Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

EVERYTHING ABOUT HER

Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal


MGA TAUHAN:

Dra. Vivian Rabaya (Vilma Santos)– siya ay isang matagumpay na real estate mogul. CEO siya
ng Optima Land. Siya ay kilala sa kanyang larangan at alam din naman ng lahat na siya ay isang halimaw
na kumakain ng tao, na lumalamon ng buhay. Gayon pa man, hindi maikakailang sa likod ng kanyang
pagiging strikto sa gawain ay ang kanyang kabutihang loob.

Jaica (Angel Locsin) – isa siyang mapagmahal na anak at kapatid. Panganay siya sa apat na
magkakapatid. Iniwan sila ng kanilang nanay sa kanilang ama upang ito’y makapagtrabaho. Siya ay isang
magaling na nurse kaya siya ang naging PDN ni Dra. Rabaya.

Albert Mitra (Xian Lim) –ang anak ni Dra. Rabaya na matagal na nawalay sa kanya. Malamig ang
kanyang pakikitungo sa kanyang ina dahil sa ginawa nitong pang-iiwan subalit sa kalauna’y natuto siyang
patawarin ito dahil kahit pagbali-baligtarin ang mundo’y ina niya pa rin ito. Sa huli’y napangasawa niya si
Jaica.

BUOD NG PELIKULA:

Nagsimula ang pelikula sa pagpapakilala kay Vivian Rabaya bilang isang real estate mogul na
puno ng kagalingan sa kanyang larangan. Ipinakita ring kahit ganoon siya’y itinatago pa rin naman siyang
kabutihan dahil bago siya um-attend sa isang awards night ay dinaanan niya muna ang mga batang
nagbebenta ng sampaguita sa kalye upang makipag-usap at makilala ang mga ito. Nang siya ay nasa
paanan na ng building na pinagdarausan ng awards night, bigla siyang natumba. Ipinakilala naman si
Jaica na isang determinadong nurse na kahit minsan ay may pagkataklesa at insensitibo ay
pinapahalagahan pa rin ang kanyang pamilya’t trabaho. Habang nasa elevator patungo sa floor na
kanyang pinagtatrabahuhan, tinawagan siya ng kanyang pinsang si Boy at sinabi nitong nakakain daw ng
sabon ang kanilang alagang asong tinatawag nilang Nanay. Nang makarating sa palapag na kanyang
pupuntahan, kaagad siyang nagbihis at nagtrabaho. Matagumpay nilang na-revive ang pasyenteng
kanilang hina-handle. Binigyan siya ng panibagong assignment ng kanilang doktor dahil alam nito ang
kapabilidad nitong gawin ang mga bagay na ‘yun. Pagdating niya sa kanila, naabutan niyang
nakikipagsagutan si Boy sa kanilang kapitbahay dahil sa utang niya rito. Nang humupa ang tensyon,
kaagad na pinuntahan ni Jaica si Nanay. Nadatnan niya itong nakahiga kaya kinausap niya saglit.

