baka pagdiskitahan kayo
ng babaeng yan.”

“Don’t worry, I’m good at this sport.”

“But not Silly.” Tapos tinignan nila ako. What the hell! Ganun ba ako kahina sa
paningin nila?

“Then, I’ll look after Cecily.” Tapos hinawakan ni Gwynne ang braso ko at nginitian
ko na lang siya.

Kinausap naman ako ni Hadwin. “Ces, ipagchi-cheer kita ha! Mag-ingat ka lang sa
babaeng yun.” At may dinagdag pa siya. “Whatever the result, kakain tayong apat sa
labas ha!”

“Don’t worry Had! I’ll do my best.” Then he hugged me at nagulat lang ako. Noong
tumingin naman ako kina Ash if nakita nila yun, naasar lang ako. Potek naman! Ang
dami kong pwedeng makita na gawin nila, yung nag-kiss pa sila. Nice I just got
inspired! Sh*t!

Tapos tinawag na kami sa court pero bago magsimula yung game, tinawag muna ako ni
Aicelle para makapag-usap kami.
“Hey! Ang tagal na ha! Wala ka paring ginagawa?” She gave a fake smile para lang
ipakita na kunyari matino itong usapan namin. “Baka nakakalimutan mo yung about sa
video mo. I wan’t Asher! One month na lang, and you’re dead if you disappoint me!”

Tapos lumapit saamin si Gwynne kaya umalis si Aicelle. Alam ko masama ang tingin
niya kay Gwynne at saakin. “Cecily.” Tinapik ako ni Gwynne. “Let’s do our best,
okay?”

“Yep!” Ngumiti ako sa kanya at then just seconds later, nagstart na yung game.

Two sets lang ang game, and after nun, ia-announce kung nakapasok ba kami o hindi.
Pero grabe! Hindi ko akalaing ganito pala kahirap ‘tong larong ‘to! Patintero at
bahay-bahay lang kasi ang nilalaro ko. Tinignan ko si Gwynne, at magaling nga
siyang maglaro. Noong time ko naman para mag-serve, sumablay pa ako.

Si Gwynne, alam kong makakapapasok dahil siya yung pinakamagaling sa mga naglalaro
ngayon. At ako naman, halatang sasablay. Sh*t! Wala man lang akong nagawang score!
After ng first set, five minutes break.

Pawis na pawis akong bumalik sa pwesto namin at agad namang akong inabutan ng towel
at tubig ni Hadwin. “Okay lang yan Ces, may second set pa.” I smiled at him. Buti
nandito siya, at least nafifeel kong may sumusuporta saakin.

Samatala si Ash, puro si Gwynne ang inaatupag. Inuulan niya ng papuri ang
girlfriend niya, na alam ko naman din na deserve ni Gwynne. Umiwas na lang ako ng
tingin, baka makita ko lang ulit silang mag-kiss.

“Ces…” Tapos tumingin ako kay Hadwin ulit. “I know you can do it! Fight ka lang!”

I tapped his shoulder and smiled at him. “Thanks Had. Buti nandito ka.”

Narinig yata ni Asher yung sinabi ko at medyo naguilty siguro na hindi man lang
niya ako pinapansin kaya lumapit siya. “Oh, ikaw naman Silly. Sabi na sa’yo wag ka
nang sumali. Pagod na pagod ka na!”

Tumingin ako sa kanya. Sana pala hindi na lang talaga niya ako pinansin kung ito
lang rin ang maririnig ko. “Thanks ha! Pinalakas mo loob ko!” Umalis na lang ako
at bumalik sa court. Sumunod si Gwynne since mag-sisimula na din yung game.

“Cecily, Asher didn’t mean that.”

“Yeah, right!” Tinignan ko siya. “I’ll have fun na lang, since I know I won’t pass
this crap.”
Medyo naging harsh ako sa kanya, kahit na kay Ash talaga ako nabubwiset. Nag-start
yung game, and my gameplay just got worse! Kung hindi out, hindi ko natitira.
Luckiest day ever! And to make things complicated, dahil parang pinagdidiskitahan
nga ako ni Aicelle at mga friends niya dahil saakin palagi tumatama ang bola,
nasubsob tuloy ako.

Natigil silang lahat, but I shouted “I’m okay!” Tumayo ako agad dahil napahiya na
ako, ipapahalata ko pa ba? “Game!” Wala akong tinignan dahil ayokong makita ang
reaction nila.

Hindi ko man lang naramdaman yung sakit, o baka kasi mas masakit yung nararamdaman
ng puso ko. Ang sarap magmura!!! Nang matapos ang game, kinausap na kami ng
volleyball members, including Aicelle, at binanggit yung mga nakapasa. Milagro na
lang kung makakapasok ako, but as expected, I failed.

Tapos binalikan na namin ang mga gamit namin. “Congrats Gwynne, ang galing mo.” She
smiled at me, baka kasi kausapin pa niya ako and feel sorry for me. Ayoko naman nun
kaya pinangunahan ko na. Paglapit namin, tinanong agad nina Ash kung anong
nangyari.

“Gwynne passed!” I said at napayakap sina Ash at Hadwin sa kanya sa sobrang saya.
“I didn’t.” Tapos nagbago reaction nila. “It’s okay! What do you expect, first time
ko diba.”

“Ces, nagdudugo yung chin mo at tuhod mo.” Hindi ko man lang napansing nagkasugat
pala ako. Dahil ito sa pagkakasubsob ko kanina.

“Hala…” lalapitan na sana ako ni Gwynne, which I know she would do dahil ayaw niya
akong nasasakatan. But I stopped her.

“Silly, tara sa clinic! Gamutin natin yan!” Oh so ngayon nagpapanic ka kunyari.

“Maliit lang ‘to.” Kinuha ko yung bag ko na hawak na ni Hadwin. “Maghihilamos lang
ako.” Tumalikod ako at umalis na pero narinig ko silang sumusunod. “Wag niyo na
akong sundan.” Tinitigan ko silang tatlo, dahil ayoko nang gawin pang malaking
issue ‘to.

“I think you should also celebrate na nakapasok si Gwynne. She did a great job.”

“Cecily…” Malungkot yung pagkakasabi ni Gwynne pero ayokong namang i-spoil ang
moment niya to celebrate kaya niyakap ko na lang siya. Then I gave her a look para
hindi na siya mag-worry at ngumiti ako sa kanya.

Tapos umalis na ako agad at tumakbo ako palayo dahil ayokong makita nila na umiiyak
na ako. Ayokong malaman nilang masakit.

End of Chapter 10 Part 2


10.3: When She Cries
(Asher Carillo POV)

“Hindi ba natin siya susundan?” Nakaupo lang kami sa bench. Hindi pa rin kami
umaalis sa gym after magwalk-out ni Silly. “Okay, I can’t take this!” Tumayo si
Hadwin para sana sundan si Silly pero pinigilan siya ni Gwynne.

“She wants to be alone Kuya.” Sobrang lungkot din ni Gwynne.

Naisip ko tuloy na napakawalang kwenta ko din. Kanina, instead na palaksin ko pa


yung loob niya, parang sinisi ko pa siya kung bakit siya sumali dito. Tapos tumayo
ako. “Sorry, I’ll go after her.”

“Sama na ako Ash!”

“Wag na!” I looked at him, he’s really worried. “You stay with Gwynne. At tsaka
diba, whatever the result, kakain tayo sa labas? Mauna na kayo, tapos text niyo na
lang ako kung saan.”

Tapos tumakbo na ako para sundan si Silly. Paglabas ko sa gym, hindi ko na siya
makita sa paligid. Pumunta ako sa clinic pero wala siya doon. Nagpunta din ako sa
mga CR, pero wala namang signs na nandoon siya. Nasaan nanaman ba siya?

Tumakbo lang ako, at nang makasalubong ko yung mga classmates niya, tinanong ko
sila kung nakita ba nila si Silly. “Nakita ko siyang tumakbo dun sa direction
papuntang elementary building.”

Elementary building? Right!!! Dahil doon wala nang mga tao! Kanina pa kasi nag-
uwian yung mga grade school students. Tumakbo ako agad papunta doon, hindi naman
siguro siya papasok mismo sa building dahil hindi naman niya kabisado yun. Kaya
pumunta ako sa likod ng building nun dahil alam kong may CR doon at gripo.

Doon nakita ko siya, binabasa ang panyo niya at pinupunas nang dahan-dahan ang
sugat niya. Medyo mataas yung gripo, kaya nakatingkayad pa siya para abutin ito.

Umiiyak na siya nung lumapit ako sa kanya. Nagulat pa siya, pero binuhat ko siya
para makaupo siya sa taas, malapit doon sa gripo. Kinuha ko yung panyo niya at ako
na ang naghugas sa sugat niya. Buti na lang gasgas lang yung nasa baba niya, pero
medyo malaki at malalim ang sugat niya sa tuhod.

“Ano ba… *hikbi* sabi ko…” Nagsasalita siya nang hindi tumitingin saakin.

“Pabayaan mo na lang ako Silly ha.” Hindi ko rin siya matignan, kasi alam ko nang
umiiyak siya, and when she cries, it breaks my heart.
Pagkatapos kong hugasan ang mga sugat niya, binuhat ko siya ulit pababa at pinaupo
naman siya sa may bench. Tumabi ako sa kanya at nilabas ko yung gamot, bulak at
band-aid na hiningi ko kanina noong nagpunta ako sa clinic.

“Sabihin mo lang pag mahapdi ha.” At ginamot ko na yung sugat niya, wala siyang
sinasabi pero alam kong mahapdi kaya hinihipan ko para hindi siya masyadong
masaktan. Inuna ko yung sugat niya sa baba pagkatapos yung sa tuhod niya. Noong
matapos ko nang lagyan ng bandage yung mga sugat niya. “Hindi naman siguro
magkakapeklat yan.”

“Who cares!” Alam kong bad trip siya.

“Me!” Umiiyak pa rin siya kaya kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunas sa mukha
niya. Pagkatapos, niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko siya binitawan, at hindi
ko siya bibitawan hangga’t hindi siya tumitigil umiyak. “Sige iyak ka lang Silly.
I’m here… I’m right here.”

Lalo siyang umiyak nang malakas at nagtagal ito ng ilang minuto. Hinintay ko lang
siyang tumigil, at nung sa tingin kong nailuha na niya lahat dahil tumahimik na
siya, tumingin na ako sa kanya.

“Can you walk?” Tumango siya, pero noong tumayo siya paika-ika naman. Weakness
kasi niya kapag nagkakasugat siya. Tapos parang hindi na rin niya maidilat yung mga
mata niya.

“Bubuhatin na kita.” Lumuhod ako and I offered my back. “Sakay ka na.” Humihikbi
pa siya pero alam niyang hindi ako tatayo hangga’t hindi siya sumasakay sa likod ko
kaya ginawa na lang niya. Tinakpan niya yung mukha niya, at sa sobrang iyak niya,
alam kong makakatulog lang siya.

Buhat ko lang siya at pagdating ko sa parking area, nakatayo sila Gwynne at Hadwin
malapit sa motor ko. “Ces…”

“Had!” Sinenyas ko siya at umiling lang ako. “Hindi na lang kami sasama ni Silly.”

“Okay lang. Sige hatid mo na siya pauwi sa inyo.”

“Thanks ‘Ney.” Buti naman at naintindihan niya. Pagababa k okay Silly, nakayuko
lang siya at isinuot ko yung helmet niya sa kanya. “Hawak ka ng mabuti ha.”

Tapos pinaandar ko na yung motor at kinawayan ko na lang ang girlfriend ko at si


Hadwin. Umalis na ako agad at umuwi na ng bahay.

Pagdating namin, sinalubong kami ni Tito Al. Lumapit naman agad sa kanya si Silly
at niyakap siya.
“May sugat ako, Pa!” Pinakita ni Silly ang mga sugat niya. “Tapos hindi ako
nakapasa.” Tapos niyakap siya ng papa niya at umiyak siya ulit.

Tumingin sa kin si Tito Al, tapos tumingin siya ulit sa anak niya. “Silly pumpkin…
tahan na.”

“I’ll go to my room now. Please don’t bother me.” Tito Al patted Silly’s head,
tapos umakyat na siya papuntang kwarto niya. Nung wala na siya, saka ko na
kinuwento yung nangyari.

After four hours, hindi pa rin bumababa ng room niya si Silly. Hindi na siya
nagdinner. Noong tinry ko namang buksan yung pinto ng kwarto niya, naka-lock. Ayaw
ngang magpaistorbo.

“Tito, pahiram naman ng susi oh.”

“Wag na Ash! Pabayaan na lang muna natin si Silly.”

I pouted, I can’t leave her. Not now, now that she needs me. Tapos naisip ko ulit
yung ginawa ko noon para makapasok ako sa kwarto niya. Anak ng tinapa! Nangako pa
naman ako sa sarili kong hindi ko na gagawin yun dahil nakakatakot! Pero I’ve
decided.

“Sige Tito uuwi na lang ako.” Nagba-bye na kami sa isa’t isa at lumabas na ako ng
bahay nila. Pumunta na ako sa bodega nila at kinuha yung hagdanan. Tapos umakyat na
ako, at medyo nagshe-shake ulit yung hagdanan.

“Amp!!! Wag ka nang umuga oh! Ipapatapon na talaga kita.” Tapos nakahinga lang ulit
ako nang malalim nung makaapak na ako sa terrace nila. Pinalo-palo ko ulit yung
mokong na hagdanan, potek ka kung hindi lang kita kailangan.

Tapos paglapit ko sa pintuan, naka-lock na siya this time. Great!!! Ano ‘to mauuwi
lang sa wala ang death climb ko. Lalo namang hindi ko na kayang bumaba pa gamit ang
hagdanan na yun.

Isip Ash! Mag-isip ka! Pero hindi na ako nakapag-isip dahil nagulat ako nang
bumukas yung pinto. Nanlaki ang mga mata ni Silly nang makita niya ako. “Hi…”

“Ash? Nanaman?” nasilip niya yung hagdanan. “Akala ko ba…”

“I know! Last na talaga ‘to promise! Isinusumpa ko yang hagdanan niyo!”

Tapos nakanganga lang siya, nakatulog yata siya pero medyo namamaga pa rin ang mga
mata niya. “Ash… Diba sabi ko naman sa’yo… just… just leave me alone.”
“Nandito na ako!” Tapos pumasok ako sa kwarto niya at sumunod na siya sa loob.
“Let’s talk.”

End of Chapter 10 Part 3

10.4: First Kiss


(Cecily Gonzaga POV)

Naglalakad ako papuntang altar ng simbahan. Naka-wedding dress at may hawak na pink
bouquet. Inihatid ako ni papa at pagdating namin, nakita ko si Asher. Wait!
Ikakasal na ako kay Asher! Pero nagulat ako nang sa ibang lalaki ako inihabilin ni
papa. “Teka… hindi ba si Ash ang groom ko?”

Natawa lang si papa at yung totoo kong groom. Tapos si Asher, sinimangutan ako at
sinabi niya, “Best man lang ako ng kasal mo noh!”

“Ganun?” Tinignan kong mabuti yung mukha ng groom ko, pero hindi ko maaninag dahil
sa suot kong belo. Tapos bigla na lang sinabi ng pari na, “You may now kiss the
bride.”

Itinaas ng groom yung belo ko, siguro nag ‘I do’ na ako kaya sige, magkikiss na
lang talaga kami. Ipinikit ko ang mga mata ko, pero nagulat ako nang may humila
saakin mula sa likod at siya ang humalik saakin.

Si Ash!!! Nasampal ko siya at umiyak ako. Teka, hindi naman ako sa kanya ikinasal
ha! Pero bakit niya ako hinalikan?

Tapos nagising na ako. Hinayupak na yan!!! Bakit napanaginipan ko yun? Ang first
kiss ko! Kagabi kasi may nalaman ako mula kay Asher. ShEEEEEEt!

(Asher Carillo POV)

“Ash… Diba sabi ko naman sa’yo… just… just leave me alone.” Sigaw ni Silly.

“Nandito na ako! Let’s talk.” At pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Naupo ako sa
higaan niya at tinawag ko siya, “Halika nga rito.”
Lumapit naman siya agad at tumabi saakin. Pero nakayuko pa rin siya.

“Patingin nga ng sugat mo.” Pagtingin ko, mukhang nilinis na niya ito ulit dahil
bago na ang bandage sa mga sugat niya. Tapos huminga ako nang malalim para sabihin
sa kanya ang kailangan ko talagang sabihin. “I’m sorry Silly. I know, naging nagger
ako kanina. Imbis na pinag-cheer kita, parang mas binaba ko pa confidence mo.”

“It’s okay. It’s not my sport anyway. Hindi na lang ako magpipilit na sumali sa
kahit na anong palaro sa school.”

Okay… Bakit parang nafi-feel kong hindi lang yun ang problema. “May iba pa ba
Silly? May iba pa bang dahilan kung bakit ka ganyan?” Hindi siya umimik. Naalala ko
tuloy na kinausap pala siya kanina ni Aicelle, baka may sinabi yung babaeng yun sa
kanya. “Si Aicelle… kinausap ka niya kanina diba. Inaway ka ba niya? May sinabi ba
siya sa’yo?”

“Ha…” Saka siya napatingin saakin. “Ano namang sasabihin ng bakulaw yun?”

“Wala.” Tapos ipinatong ko yung kamay ko sa balikat niya. “E’di anong gumugulo sa
baby ko?” Nagpacute ako sa kanya tapos pinindot ko nang madalian yung ilong niya.

“Ano ba! Baby ka dyan!” Tapos sumimangot siya saakin. Dati rati naman gustong gusto
niya kapag nilalambing ko siya. “May ‘Ney ka na nga diba! May pakiss-kiss pa kayong
nalalaman.”

Nagulat ako! Nakita ba niya yun? “Nakita mong nag-kiss kami?”

“Lahat siguro ng tao sa gym, nakita yun!” Tapos medyo lumayo siya saakin. “Yuck!”
Bakit siya nandidiri? “Marami daw germs na makukuha mula sa bibig ng ka-kiss mo.”

Napakunot ako. So yun kaya ang dahilan. “Kiss is a sign of love!” Tapos I gave her
a look. “Bakit Silly, nagseselos ka?”

“Ako magseselos? In your face!” Aba’t in denial pa siya.


“Okay lang namang magselos ka eh!” I smiled because now I know what is really
happening. “Nagseselos ka dahil may hinahalikan na akong iba.”

Tapos bigla niya akong pinalo-palo ng pillow niya. “Out of my room! Now!” Hinihila
niya ako palabas ng room, pero hindi naman niya ako maitulak. Haha! Weak! “I will
never kiss you!!! Ibibigay ko lang ang first kiss ko sa taong magmamahal talaga
saakin!”

Ayos ha. Akala ko masama pa loob niya, okay naman na pala siya eh. Pero sige, kung
asaran ang magpapagaan sa loob niya, aasarin ko pa siya. “First kiss? Silly,
serious ka? Your first kiss was already stolen! You don’t remember?”

“What?” Natigil siya. “Impakto ka! Kung anu-ano sinasabi mo! Lumayas ka na nga
dito!”

