Teoryang Realismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TEORYANG REALISMO

Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.


Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksiHan ng may-akda sa kanyang
lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan
HALIMBAWA NG MGA AKDA
1.AMBO
2.BANGKANGPAPE
3.MGA IBONG MANDARAGIT
4.MAGANDA PA ANG DAIGDIG
5.DEKADA ‘70

IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING REALISMO SA PANITIKAN


PINONG (GENTLE) REALISMO
May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang
pagmamalabis at kahindik- hindik
SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng
pang araw-araw na suliranin
SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos
KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspektong
may kapangitan at panlulupig nito
SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring
mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis
MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO
Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang
katotohanan kaysa kagandahan
Mga Halimbawa ng Mga Realismong Pelikula
Ambo
Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio. Ito ay tumatalakay sa katiwalian
na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang
pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping
nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing
pangangailangan ng kanilang pamilya.
Bangkang Papel
Isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946. Nailimbag ito
sa librong Piling Maiikling Kuwento.
Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang
nailathala ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng
Pilipinas ang tunay na kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan maaring maglathala ng mga
kwento ang awtor. Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan
noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.Ang kwentong ito ay tungkol sa
pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang
ng bangkang papel.
Mga Ibong Mandaragit
Nobela ni Pambansang Alagad ng Sining Amado V. Hernandez, (1969) ITO ay tungkol
sa paghahanap ng makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal, at pagnanais ng mga tao na
lumaya mula sa mga makapangyarihang puwersang panlipunang patuloy na nagpapahirap sa
mga dukha.
Maganda pa ang Daigdig
Nobela ni Lazaro Francisco (1955). Ito ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay
anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal.
Ang Dekada ’70
Isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang pagsasalaysay ng
mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada
ng 1970.
Isang makahulugan ngunit hindi mapanghimagsik na nobelang Pilipino, ang Dekada ’70
ay isa sa dalawang nagwagi ng mga pangunahing Gantimpalang Palanca noong 1983. Ginawa
itong isang ganap na pelikula ng Star Cinema noong 2003, na kinabidahan nina Christopher de
Leon at Vilma Santos.

You might also like