Pagpasok niya sa kanilang bahay, kaagad siyang pinaalalahanan ng kanyang nakakababatang kapatid na
babae na si Jewel sa kanilang immersion sa Boracay na nagkakahalagang limampung libong piso.
Umalma si Jaica pero wala siyang magawa dahil mapilit ang kanyang kapatid. Sinabi nitong kailangan
niya at ng kanyang mga kabarkada ng inspirasyon sa college life kaya dapat silang sumama. Sinabi rin ni
Jared, kapatid niyang lalaki, na kailangan ding mag-recording session ng kanilang banda bilang
inspirasyon. Dumating naman ang isa pa niyang kapatid na si Jewey at sinubukan siyang bentahan ng
Michael Kors na bag na nagkakahalagang tigaanim na libo subalit kaagad na humindi si Jaica dahil wala
raw siyang pera. Bago siya matulog sa kanyang silid, nadaanan niya si Jewel na nakikipagvideo chat sa
kanilang ina at sinusumbong dito ang kahigpitang ginagawa ng kanilang ate Jaica. Samantala, si Vivian ay
nagkaroon ng meeting kasama ang mga doktor at isa na rito si Doc Raymond. Ipinaliwanag nila sa kanya
na siya ay may multiple myeloma, isang uri ng cancer na nagsisimula sa plasma cells ng bone marrow.
EVERYTHING ABOUT HER
Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal
Mabilisan nitong pinahihina ang buto ng isang tao. Pinaalam nila kay Vivian ang mga maaari pang gawin
upang mapahaba ang kanyang buhay. Pinaalala rin nila sa kanya na 29 buwan lamang ang itatagal ng
kanyang buhay. Sinabi ni Vivian sa mga doktor na gawin nila ang lahat dahil sabi niya’y cancer lamang
yaon, isang bagay na hindi nakakabaliw. Nagpatawag ng meeting si Vivian kasama ang mga stakeholders
ng kompanya. Sinabi niyang magpapagawa siya ng subdivision para sa mga manggagawa nilang siyang
totoong nagpapakahirap upang magtagumpay silang lahat. Umalma ang isang stakeholder kaya’t
ipinaalala ni Vivian na kaunti lamang ang shares ng babae at 70 porsyento ay kay Vivian pa rin kaya wala
itong magagawa. Isa pa ay seguridad at kapakanan ng mga manggagawa ang pinag-uusapan kaya
nasunod ang gusto ni Vivian. Ipinatawag ni Doc Raymond si Vivian at Jaica. Ipinaalam ng doktor na si
Vivian ang napili niyang private nurse para sa mayamang babae. Nagdalawang isip muna si Vivian bago
tinanggap si Jaica dahil sa ika-28 lamang ito sa board exam at may dalawang warning pa dahil sa
insubordinasyon sa mga superior sa hospital ngunit kaagad naman siyang nakumbinse dahil sa lahat ng
review mula sa mga pasyente at pamilya ng mga ito ay 10/10. Nalaman ni Jaica mula sa doktor na siya
ang magiging PDN ni Vivian at ang kanyang magiging sahod kada buwan ay siyamnapung libong piso.
Nagkaroon sila ng non-disclosure agreement na hindi sasabihin ni Jaica kahit kanino man ang tungkol sa
sakit ng babae. Masayang umuwi si Jaica upang ipaalam sa kanyang pamilya ang magandang balita, na
mabubuhay sila dahil sa cancer. Habang masayang nagkukwentuhan kasama ang kanyang pamilya sa
hapag-kainan, dumating si Boy at sinabi nitong nawawala si Nanay. Binalewala ito nila at inutusan na
lang siya ni Jaica na kumain na. Palpak ang naging unang araw ni Jaica. Nagkaroon ng job hiring at
nasaksihan mismo ni Jaica kung gaano kahirap pumasa sa pamantayan ni Vivian. May nahilo at mayroon
ding sumuka dahil sa pressure. Habang naghihintay sa labas ng office ni Vivian, nakatulog siya’t
nanaginip na binato raw siya ng tape holder nito.