“You don’t believe me? I have proof.” And I end up teasing her instead of
comforting her. Well, mas mabuti talaga ito kesa sa iyakan. “Wait lang, hintayin mo
ako! Kukunin ko sa bahay.”

Tapos bumaba ako sa kwarto niya. Nagulat pa si Tito Al dahil nanggaling ako sa
second floor nila. “Uy Ash! Bakit dyan ka sumulpot! Saan ka dumaan?”

“Sa hagdanan niyo Tito! Ah! Palitan mo na nga din yun ha! At tsaka Tito, I’ll make
your daughter okay!” tapos tumakbo na ako papunta sa bahay namin. Dumirecho ako sa
kwarto, at kinuha ko yung box na galing sa cabinet ko. Hindi ko nilalabas yun,
ngayon lang.

Tapos bumalik ulit ako sa bahay nila Silly, pero si Tito in-shock pa rin. “Trust
me on this Tito!” Umakyat na ako sa second floor nila at pumasok sa kwarto ni
Silly.

“You’re such a joke! Tingin mo maniniwala ako sa’yo!”

“Umupo ka nga.” Umupo naman si Silly sa kama niya at tumabi ulit ako sa kanya.
Nakatingin siya saakin at sa box na bitbit ko. “Tita Cecil, your mom, gave this to
me.” Tapos inilabas ko na ang pinakatatago kong picture at ipinakita kay Silly. “I
don’t know paano niya nakuha yang scene na yan."

Nakanganga lang siya. Ang cute! “Remember when you were five and I was eight.
Sumali tayo sa isang wedding play. Kasal nun ng kapit-bahay natin na nakatira dati
dyan sa harap ng bahay natin.”

Okay! Wala pa rin siyang reaction kaya pinagpatuloy ko. “Bilang gift presentation,
nagkunyari kang bride tapos yang nasa right mo na nakasuot ng tuxedo na mas malaki
sa kanya, pamangkin nung ikinasal. Hindi ko na maalala yung name niya eh, pero siya
yung groom mo nun!”

Tapos tumingin siya sa picture ng batang lalaki, for sure hindi niya rin naaalala
yung batang lalaking yun. “Eh yung batang lalaki sa picture na nasa left mo, kilala
mo?”

Now she looked at me and her eyes were wide open. “Yes Silly, that boy on your
left…” I smiled at her. “That boy, who stole your first kiss, was me.”

“Ash…? Bakit?”

“I don’t know! Mga bata pa tayo niyan eh. Ang naaalala ko lang, gusto kong maging
groom mo nun, pero mas pinili mo yung batang yan!” Tapos pinitik ko yung part ng
batang lalaki sa picture. “Sa sobrang asar ko, noong sinabi na ng kunyaring pari na
kiss the bride, hinila kita tapos ako na yung nag-kiss sa’yo. Take note, sa lips mo
ha!”

Napatakip ng bibig si Silly. “Pagkatapos, pinalo mo ako at umiyak ka kasi ang gusto
mo yung isang bata.”

“I liked that kid?”

Tumango ako sa kanya. “Yes. At siguro nga nagselos ako nun kaya ko ginawa yun.”

Then I patted her head. “So naiintindihan ko kung bakit ka nagseselos ngayon kay
Gwynne. Siguro nga hindi na maaalis saating dalawa yun. Pero basta! Kung iisipin,
kapag ginawa mo ulit saakin yun, baka nga magselos ulit ako.” Tapos nag-smile na
siya, and I smiled back.

I kissed her, not on the lips, but on her hand and I said, “So Silly, one and only
lang talaga kita, okay?”

End of Chapter 10 Part 4

Chapter 11
11.1: Attempted Love
(Hadwin Alvarez POV)

Napakawalang kwenta kong lalaki! Hindi ko man lang nasamahan sa kalungkutan ang
babaeng sinasabi kong mahal ko. Kaya siguro ilang buwan na ang nakakalipas pero
hanggang ngayon, hindi pa rin ako sinasagot ni Ces. Ano bang kulang saakin? Lahat
naman ng gusto niya pinipilit kong gawin.

Matalino, mabait, maunawain, palabiro at syempre gwapo. Ako naman lahat yun ha,
pwera lang yung matalino. Tapos napabuntong-hininga ako. “Papasok kaya si Ces
ngayon?”

“Papasok daw siya, kuya.” Katext ni Gwynne ang boyfriend niya. Hay naku, buti pa si
Ash, patorpe-torpe lang pero yan, nakuha na agad ang kapatid ko! Samantalang ako,
mukhang wala pa ring nangyayari sa lahat ng hirap ko. “Wag ka nang malungkot okay?
Sabi ni ‘Ney, okay na daw si Cecily.”

Pagdating namin sa school, hinintay namin sina Asher sa parking area. Tapos maya-
maya lang dumating na sila. “Good morning!” Ang bati saamin ni Ces. Mabuti naman
at okay na nga siya. “Gwynne! May dala akong baon para satin mamaya!” Tapos nag-
ngitian sila at nagyakapan, buti pa sila! “Good morning Had!”

“Ces, kamusta na mga sugat mo?” tanong ko.

“Okay naman. Malayo sa bituka! Hindi pa sira ang beauty ko.” At nagsimula na kaming
maglakad. Sina Asher at Gwynne nasa likuran lang namin, may sarili silang mundo.
Tapos si Silly, nakayuko lang habnag naglalakad. Okay na nga ba talaga siya?

“Ces…” Tinanong niya ako kung bakit, pero tinext ko na lang sa kanya yung sasabihin
ko. Nareceive naman niya agad at sinabi kong, “Wag kang ma-ingay ha. Hintayin kita
mamaya.”

Naghiwalay lang kaming apat nang mahatid nanamin sila Gwynne at Ces sa room nila.
Tapos umalis na kami agad nina Asher papunta sa room namin. Nag-start yung class
pero kabado ako, papayag kaya si Cecily mamaya?

Parang ang bagal ng oras, pero nung mag-uwian na sinabi ko kay Asher na samahan
niya si Gwynne pauwi dahil wala kasi yung sasakyan namin. “Paano si Silly?”

“Okay lang ba Ash, kung ako na maghatid sa kanya pauwi?” tinitigan ko lang siya,
pero dumating sina Ces at siya na ang may sabing, “Oo nga Ash, ihatid mo na si
Gwynne. May kailangan pa kasi akong puntahan eh. Kung papayag lang si Hadwin
samahan ako.”

“Ha? Oo! Oo naman! Ako na din maghahatid sa’yo pauwi.” Ngumiti ako sa kanya. Naks!
Good sign!
Tinignan naman ni Gwynne si Asher. Halatang hindi pa sana papayag si Ash, pero wala
naman siyang nagawa. Nung umalis sila, natahimik kami bigla ni Ces. “Sa field
tayo?”

“Tara.” Tapos naglakad kami papuntang field at naupo kami sa damuhan. Medyo palubog
na ang araw, pero maliwanag pa rin. “Anong gusto mong sabihin?”

“Okay ka na ba? Yung totoo Ces.”

Nakangiti siya kanina pero nabura ang ngiti niya. “Yung totoo? I lost the try-out
tapos may premyo pa akong mga sugat. My heart ached and I can’t tell you why. Pero
okay Had… Okay ako.”

“You’re okay but you’re not happy.” Medyo teary-eyed siya. “Your heart ached, but I
want to know why.” Tinitigan ko siya. “Why Cecily? Do you already like someone?”

Yumuko lang siya. “Kaya ba hindi mo ako kayang sagutin hanggang ngayon dahil may
mahal ka nang iba?” Tapos naiiyak ako. Nakakahiya pa naman sa lalaki ang umiiyak,
pero hindi ko mapigilan eh. “Kilala ko ba Ces?” Ang totoo, tingin ko alam ko na
kung sino.

“Wag mo nang itanong, please.” Nang mapatingin siya saakin, iniwas ko yung mukha
ko para hindi niya makitang may luha na ang mga mata ko. “Are you crying?”

“No… Dahil ba gusto kita pero halatang may mahal kang iba, kailangan ko nang
umiiyak?” Medyo suminghot ako at pinunasan ko ang mga mata ko. “Pawis lang ‘to.”

“Sorry Had…” tapos naiyak na din siya. Tinakpan niya yung mga mata niya ng panyo
niya.

“Pero mahal kita eh. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng babaeng pinaiyak ko at
naghahabol saakin, napunta ako sa’yo.” Hinarap ko siya, and this time wala na akong
paki kung makita nyang umiiyak ako. “Bakit hindi mo subukan? Kahit isang buwan.
Kahit isang lingo. O kahit isang araw lang oh! Subukan mo lang Ces, hindi kita
sasaktan.”

Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak niya si Cecily. Mahal niya ba talaga yun. “Kapag
sinabi mo saakin kung sino yung gusto mo, pakakawalan kita.”

“Ayoko…”

“Pwes! Kapag hindi mo sinabi, girlfriend kita sa ayaw mo man o sa hindi. At


hangga’t hindi mo sinasabi saakin, hindi pakakawalan.”

“Hindi mo pwedeng gawin yun Had.”


“Anong gusto mong gawin ko?” Nagtuluy-tuloy ang luha ko, at parang nawawala na ang
boses ko. “Akala mo ba hindi ko alam kung kailan ka nalulungkot. Alam ko Ces! At
mas lalo lang nadadagdagan ang sakit ko, dahil alam kong nasasaktan ka.”

Tumayo ako at nagpunas ng mukha at mata ko. “Subukan mong maging tayo, malay mo,
makalimutan mo siya kapag ako na kasama mo.” Then I lend my hand to her, but she’s
still crying. Hindi ko na hinintay na ibigay niya pa saakin ang kamay niya, kaya
hinila ko siya patayo at niyakap siya.

“Please stop crying Ces.” Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. “Lalo mo lang
ipinamumukha saakin na hindi mo ako kayang mahalin eh. Na ayaw mong subukan.”

“Had…” Humihikbi siyang nag-salita. “Bakit ba ang bait mo saakin? Sorry hindi kita
mahal. Sorry hindi ko kayang sabihin kung sino talaga ang mahal ko.”

Lalo lang sumikip ang dibdib ko, kaya hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya. Ang
sakit eh, rebound na lang ang hinihingi ko, ang hirap-hirap pa.

“Pero sige Had… I’ll be your girlfriend.”

Tapos tumigil ang ikot ng mundo ko. Parang kaming dalawa na lang ang tao. Please
God, sana naman hindi mali ang narinig ko.

“Help me forget him.” Tapos tumingin siya saakin. “But if you don’t and if you
can’t, then you should let me go. At sasabihin ko kung sino siya.”

“What if I can make you happy?”

“If you can make me happy more than he does, I’ll forget him. And I’ll stay with
you.”

Naiyak ako ulit sa mga narinig ko. Niyakap ko siya, and I felt na niyakap niya rin
ako. So it’s official. After noong one week na palugit ko noon, at ilang buwan na
paghihintay ko sa kanya, she’s finally my girlfriend.

We were holding hands as we went out from the school. Ngayon kung napapansin niyong
panay na ang English ko ngayon, it’s because I want to be smart for her. Nagtino
ako dahil sa kanya, at magtitino din ako sa pag-aaral dahil alam kong yun din ang
gusto niya.

Noong hinatid ko na siya sa bahay nila, sakto lang din ang pagdating ni Asher
galing sa paghatid niya sa kapatid ko. Maaga ding umuwi si Tita Percy. Lahat sila
kumpleto, at lahat sila nagulat nang makita nilang magkahawak kami ng kamay ni Ces.
“Tito Al, Tita Percy, Asher… kami na po ni Cecily.” Ces looked at me and she
smiled. “Sinagot na po niya ako kanina.” Tapos lalo kong hingpitan ang hawak ko sa
kamay niya.

End Of Chapter 11 Part 1

11.2: Until You Love Me


(Gwynne Alvarez POV)

“Kuya are you ready?” I’m waiting outside my brother’s door. Then he came out
looking incredibly handsome. “Wow! Grabe ang gwapo mo!”

“Thanks! First date namin ‘to eh. Wish me luck ha!” Four days na rin ang
nakakalipas nang maging girlfriend na ni kuya si Cecily. And today, is their first
date. He went outside at sumakay na siya sa sasakyan. Magkikita daw sila ni Cecily
sa park. “Bye!”

“Bye! And good luck!” Knowing my brother, I’m pretty sure he already planned a
surprise for Cecily. Whatever it is, I hope he succeeds.

Then my phone rang and when I answered, it was ‘Ney. “Oh ‘Ney! Napatawag ka?”

“Um… ‘Ney… kuya mo?”

“Si kuya? Kaaalis lang niya. May date sila ni Cecily remember.”

“Ah umalis na siya. ‘Ney, alam mo ba kung saan sila pupunta?”

I know why Asher is asking me these questions. At hindi ko siya masisisi kung medyo
kinakabahan siya na makikipagdate si Cecily. After all, he treated her almost his
own sister. “I can’t tell you Ash. Sabi ni kuya magtatanong ka daw, kaya pinagbilin
niya saakin na wag kong sabihin sayo.” I’m sorry honey, but my brother begged me
about this already.

“Ganun? Ang duga mo ‘Ney.”

I just laughed imagining his face right now. Siguro naka-pout siya ngayon, at
sobrang nag-aalala kay Cecily. “’Ney, I’ll make it up to you, okay? But now,
kailangan ni kuya ang suporta ng kapatid niya. And besides, walang mangyayaring
masama kay Cecily. Trust kuya Hadwin, he respects and loves her more than we know.”
I smiled talking to him over the phone, but I’m not really sure na kampante na nga
siya.
(Asher Carillo POV)

“Bakit suot mo yan!” Bumaba si Silly mula sa second floor na suot ulit yung damit
na dapat niya sanang gagamitin noong birthday ni Gwynne. “Alam mo namang si Hadwin
ang kasama mo, tapos ganyan ka-revealing ang suot mo?”

“Yan na naman si Ash, daig pa ang tatay ni Silly.” Asar naman ni mama. “Wag kang
maniwala dyan kay Basher pumpkin, ang ganda mo sa suot mo.”

Nginitian ni Silly si mama at inirapan ako. Sinimangutan ko lang siya pero hindi
ibig sabihin nito magpapatalo ako. Kanina nung tinawagan ko si Gwynne, ayaw niya
rin saakin sabihin kung saan magde-date sina Hadwin. “Okay, sige! Eh di ako na lang
maghahatid sa’yo sa meeting place niyo.”

“Wag na!!! Naka-dress ako oh, tapos paaangkasin mo ako sa motor mo! Di na uy! Si
papa ang maghahatid saakin!” Tapos lumabas si Tito Al na dala na ang susi ng
sasakyan. “Tara na pa, baka nandun na si Had.” Ngumiti siya at dinaanan lang ako.

Nakakainis! Feeling niya bagay sa kanya yung damit niya. Feeling niya ang ganda
niya ngayon. Feeling niya exciting kasama si kumag. “Have fun ha! Wag kang lalapit
saakin kapag bumalik kang umiiyak!”

“Hay naku Ash, selos ka lang eh.” Pinalo ni Tito Al ang likod ko at nagtawanan
silang tatlo. Grrr… Tapos tuluyan nang sumakay si Tito Al at Silly sa sasakyan at
umalis. Kaway naman ng kaway si mama sa kanila, super excited, akala mo naman siya
yung may ka-date.

“Nakakaasar!” Tapos padabog akong bumalik sa bahay naming pero may isinigaw pa si
mama.

“Ano bang kinaaasar mo dyan Ash?” Lumingon ako sa kanya. “Ano bang ginawa ng motor
mo ha?”

Nginitian ako ni mama at napangiti din ako. Ay potek! Ako na ang bogok! Ano nga
naman bang ginawa ng motor ko? Nagmadali akong sumakay sa motor ko dahil alam kong
hindi agad makakalayo ang mga yun. Mahahabol ko pa sila. Hwahaha!

(Cecily Gonzaga POV)

Pagdating namin sa central park, nakita ko nang nakatayo at nag-aabang si Hadwin


sa may bronze statue malapit lang sa fountain. Tinuro ko kay papa kung saan ako
ibaba at nang tumigil kami sa harap ni Hadwin. “Good afternoon po Tito. Hello Ces!”
Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas naman ako. Medyo parang nag-sparkle pa ang
mata niya nang bumaba ako.

“Oh Hadwin, alas-syete dapat nakatungtong na ng bahay si Silly. Kapag lumagpas kayo
dun, hindi ka na makakaulit.”
Natawa si Hadwin, “Opo Tito!” tapos nag-salute siya kay papa at nginitian naman
siya nito. Hinalikan naman ako ni papa sa pisngi bago siya umalis. Nang tuluyan na
siyang nawala sa paningin namin, biglang huminga nang malalim si Hadwin. “You look
very pretty.”

I smiled at him. “I’m always pretty.”

“Alam ko… Masaya lang ako dahil alam kong nagpaganda ka pa lalo para saakin.”
Alright, medyo cheesy, pero he’s right. Boyfriend ko na siya at date namin ito, so
natural lang na magpaganda talaga ako. “So, want do you want to do first?”

“Ikaw ang may alam sa date eh, ikaw magpakita saakin kung ano talaga ang date.”

Ngumiti siya, and for the first time, I find him unbelievably attractive. “Sabi mo
eh.” He lend his hand, “First holding hands muna, so you won’t get lost or para
hindi mo ako takbuhan.”

Okay, medyo bumilis ang tibok ng puso ko, but because he’s really funny. Iniabot
ko sa kanya ang kamay ko, and he grabbed it and held it tight. Yes, this is
actually fun. Masaya ako dahil ngayon ko masusubukang maging masaya kahit hindi si
Ash ang kasama ko.

Nag-lunch muna kami, and since first date namin, sagot lahat ni Hadwin. Pero alam
ko namang matagal na talaga siyang galante, pero I told him na sa sususnod dapat
share na kami ng gastos. Pumayag naman siya.

Pagkatapos, nanood kami ng sine. Horror movie from Korea, and it was okay. Okay
kasi hindi talaga ako natatakot sa mga ganitong palabas. Ewan ko ba, pero favorite
ko pa ring manood ng mga nakakatakot na palabas. At bukod doon, natatawa kasi ako
sa reaction ni Hadwin. Kalalaking tao, hindi sumisigaw eh, tumitili. Haha…

After the movie, nagpunta kami sa store, and he bought a couple t-shirt. Pink
saakin at may print sa likod na "I don't know who he is" pointing an arrow to the
blue shirt. Yun naman yung sa kanya, at sa likod may naka-print na "I'm her
boyfriend." Parang ang sadista ko tuloy tignan, but he likes it, at gusto niyang
suotin naming ito sa school on Monday. Anong trip ba ito, pero sige. Mukha namang
masaya.

Tapos naglakad-lakad na ulit kami, nilibot naming yung buong paligid. Binilhan niya
ako ng ice cream, at nagpicture kami together sa phone niya. Ipopost daw niya sa
facebook. Ilang oras na din kaming magkasama nang kaming dalawa lang, at hindi kami
nauubusan ng kwento. Natutuwa ako dahil napapasaya niya talaga ako.

“Ces, can you close your eyes?”