Gabi na siyang nagising kaya dali-dali siyang pumunta sa bahay ng babae. Ayaw siyang papasukin ni
Vivian kaya naghintay muna siya sa labas ng silid nito. Habang naghihintay, nagtext si Doc Raymond.
Tinanong nito kung kamusta ang kanyang unang araw. Nagtext din si Vivian. Sinabi nitong ayaw nitong
natutulog si Jaica sa oras ng trabaho. Dahil sa pagkainis, hindi napansin ni Jaica na ang galit na galit na
text ay kanyang na-send sa babae. Lumabas si Vivian at tinanong siya kung sino ang tinutukoy niyang
impakta at puta sa text nito. Inamin ni Jaica na siya nga ang tinawag niyang impakta ngunit hindi ang
‘puta’. Tinanong ulit siya ni Vivian kung ano ang impakta para rito. Sinabi nitong ang impakta ay yaong
nanlilisik ang mata, pangit ang lumalabas sa bibig, kumakain ng tao, lumalamon ng buhay, uhaw na
uhaw sa dugo at iiwang gutay-gutay ang biktima, malupit, terror, ayaw ng tatanga-tanga, ayaw ng paulit-
ulit. Sa huli ay nagtanong si Jaica kung tanggal na ba siya sa trabaho ngunit sinabi ni Vivian na maghanda
siya dahil makikilala nito ang totoong impakta kinabukasan. Kinabukasan, ipinakilala ni Vivian sa kanyang
mga assistant si Jaica. Pinansin ng isa ang suot na sapatos ni Jaica kaya pinaalalahanan siya ni Vivian na
wag nang suutin itong muli sa trabaho. Naghanap ang kumpanya ng arkitekto para sa isasagawang
subdivision subalit ni isa ay walang pumasa sa standards ni Vivian. Iminungkahi ni Leo, adviser ni Vivian,
na ihire na lang ng babae ang anak nitong si Albert na matagal nang nawalay sa kanya. Pinalabas ni
Vivian lahat ng kanyang assistant at maging si Jaica na tinawag niya pang ‘stupida’ at ‘tonta’. Habang
nakapikit si Vivian upang inject-an ng mga gamot, binasa ni Jaica ang magasin kung saan ang babae ay
featured. Nalaman niya kung gaano talaga kalaki ang pangalan nito sa kanyang larangan. Nang matapos
ang gamutan, hindi pa man nakakabangon ay kaagad nang tinawagan ni Vivian si Paul, ang executive
EVERYTHING ABOUT HER
Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal
assistant niya, para magbigay ng updates. Kinagabihan, sinamahan ni Jaica si Vivian sa kwarto nito.
Ipinagtabuyan siya ng babae subalit wala itong nagawa dahil mapilit si Jaica na manatili roon upang
mabantayan siya. Sumuka si Vivian sa kanyang mamahaling bag dahil ito lamang ang pinakamalapit na
bagay na nakuha ni Jaica. Tinawagan ni Jaica si Albert, ang anak ni Vivian, mula sa numerong ibinigay ni
Leo. Pagdating sa building na kanyang pinagtatrabahuhan, galit na naman si Vivian dahil tatlong araw
na’y wala pa silang nakukuhang architect. Sinabi naman ng isang assistant niya na may nakuha na si
Jaica. Pumasok sina Jaica at Vivian at nagkaharap ang mag-ina. Tinanggap ni Albert ang offer ng
kompanya nina Vivian dahil para dito, maganda itong pandagdag sa kanyang resume. Naging malamig
ang pakikitungo ng binata sa ina nito. Nang makaalis si Albert, nagtaka si Vivian kung ba’t kaagad na
pumayag ang binata sa offer nila. Tinanong niya si Jaica kung hindi ba nito sinabi ang totoo sa kanyang
anak dahil kung oo, tatanggalan niya si Jaica at baka nga mapatay niya pa ang dalaga. Binalikan ni Jaica
sa kanyang isipan ang mga naganap at oo, nabanggit niya kay Albert ang sakit ng ina nito ngunit
nagsinungaling na lamang siya sa babae. Inutusan ni Vivian si Jaica na siguraduhing habang nasa bansa si
Albert ay manatili ito sa bahay ng kanyang ina. Hinabol ni Jaica si Albert at naabutan niya itong
nakasakay na sa taxi at paalis na. Ipinaalam ni Jaica kay Albert ang tungkol sa non-disclosure agreement
nilang dalawa ng kanyang

ina. Nagmakaawa siyang pumayag na sa gusto ng ina nito dahil kung hindi ay matatanggalan ang nurse
ng lisensya. Sa pagpipilit niyang tulungan ng binata, hindi sinasadya’y nasabi niyang kahit virginity niya’y
ibibigay niya rito para lang mapapayag ito. Nabigla si Albert nang malamang birhen pa pala ito ngunit
kaagad na sinabi ng babae na isikreto lamang ito ng lalaki. Napapayag ito ni Jaica.