“Ha?” Ano kaya yun. “Okay, basta wag mo muna akong i-kiss sa first date natin ha.”
Yuck! Nakakahiya sinabi ko yun, pero mabuti nang handa.
Natawa siya bigla. “Alam mo kakaiba ka talaga. But trust me, I won’t kiss you until
you let me. Oh, close your eyes na.”

I closed my eyes then suddenly he held my hand and inserted something on my ring
finger. “Singsing?” I knew it was a ring.

“I know masyadong mabilis, and I’ve never given a ring before. It’s a sign of my
love and respect. And I want you to wear it, until you learn how to sincerely love
me.”

End of Chapter 11 Part 2

11.3: What Now?


(Cecily Gonzaga POV)

Inihatid na ako ni Hadwin at nakauwi ako ng bahay nang wala pang seven. Nagpapagood
shot kay papa. Tapos hindi na rin siya nagtagal, at umuwi na agad. “Silly, how was
it?”

“At talagang sabay pa kayo ha.” Natawa ako nang sabay magtanong sina papa at mama.
“It’s a date! Anong bang ginagawa sa date?”

“Did you have fun?” Medyo weird na ha. Sabay ulit sila.

“Oo naman!” Pero medyo nahihiya akong pag-usapan ‘to. “Akyat na ako sa taas ha!” At
aakyat na sana ako. Pero may napansin akong kulang. “Si Ash nga pala?”

Wow! Sabay sila, sabay silang hindi sumagot. Pero tamang-tama dahil narinig kong
may dumating na motor. Teka si Ash ba yun? Tapos pumasok na siya, at kararating nga
lang niya. “Saan ka nagpunta?”

“Ha… pakelam mo…” Ang bwiset na sagot yan! Oo nga, pakelam ko ba talaga. “Na kina
Gwynne ako.” Tapos may ibinigay siyang pasalubong kina mama at papa.

“Talaga Ash?” Tinanong siya ng mama niya. At sinimangutan lang niya ang mama niya.

Umiling na lang ako at pumasok na lang sa kwarto ko. Pakelam ko naman talaga kung
saan siya pumunta. Na nagdate din sila ni Gwynne. Tapos naupo ako sa kama ko, pero
hindi ko napigilan ang sariling kong suntuk-suntokin yung stuff toy na pusa na
ibinigay saakin ni Ash.

Nakipag-date nga ako para kalimutan siya. Pero uuwi pa rin pala akong nagseselos.
Tapos napansin ko yung suot kong singsing naibinigay saakin ni Hadwin kanina.
“Until I love him… until I love him…” Tapos napahiga ako sa kama ko. “And until I
forget about him.”
(Asher Carillo)

Nabwiset lang ako nung sinundan ko sila Hadwin at Silly. Nagholding hands sa first
date? Bumili ng couple tee? At nagbigay ng singsing si kumag!

Pero ang mas nakakabwiset, mukhang sobrang saya ni Silly! Mahal niya na ba yun?
Nakakasira ng araw!

(Cecily Gonzaga POV)

Nagpasukan na ulit pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Ash. Nagagalit ba siya
dahil hindi ko sinabi sa kanya kung saan kami nag-date ni Had nung Sabado? Bakit
naman din kasi siya magagalit, eh siya nga nakipag-date din kay Gwynne.

Pagdating namin sa school, tamang-tama din na kararating lang nina Gwynne at


Hadwin. Nagmorning kiss agad yung lovey dovey samantalang nagbatian lang kami ni
Had.

“Morning Ces!” He offered na siya na ang magbibitbit ng gamit ko kaya ibinigay ko


na lang.

“Ang sweet naman ng dalawa.” Bati naman ni Gwynne. Nginitian niya ako. “Good
morning Cecily.”

“Sweet ka dyan! Akala mo sila hindi!” Tapos tinignan ko si Asher pero hindi pa rin
niya ako pinapansin. Magkaholding-hands silang dalawa kung maglakad, kaya nilipat
ko na lang ang atensyon ko.

Nag-start na ang class, at tuwing wala pa ang teacher, nag-uusap lang kami ni
Gwynne tungkol sa naging date namin ng kuya niya. Hindi daw kasi siya kinuwentuhan
ni Hadwin. Tapos nakita niya rin yung suot kong singsing, “Bigay din ito ng kuya
mo.”

“Ang ganda!!!” Nakatingin siya sa singsing habang hawak ang kamay ko. “Si kuya
talaga, nung naging kayo lang, madalas nang mag-secret. But I really like your
ring!”

Nung sinabi niya yun, napansin ko yung suot niyang kwintas. Yung kwintas na bigay
ni Asher sa kanya nung birthday niya, noong naging sila. Nakatago lang madalas sa
loob ng damit niya yung kwintas kaya hindi napapansin yung magandang pendant.
“Maganda din naman yang kwintas na binigay ni Ash eh.”

Tapos napahawak siya sa pendant ng kwintas niya. Ngumiti siya saakin at tumango
siya sa sinabi ko. “Oo nga.”
I never admitted na sobrang nagandahan ako sa kwintas na yun. Nung pinakita kasi
ni Ash yun, akala ko saakin niya ibibigay kasi alam niya kung anong taste ko sa mga
bagay, pero nalungkot ako na hindi pala para saakin yung necklace. Anyway, wala na
ako sa position para alalahanin pa yung mga sakit na yun. May singsing na ako,
bigay ni Hadwin na patuloy pa ring umaasa saakin kahit na mag-on na kami.

Lumipas ang mga araw na medyo napapadalas na ang pagsasama namin ni Hadwin.
Madalas na nahihiwalay na kami kina Asher at Gwynne. Lalo pa ngayon na maluwag ang
class schedule namin dahil sa preparations for sports fest.

Nasa gym ako ngayon at pinapanood si Hadwin na naglalaro ng basketball. Varsity


kasi siya, at ace player ng team nila. Ewan ko kung nasaan sina Ash at Gwynne
ngayon, baka nasa library na naman.

Tapos biglang nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, nakalimutan ko palang naka-
open yung bluetooth ng phone ko at meron nang one item received. Pag-open ko,
nakita ko ang sarili ko sa isang video. Yung video na kuha ng ex-bakulaw ni Ash.
Lumingon-lingon ako at nakita ko siyang nakatayo sa pinto ng CR.

Sinenyasan niya akong pumunta doon kaya pumunta na lang ako. Busy sa paglalaro si
Hadwin hindi naman niya napansin na umalis qko sa kinauupuan ko. Pagdating ko sa
loob.

“Takot ka noh.” Tapos sinarado niya yung pinto ng CR at naiwan kami sa loob. “Pero
kung talagang natatakot ka, bakit hindi pa rin napupunta saakin si Asher?”

Hindi ako sumagot, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. “At galing mo ha!
Girlfriend ka na pala ni Hadwin… para ano? Para pagtakpan yung feelings mo kay
Asher?” Tumingin ako sa kanya ng masama, at hawak niya yung phone niya.

This time, nagpakatapang ako at hinablot yung phone niya. “You left me no choice
Aicelle.” Hawak ko nang mahigpit yung phone niya, at alam kong kinakabahan na siya.

“Don’t you dare b*tch!”

Then I grinned at her at ibinuhos ko ang lahat ng lakas at galit ko sa pagtapon sa


cellhone niya sa sahig. “Noooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Nagkasira-sira ito at
napasigaw siya.

“Ngayon wala ka nang pwedeng gamiting ebidensya dyan sa sinasabi mo!”

Tapos biglang nagtransform ulit yung mukha ni Aicelle, yung mukha niya noong
sinugod niya ako dati sa playground. This time, mas pangit at mas nakakatakot!
“Damn you!!! You’ll pay for that you stupid b*tch!!!”

Hindi na ako nakapagreact dahil hinila niya agad ang buhok ko at nabagsak na ako sa
sahig. Sinabunutan niya ako habang nagsisisigaw at pinapalo ko siya pero parang
hindi siya nasasaktan. “Bitawan mo ako!!!”

Sobrang nagwawala na si Aicelle, at dahil sa pagsigaw niya at pagsigaw ko rin, may


pumasok na sa loob ng CR, at napasigaw yung estudyante nang makita kami. “May nag-
aaway!!!”

Parang hindi narinig ni Aicelle kaya tuloy pa rin siya. Nakapatong siya saakin,
hila ang buhok ko, inuuntog ang ulo ko sa sahig, at paulit-ulit na pinapalo at
kinakalmot ang mukha at katawan ko. Naiiyak na ako sa sobrang sakit, at mas naiiyak
ako dahil parang wala lang yung ganti ko sa kanya. Ganun ba ako kahina? “You’ll pay
for that!”

“Tulong… please…” Pinipigilang na ng ibang estudyante si Aicelle pero hindi nila


kayang ang babaeng ito. Mahigpit ang hawak niya saakin. Natigil lang si Aicelle
nang may tumulak sa kanya. “Ces!”

“Had?” Tumutulo na ang luha ko at napapikit na lang ako sa sobrang sakit ng katawan
ko.

Narinig kong may pumasok nang teacher at pumagitna. “That girl! That girl broke my
phone!” babalikan pa sana niya ako pero hinawakan na siya nang mahigpit nang ilang
guard na pinapunta rin ng teacher.

Tapos tuluyan akong nawalan ng malay, at hindi ko na alam ang mga sumunod na
nangyari.

End of Chapter 11 Part 3

Chapter 12
12.1: The Truth Hurts
(Asher Carillo POV)

Napatakbo kami ni Gwynne mula sa library nang malaman namin ang napakasamang
balita. Dumating kami sa infirmary at naabutan si Hadwin na pawis pa galing sa laro
niya sa basketball. Pero nakatayo siya at hindi mapakali at nung makita niya kami,
napahawak siya sa noo niya at naiiyak. “Ash… si… si Cecily.” Napaupo siya at
nanlulumo.

Tumakbo ako sa loob at lumapit sa isang kama. Nakita ko si Silly na nakahiga,


magulo ang buhok niya, ang dami niyang kalmot sa mukha at pasa sa katawan. May
bahid ng dugo ang uniform niya, at wala siyang malay. “Miss, ano pong… ano pong…”
Tinatanong ko yung head nurse na tumingin at gumamot sa kanya pero hindi ko matuloy
ang gusto kong sabihin dahil naiiyak na ako.
“Marami siyang pasa pero hindi naman malalalim ang mga sugat niya. Maya-maya rin
magigising na siya. But you should call her parents para masundo na siya.”

“Nasa trabaho pa po sila pareho. Ako na lang po ang maghahatid sa kanya.”

Tapos nilapitan ni Gwynne si Silly, at humahagulgol na din siya sa pag-iyak. Awang-


awa siya kay Silly , “Nasaan na ang babaeng yun?”

I clenched my fist, si Aicelle. Kailangan ko siyang makita ngayon. Pero tamang-tama


may pumuntang guard at pinatawag kami sa guidance office. Sumama si Gwynne saakin
at nagpaiwan naman si Hadwin para bantayan si Silly.

Pagdating naming, nanginginig akong lumapit sa guidance counsilor lalo na nang


makita kong nandoon din si Aicelle. Masama ang tingin niya saamin, pero mas handa
akong pumatay ngayon. “Sinira daw ni Ms. Gonzaga yung cellphone niya nang walang
dahilan.” Ipinakita saamin yung wasak na phone ni Aicelle. “She should pay for
this.” Tapos biglang nag-smirk si Aicelle.

“But that doesn’t mean na papayagan naming ang pananakit mo sa kapwa mo estudyante.
For that, the board will going to discuss whether to suspend you or tuluyan kang i-
expel dito.”

“What? Why not expel her now?” I objected. “She… she almost killed Cecily!”

“Huminahon ka Mr. Carillo. I know that your family is close to Ms. Gonzaga’s
family, and I know you’re just worried. It’s a major offense, and I can’t decide on
it alone. Tomorrow, ipapatawag ang parents niyo, and until then, you’ll have to
wait for the result.”

Natapos kaming kausapin sa loob at paglabas naming, hinila ko yung sleeve ni


Aicelle pabalik sa highschool building sa floor na walang tao. Hindi ko
palalampasin ang ginawa niyang muling pananakit kay Silly, and this time, she’ll
pay triple the price.

“What? Dinala niyo ako dito sa walang tao para gantihan?”

“You!” Hindi nakapagpigil si Gwynne at nasampal si Aicelle. Gagantihan niya sana


ito pero pinigilan ko siya. “How dare you hurt her!”
“How dare you hurt me!”

“Stop it!” tinignan ko si Gwynne para kumalma siya, pero hawak ko nang mahigpit ang
braso ni Aicelle.

“Let go of me Ash! Nasasaktan ako!” Tapos tinulak ko siya.

“Bakit ba Aicelle! Why did you have to do this again to her! Alam mong walang laban
sayo si Silly!”

Natawa siya, evil laugh. Pagkatapos tinignan niya ako nang masama. “It’s her fault!
It’s all her fault! Everything! Simula pa noong una, siya naman ang lagi mong
inaalala eh! Silly? Stupid Silly!”

Tapos tinignan niya naman ng masama si Gwynne. “Ikaw? Girlfriend ka niya ngayon
diba? Don’t you feel na parang mas mahal ni Ash yang Cecily na yan! Hindi naman
sila magkaanu-ano, why the hell na sobrang close sila!”

“Shut up!” Gwynne just yelled at her. “So this is still all about that! Na hindi ka
makamove-on sa break-up niyo ni Ash kaya ginagantihan mo si Cecily! And now,
relationship naman naming ang gusto mong sirain!”

“Akala ko matalino ka, tanga ka pala. Tanga kayo pareho ni Ash!”

Masasaktan ko n asana si Aicelle pero may tumawag saamin mula sa likod. Si Hadwin,
akay-akay niya si Silly. “Don’t listen to her.”

Tumakbo palapit sa kanya si Gwynne. “Cecily, are you fine now? You shouldn’t be
standing. Kuya bakit dinala mo pa siya dito?”

“Kanina pa nagising si Ces. At nung makita namin kayo, gusto niya kayong sundan.”

Lumapit din ako at hinawakan ang mukha ni Silly. “Silly, were going home na.”
“Wait! You think I will let you get away with this?”

“Ano pa bang basura ang gustong sabihin! You see what you’ve done to her! Alam mo
kung hindi lang masama pumatay ng tao, matagal na kitang binaon sa lupa!”

Pinagtawanan lang ni Aicelle ang sinabi ko. It was a real death threat, pero hindi
siya natatakot. Tapos pumalakpak siya, “For sure, sobrang saya nanaman ng babaeng
yan dahil pinagtatanggol mo siya.”

“Ash tara na… umuwi na tayo.”

“Bakit Silly girl? Natatakot kang malaman nila?” Anong bang pinagsasabi ng babaeng
ito. “You’re happy naman talaga diba? Because once again, his attention is again
all for you.”

“Ano bang ibig mong sabihin ha! Wala kang sense kausap!”

“Shut up!” Tapos nilabas niya yung wasak-wasak niyang phone. “Kung hindi sinira ng
babaeng yan ang cellphone ko, maipapakita ko sa inyo ang only evidence sa totoong
nilalaman at iniisip ng pinagtatanggol niyo ngayon!”

“What is she talking about, Silly?” Tinanong ko si Silly, pero yumuko siya.

Tapos biglang nanlaki yung mata ni Aicelle. “Right!!! Bakit ba hindi ko naisip
yun!” Lumapit siya kay Hadwin na hawak ang bag ni Silly. Hinablot niya ito at
madali niyang nakuha yung phone ni Silly. Inaagaw ito pabalik ni Hadwin pero,
“Wait! I need to check on something.”

Tapos naiiyak na si Silly na parang nakalimutan siya sa cellphone niya at natatakot


siya. Then Aicelle laugh again. “I knew it! Hindi mo siya nabura, you’re really
stupid!”

“Stop the crap Aicelle!”

Then she played a video. Video ni Silly sa loob ng CR, umiiyak at nag-iisa. “Hah…
wag kang iiyak… wag kang iiyak Cecily. Masaya naman si Asher eh. Mas Masaya siya
kay Gwynne. Kahit mahal na mahal ko si Ash, I need to let him go.”

“Ano nga ulit yun?” Inulit muli ni Aicelle yung video, at mas nilakasan niya yung
volume. “Kahit mahal na mahal ko si Ash, I need to let him go.” Yun ang mga
salitang nagrerewind sa isip ko. Natahimik kaming tatlo nina Hadwin at Gwynne.

“Now do you know what I mean? That girl you’re only treating as your sister was
actually madly in loved with you! Nakakadiri diba!”

“Shut up!” Umiwas si Silly. Tumalikod siya at kahit paika-ika siya, pinilit niyang
tumakbo palayo. Napako naman kami sa kinatatayuan namin. I don’t know what to
think. I seriously don’t know what’s happening.

“You see Ash, paano ka nakasisigurong hindi gumawa ng paraan si Cecily na


paghiwalayin tayo noon? I love you! But that girl, she’s crazy over you! I’m pretty
sure na paghihiwalayin rin niya kayo ng bagong mong girlfriend.”

Tapos tumingin siya kay Gwynne. “You’re not her friend and you will never be! Kasi
inagaw mo sa kanya si Asher!” At pagkatapos, “And you Hadwin! Pinaglalaruan ka lang
niya! Ginagamit ka niya para pagtakpan ang totoo niyang nararamdaman!”

“Tama na!” Nagulat kami nang sinugod ni Gwynne si Aicelle, pero nagantihan siya ni
Aicelle. Itinulak siya at kinalmot din niya ang mukha ni Gwynne.

Hinawakan ko si Gwynne samantalang pinigilan naman ni Hadwin si Aicelle.

“Ah! Bitawan mo ko! Aray!” Hawak ni Hadwin ang dalawang kamay ni Aicelle sa likod
at parang iniipit niya.

“Ngayon sabihin mo saakin bakit hindi ko dapat baliin ang mga kamay mo?” Ang sama
ng tingin ni Hadwin at halatang lalo pa niyang hinihigpitan ang paghawak kay
Aicelle na parang babaliin na nga niya ang mga kamay nito. Napaluhod si Aicelle sa
sahig, na namimilipit at naiiyak na sa sakit. “Ahhhh….”

“Kuya!” Natakot si Gwynne sa ipinapakita ng kuya niya ngayon. At ganun din ang
nararamdaman ko. “Hadwin, tama na.”

Seryoso ang mukha ni Hadwin, at talagang nakakatakot. “If you ever hurt my sister
and my girlfriend again, pahihirapan kita nang sobra-sobra hanggang sa mamatay ka!”
tapos tinulak niya si Aicelle at nasubsob ito sa sahig.

Tinignan niya ang sugat sa mukha ni Gwynne. “I’m okay kuya.”

Napabuntong-hininga lang si Hadwin at tumingin siya saakin. “Ash, ikaw nang gumamot
sa kanya.”

“Had?”

Tapos tumakbo na siya palayo. Tumakbo siya para sundan si Silly. Iniwan naman namin
ni Gwynne si Aicelle na tumayo na pero namimilipit pa rin sa sakit. Pero tumawa
lang siya ulit, nang-aasar pa. Baliw na nga siya. Baliw na ang babaeng ito.

Hawak ko naman si Gwynne, pero sa totoo lang, gusto ko ring sundan si Silly. Kaso
hindi ko alam kung paano ko siya haharapin? Si Silly… paano na? Paano na bang
gagawin ko ngayon?

End of Chapter 12 Part 1

12.2: Letting You Go


(Hadwin Alvarez POV)

Pababa na ako at agad ko namang nakita si Ces. Hindi pa niya kayang tumakbo nang
mabilis dahil sa mga sugat niya sa katawan, kaya naabutan ko siya agad. “Ces!”

Parang hindi niya narinig na sinagaw ko ang pangalan niya. Patuloy lang siya at
hindi man lang lumingon. Pero kailangan naming mag-usap, kaya pinigilan ko siya sa
paghawak sa braso niya. “Ces, let’s talk.”

“Let go of me.” Saka siya tumingin saakin, at lumuluha siya. “Let me go now.”

Ayoko! Ayokong intindihin ang sinasabi niya, pero ayaw kong magkunyaring hindi ko
alam ang ibig niyang sabihin. “Alam mo na… alam mo na kung sino siya. And you
promised me that once you knew, you’d let me go.”

Patuloy lang siya sa pag-iyak niya. “I don’t care. I’m not breaking up with you.”
“Wag mong gawin mas masakit ‘to Hadwin! Please…” Napapikit siya at parang
naghahabol na siya ng hininga niya. “I love him, and you can’t replace him…”
Biglang hinimatay siya ulit, pero bago siya mahulog, nasalo ko siya.

Yakap ko lang siya nang mahigpit, umiiyak. Sana… sana makalimutan niya ang mga
pinagsasabi niya ngayon.

Ako na ang naghatid sa kanya pauwi. Pagdating ko sa bahay nila, nandoon na agad ang
papa ni Cecily at maiyak-iyak sa itsura ng anak niya. “Tinawagan ako kanina ni Ash.
Anong nangyari? Bakit nangyari nanaman ito?”

“Sorry Tito, hindi ko siya naipagtanggol kanina.”

“Si Asher? Nasaan siya? Bakit hindi siya ang naghatid kay Silly?”

“Kasama po niya si Gwynne. Pati po kasi yung kapatid ko sinaktan nung Aicelle. Pero
galos lang po yung kay Gwynne.”

Parang hindi ako narinig ng papa niya. Binuhat niya agad si Silly papuntang kwarto
niya. Sumunod ako sa kanya, at pagkahiga niya kay Ces sa kama niya, umungol pa ito.
Masakit daw, sobrang sakit daw.

“Sheesshhh, pumpkin. Magpahinga ka na ha. Nandito na si Papa.” Naiiyak ako sa


nakikita ko, at sobrang naaawa ako kay Tito Al dahil alam kong iba ang sakit sa mga
magulang kapag nasasaktan ang mga anak nila.

“Tito, let me stay here. Gusto ko siyang bantayan.” Tinignan lang ako ng papa ni
Cecily, pero ano pa man ang sabihin niya, hindi ko lang talaga maiiwan si Ces.
Hindi ko kaya.

(Asher Carillo POV)

Hindi pa rin kami umuuwi ni Gwynne. Tahimik lang siya habang ginagamot ko ang sugat
niya sa mukha. Alam ko kung anong iniisip niya ngayon, at alam kong alam niya rin
ang iniisip ko.
“So paano na? Mahal ka ni…”

“Gwynne, wag muna nating pag-usapan yan, pwede?”

“She loves you. And you didn’t even know that?” Malungkot ang mukha niya.

“And why do you seem so scared?” Tapos natahimik siya. “Don’t tell me you believe
what Aicelle said.”

“But she’s right, you chose Cecily over her!”

“Inaaway niya noon si Silly!”

“But she’s also your girlfriend! Hindi mo ba siya minahal?”

“I loved her! But of course mahal ko rin si Cecily! And Cecily is my sister!”

“Hindi mo siya kapatid Ash. You treat her like that, pero hindi kayo magkapatid!”

Hindi ko alam kung bakit kami nagtatalo ngayon? Ni hindi ko alam kung bakit ganito
ang usapan namin. “Anong ibig mong sabihin ngayon?” Tumayo ako.

“Aicelle was right, lagi mo siyang inuuna. And it scares me Ash. Dati hindi ko
pinapansin, pero ngayong alam ko na ang totoong feelings niya for you, natatakot
ako!”

“Are you jealous with Silly, ‘Ney?”

“Then can you answer me straight? Sinong mas mahal mo? Ako o si Silly?”

Nagagalit na ako! Nagagalit ako dahil ganito ang usapan naming. “You’re talking
non-sense Gwynne!”
“Sabihin mo saakin kung ano nang mangyayari ngayong alam mong mahal ka ni Cecily.
Ikaw na ang may sabi, ayaw mo siyang nasasaktan. Pero nasasaktan siya ngayon Ash!
Nasasaktan siya noon pa, lalo na nung maging tayo.” Tapos naluha siya. “And knowing
that, paano tayo? Would you break up with me for her?”

“Ano bang break-up ang sinasabi mo Gwynne! Ayokong makipag-break sayo!”

“Then pababayaan mo lang masaktan si Silly?” Nang itanong niya yun, napa-isip ako.
“Ganito na lang Ash, bakit sa tuwing magkasama tayo, palaging si Cecily ang bukam-
bibig mo?”

“Why the hell are you bringing this up Gwynne? Alam mo naman ang pinagsamahan namin
ni Silly, diba! Importante siya saakin, at ngayon importante ka na rin saakin. Wag
naman tayong mag-away dahil sa kanya.”

“Importante kami pareho, pero sino ang una sa puso mo Ash?” Napatayo na din si
Gwynne. “Now I’ll be honest with you Ash. Alam mo ba kung bakit talaga ako
natatakot? Dahil… dahil baka dumating yung araw na kailangan mo nang mamili, at
hindi ako ang piliin mo.”

Hinawakan niya ang kamay ko at yumakap siya pagkatapos. “Natatakot ako Ash. Kaya
please naman oh, sabihin mo naman saakin na kapag dumating ang araw nay un, you
would still stay by my side.”

I stared at her, “So gusto mo bang lumayo sa kanya just to show you I would choose
you?”

“No! I just want you to tell me that you love me more than you love her.”

Ang gulo na ng isip ko. And the only thing na sure ako, si Silly man ang nakasama
ko mula pa nang pagkabat ko, si Gwynne naman ang kasama ko ngayon.

Si Gwynne ang dream girl ko, ang girlfriend at mahal ko.

At para mamili sa pagitan nang dalawang taong mas mahalaga saakin, masakit sa part
ko ang magdesisyon nang ganito.
Pero naisip ko, I can’t lose Gwynne. Maiintindihan naman ni Silly, kailangan niya
akong intindihin.

“I love you Gwynne, okay? I love you.” Naiyak siya lalo, and she kissed me.
Napapikit ako, nasabi ko na naman diba, pero bakit nasasaktan ako sa ginawa ko.
Hindi ko maintindihan ang puso ko. Ang gulo.

End of Chapter 12 Part 2

12.3: Letting You Go 2


(Cecily Gonzaga POV)

Nagising ako at nakita ko si mama Percy sa tabi ko. Teka, tanghali na ba? “Si… si
papa?”

Babangon sana ako pero pinigilan niya ako. “Nagpunta si papa mo sa school niyo.
Ngayon na malalaman kung ie-expel na ba yung Aicelle na yun.”

Tapos hinawakan niya ang mukha ko. “Sorry Silly, wala ako doon nung nangyari yun.
Naipagtanggol sana kita.”

“Wag kang mag-sorry Ma, wala kang kasalanan.” Tapos biglang may pumasok sa kwarto,
inaasahan kong si Ash yun, pero nakita ko si Hadwin.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Silly, binabantayan ka ng boyfriend mo kahapon pa. Hindi na nga siya pumasok


ngayon para…”

“Nakipag-break na ako sayo Hadwin. Wag mo na akong pahirapan!” Alam kong ang sama
na ang trato ko sa kanya imbis na dapat ay pasalamatan ko siya. Pero kapag hindi ko
ginawa ito, lalo lang din siyang mahihirapan. “Umalis ka na Had. Please iwan mo na
ako.”

Umalis si mama Percy para bigyan kami ng privacy. Nang maiwan na kaming dalawa,
lumuhod si Hadwin at hinawakan ang kamay ko. “Matagal ko nang alam na si Asher ang
gusto mo Ces.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “At alam ko rin kung gaano ka nasasaktan dahil iba ang
mahal niya. Pero dahil mas mahal kita, kaya okay lang saakin na gawin mo akong
panakip-butas. Kung ako ang gagamitin mo para makalimutan siya, mas magiging masaya
ako.”

Naiiyak ako sa sinabi niya, dahil sobrang bait niya kahit na sinasaktan ko siya.
Hinawakan ko siya sa pisngi niya, “Had, I don’t deserve you kindness. At wag mong
sayangin ang pag-ibig mo saakin. Hindi kita kayang suklian.”

Huminga ako sandali, “You made a promise, remember? You said na once alam mo na
kung sino siya, you would let me go.”

Napapikit siya, pero may luha nang tumutulo sa pisngi niya. “Wag mo nang pabigatin
pa lalo ang nararamdaman ko. Nasasaktan kita, at hindi mo deserve yun dahil
napakabait mo.”

Then I took out the ring from my finger and I gave it back to him. “You made me
happy, thank you. But I want you to let me go, because it’s still him. I’m sorry.”

There’s no taking it back. Dapat kong pagdaanan ang sakit na ito nang nag-iisa.
Hahalikan pa niya sana ako, pero iniwas ko ang mukha ko. He end up kissing my
cheeks

Tumayo na sa pagkakaluhod si Hadwin at nagpunas ng luha. Naluluha pa rin siya pero


pinipigilan na niya. Then he smiled sadly without looking at me. “Bye Ces…”
Tumalikod na siya at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Pero bago siya umalis,
nagsalita pa siya, “As promised, I’ll let you go. Pakakawalan kita dahil sobrang
mahal kita.”

End of Chapter 12 Part 3

A/N: Sadyang maikli lang po ang chapter na 'to mga kaibigan. ^_^

Chapter 13
13.1: Alone
(Cecily Gonzaga POV)

Almost two weeks din akong hindi pumasok. Na-expel si Aicelle noong board meeting
kaya medyo nakahinga na ako nang malalim. Noong araw naman pwede na akong pumasok
ulit, I felt really alone. The last two weeks kasi, hindi na ako pinapansin ni
Asher. Nung hinatid na niya ako sa school, ni hindi kami nag-uusap on our way.
Pagpasok ko sa class namin, sinalubong ako ng mga classmates ko. Wala namang
nagbago, except na hindi kami nagpapansinan ni Gwynne. Magkatabi kami pero tahimik
lang. Hindi ko naman siya kayang kausapin dahil baka galit siya saakin. Sinaktan ko
ang kuya niya, at tinago ko sa kanya na mahal ko si Asher at nagseselos ako sa
kanya.

Nang mag-lunch na, wala akong kasabay. Naiiyak akong mag-isa habang kumakain, dahil
namimiss ko si Gwynne. Nung nakasalubong ko naman si Hadwin, nginitian niya ako
pero hindi ko naman siya kayang kausapin dahil sa kasalanan ko sa kanya.

Mag-isa na nga lang ako. Wala nang Asher, Gwynne at Hadwin na pwede kong lapitan.
Nang mag-uwian na, mag-isa akong umuwi. Alam ko na naman ang way pauwi, at alam
kong mas pipiliin ni Asher na ihatid si Gwynne.

Pag-uwi ko sa bahay, nagkulong ako agad sa kwarto. Ilang oras lang, narinig ko nang
dumating ang motor ni Asher. Hindi na niya ginagawa yung pangungulit niya saakin
simula nung nalaman niya yung feelings ko. Minsan iniisip ko kung aakyat kaya siya
ulit sa terrace ng kwarto para makita niya ako? Pero hindi, maghihintay lang ako sa
wala.

Lumagpas na ang valentines at umabot na ang isang buwan, but nothing happened. He’s
cold to me, at mukhang hindi na maibabalik yung dating kami.

Tapos sumilip ako sa labas ng bahay namin mula sa kwarto, si Gwynne kasi nandito
ngayon. Nasa gazebo sila ni Asher, nag-uusap na magkahawak ang kamay.

Bumalik ako sa kama ko at pinalo muli ang dibdib ko. Nahihirapan akong humingi sa
pagpigil ng luha ko. Pero alam kong mas mahihirapan ako kung iiyak lang ako ulit.
Kasi alam kong wala nang Asher na magpapatahan saakin.

Wala na yung Asher na aasarin ako, at patatawanin ako at the same time. Wala nang
Asher, pero bakit hindi pa rin siya mawala sa isip ko?

(Gwynne Alvarez POV)

“Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?”

“Mabuti na rin siguro yun.” I felt guilty. Ang selfish ko to keep Asher away with
Cecily. But I didn’t mean it. Actually, after nang pag-uusap namin ni Asher tungkol
kay Cecily, he told me that he would stay away from Cecily for the mean time. At
mukhang hindi na nga sila nagpapansinan simula noon.

“Hindi pa rin kasi kami nag-uusap sa loob ng classroom ever since pumasok na siya
ulit.” I don’t hate Cecily because she thinks na karibal niya ako pagdating kay
Ash. But what makes me sad is that she kept it a secret. That she loves Asher for a
long time already.

Then I held Asher’s hand, but I didn’t feel him. Parang ako lang yung nakawak sa
kanya, hindi tulad nung dati na mahigpit niya kung hawakan ang kamay ko. “Masaya ka
pa rin ba Ash?”

I just asked him the question na matagal ko nang gustong itanong. Simula din kasi
noon, naging malamig na si Ash. I never see his real smile again. And I know it’s
my fault why he’s feeling this way. “I’m sorry I made you choose.”

“Stop it Gwynne. Pag-uusapan nanaman ba natin ito?” Medyo madalas na kaming hindi
nagkakaintindihan, parang habang tumatagal, lumalabo lang yung relationship namin.
“Ano pa bang gusto mo, sinabi ko nang mahal kita diba?”

“Yes… but it feels like you don’t love me the way you loved me before.”

“Ano ba Gwynne! Ano pa bang dapat kong patunayan?”

“Wala kang dapat patunayan! Kasalanan ko Ash kung bakit ka ganyan ngayon! Hindi na
kayo katulad nung dati ni Cecily. At lalong hindi na din tayo katulad nung dati.
It doesn’t feel good kasi ako ang dahilan kung bakit hindi ka na masaya ngayon.”

“Gwynne, it’s not you, okay? Its me who chose to stay away from her.”

“And how do you feel?” Naiyak ako dahil nasasaktan ko si Cecily, at nasasaktan ko
din si Asher. “I know na naguguluhan ka na Ash. Sinasabi mong mahal mo ako, but
you’re not really sure anymore. Ash, I think it’s best for us to give each other
time to think this over again. Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

“Are you breaking up with me? Don’t do this to me Gwynne.”

“No Ash.” Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Don’t do this to
yourself and to her. You also need this, we both need this.” It’s hard because this
means I’m letting him go, and I’m not sure kung makukuha ko pa ba siya pabalik.

“I know you’ll realize it sooner or later, na masasabing mong tama ang nangyari
saatin ngayon araw na ito.” I smiled at him, and I gave him a kiss. That could be
our last kiss, I’m not sure. But one thing’s for sure, and that I need to let him
go now.

(Asher Carillo POV)

Tuluyan na akong iniwan ni Gwynne. At tuluyan na siyang nakipaghiwalay saakin.


Akala ko okay na kami. Akala ko ngayong iniiwasan ko si Silly, magiging okay kami.
Tapos biglang lumabas si Silly, nakatingin siya saakin. Mukhang nakita niyang nag-
away kami.

“What happened to her? Bakit siya umiiyak?” After a long time na hindi kami nag-
usap, lumapit siya saakin at tinanong ang tanong na yun. I ignored her, dahil
sobrang gulo ng utak ko, at lalo lang itong gugulo kapag nakasama ko siya. “Asher…”

“Pwedeng wag muna ngayon.” Lumapit siya saakin at hahawakan niya sana ang braso ko,
pero hindi ko alam kung bakit iniwasan ko yun. “Ano ba, lumayo ka muna saakin
Cecily!”

“Cecily?” Tapos bigla siyang natawa, and I know it was a fake one. “Hanggang ngayon
ba, galit ka saakin? Na hindi ko sinabi sayo… na hindi ko sinabing maha…”

Pinutol ko na agad yung sasabihin niya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako
makapaniwala na all this time, higit pa pala sa magkapatid at magkaibigan ang
turing niya saakin. “Break na kami ni Gwynne, okay? Masaya ka na, alam mo na?”
Tinalikuran ko siya, dahil hindi ko siya matignan sa mata.

“Masaya? You think I’m happy na break na kayo? Na gustong kong maghiwalay kayo?
Bakit Ash? Iniisip mo bang gustong kong paghiwalayin kayo ni Gwynne para makuha
kita!”

“Oo!!!” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun, pero nasabi ko naman sa kanya na
ayokong munang makipag-usap dahil magulo ang isip ko. Pero nasabi ko na, hindi ko
na alam kung paano babawiin. “At… at kung hindi dahil sayo, hindi kami nagkalabuan
at naghiwalay ngayon!”
Naiyak siya sa harap ko pero napagsalitaan ko parin siya nang masama. “Wag kang
iiyak sa harap ko ngayon Cecily!” Napahawak ako sa ulo ko. “Sana pinigilan mo! O
kaya sana tinago mo na lang! Hindi na kita matignan ngayon, ni hindi kita makausap
nang maayos ngayong alam ko na yung totoo mong nararamdaman!”

“I didn’t mean to hurt you, and I have no plans of telling you either! Pero lumabas
na eh! Anong gagawin ko! Alam niyo na! Alam mo na!” Humihikbi siya, hindi na siya
makapagsalita nang maayos. “Tinago ko Ash… dahil alam kong mangyayari ito! Alam
kong… mandidiri ka saakin… dahil mahal kita!”

Nasakatan ko na siya, at hindi ko alam kung paano pa puputulin ang usapang ito.
Ayoko nang magtagal pa dahil natatakot akong baka mas marami lang akong masasamang
masabi na pagsisisihan ko rin sa bandang huli.

Aalis na sana ako, pero hinawakan niya ang braso. “Ash… sorry… please naman oh!
Sabihin mong magiging okay tayo.”

Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya. At sa mga bibig ko lumabas ang mga
salitang hindi ko sinasadya. “Siguro nga nandidiri na ako sayo.” I left her,
feeling so mean and damn stupid.

End Of Chapter 13 Part 1

13.2: Save the Friendship


(Cecily Gonzaga POV)

He just made me hate him, and hate myself as well. Sana nga hindi ko na lang siya
kinausap, sana nga hindi ko na lang siya minamahal noon pa. I knew this would
really happen, na mandidiri siya saakin. Na hindi na namin maibabalik yung
relationship namin noon.

One week na lang at magbabakasyon na. Wala na kaming masyadong ginagawa dahil tapos
na yung fourth quarter exams. Wala ring kaming klase ngayon, kaya nakatambay lang
and section namin kung saan-saan.