Kinabukasan, nagpahanda ng breakfast si Vivian. Nang makababa si Albert, inanyayahan siyang kumain
ng kanyang ina. Tinanong siya nito kung ano paborito niya pa ba ang tapa subalit napatda siya nang
malamang hindi pala sanay na mag-almusal ang kanyang anak. Nagpaalam na ito dahil meron pa raw
itong meeting. Sinundan ni Jaica si Albert at naabutan niya ito sa hagdan. Muntik na siyang mahulog
kung hindi lang sana siya nasalo ni Albert. Nagpasalamat si Jaica sa pagpayag ni Albert sa kanyang
pagpipilit. Sa presentasyon ni Albert sa kanyang plano para sa subdivision, hindi naiwasang magkaiba sila
ng plano ni Vivian. Gusto ni Albert na gumawa ng glass clarestroy windows sa bawat bahay subalit
sinalunga ito ni Vivian. Ipinaalala nitong mahal ang steel at glass sa Pilipinas. Sinabi naman ni Albert na
makakatipid sila sa pagdaan ng panahon dahil hindi na kakailanganin ng home owners na buksan ang
ilaw kapag may araw. Sa bahay, nag-usap saglit sina Jaica at Albert. Napansin ni Albert ang green hair ni
Jaica sa isang bahagi ng ulo nito. Sinabi ng dalaga na simbolo ‘yun ng pagrerebelde sa sistema ng
pamahalaan, sa pamilya, sa problema. Habang nasa trabaho, tumawag ang ama ni Albert at tinanong
siya ng kanyang ama tungkol sa ina nito subalit wala itong maisagot. Nagtanong din ito kung gusto
nitong mag-extend ng stay subalit sinabi nitong aalis siya na tulad ng pinlano niya. Nadatnan niya si Jaica
na nagpapractice ng British accent. Ipinaalam ni Albert kay Jaica na aalis na siya at babalik na sa US.
Nabigla si Jaica. Nagkausap sila at nabanggit ni Albert na maganda si Jaica. Ipinatawag ni Vivian ang
dalawa at pinapanhik sa rooftop ng building.
EVERYTHING ABOUT HER
Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal
Kinabukasan, napagpasyahan ni Vivian na hwag nang magchopper pauwi sa Maynila. Sa huli’y si Albert
ang nagmaneho sa sasakyan nilang tatlo. Dumaan ang tatlo sa L’Opera upang mag-almusal doon.
Habang nasa L’Opera, nagkukunwang binabasa ni Albert ang pahayagang nasa harap nito upang
maiwasan ang kanyang ina. Napansin ni Jaica ang kagustuhan ni Vivian na makausap ang anak nito kaya
pinayuhan niya nang palihim na magkunwa itong nabulunan ng kanin upang tulungan siya nito subalit
nang pasubo na si Vivian, nagpaalam naman si Albert na pupunta sa comfort room.

Lumabas si Vivian ng bahay at napag-usapan nila ang ginawang pagamin ni Jaica sa sakit ng babae sa
anak nito. Gayun pa man, nagpaliwanag si Jaica na kaya niya ito nagawa ay dahil sa tingin nito’y yaon
ang makakatulong kay Vivian. Nabaling ang usapan sa usaping pamilya at nalaman ni Vivian na tulad ni
Albert ay lumayo din ang ina ni Jaica, na iniwan sila upang magtrabaho, hindi upang maging nanay nila.
Sa huli’y hindi nagawang tanggalin ni Vivian sa serbisyo si Jaica. Kinabukasan, nagpunta si Vivian sa
trabaho na lulan ng wheelchair. Ipinaalam niya sa lahat ang tungkol sa sakit niya. Gayun pa man, nanatili
siyang matigas sa paninindigang dapat ay panatilihin ng kompanya ang pamamayagpag sa larangan nito.
Umiiyak niyang sinabi kay Leo na ayaw tanggapin ni Albert ang alok ng kompanya. Samantala,
pinagsabihan ni Jaica si Albert sa telepono na huwag na huwag nitong iwan ang ina nitong
nangangailangan dito. Narinig siya ni Vivian at sinabi nitong hayaan na lamang nilang makaalis ang anak
nito upang hindi siya nito makitang mamatay subalit sinabi ni Jaica na hindi pa tapos ang laban, na hindi
mamamatay ang babae dahil patuloy nilang lalabanan ang cancer na meron ito. Napaiyak ang babae at
niyakap niya si Jaica ngunit sa kalauna’y nawalan ng lakas si Vivian at kaagad siyang isinugod sa hospital.
Habang nakaratay sa hospital bed, dumating si Albert. Sinumbatan niya ang kanyang ina sa pagpili nito
sa trabaho kaysa sa kanya. Labis-labis ang pagiyak nito. Pinakiusapan niya ang kanyang ina na huwag siya
nitong iwanan ulit. Nagpasalamat si Jaica kay Albert dahil sa pagbabalik nito. Tumawag si Jaica sa
kanyang ama at itinanong kung bumabalik na ba ang nanay niya. Umiyak siya kaya tinanong ng ama niya
kung ang aso pa ba o ang totoo na nyang ina ang kanyang tinutukoy. Graduation ni Jewel. Malungkot ito
dahil hindi dumating ang ina nila. Isa-isang nagsialisan ang kanyang mga kapatid. Tinawag niya ang mga
ito at pinagalitan dahil sa pag-asa ng mga itong darating pa rin ang kanilang ina. Inutusan niya ang mga
ito na umupo at kumain ng pansit bilang selebrasyon kahit pa man nasasaktan ang kanyang mga kapatid.
Nang dumating sa bahay nina Vivian, tinanong siya ng babae kung kamusta ang pagtatapos ng kapatid
nito. Sinabi niyang hindi dumating ang kanilang ina tulad ng inaasahan ng mga ito. Sinabi ni Vivian na
baka abala lang talaga ito sa trabaho. Pinayuhan siya ni Vivian na tawagan ang kanyang ina. Binigyan din
ni Vivian ng scholarship si Jewel sa kahit na anong unibersidad sa Pilipinas. Nakipagvideo chat si Jaica at
ang kanyang ina at sila’y nagkaiyakan. Nagkapatawaran din sina Albert at Vivian. Ipinaalam ng doktor na
malala na ang sakit ni Vivian, na hindi na ito kayang lunasan ng kahit na anong gamot. Sinabi rin nitong
isang buwan na lang ang itatagal ng buhay ni Vivian. Sinabi ni Albert na may marami pang opsyon dahil
may mga nasaliksik siya dati tungkol dito subalit huli na dahil hindi na pala applicable ang mga iyon.

Nagkaroon ng selebrasyon, ipinakilala ni Jaica ang kanyang buong pamilya sa kina Albert at Vivian.
Nagbigay ng isang nakakaiyak ngunit nakakalakas ng loob na mensahe sa lahat ng mga dumalo. Hiningi
rin ni Albert ang permiso ng kanyang ina at maging sa ama ni Jaica na ligawan si Jaica. Pumayag naman
ang mga ito kaya isinayaw niya ang dalaga. Nagtapos ang kwento sa pagpapakita ng mga larawang sina
Jaica at Albert ay ikinasal sa isa’t isa at nagkaroon ng supling. WAKAS
EVERYTHING ABOUT HER
Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal

BANGHAY NG MGA PANGYAYARI:

TAGPUAN: Pilipinas

PROTAGONISTA:

Jaica (Angel Locsin)

ANTAGONISTA:

Dra. Vivian Rabaya (Vilma Santos) at

Albert Mitra (Xian Lim).

MGA SULIRANIN:

 Si Vivian ay nagkaroon ng meeting kasama ang mga doktor at isa na rito si Doc
Raymond. Ipinaliwanag nila sa kanya na siya ay may multiple myeloma, isang uri
ng cancer na nagsisimula sa plasma cells ng bone marrow. Mabilisan nitong
pinahihina ang buto ng isang tao. Pinaalam nila kay Vivian ang mga maaari pang
gawin upang mapahaba ang kanyang buhay. Pinaalala rin nila sa kanya na 29
buwan lamang ang itatagal ng kanyang buhay.
 Habang naghihintay, nagtext si Doc Raymond. Tinanong nito kung kamusta ang
kanyang unang araw. Nagtext din si Vivian. Sinabi nitong ayaw nitong natutulog
si Jaica sa oras ng trabaho. Dahil sa pagkainis, hindi napansin ni Jaica na ang galit
na galit na text ay kanyang na-send sa babae.
 Tinawagan ni Jaica si Albert, ang anak ni Vivian, mula sa numerong ibinigay ni
Leo. Pagdating sa building na kanyang pinagtatrabahuhan, galit na naman si
Vivian dahil tatlong araw na’y wala pa silang nakukuhang architect. Sinabi
naman ng isang assistant niya na may nakuha na si Jaica. Pumasok sina Jaica at
Vivian at nagkaharap ang mag-ina.
 Inutusan ni Vivian si Jaica na siguraduhing habang nasa bansa si Albert ay
manatili ito sa bahay ng kanyang ina.
 Pagdating sa Tagaytay, pinagalitan ni Vivian ang isa niyang empleyado dahil
hindi successful ang deal na iniatas nito sa lalaki.
 Nadatnan ni Jaica si Vivian na namimilipit sa sakit at pinapaalis ang mga
kasambahay nitong nasa kanyang silid. Dumating si Albert at nagtulungan silang
dalawa upang magamot ang ina nito. Nang utusan ni Jaica si Albert na kunin ang
gamot ni Vivian, nagtanong si Albert kung ‘yung pangcancer ba ang kukunin o
hindi. Narinig ito ni Vivian kaya pinaghahampas niya si Jaica kahit pa kalong-
kalong siya nito.
EVERYTHING ABOUT HER
Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal
 nagpunta si Vivian sa trabaho na lulan ng wheelchair. Ipinaalam niya sa lahat
ang tungkol sa sakit niya. Gayun pa man, nanatili siyang matigas sa
paninindigang dapat ay panatilihin ng kompanya ang pamamayagpag sa
larangan nito. Umiiyak niyang sinabi kay Leo na ayaw tanggapin ni Albert ang
alok ng kompanya.
 Napaiyak ang babae at niyakap niya si Jaica ngunit sa kalauna’y nawalan ng lakas
si Vivian at kaagad siyang isinugod sa hospital. Habang nakaratay sa hospital
bed, dumating si Albert. Sinumbatan niya ang kanyang ina sa pagpili nito sa
trabaho kaysa sa kanya. Labis-labis ang pagiyak nito.
 Graduation ni Jewel. Malungkot ito dahil hindi dumating ang ina nila. Isa-isang
nagsialisan ang kanyang mga kapatid. Tinawag niya ang mga ito at pinagalitan
dahil sa pag-asa ng mga itong darating pa rin ang kanilang ina. Inutusan niya ang
mga ito na umupo at kumain ng pansit bilang selebrasyon kahit pa man
nasasaktan ang kanyang mga kapatid.
 Ipinaalam ng doktor na malala na ang sakit ni Vivian, na hindi na ito kayang
lunasan ng kahit na anong gamot. Sinabi rin nitong isang buwan na lang ang
itatagal ng buhay ni Vivian.

MGA KAUGNAY NA PANGYAYARI SA PAGLUTAS NG SULIRANIN:

 Sinabi ni Vivian sa mga doktor na gawin nila ang lahat dahil sabi niya’y cancer
lamang yaon, isang bagay na hindi nakakabaliw.
 Lumabas si Vivian at tinanong siya kung sino ang tinutukoy niyang impakta at
puta sa text nito. Inamin ni Jaica na siya nga ang tinawag niyang impakta ngunit
hindi ang ‘puta’. Tinanong ulit siya ni Vivian kung ano ang impakta para rito.
Sinabi nitong ang impakta ay yaong nanlilisik ang mata, pangit ang lumalabas sa
bibig, kumakain ng tao, lumalamon ng buhay, uhaw na uhaw sa dugo at iiwang
gutay-gutay ang biktima, malupit, terror, ayaw ng tatanga-tanga, ayaw ng paulit-
ulit. Sa huli ay nagtanong si Jaica kung tanggal na ba siya sa trabaho ngunit
sinabi ni Vivian na maghanda siya dahil makikilala nito ang totoong impakta
kinabukasan.
 Tinanggap ni Albert ang offer ng kompanya nina Vivian dahil para dito, maganda
itong pandagdag sa kanyang resume. Naging malamig ang pakikitungo ng binata
sa ina nito. Nang makaalis si Albert, nagtaka si Vivian kung ba’t kaagad na
pumayag ang binata sa offer nila.
 Hinabol ni Jaica si Albert at naabutan niya itong nakasakay na sa taxi at paalis
na. Ipinaalam ni Jaica kay Albert ang tungkol sa non-disclosure agreement nilang
dalawa ng kanyang ina. Nagmakaawa siyang pumayag na sa gusto ng ina nito
dahil kung hindi ay matatanggalan ang nurse ng lisensya. Sa pagpipilit niyang
tulungan ng binata, hindi sinasadya’y nasabi niyang kahit virginity niya’y ibibigay
niya rito para lang mapapayag ito. Nabigla si Albert nang malamang birhen pa
EVERYTHING ABOUT HER
Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal
pala ito ngunit kaagad na sinabi ng babae na isikreto lamang ito ng lalaki.
Napapayag ito ni Jaica.
 Nakipagkita si Albert sa lalaking pinahiya ni Vivian. Nalaman niyang may punto
rin naman ang ina nito. Samantala, inayusan ni Jewey si Jaica upang mapansin
siya ni Albert. Dumating si Boy na nagbalitang nahanap na raw nila si Nanay
subalit wala naman pala ito sa lugar na sinabi ng kanilang mga kapitbahay.
 Samantala, pinagsabihan ni Jaica si Albert sa telepono na huwag na huwag
nitong iwan ang ina nitong nangangailangan dito. Narinig siya ni Vivian at sinabi
nitong hayaan na lamang nilang makaalis ang anak nito upang hindi siya nito
makitang mamatay subalit sinabi ni Jaica na hindi pa tapos ang laban, na hindi
mamamatay ang babae dahil patuloy nilang lalabanan ang cancer na meron ito.
 Pinakiusapan niya ang kanyang ina na huwag siya nitong iwanan ulit.
Nagpasalamat si Jaica kay Albert dahil sa pagbabalik nito. Tumawag si Jaica sa
kanyang ama at itinanong kung bumabalik na ba ang nanay niya. Umiyak siya
kaya tinanong ng ama niya kung ang aso pa ba o ang totoo na nyang ina ang
kanyang tinutukoy.
 Pinayuhan siya ni Vivian na tawagan ang kanyang ina. Binigyan din ni Vivian ng
scholarship si Jewel sa kahit na anong unibersidad sa Pilipinas. Nakipagvideo
chat si Jaica at ang kanyang ina at sila’y nagkaiyakan.
 Sinabi ni Albert na may marami pang opsyon dahil may mga nasaliksik siya dati
tungkol dito subalit huli na dahil hindi na pala applicable ang mga iyon.

PAKSA/TEMA:

“ ILAW SA DAAN”

Ang ating mga ina ay matatawag ding mga ilaw ng tahanan. Sila ang nagbibigay liwanag sa ating
mga simpleng tirahan. Hindi sila kahit kailan ma’y maikukumpara sa Meralco, sapagkat ang liwanag na
kanilang ibinibigay ay di hamak na mas maliwanag pa sa ibinibigay ng INEC, at hindi sila nagpapadala ng
mga “Disconnection Notice” sa ating mga bahay kasi wala silang hinihinging kabayaran o anumang
materyal na kapalit. Ang tanging hiling ng ating mga ina ay pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga
anak at kabiyak.

Ang pelikulang ito ay napapatungkol sa kung paanong ang inang si Vivian ay nagkaroon ng
kanser at ito ay ang naging daan upang bumalik ang loob ng kanyang anak na si Albert sa kanya. Sa
pelikulang ito, ipinakita ang isang inang napabayaan ang kanyang anak dahil sa pagpupursige sa kanyang
gawain. Hindi niya namalayang unti-unti niya palang naitulak palayo ang kanyang anak habang kinakabig
palapit naman sa kanya ang tagumpay. Ang ‘her’ na tinutukoy sa pamagat ng pelikula ay si Vivian Rabaya
dahil mapapanood sa pelikula kung paano siya at ang kanyang private nurse na si Jaica naghanap ng
paraan upang mapalapit na muli ang loob ni Albert sa kanya.