Nagpunta ako sa CR para maghugas ng kamay. At nung magpupunas na ako nang kamay,
ubos na pala yung tissue sa lagayan. Wala naman akong dalang panyo kaya ipupunas ko
na lang ang basang kamay ko sa palda ko.

“Heto oh.” Nagulat ako nang may mag-abot saakin ng panyo. Si Gwynne, at iniaabot
niya saakin yung panyong ibinigay ko sa kanya. Yung panyong si Asher yung nagbigay.
“Are you giving it back to me?” Sabi ko. Ibinabalik na niya yung panyo na sign of
friendship namin. Pero hindi siya nagsalita, at sa halip, kinuha niya ang kamay ko
at pinunasan ito. Naisip ko, nangyari na saamin ito nung nasa mall kami.

“Can we talk?” Naupo kami sa study area, at walang tao sa paligid. Kabe-break lang
nila ni Asher kahapon, so siguro yun ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon.

“How are you?” Ako na ang unang bumasag ng silence. “I know you broke up with Ash
yesterday. I saw the two of you. I’m sorry.”

“It’s not your fault. It’s my decision.” Tinanong ko kung bakit. Okay naman ang
relasyon nila, kaya bakit? “I had to let him go because he’s not happy anymore.”

“Not happy? Gwynne sobrang mahal ka ni Ash! Why are you telling that! Why are you
doing that to him.”

“Hindi ako lumapit sayo para pag-usapan natin si Ash.” Natahimik ako, ano bang
gusto niyang sabihin. “Yung saamin ni Ash, let’s just leave it like that. I already
made up my mind about the two of us. We’re done.”

Tapos tumingin siya saakin. “I came to you because gusto kong magkaayos tayo.”

Kung ganun, gusto niya kaming magkaayos. “Even before nagustuhan ko si Asher, mas
nauna kong na-feel yung eagerness na maging magkaibigan tayo.”

I listened to her. “Sorry kung hindi kita agad nakausap nung nakabalik ka na. I
admit that I felt betrayed not because you love Asher, but because you kept it a
secret to me.” Teary-eyed siya habang nagpapaliwanag. “Natakot ako, sobra. Natakot
ako dahil pwedeng mas piliin ka ni Asher over me. And for that I’m sorry because
I’ve been a selfish girl.”

Napabuntong-hininga ako at naiiyak na din ako. “Pinapili ko si Ash between sayo at


saakin, but actually, I forced him to just choose me. It was so wrong, at yung
kamalian ko, unti-unti kong pinagsisihan dahil nagkalabuan kami. Pero mas masakit,
napalayo ka saaming dalawa.”

She used the handkerchief, then she used it again to also wipe the tears from my
face. “Sorry Cecily. Sorry I did that. And I feel so guilty, and I realize na kung
hindi ko siya pakakawalan, baka hindi ko maisalba yung friendship nating lahat. I’m
sorry Cecily… I’m so sorry…”

Niyakap ko siya, at niyakap niya rin ako. “Sorry! Ako rin dapat mag-sorry. Sorry
tinago ko yung totoo kong feelings ko. Sorry na nagselos ako sayo. Pero sorry dahil
hindi rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ka noon, kahit alam kong may
kasalanan na ako. Sorry.” And we just cried but it was relieving. “You’re still my
bestfriend, right?”

Then she smiled at me, “We will always be!” Tapos niyakap niya ulit ako nang
mahigpit. “But I should still give this back to you.” Ang tinutukoy niya ay yung
panyo. “Asher gave this to you, right? Ikaw ang talagang owner nito.”

“Pero Gwynne…” Sasabihin ko sanang hindi pwede dahil sign ng friendship namin yun
kaso ang sabi niya. “You can give me a dozen of hanky in return! But we don’t
really need a sign of friendship. Just the fact na mag-bestfriend tayo, na okay na
tayo, it’s all that matters.”

We cried together, and now we’re laughing together. I’m so happy we’re able to save
our friendship. Na napatunayan kong sobrang mahal ako ni Gwynne, at ganun din ang
pagmamahal ko sa kanya bilang magkaibigan. “Gwynne, about Ash… I’ll help you…”

“Cecily, I let him go for my own reason. We’re not happy anymore, we’re just too
afraid to admit it. So don’t feel bad about it okay? After all I believe naman na
kung kami talaga, edi kami. But if not, then I’m glad we made the right choice.”

(Asher Carillo POV)

Wala na kaming ginawa buong araw, ang buong araw ding tahimik lang ako. Si Hadwin
naman nakikipagdaldalan sa iba naming barkada. Medyo tahimik pa nga yun simula nang
maghiwalay sila ni Silly. Lumapit siya saakin at inaaya akong tumambay daw kami sa
field. “Ayoko... kayo na lang.” Sa isip ko naman, alam na kaya niyang nag-break na
kami ni Gwynne?

Tapos nag-alisan na sila ng mga kaibigan ko. Naiwan ako sa loob ng classroom, at
wala na ding ibang tao sa loob ng classroom naming dahil tumambay na din sila kung
saan-saan.

Nagulat ako nang may bumukas sa pinto, si Hadwin ulit. Bakit kaya siya bumalik?
“Ayaw mo talagang sumama?”
“Hindi na.” Siguro alam niyang may gumugulo sa isip ko. Lumapit siya saakin. At
umupo sa upuan sa may harapan ko.

“Si Gwynne ba iniisip mo?” Napatingin ako sa kanya. “Alam ko na Ash! Umuwi siya
kahapon na umiiyak.” Tapos napahawak siya sa batok niya. “Dapat binanatan na kita
ngayon eh, kaso sabi niya, siya daw yung nakipag-break kaya nakaligtas ka ngayon.”

“Hindi Had... Nakipag-break saakin si Gwynne dahil hindi ko na siya napapasaya.”


Tumayo ako at tinuro ang pisngi ko. “Suntukin mo nga ako. Parang kailangan ko
talaga yun eh.”

Natawa muna siya at pumikit naman ako. Tapos bigla ko siyang narinig na tumayo at
sa isang iglap, natumba ako sa pagsuntok niya saakin. “Aray…” Hinawakan ko ang
pisngi ko, sakit nun ha. Tapos nginitian ko siya at tumayo ako. Pero pagtayo ko,
sinuntok niya ako ulit sa kabila kong pisngi. “Teka… para saan naman yung
pangalawang suntok?”

“Trip ko lang Ash.” Natawa siya, kumag na ‘to. “Paano naman kasi, yung dalawang
babaeng mahalaga para saakin, sa’yo may gusto.”

“Ah…” Ganun naman pala. Sige palalampasin ko ‘tong pangalawa niyang suntok. “Oo nga
deserve ko nga yun. Nasaktan ko din kasi kahapon si Silly eh.” Tumayo na ako, at
pagkasabi ko sa kanya nun, natigilan siya at sinuntok nanaman ulit ako. Potek!

“Ayos ha!” Natumba nanaman ako. “Nakakatatlo ka na!” Tapos tinulungan na niya
akong tumayo. “Isang suntok mo pa, gagantihan na talaga kita.”

“Bakit mo siya sinaktan?”

“Si Silly? Kahapon kasi nung umalis na si Gwynne, nilapitan niya ako. Sinabihan ko
naman siyang wag na muna kaming mag-usap, pero namilit pa rin.” Nakikinig siya
saakin, iniisip ko tuloy na kapag sinabi ko sa kanya yung nasabi ko kay Silly
kahapon, baka suntukin niya ako ulit. Kaya lumayo ako ng konti sa kanya, “Tapos
nasabi ko na nandidiri ako sa kanya… pero hindi ko sinasadya yun. Nagsisisi talaga
ako Had.”

Napaupo siya sa upuan, buti naman. “G@g* ka pala eh! Bakit mo sinabi yun!”
“Ang tagal din naming hindi nagkapag-usap, tapos biglang ganun agad ang usapan
namin? Ang gulo ng utak ko nun, Had!” Talagang tanga nga ako! “Sige Had, pasuntok
nga ulit.”

Hindi siya nagdalawang-isip at sinuntok niya ako. Nang matumba ulit ako, tinakpan
ko na ang mukha ko hindi dahil sa sakit pero dahil naiiyak na ako sa gulong
nangyayari ngayon sa buhay ko.

“Does it feel better?”

Nag-english si kumag, natawa tuloy ako. “Pero seryoso Had, ano sa tingin mong dapat
kong gawin? Ikaw? Paano ka nakamove-on kay Silly?”

“Actually hindi pa. Hindi pa din ako nakakamove-on eh. Iba ang tama saakin ni
Cecily. Pero dahil nangako akong pakakawalan ko siya, ginawa ko.”

“Bakit mo ginawa yun?”

“Kasi mahal ko nga siya.” Medyo cheesy ang usapan namin, pero dahil nga kaming
dalawa lang naman ang nandito sa classroom, at tropa naman kami, nakakapag-labas
talaga kami ng sama ng loob. “Eh ikaw, paano mo nagawang pakawalan si Gwynne? Dahil
din ba mahal mo siya?”

“Syempre mahal ko siya!”

“Eh si Cecily?”

Natigilan ako. “Napa-isip ka noh. Magulo nga utak mo Ash. Paano mo nasabing
nandidiri kay Cecily gayung alam ko namang masaya ka talaga na gusto ka niya.”

“Ha?” Ano bang sinasabi ng kumag na ‘to.

“Akala ko matalino ka Ash, slow ka din eh.” Tumayo siya at naglakad paalis. Pero
bago siya tuluyang umalis, “Magulo ba? Utak mo magulo eh. Pero Ash, kapag hindi mo
sinigurado yang nararamdaman mo, pwedeng mauwi lang sa wala ang lahat.”

“Ano ba Had! Nagiging makata ka na eh. Sabihin mo na ng direcho!”


“Eh diba kaya kayo nagkalabuan dahil kay Cecily? Ngayon, isipin mo kung sino ang
talagang mahal mo! Yung mas mahal mo Ash?”

Ang ibig bang sabihin ni Hadwin nab aka kaya ako naguguluhan ngayon dahil pwedeng
gusto ko rin talaga si Silly. “Pero hindi pwede eh!”

“Bahala ka nga sa buhay mo! In-denial ka masyado! Isang sagot lang naman Ash, si
Gwynne o si Cecily? At wag mong sasabihin saakin na kapatid mo lang si Cecily dahil
total bullsh*t yun! Hindi ka magkakaganyan kung talagang si Gwynne ang mahal mo.”

Tuluyan nang umalis Hadwin, at akalain mo yun, may makukuha pala akong matinong
advice sa kumag na yun. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin masisiguro yun
hangga’t hindi kami nagkakabati ni Silly. Gusto kong malaman kung yun din nga ba
ang dahilan kaya ako naguguluhan ngayon. Wala lang ba talaga o mahal ko talaga
siya?

End of Chapter 13 Part 2

13.3: My Real First Love


(Cecily Gonzaga POV)

Mag-isa nanaman akong umuwi ngayon. Pero hindi na ako kinakabahan maligaw ulit
dahil sa madalas kong pag-iisa ngayon, nakabisado ko na ang directions. At isa pa,
medyo happy ako ngayon dahil bati na kami ni Gwynne. Pero hanggang ngayon, iniisip
ko pa rin yung sinabi saakin ni Asher kahapon, “Siguro nga nandidiri na ako sayo.”
Bakit Ash? Bakit?

Tapos natigil ako sa paglalakad ko, at napalo ko ang noo ko. Sh*t! Lumagpas nanaman
nga yata ako! Sa sobrang dami ng iniisip ko, at mixed emotions na nararamdaman ko,
hindi napansin na nakarating nanaman ako sa familiar na lugar na ito. “Teka, nasa
Arcilla Village nanaman ako. Dito ulit sa playground.”

Tumalikod ako para bumalik sa talagang way ko pauwi. At isa pa, naaalala ko pa
naman kung saan yung terminal ng tricycle sa labas ng village na ‘to. Kaso bigla
akong natigil sa kinatatayuan ko. Sa dinami-dami naman ng taong makikita ko ngayon,
bakit siya ulit?

“Tignan mo nga naman! Akalain mo makikita kita dito.”


Si Aicelle, ngayong ko na lang ulit siya nakita nung na-expel siya sa school after
nung bugbugan incident sa pagitan namin. Puro mga lalaki ang kasama niya, halatang
mga wasted ang buhay. “Guys, naalala niyo ba yung kinukwento ko sa inyo. Yung
babaeng dahilan kung bakit ako napatalsik sa school namin? Siya yun oh. Favor
naman, gusto ko talagang gantihan nang sobra-sobra ang b*tch na yan eh.”

Natakot ako at tatakbo na sana ako palayo, kaso humarang na yung limang lalaki
kasama ni bakulaw. “Lumayo kayo saakin! Kung hindi sisigaw ako!”

“Wala namang tao eh. Tara sama ka saamin, may alam akong bakanteng bahay dito.
Walang makakakita saatin dun.” Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa takot pero
hinawakan na ng dalawa sa kanila braso ko. Nagsisisigaw ako pero nagtatawanan sila.
Walang tao, walang nakakarinig saakin. Natatakot na ako sa pwede nilang gawin kaya
umiyak ako.

Tapos biglang lumapit si Aicelle at sinampal-sampal ako. At sabi niya sa mga kasama
niya, “Sige dalhin niyo na yan dun, pagpasa-pasahan niyo yan ha.”

“Ayoko! Please!” Nagpupumiglas ako at sumisigaw. Tulungan niyo ako! Papa! Asher!
Hadwin! Tulungan niyo ako!

Habang nagdadasal na ako sa isipan ko, biglang may dumating nga para tulungan ako.
Nag-iisa lang siya pero nagawa niyang patumbahin yung limang lalaki nang hindi man
lang siya nagagantihan. Tumingin siya saakin, “Okay ka lang?”

Wala akong naisagot. Tapos nilapitan nung lalaki si Aicelle at sinampal niya ito.
“Hindi ako pumapatol sa babae, ngayon lang!

Nagtayuan na yung ibang lalaki. “Pare, yan yung anak nung General…”

“Kilala niyo naman pala ako eh! Kapag sinaktan niyo siya ulit, lalo ka na…” Ang
tinutukoy niya ay si Aicelle. “Sisiguraduhin kong makukulong kayo habang buhay!”

“Tara na!” Sigaw nang isa. “Sorry po… sorry…” Nag-sorry sila saakin at tumakbo na
paalis.

Nilapitan ako ng lalaki at tinulungan niya ako tumayo. “Hindi ka na nila gagalawin
pa, maniwala ka saakin.”
Pagkasabi niya nun, naiyak ako at napayakap ako sa kanya. “Bartender… thank you…you
saved me again.”

Nagawa ko siyang yakapin dahil kilala ko siya. Siya na naman. Si Merrick. Tapos
dinala niya ako sa clubhouse para pakalmahin ako. Naupo ako tumigil na din sa pag-
iyak. Bumili siya ng dalawang inumin at lumapit saakin.

“Heto oh.” Ibinigay niya saakin ang isang malamig na bote ng juice. “Idampi mo yan
sa pisngi mo. Sinampal ka nung babae kanina diba? Ilagay mo yan para hindi mamaga.”
Sinunod ko yung sinabi niya. Pagkatapos binuksan niya yung isa pang bote ng juice.
“Heto naman yung inumin mo.”

“Paano ka?”

“Pag hindi na malamig yung nasa pisngi mo, yan lang yung saakin.” Nginitian niya
ako at tumabi siya saakin. “Naalala mo naman ako diba.”

Nilagok ko yung juice at nakahinga ako ng malalim. Pagkatapos, “Bartender! Merrick,


diba?”

Natawa siya. “Bartender talaga!” Nalungkot siya at tinitigan ako.

“Ikaw yung nasa birthday ni Gwynne diba?”

“Okay… Yung restaurant nga namin yung nag-cater sa birthday ng friend mo.
Nagkataon lang na napagtripan kong tumulong at nagbartender noon. Pero bukod doon,
magkakilala na tayo noon pa Cecily. Silly?”

“Ha? Teka! Paano mo nalaman…?” Stalker ko ba siya? Ang weird paano niya nalaman
yun!

“I was eight nung pumunta kami ng America ng family ko because of our family
business. Pero bago kami nagpunta doon, nakatira muna kami sa Aranilla Village sa
Santa Victoria Street.”

Doon din ako nakatira ha! Sino ba ang lalaking ito?


“May kapit-bahay ako dun na dalawang bata. Isang lalaki na kasing edad ko, Asher
ang pangalan. At isang five years old na batang babae na Cecily ang pangalan. We
used to play together but I’m particulary close to that girl.”

Nanlaki ang mga mata ko. Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang may nag-flashback
sa isip ko. Isang batang lalaki, bukod kay Ash, na kasama ko nga noong bata pa ako.
Lalo lang naging malinaw ang lahat nang biglang kantahin ni Merrick ang isang
familiar na nursery rhyme.

“There’s a silly little girl named Silly! A pretty baby girl like a lily. I listen
when she’s silly, she tells me that she’s girly…” Bago pa niya ituloy, nagtinginan
kami at sabay naming binanggit ang huling linya...

“She’s my/I’m you silly baby girl named Silly.” Then he smiled at me. “See! You
remember now!”

“Oh my God!” Napatakip ako ng bibig ko! Yes I remember him now! He’s that boy!
Merrick was that boy! And after all this time, ngayon ko lang na-realize na it
wasn’t Asher who gave me that nickname, it was him! “Merrick!”

Lalo pa akong nagulat nang bigla niyang gawin niya weakpoint ko. “Silly!” He poked
my nose. “Yeah it’s me! Merrick!”

We hugged each other tightly. It was actually Merrick who started the things that
I learned to love until now. Yung nickname na Silly, yung pagtusok sa ilong ko at
yung pagtrato saakin like I’m his baby girl, lahat yun si Merrick. Lahat yun, na
akala kong si Asher ang gumawa, si Merrick pala. “I remember you now! Sorry
nakalimutan ko, pero naalala ko na ngayon!”

“I’m glad! Na-miss kita! Akala ko hindi mo na maaalala!” Tapos niyakap niya ako
ulit, and I can’t describe what I’m feeling right now. “Oo nga pala! There’s one
more thing!” Nagtaka ako kung ano yun. Kinuha niya yung wallet niya sa bag niya.
May inilabas siyang picture, a familiar photo. “Do you also remember this?”

“Of course!” Kinuha ko yung picture. “I was that bride and you are my groom. And
Asher…” Natigil ako at tinitigan ulit yung picture. “Wait nasaan si Asher?” pero
ang mas magulo ngayon, “And did we really kissed at this photo?”

Medyo nahiya siya at natawa na lang. “Kuha yan mommy ko. That’s my only photo na
kasama kita. And what’s funny is that… yun nga… we kissed… there.”

“No Merrick.” Napatayo ako. Medyo malabo pa rin saakin yung wedding play scene na
yun. “Asher! Si Asher yung ka-kiss ko nun! We also have a photo! A different
version! He’s the one who kissed me!”

Nakatingin lang siya, “Yeah… I didn’t know na may picture din pala yung scene yun.
But you’re right he kissed you…” I was relieved, Asher kissed me. “He kissed you
right after I kissed you.”

“What?”

“Kaya ka nga umiyak nun diba. Kasi sabi mo ako lang dapat ang nag-kiss sayo noon.”

Napaupo lang ulit ako. So ano ba talagang nangyayari? Na lahat ng inaakala kong mga
ginawa ni Asher, si Merrick lahat! Even my first kiss? Si Merrick din? Then could
it be possible that Asher isn’t the one. Na pwedeng kayak o nagustuhan ang lalaking
iyon, dahil iniisip kong siya si Merrick. Na si Merrick ang talagang first love ko
at hindi si Asher.

“Silly?”

“Merrick, can you tell me what I feel for you before?”

Napayuko siya, but I know na hindi siya magsisinungaling. “We’re pretty close to
each other. And would always tell me that you like me and you’re gonna marry me.”

“I like you?”

“Yeah… you liked me.” Tapos napatingin siya sa malayo. “And I hope na maalala mo na
rin yun.”

He took my hand, and the only thing that I can hear is the loud beating of my
heart. I can’t believe it… I really can’t.

End of Chapter 13 Part 3


Chapter 14
14.1: Who’s that Guy?
(Asher Carillo POV)

“Anong oras na! Hindi pa siya umuuwi?”

“Wag nang mag-panic! Nagtext na siya!” Nakareceive ng text si Tito Al mula kay
Silly. “Malapit na daw siya.” Tapos pareho kaming nakahinga nang malalim. Maya-maya
lang, nakarinig kami ng tunog ng sasakyan. Bumaba si Silly sa white Pajero at may
sumunod na lalaki sa kanya.

Sino yun? Tanong ko sa sarili ko. Bakit may kasama siyang lalaki? “Papa.” Ngumiti
siya sa papa niya, samantalang umiwas siya ng tingin saakin. Galit pa rin siya, at
tama lang naman yun dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon.

“Sino yan?” Tanong ni Tito Al sa teenager at medyo matandang lalaki na nag-drive ng


sasakyan.

“Albert!” bati nung matandang lalaki! “Ako ‘to!” naka-uniform siya ng pang-General.
Teka ano ba ‘to? Role play?

“Rommy? Rommy Evangelista?”

“Nope Tito. General Rommy Evangelista na po.” Ngumiti yung lalaki kay Tito Al. Ano
daw sabi niya? Tito? General?

“Teka? Ikaw na yan Merrick!” Tumango yung Merrick at nagyakapan sila. Sh*t! Hindi
ako makarelate! Kamag-anak ba nila yun? At tsaka bakit kasam nila si Silly?

“Ash!” Teka, tinawag ba niya ako. “Don’t tell me nakalimutan mo na din ako!
Nakatira kami dati doon oh!” tinuro niya yung katapat na bahay namin. “Hay naku!
Pareho kayo ni Silly! Ako ‘to Asher! Si Merrick! Rickyboy? Naalala mo?”
“Rickyboy?” Naalala ko na! Siya nga yung kaibigan namin noon, pero nagpunta sila sa
America. Siya yung groom ni Silly sa picture na meron ako. “Rickyboy!”

“Gwapo na ha! Dati dugyutin lang ha!”

“Sira-ulo!” Hindi ako dugyutin nung bata ako ha. “Sipunin ka naman!” Nagtawanan
kaming dalawa. Tapos nag-aya si Tito Al na sa loob na kami mag-usap. Pero nagulat
ako nang umakbay si Merrick kay Silly, putek! Close ba sila noon? Oo, close nga
sila. At ngayon, sobrang close nila.

Nagkwentuhan sila Tito Al at Tito Rommy sa labas. Napaihaw tuloy ng liempo dahil
dito sila magdi-dinner nina Merrick. Kami naman, nandito sa living room. Nasabi na
saakin ni Merrick kung paano nila nakasama si Silly ngayon. Nandoon din pala siya
at nagbartender nung birthday ni Gwynne.

Si Silly naman, umakyat lang sandali sa kwarto niya para magpalit. “Ash, kamusta
naman. May dini-date ka na ba ngayon.” Tanong niya saakin.

“Kabi-break lang namin.” But I tried to smile kahit nalungkot ako bigla.

“Aww… sorry.”

“Wala yun…” Change topic ako. “Eh ikaw? Madaming magaganda sa States diba? Virgin
ka pa ba?”

Natawa siya at sinuntok ang braso ko. Alam ko naman, dahil masyadong liberated ang
mga tao dun. “Wala akong naging girlfriend dun Ash. Sa Pilipina pa rin ako noh!”

“Owws?” Tapos natigil ang usapan namin nang bumaba na si Silly. Naka-dress siya.
Pambahay ba niya yun? Bakit ayos na ayos naman siya ngayon?

“Oh, eto na pala si baby Silly girl.” Ano daw? Baby Silly girl? Anong pauso yun?

Nginitian siya ni Silly at naupo ito sa sofa. Lumipat naman ng pwesto si Merrick
para tabihan si Silly. “Balita ko, magka-away daw kayo ni Silly ha.”

Tinignan ko si Silly, pati yun nakwento na niya? Asar! “Bati na kayo! Tutal nandito
naman na ako.”
Hindi lang nag-react si Silly, pero tama si Merrick. Naisip ko rin na chance na ‘to
para magkaayos na kami. “Kung patatawarin ba ako ni Silly eh. Hindi ko naman
sinasadya yung mga nasabi at nagawa ko.” Tinitigan ko siya at tumingin din siya
saakin.

“Oh sige na! Hug na!” Itinaas ni Merrick ang dalawang kamay ni Silly at ipinatong
sa balikat ko. Tapos nag-hug na kami. Nag-ngitian kami pero nafi-feel ko pa rin
yung awkwardness. “Sige, alam ko namang marami pa kayong mahabang usapan niyan kaya
kayo na bahalang mag-ayos ha.”

Tapos natahimik kami ulit. Nakaupo ako sa ibang upuan, at sina Silly at Merrick ang
magkatabi. Tapos biglang inakbayan ulit ni Merrick si Silly, habit ba niya yun? “Oh
ikaw naman Silly, nagka-boyfriend ka ba nung wala ako?”

“Ha? Oo… si Hadwin. Friend ni Ash… kilala mo siya diba? Dun sa birthday ni Gwynne.
Pero sandali lang naging kami. Sandali lang talaga.”

“So ngayon free ka?” Tapos nginitian ako ni Asher at tinaasan ng kilay. Parang
gusto siyang sabihin, at parang alam ko na. “Liligawan kita ha!”

“Bilis naman!!!” Napatayo ako napatingin silang dalawa saakin. Wala akong pakelam
kahit hindi pa talaga kami okay ni Silly, kaya hinila ko siya patayo sa kinauupuan
niya at pinalipat sa upuan ko. Ako naman ang pumalit sa kinauupuan ni Silly.

“Aba! Protective masyado ha! Ano ka, kuya?” Hihilain niya sana pabalik si Silly
pero humarang ako. Napakunot naman si Merrick at kakaiba ang tingin saakin ni
Silly. “Uy, selos!”

“Merrick!” sabay naming nasabi ni Silly kaya nagkatinginan kami.

“Okay! Nawala lang ako ng ilang taon, sobrang dikit na kayo.” Bakit ang daming
naaalala ni Merrick na nakalimutan ko na. “Dati-rati lang, si Asher ang
pinagtutulungan natin, Silly.”

Natawa si Silly, naalala na niya. Napaisip ako, sh*t! Parang may ganun nga akong
memory. Na ang magkakampi palagi, silang dalawa. “Third wheel!” Inasar pa ako ni
Merrick. “Joke lang Ash ha.”
Tinawanan ko na lang kesa tuluyan akong mabwiset. I don’t like this feeling. Na
may ibang lalaking ka-close si Silly. Na ako yung third wheel sa buhay niya. Buti
na lang tinawag na kami nila Tito Al, magdinner.

After naming kumain, nagpaalam na din sina Merrick at papa niya. Pero bago sila
umalis, nagsabi muna si Merrick na palagi siyang dadalaw, total magbabakasyon na
daw. He hugged and kissed Silly’s cheeks at yun umalis na sila.

“Sayang, hind sila naabutan ni Percy.”

Wala nang pumansin kay Tito Al at pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Si Silly
naman dumirecho sa kwarto niya at nagpasya akong sundan siya para tuluyan nang
ayusin ang gusot saaming dalawa. “Silly, pwedeng pumasok?” Sabi ko habang
kumakatok. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako. Dumirecho kami sa
terrace ng kwarto niya.

“Iba na si Merrick noh. Biruin mo hindi ko siya nakilala nung birthday ni Gwynne.”

“Ah… oo nga.” Tanga ko! Yun pa una kong sinabi! Birthday ni Gwynne… “Anyway Ash,
hindi mo kailangan magpanggap.”

“Magpanggap? Hindi ako nagkukunyari.” Huminga ako ng malalim. “Silly, what I said
about yesterday…”

“I know Ash. I can’t blame you. Wag mo nang ulitin please.”

“I didn’t mean that! Okay? Hindi ko sinasadya, tanga lang ako nung nasabi ko yun.”
Maiyak-iyak siya ulit. “Kasalanan ko rin that you felt that way. Na hindi ko
napansin yung feelings mo for me. If I made you fall for me, I’m sorry.”

“You’re sorry because you can’t catch me.”

“That’s not what I mean. I just want you to know na okay na ako dun. Ayokong mag-
away tayo Silly. Ayokong masira ang samahan natin. If you want, we can start all
over again.”
Napayuko siya. “Can’t you love me Ash?”

“Love? I can’t…” I have to be true to her and to myself. “I don’t know how. I’m
sorry.”

“I understand.” She offered her hand as a sign na okay na kami, but I initiated na
mag-hug kami. I miss her, lagi naman eh. Pero hindi rin nagtagal ang yakap namin
dahil bumitaw siya agad. “But we can no longer do this again. Wag ka nang
masyadong sweet o mabait saakin. Kailangan kong matutong kalimutan ka Ash.”

This isn’t what I want but I have no choice. “Yeah… Sure” We smiled at each other,
at alam kong bati na nga kami. But honestly, I’m not really happy. Kasi ang gusto
niya, tumigil na ako bilang yung Asher na sobra siyang inaalagaan. Yung Asher na
gagawin ang lahat para protektahan siya.

I have to give her that space. A space where I can no longer attach myself to her
life. A space for her to move on, to find herself, and fall for another person.
Kaya ko ba yun?

End of Chapter 14 Part 1

14.2: Support Him?


(Asher Carillo POV)

Simula noong araw na yun, palagi nang dumadalaw si Rickyboy. “Last year pa pala
kayo nakauwi, bakit ngayon mo lang pala naisip na dumalaw?”

“Busy sa school… at sa work sa restaurant.” Sumagot si Merrick nang hindi


tumitingin saakin dahil busy siya sa pagbabasa ng manga ni Silly. Magkatabi silang
nakaupo, samantalang nakaupo naman ako sa sahig nila.

“Busy sa restaurant? Bakit ngayon palagi ka nang nandito?”

“Bakasyon na Ash! At tsaka, bonding time na namin ni Silly! At tsaka bakit ba panay
ang tanong mo?”

“Ang ingay niyo. Hindi ko maintindihan yung binabasa ko.”


“Uy! Ang sungit ni bebe!” At tinusok ni Merrick ang ilong ni Silly. Nginitian lang
siya nito. Napapadalas na niyang ginagawa yun, at napapadalas na din akong nao-OP
kapag kasama nila ako. Nakakairita!

Tumayo na lang ako at nagpunta sa kitchen. Wala na si mama, kaaalis niya lang
papunta sa work niya, at si Tito Al naman, mamaya pa makakauwi. Bakit ba ang boring
ng summer ko ngayon. Ni wala ding kaming outing sa bakasyong ito. Bukod pa dun,
dumating itong si Merrick, at inaagaw ang buong oras ko with Silly.

“Malamig yan?”

Hindi ko napansing nakatayo na pala sa likod ko si Silly. “Iinom ka?” Tumango siya
at nilagyan ko ng tubig yung hawak niyang baso. Tapos uminom siya at tinalikuran
ako agad. Pero pinigilan ko siya, “Silly… gusto mo gumala tayo bukas? Mall tayo.”

“Ha?” Okay na kami, pero parang siya pa yung naiilang saakin. Eh sinabi ko naman sa
kanya na okay na nga kahit may gusto siya saakin. “Si… sige… sabihin ko kay
Merrick.”

“Hindi! Wag! Tayong dalawa lang, bonding natin yun.”

“Bakit ayaw mo akong isama?”

Ang buset na Rickyboy yan, nakatayo na pala malapit saamin, nagtatago lang. Pero
kailangan kong makaisip ng palusot sa kanya. “Ha? Eh… ako nagyayaya eh. Baka
magpalibre ka din saakin.”

Tinawanan niya lang ako. Buti naman at hindi niya minasama. “Ang kuripot talaga
nito. Pero sige ganito! Ako na lang manlilibre kay Silly.”

“Bakit? Ako naman nag-aya sa kanya.” Nae-epalan na talaga ako sa kanya. Siguro nga
dahil sobrang tagal ko siyang hindi nakasama, tapos susulpot nang ganito. Hindi ako
masaya!

“Hindi! Ayoko naman din umalis bukas.”


“Bakit?” Sabay naming natanong ni Merrick.

“Kasi tinatamad ako.” Tapos tinalikura niya kami at umalis na. Naiwan naman kami ni
Merrick sa kusina.

“Ash… hindi ka ba masaya na nakabalik na ako?”

“Ha?” Inakbayan ko siya, syempre naging kaibigan ko rin naman ito. Parang kami lang
ni Hadwin, nag-aasaran, naglolokohan! Pero walang pikunan. Minsan nga lang, ibang
irita ang nararamdaman ko, hindi ko gets eh. “Rickyboy, napunta ka lang sa States,
masyado kang naging sentimental. Tropa nga tayo diba.”

“Good.” Ngitian niya ako. “Eh di kung ganun, susuportahan mo ako kay Silly.”

“Suporta? Bakit?”

“Hindi ba obvious Ash? Nililigawan ko na kaya siya.”

“Ano nga ulit?” Parang nabingi ako sa sinabi niya.

“Ash, nililigawan ko na siya. Matagal na akong nagpaalam kay Tito Al! At matagal na
din akong nag-confess kay Silly. Wala bang nagsabi sa’yo?

Napakunot ako ng noo. Magrereact ba ako nang ganito kung alam ko nang nililigawan
niya si Silly. Pero parang hindi ako makapaniwala. “Anong sinabi ni Tito? Anong
sabi ni Silly?”

“Silly didn’t say anything, pero pumayag man siya o hindi, liligawan ko pa rin
siya. Ang sabi naman saakin ni Tito Al nung nagpaalam ako sa kanya, he just wants
me to help Silly forget about you.”

Nagulantang ako sa narinig ko. Tito Al wants him for Silly! Na gusto niyang maging
boyfriend na nga siya ni Silly so she could forget about me? “Teka… what do you
mean?”

“Alam ko na Ash. That Silly’s in love with you. But you’re in loved with someone
else that’s why you rejected her. But I know gusto mo pa rin siyang maging masaya,
so you should help me with her Ash. Because since you can’t, then I’ll make Silly
the happiest girl.”

End of Chapter 14 Part 2

14.3: Strange
(Cecily Gonzaga POV)

Asher is acting really strange these past few days. Minsan irritable, hindi
makausap nang matino at palagi lang siyang nakasimangot. Well, hindi na lang ako
nagpapaapekto, dahil I made a promise to myself. And that is forgetting about my
feelings for him.

“Sige Silly, bukas na lang ulit!”

“Bye!” Umalis na si Merrick. Madalas na ang pagdalaw niya sa bahay, that’s because
he’s courting me. Actually, I’m quite happy, at medyo kinikilig din ako. At dahil
sa right timing na pagdating niya sa buhay ko ngayon, I felt na hindi na ganun
kasakit mag-move on sa unrequited feelings ko.

“Grabe… sobrang saya mo talaga noh.” Tinignan ko si Asher, kaming dalawa nanaman
kasi ang naiwan dito sa bahay.

“Ano nanaman bang problema mo”

“Wala!” Pumasok siya ng bahay namin, at padabog pa. I don’t want to think na kaya
siya nagkakaganyan dahil nagseselos siya kay Merrick. Ayoko nang umasa! Anyway,
sumunod na rin ako sa loob, and there I found him lying on our sofa.

Umupo ako sa isang upuan, tinitigan ko siya dahil nakapikit siya. But I shook my
head, mali! Mali ‘to eh! Hindi ko na pwedeng gawin ‘to kung gusto ko na siyang
kalimutan. Medyo nagagawa ko na kasi na wag na siyang pumasok sa isip ko. At hindi
na rin ako naiiyak sa gabi thinking that we can’t be together.

“Gusto mo ba si Merrick?” Nagsalita siya bigla. “Hindi mo man lang sinabi saakin
na nililigawan ka na niya. You’re keeping secrets from me, bakit?”

“I don’t really have to tell you everything, right?”


Bumangon siya bigla. “Why? To forget about me? Bakit Silly? Kasama na ba yung being
cold and making me feel out-of-place para lang kalimutan mo yung feelings mo para
saakin?”

“Kasama yun! Ignoring you, so I won’t think about you.”

“And you’re happy? I just said na nao-OP na ako sa inyo ni Merrick! Wala na bang
halaga sa’yo yung pinagsamahan natin? We grew up together! Sana kahit yun lang
isipin mo so you won’t treat me like this!”

“Eh ano ba kasing gusto mo Ash! We can’t go on like nothing happened! Hindi ikaw
ang may gusto saakin, ako ang may gusto sa’yo! Sana din, maisip mong mahirap yung
pinagagawa mo dahil ayokong nang umasa sa’yo! I wan’t to forget you!”

“You don’t really have to forget me!”

“I have to because you can’t love me!” That’s right, if being so mean and cold to
him would help me to move-on, then I should really do it.

“You know I care for you…”

Hindi ko na siya pinatapos pa. Nag-aaway nanaman kasi ulit kami. “Ash…” mahinahon
akong nagsalita this time. “You know why I fell for you? Because we’re like this.
Na-misunderstood ko how you treated me. You made me feel so important, so loved!
But you can’t even accept the fact that I’m in loved with you. Wag mo na akong
pahirapan Ash, ayoko nang umasa, okay?”

Tumayo siya. “Bwiset na forgetting about your feelings! You know what you’re doing
to me Silly? You’re leaving me behind! Moving on and ignoring me are two damn
different things!”

Hinila niya ako patayo just to tell me that face-to-face. I look at his angry face,
but his eyes were sad. I hugged him so he won’t be mad. “Sorry… I’m sorry…”

Medyo naramdaman kong naging stiff siya nung niyakap ko siya pero hindi ako
bumitaw. After all, he was actually right but, “Wala na akong alam na ibang way
para makalimutan ka, Ash. I’m sorry that I have to ignore you, but if you really
love me, even if its just as a friend or sister, you would let me do this.”
Then he lifted his arms to hug me back. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko, pero
kailangan kong tibayan ang loob ko. I let him go and pushed him away from me.