MGA ASPEKTONG TEKNIKAL:


EVERYTHING ABOUT HER
Sa Direksyon ni: Bb. Joyce E. Bernal
SINEMATOGRAPIYA:

Magaling si Direck dahil kapag katawa-tawa ang eksena ay hindi ko maiwasang


mapangiti o di kaya’y tumawa. Kung nakakaiyak naman ang eksena ay magandang maganda ang mga
binibitawang pahayag ng bawat tauhan, dahilan upang madurog ang puso ko ng pelikulang
ito.Napakaganda nitong pelikula maayos ang pagkakagawa at talagang pinagbutihan nila ito sa lugar
man o sa mga gaganap. Mahusay at marami ang tumangkilik ng pelikula. Madaming pinaiyak na mga
manunuod ng pelikula na ito at madami kang matututunan katulad nalang ng pagpapahalaga sa pamilya
na kahit anong mangyari ang pamilya ang nandyan para sayo.

MUSIKA:

Ito ay isang pelikula dahil ito’y napapanood at may kasamang tunog. Mapapanood dito
ang kwento ng pangunahing tauhan at mayroon ding kawil-kawil na mga pangyayari. Nilalapitan din ito
ng musika na akma sa bawat eksenang nagaganap.

VISUAL/EFFECTS:

Mahusay ang pagkakagawa ng pelikulang ito at ang nag-edit dahil ipinakita niya lahat ng
visual effects ng pelikula. Makikita mo lahat ng ibat-ibang eksena. Napakagaling!

KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA:

Sa pelikulang ito ay mapapanood ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na matagal na
nawalay sa kanya. Liban pa rito, makikita rin sina Jaica, Jewey, Jared at Jewel na patuloy na umaasang
babalikan pa rin sila ng kanilang ina. Nauwi rin sa kasalan ang samahan nina Albert at Jaica dahil
nalaman nilang mahal pala nila ang isa’t isa. Ipinakita din sa pelikulang ito ang reyalidad na nagaganap sa
mga mayayamang pamilya. Dahil sa kaabalahan sa trabaho ay nakakalimutan ng mga magulang na
bigyang pansin ang kanilang anak at madalas ito’y nauuwi sa hiwalayan. Mapapanood mo din sa
pelikulang ito ang pagbibigay importansya sa tao bilang isang mamamayang malaki ang maiaambag
tungo sa ikauunlad ng lipunan at ng buong bayan tulad na lamang nina Jaica at Vivian na patuloy na
nagtatrabaho ng maayos upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang buhay at ng mga tao sa paligid nila.
Pumaimbabaw din sa pelikulang ito ang feminismo dahil umikot ito sa kahinaan ng isang babae. Ipinakita
rito na hindi kaya ni Vivian na pagsabayin ang kanyang anak at trabaho. Gayun pa man, kakikitaan din ito
ng feminismo dahil ipinakita rin naman ang lakas ng isang babaeng mamuno sa isang kompanya at
maging ang mapabilang sa pinakamahuhusay na nurse sa buong hospital. Pinakita ni Vilma Santos na isa
talaga siyang napakagaling na artista, na gampanan niya ng mabuti ang kanyang role. Damang-dama mo
talaga kung paano niya ito ginanampanan. Hindi inaasahan ang paggaling ni Xian Lim sa pag-arte pero
dito sa pelikula na ito nakita mo kung paano niya dinala ang kanyang papel sa pelikula. Si Angel Locsin
naman humanga ako sa galing niya kung paano niya ginampanan ang pagiging isang nurse pinakita niya
kung gaano ang pagtitiis at paghihirap ng mga nurse para alagaan ang kanilang pasyente.Napakahusay at
napakagandang pelikula!

You might also like