“Si Merrick, he said he likes me. And I once like him too. If you let me fall in
love with him, then I’ll be able to move on.” Medyo lumayo ako. “We don’t really
have to fight like this, alam mong hindi kita matitiis diba.”

“Pero paano mo ako natitiis ngayon?”

Ang gulo. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gustong ipagawa saakin ni
Asher. “If I don’t do this, I might still continue loving you.” Sana naman yun
maintindihan na niya. “Diba ito rin naman ang gusto mo?”

Wala na siyang sinabi at umalis na lang bigla. Naiwan akong mag-isa habang
tinatanong pa rin yun sa sarili ko. “Ito naman talaga ang gusto mo diba?”

(Asher Carillo POV)

“Kailan ko sinabing gusto ko yun!” Pinilit kong i-flashback sa isip ko yung mga
napag-usapan namin nung nagbati kami. “But we can no longer do this again. Wag ka
nang masyadong sweet o mabait saakin. Kailangan kong matutong kalimutan ka Ash”,
yun ang sinabi niya that’s why I said, “Yeah… Sure”.

Nasabi ko ring we can start all over para hindi kami magka-ilangan, pero wala sa
isip ko na tatratuhin niya ako as cold as this! Nakakaasar! Nakakaasar talaga!

Biglang nag-beep yung cellphone ko. Pagbasa ko si Hadwin pala.

[Ash, anong plano sa birthday ni Cecily?]

“Birthday ni Silly?” Napatakip ako sa bibig ko, ay! Muntik ko nang makalimutan!
Last week na kasi ng April ngayon. Ganun na pala katagal akong nagpapaka-bothered
sa relasyon namin ni Silly.

[Walang plano Had…]


Napabuntong-hininga ako. Nabanggit kasi noon saamin ni Silly na simpleng handaan
lang ang gusto niya sa birthday niya.

[Punta na lang kayo dito sa May 4. Maghahanda lang ng konti.]

[No surprise? Hmmm… Sige…]

[papuntahin mo din si Gwynne ha.] Oh baka, wrong idea nanaman ang makuha ni kumag.
Syempre dapat naman talagang pumunta si Gwynne dahil bestfriend yun ni Silly.

[ok. Uy… oo nga pla… may nababalitaan ako mula kay Gwynne ha.]

[ano yun?] Na-curious naman ako bigla. Tungkol ba saamin ni Gwynne? Ang totoo kasi,
parang mas naging maganda ang relasyon namin ni Gwynne ngayon pero hindi na yung
romantic type. Naging friends kami, kahit napakasakit nung naging break-up namin.
Nakakapag-chat kami at text nang parang magkaibigan na lang din.

[kilala nio na pala c merrick noon pa. pero may nababanggit ksi si Ces kay Gwynne
2ngkol sa kanya]

[ha? Ano daw yun?]

[na c merrick daw ang real first love nia. totoo ba yun ash?] Ano! First real love
ni Cecily si Merrick? Akala ko ba ang ako yung gusto niya noon pa? Anong ibig
sabihin nun?

End of Chapter 14 Part 3

14.4: Stranger than Before


(Cecily Gonzaga POV)

“Happy Birthday Cecily!” Ang bilis ng araw! Birthday ko na pala.


May handaan ngayon sa bahay, at konti lang ang invited. This is what I wanted, a
simple birthday celebration. Mga close friends at ilang kapit-bahay ko lang ang
invited.

“Happy birthday Ces!” Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at paglingon ko, si
Hadwin na pala.

“Had!!!” We hugged, pero siya na ang unang bumitaw.

“Oh, wag masyadong close Ces, baka maalala ko bigla feelings ko para sa’yo.”

Nagtawanan na lang kami. Medyo matagal na din kasi ang lumipas, at masaya ako dahil
we can talk casually again. Ang totoo nga niyan, nakakapagtext at chat na ulit
kami. “Wait, ako naman!” Tapos si Gwynne naman ang yumakap saakin. “Happy birthday
Best!”

“Thanks Best! Enjoy the small party ha!”

Tapos nagkainan na. Tapos iniwan ko sila sandali dahil tinawag ako ni papa para
kausapin ko rin daw yung ibang bisita. Pagbalik ko sa kanila, kasama na nila sina
Merrick at Asher. Magkausap na sila ni Hadwin, samantalang kausap naman ni Ash si
Gwynne.

“Birthday baby!” Tapos inakbayan ako ni Merrick para lumapit sa kanila. Hindi naman
ako makatingin kina Asher at Gwynne. Ano kayang pinag-uusapan nila. “Siya ba yung
ex mo?”

“Ayaw maniwala nitong si Merrick, Ces oh.” Tapos inakbayan din ako ni Hadwin. “Ito
ba bago mong manliligaw? Mas gwapo pa ko sa kanya eh.” Magkakilala na nga pala
itong dalawang ito noong nagbartender dati si Merrick sa birthday ni Gwynne.

Natawa ako sa kanila. Mukhang magiging close ang dalawang ito kapag nagkasama pa
sila nang mas matagal. “Alam niyo, mas bagay kayong dalawa. Ahahahaha!” Kinurot
nila pareho ang pisngi ko. Si Hadwin sa left, si Merrick sa right.

Napatingin naman sina Asher at Gwynne saamin. “Hoy ano ba kayong dalawa!” Hinila
naman ako ni Ash palayo sa kanila. Napatabi tuloy sa kanila ni Gwynne. “Kumain na
lang nga kayo.”
Nagkatinginan kami ni Gwynne. Ilang minutes din, humiwalay muna kami sa maraming
tao. Nagpunta kami sa labas para makapag-usap. “So… kamusta ka naman.”

“Ha? Heto… mukhang okay naman.” Nasa isip ko pa rin kasi yung picture na masaya
silang magkausap nina Ash kanina. Ano nanaman ba ‘tong nasa isip ko!

“Cecily… nag-usap lang kami ni Ash…” Napatingin ako sa kanya, nababasa ba niya nasa
isip ko? “Tungkol sa’yo yung pinag-usapan namin.”

“Ako? Bakit naman?”

Natawa bigla si Gwynne. “He’s asking me about you and Merrick. Tinatanong niya kung
may nakukwento ka daw ba tungkol kay Merrick.”

It feels like I can’t breathe. “Why would he ask that? Isa pa… diba dapat yung sa
inyong dalawa yung pinag-uusapan niyo.”

“Ano ka ba Cecily. The thing about me and Ash, nakaraan na yun. We’re friends now,
friends na lang.” Nagulat ako sa sinabi niya, I didn’t know na pareho na pala
silang nakamove-on sa isa’t isa. Ako lang pala ang hindi pa nagmomove-on. “Pero
yung about sa inyo, I don’t think na-settle niyo na talaga ang lahat.”

“Gwynne…” I sat down, at tumabi siya saakin. “Me and Ash… impossible. Tanggap ko na
yun, noon pa. I may be special to him, but he can never be mine.”

Gwynne held my hand. “Sumusuko ka na?”

“Dapat nga noon pa eh.” Tapos napatingin ako nang lumabas sina Asher, Hadwin at
Merrick. “But you know that guy…” I was referring to Merrick. “He said he could
make me happier. And remember what I told you before? Na hindi pala si Asher ang
first love ko.” Natawa ako, and I don’t care even if it’s a fake one. “Si Merrick
pala…”

“I remember what you said… Pero honestly Cecily, do you even believe yourself when
you say that?”
I looked down, at napaisip ako. Lumapit na saamin sina Asher. Then I started
questioning myself. Naniniwala nga ba talaga ako na hindi si Asher yun? Na hindi si
Asher ang lahat nang yun?

Ang bilis lang natapos ng oras, at unti-unti nang nag-alisan ang mga tao. “Bye
Ces!” Niyakap ako ulit ni Hadwin at hinalikan ako sa pisngi. “Kita-kits na lang
tayo sa pasukan ha!”

“Ingat kayo ha!”

“Bye Cecily! Happy birthday ulit!” Tapos nagpaalam na din si Gwynne, at pinanood
ko silang sumakay sa sasakyan nila at tuluyang umalis. Naiwan naman kami nina
Merrick at Ash sa labas.

“Oh! Hindi ko pala ‘to pwedeng kalimutan!” Humarap ako kay Merrick. Tapos inilabas
niya yung gift niya. “Open it.”

Nakatingin lang si Asher, naalala ko, hindi pa pala niya ako binibigyan ng gift.
Anyway, binuksan ko naman yung gift saakin ni Merrick, and I found a ring. Isinuot
niya sa ring finger ko yung singsing.

"Te... thank you Merrick..."

“Happy Birthday ulit, Silly baby.” At pagkasabi niya nun, dahan-dahan siyang
yumuko at hinalikan niya ako na halos malapit na sa lips ko. Nanlaki lang ang mata
ko. Nagulat din si Asher dahil napansin ko yung nagbago din yung expression niya.
“Need to go. Next time ulit ha!” He smiled at me tapos nagba-bye na din siya kay
Ash at saka umalis.

This time kaming dalawa na lang ni Asher ang naiwan. Nagkatinginan kami, pero
nahiya ako dahil sa dalawang lalaki ang humalik saakin ngayong gabing ito. “Pa…
pasok na tayo sa loob. Tulungan natin sina mama at papa na maglinis.”

Tatalikod na sana ako, pero he grabbed my hand. Tapos inilapit niya yung kamay ko
sa mukha niya, para titigan yung singsing na suot ko na ngayon. Wala siyang
sinasabi, at ang plain lang ng reaction ng mukha niya.

Say something Silly. “A.. Ash…” Hinila ko ang kamay ko para bitawan niya. “Yu… yung
gift ko?” Ano ba! Bakit hindi ako makasalita nang maayos.
“You want my gift after mong matanggap yan?” ang sinasabi niya yung about sa ring.
Bad trip ba siya? Ayokong mag-assume, but he’s showing na hindi siya masaya.

“Kung wala, fine! After all, I don’t really need your gift!”

Tapos pumasok na ako sa loob. Hindi na siya sumunod. Ano ba yan! Birthday na
birthday ko, hindi kami masyadong nakapag-usap, nag-away ulit kami.

After kong tulungan sina mama Percy at papa, nagpasiya na kaming magpahinga. I went
to my room, at sinilip ko yung bahay nina Asher. Pagkauwi kasi ni mama sa bahay
nila, nakapatay na ang lahat ng ilaw.

Alas-dos na ng madaling araw, pero parang hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Nahiga ako sa kama at pinilit kong pumikit. Pero naasar ako.

“Bwisit ka Ash!” Bakit ko ba kasi siya iniisip! Ginulo ko ang buhok ko at pinalo-
palo ko ang sarili ko.

Our relationship is really ruined! It all happened nung nalaman niyang may gusto
ako sa kanya. Nung hindi niya kayang i-return ang feeings ko for him. At noong
nagpasya akong kalimutan na siya nang tuluyan! Pero hindi ako masaya. Hindi ako
masaya na ganito kami ngayon.

End of Chapter 14 Part 4

Chapter 15
15.1: Ready to Love?
(Asher Carillo POV)

“Nakakaasar! Hindi talaga ako makatulog!” Tulog na ang lahat, pero gumugulo pa rin
sa isip ko na hindi ko naibigay yung gift ko kay Silly. Tapos bumangon ako at
dahan-dahang bumaba.

Lumabas ako ng bahay, at madilim na nga sa labas. Tumingala ako sa kwarto ni Silly.
“Eto, mamatay man, huling beses ko nang gagawin ‘to.” Kinuha ko yung mortal enemy
kong hagdanan. “Please naman, this time makisama ka.” Dahan-dahan akong umakyat
para hindi ako makabulabog ng kung sino mang natutulog, pero talagang minamalas ako
eh.

Biglang nag-shake yung hagdanan, “Pakshet! Bibigay na yata ‘to!” Dali-dali akong
umakyat pero nararamdaman kong tutumba na ako.

Nagulat lang ako nang bumukas yung ilaw sa kwarto ni Silly at lumabas siya, “Asher!
Not again!”

“Teka… tulungan mo muna ako!” Mabuti na lang at nakahawak na ako sa kamay niya nang
tuluyang tumumba yung hagdan.

“Grabe… ang… bigat mo!” She lifting me up, and I also lifted myself up. Nung
nakaapak na ako sa may handrail, nadulas naman ako at napayakap kay Silly.

Natumba kami pareho pero para hindi siya tuluyang mauntog sa sahig, hawak ko lang
ang ulo niya. “Ahh…” At naipit ang kamay ko! “Are you okay?”

“I guess…” nag-blush kami pareho, nakakahiya naman. Tapos tumayo na kami pareho.
“What were you thinking!” Sinilip niya yung hagdanan, at masaya ako na tuluyan na
nga itong nasira. “Muntik ka na nun ha!”

Tinakpan ko ang bibig niya dahil lumalakas ang boses niya. “Wag kang maingay! Baka
magising sila.” Tapos pumasok ako sa loob ng kwarto niya, at sumunod siya. Naupo
kami pareho sa kama niya. Alam kong baliw ako for doing this.

“Ano na naman ba Ash?” I looked at her, tapos sa kamay niya. Naasar ako nang makita
kong suot pa rin niya yung singsing na bigay ni Merrick.

“Heto!” Iniabot ko sa kanya yung regalo ko, pero hindi ako tumingin sa kanya.

“You went all the way here for that! Sabi mo wala kang gift!” Kailan ko sinabi
yun?

“I didn’t say that! Buksan mo na nga lang yan para matapos na!”

Tapos binuksan na niya yung gift ko sa kanya, at nagulat siya sa nakita niya.
“Necklace? This is the necklace, right? Yung regalo mo kay Gwynne. Binalik niya ba
‘to sa’yo after niyong mag-break? Why are you giving this to me now?”

“Ang dami mo namang tanong!” Oo, yun nga yung kwintas na ipinakita ko sa kanya na
regalo ko dapat kay Gwynne. “I gave her another necklace.”

“W… why?”

“Because I thought na nung una kong pinakita sa’yo yan, nagustuhan mo na. You just
didn't admit it, but I know.” Tinignan ko siya. “I was actually thinking about
something na magugustuhan mo, so I bought that. Pero nung pinakita ko sa’yo I knew
that you liked it, and just pretended that you didn’t.”

“Then ano yung binigay mong regalo kay Gwynne?”

“That’s a different necklace!”

“Ash, even if I liked it, you didn’t have to do this!”

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” Naasar ako, at nasaktan. “Sabi ko na nga ba eh,


sana hindi ko na lang binigay sa’yo yan.”

Tapos itinapon pabalik saakin yung kwintas. Umiiyak siya “Alam mo hindi kita
maintindihan eh! Why are you doing this to me now!”

Ang totoo, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan na din ako nang
sobra. “Si Merrick? Totoo bang sinabi mo na ang first real love mo ay si Merrick.”

Nagulat siya, but I have this feeling na hindi siya magsisinungaling. “Yes! He is
my first love. At alam mo, siya din ang first kiss ko, hindi ikaw!”

“What are you saying! I’m your first kiss!” The picture! Nakalimutan na ba niya
yun!

“No! Merrick and I kissed first before we did!” Tumayo siya nang hindi man lang
tumitingin saakin. “And you know what, I might as well make him my first real
boyfriend.”

Sobrang nagpintig ang tenga ko noong sinabi niya yun. Nagagalit ako? Oo!
Nagseselos? Siguro nga! Nasasaktan na? Sobra!

Then I grabbed her, hugged her and kissed her. Matagal na magkadikit ang mga labi
namin, at pagkatapos nun without looking ather, tumakbo na ako paalis. Ang puso ko…
ang bilis ng tibok…

End of Chapter 15 Part 1

15.2: First Love, True Love


(Cecily Gonzaga POV)

“Naalala niyo yung wedding play noon. Yung ako yung bride… tapos si Merrick yung
groom?”

Napatingin saakin sina mama at papa. “Oo… Buhay pa mommy mo noon eh. Bakit mo
natanong”

“Ha? So… si… sino yung unang humalik saakin nun?”

“Syempre si Merrick!” sabay nilang sinagot. “Siya ang groom mo nun eh.”

“Ah… yeah I remember.” Tapos tinignan ko sila and I smiled. “Siya nga first kiss
ko noh!” But my smile was fake.

“Hindi noh! Hindi mo first kiss yun! Ako kayang papa mo ang first kiss mo!”

“Papa! Hindi counted as first kiss ang halik ng parents! Pwede ba!”

“Well then, hindi pa rin si Merrick! Si Asher! Nagkikiss na kaya kayo ng anak ko
nung baby ka pa.” Tapos parang nagdaydream si mama Percy. “Naalala ko pa nung
maliliit kayo! Lagi ka lang pinapanood ni Asher kapag natutulog ka, tapos bigla ka
niyang hahalikan! Ang cute!”

“Ay oo nga Percy! Ang manyak nga pala ni Asher nung bata pa siya noh!”

Binatukan ni mama Percy si Papa at nagtawanan sila. So… so that means…

Natigil lang ang usapan namin nang dumating na si Merrick. Ngayon kasi yung first
date namin, at pinaghandaan ko talaga ng araw na ‘to.

“Wow! You’re so beautiful. I’m glad you’re back with your old hairstyle. Ang
ganda!” Tapos hinawakan ko ang buhok ko. Hinayaan ko lang kasing straight at bagsak
lang ang buhok ko. Tinamad akong mag-curls.

“Ahhh… thanks. Tara, alis na tayo.” I smiled at him. Nasabi niya kasi saakin noong
birthday ko na mas bagay din saakin yung dati kong buhok .

“Oh Merrick, alas-syete dapat nakatungtong na ng bahay si Silly. Kapag lumagpas


kayo dun, hindi ka na makakaulit.” Teka… parang ganun din ang pagkakasabi ni papa
noon nung mag-date kami ni Hadwin. Natawa tuloy ako.

“Yes tito! I’ll take care of her.” At umalis na kami. This is it! Ang first date
namin ni Merrick. And this day. This day, plano ko na din siyang sagutin.

(Asher Carillo POV)


Three days after kong halikan si Silly, nahiya na akong magpakita sa kanya. Hindi
ko sinasadya, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. But I’m
not sorry, dahil actually, masaya pa nga ako nang gawin ko yun.

“Hello tito!” After three days, naglakas-loob na akong magpakita ngayon. I’ll
confirm it now. I’ll confirm it para matigil na ‘tong gumugulo sa isip ko. “Si
Silly po?”

“Ash?” nagulat sila pareho ni mama. “Kaaalis lang ni Silly, late ka na anak!” Bigla
akong binatukan ni mama.

“Aray! Bakit? Anong late? Saan siya nagpunta?”

“First date nila ngayon ni Merrick!” Naupo si Tito Al sa sofa nila. “May nabanggit
nga saamin si Silly bago sila umalis eh.”

“Po?” Napakunot ako. Tapos ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko. Dala ko kasi yung
kwintas na itinapon niya pabalik saakin. Kinakabahan ako sa sasabihin nila.

“Ash… alam namin na noon ka pa gusto ni Silly.”

“But you kept on hurting her.”

“Tito naman!” But they are right. Ilang beses na ngang nasaktan si Silly nang dahil
saakin.

“Kaya nga, pumayag na kaming makipag-date siya kay Merrick.” Natulala ako sa sinabi
ni Tito Al. “Si Merrick, sabi niya mamahalin niya at mapapasaya niya si Silly.”

“Po?”

“At alam mo ang sagot ni Silly?” napatingin ako kay mama. “Sinabi niya na after
their date, she will be able to smile again. You know what that means? Na sasagutin
na ni Silly si Merrick ngayon.”

Napaupo ako sa tabi nila. Nanghihina ako, naasar, nagagalit, naiiyak. “Late na…?”

“Late na! Noon pa. And this time, for real na ‘to. Hindi ito katulad nung kay
Hadwin lang dati.”

Napatakip ako sa mukha ko, dahil ayokong makita nila akong ganito. Inakbayan ako ni
Tito Al, at hinwakan naman ni mama ang kamay ko. “Narealize mo na ba anak?” Ang
sabi ng mama ko. Bakit? Nababasa ba nila ang nasa isip ko? Napatango na lang ako.
“Sabi ko na eh. Yan nga ang totoo mong feelings, ayaw mo lang i-admit. Slow mo kasi
Ash!”
“Sorry… sorry po.” Naiyak ako. Hindi ko na napigilan pa.

“Okay lang yun Ash... pero kung aalis ka na ngayon at pupunta sa amusement park na
pinagdalhan mo sa kanya noon, baka makaabot ka pa?”

“Ha?” Bigla akong napasingot at napatigil sa pagluha.

“Wag ka na ngang mabagal dyan Ash! Ang arte mo, para kang bakla! Maabutan mo pa
yun!”

Napatayo ako, so this means after all the things na ginawa ko, na saakin pa rin ang
suporta nila. “Thanks mama! Thanks papa!!!” Niyakap ko sila pareho.

“Papa?” At sabay nilang sinabing “Hoy! Hindi kami talo noh!” Nagkatinginan sila
mama at tito, I mean papa Al… at nagtawanan.

“I’ll win her back!” Tumakbo na ako paalis at sumakay sa motor ko.

Sa amusement park daw. Doon sa pinagdalhan ko noon kay Silly. Bakit naman kaya doon
nila naisipan mag-date? Maisip kaya ni Silly ang memories naming together, kahit si
Merrick ang kasama niya? Dinalian ko ang takbo, at pagdating ko doon, bumili ako
agad ng ticket at ipinark na ang motor ko.

Nagtatakbo ako kung saan-saan, hinahanap ko sila. Sana hindi pa ako huli! Sana…
hindi ko sila makita nang sila na. “Silly!” Isinisigaw ko ang pangalan niya, at
wala akong pakelam sa mga taong nakatingin. “Silly! Nasaan ka!” Isinisigaw ko ang
pangalan niya, ay dahil wala siya sa paningin ko. At… at ayokong pang mawala siya
saakin nang tuluyan. “Silly!!!”

Nilibot ko ang buong park, saan ko ba sila makikita. Pero hindi ako tumigil.
“Silly!!!” Ang laki nitong park, pero saan ko siya makikita? For the first time in
my life, wala akong maisip na pwedeng gawin. Hindi ko alam kung paano siya
hahanapin.

“Silly! Nasaan ka!” Please! Silly I need to see you! Ayokong mahuli na ang lahat!

Napaupo ako sa bench, at nakakahiya mang aminin, pero pagod na ako sa kakatakbo at
kakasigaw. “Silly…” Tumulo ang luha ko, kailangan ko siyang mahanap.
“Silly!!!!!!!!!”

“Ash?”

Napalingon ako sa familiar na boses na narinig ko. “Anong ginagawa mo dito? Bakit
pagod na pagod ka?” Nakita ko si Merrick...
Mag-isa, hindi kasama si Silly.

“Nasaan si Silly? Kasama mo siya diba?”

“Sinagot na niya ako Ash…”

End of Chapter 15 Part 2

15.3: I’m Going Crazy


(Asher Carillo POV)

“Sinagot na niya ako Ash…” Nakangiting sinabi saakin ni Merrick. Lalo akong
nanghina. Naiiyak ako, pero…

“Sabi niya, hindi niya ako kayang mahalin.” Ipinakita niya yung singsing na
niregalo niya kay Silly. “She can’t even accept my sign of love.”

“Teka… you mean?”

“She said no to me.” tapos inakbayan niya ako. Halatang pinipigilan niyang umiyak.
“She said no because she’s still inlove with you. Her true love.”

Napatayo ako sa sinabi ni Merrick. “Nasaan siya? Kailangan ko siyang makita!”


Parang bumalik ang lakas ko.

“Kanina pa kami naghiwalay. Hindi ko alam kung nasaan siya.” Tapos nginitian niya
ako. “But you know her well, Ash! You know where she could be.”

I smiled back at him. “Thanks Merrick!” Pero bago ako tuluyang umalis, may huli pa
akong sinabi sa kanya.

“You’re one of the people who made me realize that she should be mine. Thanks for
letting her go!” Tapos umalis na ako. Salamat Rickyboy, habang buhay kong utang na
loob ‘to.

At tumakbo ulit ako. And this time, wala akong pakelam kahit gaano na ako katagal
tumakbo. “Silly!” I will find you!

Napatigil lang ako sa pagtakbo nang makakita ako ng babaeng may long straight hair
na nakapila para sumakay sa ferris wheel. “Silly!” Isinigaw ko ang pangalan niya,
at nagulat ako nang malamang si Silly nga yun. Her hair… no… the whole Silly.
Parang ibang Silly ang nakita ko.

“Ash?” Tumakbo ako palapit sa kanya, at binaliwala ko yung mahabang pila ng mga
tao.

“Bawal pong sumingit sir!”

“Kasama niya ako kuya.” Hinawakan ko ang kamay ni Silly. Tamang-tama dahil pasakay
na siya sa ferris wheel. Sumakay kami sa ferris wheel, at binigyan ko lang ng ilang
segundo ang sarili ko para makahinga nang malalim at para ayusin sa utak ko ang mga
gusto kong sabihin.

“Teka… Anong ginagawa mo dito?”

Dinukot ko ang kwintas mula sa bulsa ko at ipinakita sa kanya.

“I told you, I don’t need that.”

“But I need you to have this. I want you to have this.” Isinuot ko sa kanya yung
kwintas at wala lang siyang nasabi. “This belongs to you.”

Parang namula siya, at umiwas nang tingin saakin. “Ano nanaman ba ‘to Ash?
Pinahihirapan mo nanaman ako eh.” Nung tumingin siya, umiiyak na siya.

Then I hugged her. I hugged her tightly.

(Cecily Gonzaga POV)

I don’t know what’s happening right now. He’s the least person that I expected to
be here right now. Pero nandito siya ngayon, magkasamang kaming nakasakay sa ferris
wheel. Yakap pa rin niya ako. Masaya ako, pero ayokong mag-isip ng kung anu-ano
dahil nagsawa na akong mag-expect.

“Just now, you… you rejected Merrick.” Nagkita sila? Paano niya nalaman?
“How did you?” Tinulak ko siya. “Ano bang ginagawa mo dito, sagutin mo nga ako!”

“No!!! Hear me out, okay!” Seryoso ang mukha niya, hindi ko alam kung ano bang
gusto niyang sabihin. Pero kinakabahan ako, parang sasabog na ang puso ko. “You
rejected Merrick. So is it safe for me to think and say, that you’re still in love
with me?”

He looked straight at me, what exactly is he trying to say?

“Silly… it took me so long before I realize that you are, after all, my dream
girl.”

Napatakip ako sa bibig ko. Ash, kung alam mo lang! Ang tagal kong hinihintay na
sabihin mo yan! Pero walang salitang lumabas sa bibig ko, words can’t express what
I’m feeling right now.

“I’m so stupid. So stupid na sa iba pa ako tumitingin.” Niyakap niya ako ulit at
nararamdaman kong umiiyak na din siya. “I was searching for my dream girl, without
realizing na all along, ikaw lang pala yun.”

Pinalo ko ang likod niya, “So just say it Ash!” Hindi ako makakahinga nang malalim,
at hindi ko masasabing sobrang saya ko hangga’t hindi niya pa sinasabi yung
talagang gusto kong marinig mula sa kanya.

“I love you!” Then he looked at me and he touched my face.

“You love me…?” No… not that Ash. “I don’t want you to just say you love me.”
dahil ilang beses na niyang sinabi yun.

“I love you… not as a friend or a sister… I love you Silly.” Tapos unti-unti
niyang nilapit ang mukha niya saakin. “I love you as my girlfriend.”

Lalo akong naiyak, because at last, after so many years of waiting, narinig ko rin
ang gusto kong marinig mula kay Asher. “You’ll be my girlfriend, right?”

Tumango ako, “Yes… I’m always your girl.”

He was so happy, and so am I. But when I felt na parang hahalikan niya ako,
napatakip ako sa bibig ko. Naalala ko kasi yung napanood ko sa TV about kissing
someone.

Napakunot na lang ng noo si Asher. “Don’t tell me after all that we’ve been
through, ngayon mo pa ayaw magpa-kiss saakin?”
“It’s not that!” Lalo tuloy akong nag-blush, para kasing nananaginip pa rin ako.
Parang lumutang na ako sa langit sa sobrang saya. Pero pag naiisip kong magki-kiss
kami, parang nahihiya ako at tsaka kasi… “Er…. Germs…” Para akong tanga!

Nasira yung moment namin at natawa siya nang sobra. “Germs? Kailan ka pa naging
germ-freak?” Tawa siya nang tawa, parang nawala yung sobrang kilig moment.

“Yun… yun nga yung napanood ko sa TV eh. Na marami ngang germs sa ka-kiss mo!”

Nagkatinginan kami, at napakagat labi lang siya. Awwww!!! Kiss na sana yun! Kaso
ano ba kasi ‘tong iniisip ko eh! Bobo!

“You’re really the silliest girl!” Tapos hinila niya yung panyo ko sa bag at
binukad ito.

Tapos idinikit niya yung panyo sa labi ko at saka siya yumuko para halikan ako.
Nararamdaman ko pa rin ang labi niya dahil manipis lang ang panyo sa pagitan namin.

Awww!!! Grabe nakakakilig! Then I closed my eyes, and suddenly I felt na parang
wala nang panyo na nakaharang. Hinila pala ni Ash yung panyo, and there I felt,
it’s really sweeter just like this.

“I love you.” I whispered.

“I know… I love you too.” He also whispered and he kissed me again.

End of Chapter 15 Part 3

A/N: Okay… Author’s not muna bago ang finale. Dito pa lang nagpapasalamat na ako at
pinagtyagaan niyong basahin itong story ko. Technically, hindi ito ang unang
finished story ko. Pero ito po ang first published story ko online so masaya ako at
nai-share ko ito sa inyo.
Ang drama masyado noh? Kakasakit sa puso eh! Pero gusto ko lang kayong i-inform na
Book 1 pa lang ito. Hindi ko pa alam kelan ko masisimulan ang Book 2 pero asahan
niyo pong magagawa ko rin yun. And just so you know, ang title po ng book two ay…

Girlfriend Complex
Sister Complex Finale
(Cecily Gonzaga POV)

“Ash! Gising na!” Nananaginip nanaman siguro ‘to. May pasabi-sabi pa siyang ‘Are
you having fun?’ Parang timang! “Hoy Ash!!! Gising!!!” At sa wakas, after 5 minutes
na pagyugyog ko sa tulog-mantikang si Asher, nagising din.

“Anong…? Nasan na?” sabi ni Asher. Gising na pero pikit pa yung mata niya kaya ako
na nagdilat sa kanya. Haha, ang cute!

“Anong nasaan na? Umaga na, male-late na tayo!” Ayan, nung sinabi ko yun,
napadilat nga ng sobrang laki si Asher, kaso mukhang na-bad trip yata.

“Konti na lang eh!!!” And OA ng pagkakasabi niya. “Eto na lang oh!!! Magki-kiss na
tayo!!!” Yuck, ang pervert! Mga lalaki talaga, kung anu-ano napapanaginipan. “Lagot
ka sa’ken!” Patay!

Bago pa ako tuluyang makalayo, nahila na niya agad yung sleeve ng damit ko at
kinurot-kurot ang pisngi ko. Then he hugged me and kissed me. Parang nangyari na
‘to ha!

“Manyakis ka Ash! Pati yun napapanaginipan mo!”

“Kasalanan mo bakit lagi kitang napapanaginipan!” Then he kissed me again.

“Maligo ka muna!” Tinulak ko siya at tumakbo ako pababa.

It’s official. Kami na nga ni Asher. At ilang buwan na din ang lumipas. I’m very
glad to say, that we’re happy together. Oo, I’m the happiest girl ever! But I also
made Asher the happiest boyfriend ever.

Kaso, may isang problema lang kami…

“Hoy… baka mamaya makita nanaman kitang may kausap na ibang lalaki.”

“Ha? Classmate ko nga yung kahapon! Ang OA nito. Wala ka bang tiwala saakin?”

“Sa’yo, meron. Sa kanila, wala!” Pagkasabi niya nun, sakto naman ang pagdating nina
Hadwin at Gwynne.

“Good morning!”

“Good morning!” Hawak ni Asher nang mahigpit ang kamay ko.

“Gwynne, sabihin mo saakin kapag pumuporma ulit yung Mark, yung Kevin at tsaka yung
Michael ha! Mapupuruhan na saakin yung mga yun eh!”

“Okay, ako bahala kay Silly.” Natawa na lang si Gwynne sa sinabi ni Asher. Silly na
rin pala ang tawag niya saakin, since we are very close. At best friend ko siya!

“Ayos ha! Ginawang guard ang kapatid ko!” Pinalo naman ni Hadwin si Asher.

“Ewan ko ba dyan! Masyadong ewan.” Actually natutuwa ako kahit sobrang higpit at
sobrang seloso nitong si Ash. Nakakakilig naman eh. Ahahaha.

“Teka ano bang bagay na tawag dyan?”

“Sister complex?”

“Hindi!” Lumapit si Merrick saamin. Dito na rin kasi siya nag-aaral sa school
namin. Magka-schoolmate na kami, at okay naman ang lahat. “Girlfriend complex ang
tawag dun.” Tapos inakbayan ako ni Merrick, “Diba Silly baby.” Nginitian ko lang
siya.

Sinupalpal naman ni Asher ang mukha ni Merrick palayo saakin. “Silly baby ka dyan!
Lumayo ka nga!”

Tapos si Hadwin naman ang umakbay saakin. “Basta Ces, kapag napagod ka na dyan kay
Asher, bumalik ka lang saakin!” At sabay kindat. Gumana nanaman ang pagka-playboy
nito.

“Isa ka pang kumag ka! Lumayas ka nga!” This time para wala nang ibang makaakbay
at makalapit saakin, nakayakap na lang sa likod ko si Asher.

“Alam niyo, ang gulo niyo talaga.”

“Oo nga, tama ka dyan Gwynne.” Nagtawanan kaming dalawa.

“Hi Gwynne.” Nginitian naman ni Merrick si Gwynne.

“Hello Merrick.” At parang nag-blush si Gwynne. Parang may something kasi sa


dalawang ito eh. Nagkatinginan kami ni Ash, pansin niya din kasi.

Bigla namang sumingit itong si Hadwin. “Oh ano yang hi-hello niyo dyan!” humarang
agad itong si Hadwin kay Merrick. Nakakatuwa, magkaibigan na sila, pero hindi
magkasundo.

“Bakit?” Nagkasabay sina Merrick at Gwynne at pareho na silang namula.

“Tingin mo, sabi sa’yo may something eh.” Bulong saakin ni Ash.
“Alam ko! Ako kaya may sabi sayo na may something.” Binulungan ko rin siya at
natawa kami pareho.

Maya-maya may lumapit pang isang babae. Nagsusulputan ang mga tao. “Kuya, heto
pala, nakalimutan mo daw sabi ni mommy.”

“Hi Mary!” sabay naming binati ni Asher si Mary. Ang nakababatang kapatid ni
Merrick. First year high school pa lang siya.

Napatingin si Hadwin kay Merrick at kay Mary. Ito namang si Merrick, biglang nag-
panic. “Oh sige na! Go back to your room na!” Nagpaalam kami kay Mary at umalis na
siya agad.

“Sino yun? Kapatid mo?” tanong agad ni Hadwin kay Merrick.

“Bakit?” Ang weird naman ng tingin ni Merrick sa kanya.

“Mukhang alam ko na ang mangyayari, ano sa tingin mo Silly?”

“Parang alam ko na din.”

“Ikaw ha. Hindi mo man lang sinabing may kapatid ka pala. Pakilala mo naman pare!”

“Pare? Hoy Hadwin! Kung dati hindi ka napatay ni Asher, ngayon ako magtutuloy!
Mamamatay ka muna bago makalapit sa kapatid ko.”

“Sister complex ba ito?”

“Ganito, sige papayag na akong ligawan mo si Gwynne… basta papayag kang makilala ko
si Mary.”

“Kuya! Ano ka ba!” Nahiya lalo si Gwynne.

“Talaga? Sige!” At ganun naman kadali kausap ni Merrick

“Sabi na. Mangyayari ‘to eh.” Hinila na ako ni Asher palayo sa kanila. “Gwynne
pasensya na, ikaw lang makakaawat sa dalawang yan.” Nginitian na lang niya kami.

“Sige…sige…”

* * *
At naglakad na kami palayo sa mga yun. “Diba ginawa mo rin yun saamin. Para
makapanligaw ka kay Gwynne, pinayagan mong manligaw saakin si Hadwin.”

“Ay! Ano ‘to? Muling ibalik? Wag mo na ngang ipaaalala yun!” Natawa na lang ako.
Balewala nanaman yung noon eh, dahil ang mas mahalaga yung ngayon. Yung ngayon,
para paghahanda sa magiging bukas namin.

“Pero tingin mo, anong mangyayari kina Hadwin at Merrick?”

“Hay naku! Puro ibang lalaki iniisip mo. Bakit hindi mo itanong, ano kayang
mangyayari kay Ash para maiba naman.” Seloso talaga nito, kahit kailan! Hindi ko
talaga in-expect ‘to ha.

“Yung sa kanila, sila na mag-aayos nun. Ako lang isipin mo, okay?”

Napangiti ako. “Yun naman pala eh. Ayaw na lang aminin na nagseselos.”

Then he poked my nose. “Ikaw ha, nakakarami ka na ng asar saakin!” Tapos aktong
kukutusan niya ako kaya napapikit ako, but then he hugged me and quickly gave me a
kiss.

“Ikaw ha. Mas nakakarami ka na ng halik saakin!”

"Sige gantihan mo na lang ako"

"Parang ako pa rin ang lugi nun!"

Nagtawanan kami at bigla na lang niya akong binuhat papunta sa classroom ko.
“Ahhhhh!!!”

Buti na lang walang ibang tao sa paligid, ayokong kasing may ibang makakita sa
happiness ko, sa happiness namin.

Ang moment kasi na ‘to ay lang para saaming dalawa.

"I Love You..."

THE END
Copyright © 2012 AegyoDayDreamer.
ALL RIGHTS RESERVED.
No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means
without express permission from the author.

You might also like